Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

710K 19.8K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

7

11.1K 338 21
By reina_khaleesi


A/N: just a while ago, I experienced wifi failure, so kung hindi po umabot sa author's note ang pagbabasa niyo, meaning naputol po ung chapter 6. Paki refresh po ng reader niyo para makita niyo po ang kabuuan! Salamat! Lablab!

--

Deireen

The day went by smoothly. Nakakatuwa na kahit andun si Ruzzia sa harap ko, I was able to perform to my utmost capacity ng hindi napapahiya kahit kanino.

I am just so happy with the way things are running by na hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. The next thing I knew, hinahanap na ako ni Giana sa office para mag-lunch kami.

Saka ko lang naalala na hindi pa pala umu-order ng pagkain si Ruzz para sa kanyang tanghalian.

"Miss Giana, mauna na po kayo. Susunod na lang ako."

Tumango siya saka muling isinara ang pinto.

I looked at the man in front of me. He was so immersed in his work na hindi niya man lang napansin ang pagpasok ni Giana. Pupusta ako ng isang bugatti veyron na hindi niya na rin naalala na may kasama siya sa kwartong ito.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga saka umambang tatayo.

"Where are you going?" bigla ay bungad niya sa akin dahilan para mapatigil ako at tumingin sa gawi niya.

Hindi na naman siya nakatingin pero alam niya ang ginagawa ko. Naguguluhang inilibot ko ang paningin sa paligid para maghanap ng hidden camera ngunit kahit isa ay wala naman akong nakita. 

Nakutusan ko ang sarili ko. Bobo Dee? Kaya nga hidden kasi nakatago! Malamang di mo makikita.

"Deireen!"

"Babe--!" pabigla kong sagot. "Uh.. I-ikukuha ko po kayo ng lunch." pagtatapos ko sa aking sasabihin.

Umiling siya. "No need. Kakain kami nina Kamila sa suite ni Rio."

Kamila na naman. Isa pa talaga at iisipin ko nang may gusto ito sa asawa ng kapatid niya e.

"Er, well then, mauuna na po akong umalis." paalam ko sabay kuha ng bag sa ilalim ng upuan. "Do you need anything before I go?" muli ay tanong ko. 

Isang iling na naman ang kanyang sagot kaya tumango na lang ako at nagsimula nang umalis.

"Uh, wait.." bigla ay saad niya nung nakalapit na ako sa pinto.

Napalingon akong muli sa mesa niya.

"Bakit?"

"Uh.. Kung si Giana ang kasama mo, malamang kasama din nun si Kier. Do me a favor and don't be so close with him."

"Po?"

"Just do what I say!" singhal niya na naman kaya mabilisang tango na lang ang isinagot ko saka kumaripas ng takbo palabas. Mahirap na. Maganda na ang araw ko at ayokong masira iyon ng dahil lang sa kabadtripan ni Ruzzi.

Habang bumababa ako sakay ng elevator, napaisip ako kung bakit niya sinabi iyon.

Ang Kier ba na palaging kasama ni Giana ay kaibigan nito o ka-ibigan? Kung kaibigan, at gwapo, hindi kaya nagseselos si Ruzzi?

Oh my God! Nagseselos siya! Ayaw pahalata ng loko, e kitang kita naman sa mga kilos niya! Pakshet, mukhang magbubuntis na ako, malapit na malapit na!

Sa sobrang excitement ay halos takbuhin ko na ang layo ng cafeteria mula sa kinatatayuan ko pagkalabas ko ng elevator. Agad akong naglakad papunta sa kainan ng hindi napapagkit ang kakaibang ngisi sa mukha. Ilang empleyado rin ang nabaling ang tingin sa akin dahil sa kakaibang kilos ko. 

"Hi Miss Giana!" bati ko ng makalapit sa lugar na inuukupa nila. May kasama siyang isang matangkad na lalaki na parang model ng Bench sa sobrang gwapo. Nakaharap siya sa akin kaya nakikita ko ang pagsunod niya sa akin ng tingin. Iyong parang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. 

"Dee! Tara kain na. Kumuha na kami ni Kier ng para sayo." saad nito.

"Dee?" biglang singit nung lalaki. Kahit ang boses ay pang-model ang dating. Ang sarap pakinggan!

"Ay! Ito nga pala si Kier, kaibigan ko," pagpapakilala niya sa lalaki pagkatapos ay humarap din siya dito at ipinakilala ako.

Ang gwapo nga! Talagang magseselos dito si baby Ruzzi pag nagkataon. Dapat nga talagang hindi ako makikipaglapit sa kanya.

Halos tumalon ako sa gulat ng biglang tumili iyong Kier. Tumili siya sabay tayo at yakap sa akin ng mahigpit. 

"Oh my gulalay! Ikaw yung Dee? Yung new girl sa opis ni Sir Ruzz? Mamatay ka na babae ka, nakaka-inggit ka naman!" tili niya sa tainga ko. 

Halos malaglag ang panga ko sa pagkabigla. Iyong gwapo na macho na punyetang pagseselosan dapat ni Ruzzia ay bakla pala! Hayop! Paasa! Walang kwenta, ang sarap jumbagin ng feslak.

"Yakap pa Kier? Gusto mo putulin ko si Manoy?" singit nung babae na naiwang mag-isang nakaupo sa mesa na dapat ay inuukupa namin ngayon.

Agad naman siyang bumitaw at umirap.

"Hmp! Akala mo naman kung sino, nakaisa lang sa akin, pag-aari na ako!" maktol niya sabay upo sa dating inuupuan sa tabi ni Giana.

Kahit halos mabilaukan na ako sa pagkabigo, hindi pa rin mawala ang nagbabadyang tawa na gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi kasi ako makapaniwala na ang gwapong lalaki sa harap ko ay isang eba! Ay hindi, Adan pero pusong eba. King ina!

"Ba-ba-ba--" nauutal kong saad.

"Bakla yes! Beki, bakekang, binabae, baklita. Yes, that's me! Iisa lang yan at ako ang lahat ng yan! So proud to be me!" saad niya pa.

Napakurap ako. Hindi pa rin makabawi sa mga nagaganap.

"Meaning--"

"Oo nga kasi. I'm gay, okay?"

"Hindi, I mean, meaning, hindi kayo magka-ibigan nitong si Giana?" naguguluhan kong tanong. "Kasi diba sabi mo kanina, nakaisa na? Meaning?" paghihinging linaw ko.

"Meaning, chismosa ka. Itong pakbet, kumain ka at ng magkalaman naman ang katawan mong payatot." sagot nito saka inilapit sa akin ang isang tray na may gulay. 

Sinamaan ko siya ng tingin kasabay ng tawa na pinakawalan ni Giana.

"Pagpasensiyahan mo na. Bastos yang baklang yan e. Walang karespe-respeto."

"Tumigil ka. Sinisiraan mo na naman ako." saad nito.

"E bakit? Totoo naman kasi.."

"Mamili ka, jumbag o jugjug?"

Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko dahilan para gumawa iyon ng ingay sa buong paligid. Ilang empleyado rin ang nagawi ng tingin sa amin bago nagpatuloy sa pagkain.

"Tumigil ka nga Kier! Nasa hapag kainan. Bumuka pa ng isang beses yang bibig mo na yan, susupalpalin kita talaga." banta ng isa. 

Tumirik lang ang mata ng bakla tapos ay nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hay naku, so anyway, kumusta ang first day? May nangyari ba?" naeexcite nitong tanong. 

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa. Nasama na din siguro na madali akong makipagkaibigan kaya nagawa ko ring magkwento ng buhay ko sa kanila. Tuloy, halos hindi ko na nagalaw ang pagkain ko sa mesa habang sila naman ay busog na busog sa mga kwento ko lalo yung tungkol kay Ruzz.

"No way!!" sigaw ni Giana.

Napatingin kaming dalawa ni Kier sa kanya sa inasal niya.

"Bakit no way?" tanong ni Kier.

"Hindi ka ba nakikinig? Oh my God, type niya si Sir. Meaning, hindi yan magtatagal dito."

"So ibig sabihin, jujugjugin ni Sir Ruzz tapos itatapon na gaya ng aders?" naguguluhang tanong nito.

"Tss." tumaas ang itaas na labi ni Giana bago nagpatuloy. "Kailangan agapan natin ang pagtingin mong yan Dee!"

"Huh?" maging ako ay hindi mawari ang gustong gawin ni Giana.

"Kailangan magkaroon ka na ng boyfriend!"

Bigla itong pinitik ni Kier sa noo. "Hay naku Giana, ikaw yata ang hindi nakikinig e." singit ni Kier. "NBSB nga dahil sa boss. Sa tingin mo, magboboyfriend para lang iwala ang feelings? E kaya nga pala andito ay para makalapit kay Ruzzi baby niya."

Namula ako sa sinabi ni Kier. Hindi ko alam kung bakit, e yun naman talaga ang sinabi ko kanina, kaso nung so Kier na ang nagsabi, parang nakakahiya ang dating.

"So? Anong dapat gawin?" tanong ni Giana kay Kier.

"Edi wala. Hayaan natin siyang ayusin ang buhay niya."

Sukat pagkasabi nun ni Kier, umilaw ang mga mata ko. Of all people, siya pa lang ang narinig kong nagsabi nun sa akin! I mean, oo andyan sina Zed at Skye but Kier is the only person who actually made me feel that I can.

I can solve my own problems and live my own life.

"Hulog ng langit.." bulong ko sabay hawak sa kamay niya. "Oh my God, thank you."

Nanlaki ang mga mata niya sabay tingin sa magkadaop naming palad.

"Er.."

"I love you na Kiera baby! Bakla, you are now officialy one of my best friends.." saad ko sa kanya.

Nakita kong naningkit ang mga mata ni Giana kaya binalingan ko din siya. "You too, although isasama lang kita kasi friend ka din ni Kiera baby."

"What!? Trahidor ka!" singhal niya sa akin.

Magsasalita pa sana siya kaya kinuha ko na ang talong na nakatuhog sa tinidor at isinubo iyon sa kanya. Sakto naman ang pagtunog ng cellphone ko nung malunok niya anh pagkain kaya itinaas ko din ang kamay ko gaya ng ginawa ni Ruzz kanina.

"Ye--"

"Where are you?" bakas na naman ang iritasyon sa gwapong boses ng mapapangasawa ko.

"Uh, sa cafete--"

"Come up now. Marami pa tayong gagawin," utos niya ng hindi pinapatapos ang sasabihin ko.

Nanlulumong napatingin ako sa pagkain na mukhang hindi ko man lang nagalaw.

"P-pupunta na b-baby.." binulong ko yung huling salita kasi baka narinig ng dalawang kasama mo at maintriga pa ako.

Kaso wala palang palya ang tainga ng mga iyon, pagkababa na pagkababa ko ng phone, biglang sumingit si Giana.

"Baby!?"

"So official na?"

"Kelan pa?"

"My God, first time mag-gf ni Sir!"

"Papanhik ka na ba? Ang aga naman.."
"Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo."

Nagpatuloy sila sa palitan ng salita at pagtatanong habang ako naman ay pabalik balik ang tingin sa kung sino ang nagsasalita..

"Hep!" sigaw ko ng mapagod na ang leeg ko kakabalik-balik ng tingib sabay taas ng dalawang kamay. "Magagalit ang baby ko kapag hindi ako nagmadali. Bye guys.. Let's party next time."

Pinulot ko lahat ng gamit ko saka nag-akmang aalis. Pero naunahan ako ni Kier.

"Waitness Dee.." saad ni Kier.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Wag mong pag-isipan ng kung ano, pero... pinagbawalan ka ba niyang makipaglapit sa akin?"

Gulantang na napako ang nanlalaki kong mga mata sa kanya.

"May sa manghuhula ka?" hindi ko makapaniwalang tanong. Paanong nalaman niya yun?

Nakita kong bahagyang namilog din ang mga mata niya ngunit agad din namang napalitan ng ngisi.

"Wala."

"So pano mo nalaman.."

Narinig ko ang pagsinghap ni Giana dahilan para sabay kaming mapatingin sa gawi niya.

"Sinasabi ko na nga ba!" sigaw nito sa mukha ng katabi. "May relasyon kayong dalawa no! Bakla ka! Kinalantari mo si Sir Ruzz!?"

Napapikit si Kier sabay hawak na batok.

"Hindi na kita bati! Wag na wag kang pupunta sa bahay ko, kahit kailan! Bakla! Tae mong paasa ka!"

Iyon lang at tumayo na din si Giana at hinawakan ang braso ko saka marahas akong hinila paalis.

The last of what I saw before we disappeared is how Kier punched the table in irritation. Kung hindi ko pa napatunayan sa sarili kong beki ang bago kong kaibigan, baka isipin ko na lalaki talaga iyon.

Pero imposible talaga.

Imposible.

Kaso pano niya nalaman na pinapalayo ako ni Ruzz sa kanya?

Ang gulo naman.

----

A/N: magulo Dee? Hanap ka ng ibang otor. Hahaha. Pashnea.

Continue Reading

You'll Also Like

92.4K 1.5K 54
a girl who wanted to know her real identity, personality who really she was, and her first everything of her life, childhood friend, brother and firs...
1.5M 9K 11
What Gwen wants, Gwen gets. Iyan lamang ang simpleng rule ng buhay ng 17-year-old na si Gwen Guinto. She is your typical bad girl who breaks hearts o...
214K 10K 60
Pano kung may isang tao na nag pagulo sa tahimik mong buhay na bigla na lang isasabing mahal kita na ang gagawin sayo na ihahatid ka pauwi sa bahay n...
3.9M 64.4K 56
Nalilimitahan nga ba ang bilang ng tibok ng puso para sa isang tao? Ang gusto lang naman ni Xei, isang estudyante mula sa Section I ng isang science...