Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

704K 19.7K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

6

11.5K 345 9
By reina_khaleesi

Deireen

"Skye... Ky... Skylar!!!!?" singhal ko sa speaker nang manatiling tahimik sa kabilang linya.

"Yow! Oh my God, did I just sleep on you?" pupungas-pungas na bungad nito sa telepono. Halatang kagigising lang kasi medyo paos pa ang boses.

Mukhang tinulugan ako ng bruha habang nakikipag-usap ako at humihinge ng advice sa isusuot ko para mamaya.

It's already 4:30 in the morning for heaven's sake, wala pa akong napipiling damit na isusuot. Everything feels so overrated or underrated. Kahit iyong mga damit ko galing America, pakiramdam ko ang papangit na din. Sana pala nag-shopping ako kahapon, ngunit sa sobrang pagod ko kahapon kaya pagkabalik ko sa bahay, dumiretso na ako ng higa.

"Did I just sleep on you.." ginaya-gaya ko ang boses niya sa sobrabg inis. Kanina pa ako nai-stress tapos hindi man lang ako dinamayan. Sa halip, tinulugan pa ako! Friendship goals talaga!

Narinig ko ang marahang buntong hininga niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Yung totoo? Natulog ka ba o nag-imagine ka na naman magdamag?" kaswal na tanong niya sa akin.

Lumabi ako. Hindi na importante kung natulog ako o hindi, alam niya na din naman ang sagot dun e!

"Doesn't matter. So sa tingin mo alin na damit, iyong dark green o yung peach? Diba parang mas natural ang dating ko sa peach?" nag-aalala kong tanong.

"Natulog ka o hindi?" pag-uulit niya sa tanong kanina.

Sumimangit ako bago nagsalita. Ang kulit naman e, naiirita na naman ako nito.
"Skye naman e! Malamang!"

"Malamang ano?"

"Malamang hindi! Sino ba ang makakatulog, punyetang yan! Mamaya, buong araw ko siyang makakasama. Buong araw! Mantakin mo yun? Katumbas na iyon ng apat na taon kong kasama siya noong high school!"

"Tsk tsk, desperada." narinig kong bulong niya sa kabilang linya pero wala akong pakialam.

Bahala sila! Basta ako masaya.

"So ano nga kasi.." pag-uulit ko sa tanong kanina. Make-up artist slash designer ang babaeng to. Pag kasama ko siya, nagiging mas sosyalera ako, kaya naman ngayon, siya ang gagawin kong personal na taga-ayos sa akin.

"Naalala mo yung damit ng Lola ko na naiwan diyan sa condo mo?"

Tumaas ang kilay ko. Don't tell me..

"Oo, so?"

"Oo, so, yun ang isuot mo. Mapapadali ang pag-move on mo dun kasi hindi ka talaga papansinin dun." iyon lang at bumunghalit na siya ng tawa na animo'y tuwang tuwa sa perwisyong dulot niya. Hindi pa siya nakontento at muli pang nagsalita.

"Mas mabuti na din kung hindi ka muna maliligo ngayon o kung di naman, wag ka munang to-toothbrush!" sigaw niya saka sinundan na naman ng isang bagsak ng nakawiwindang na halakhak. Kung andito lang siya sa tabi ko, malamang may bukol na to sa ulo.

Sarkastiko akong napabulong. "Salamat ha? Ang bait mo talaga, punyeta ka."

Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag at padabog na tinungo ang CR para maligo.

Hay naku, binabawi ko na talaga na kadikit ko ang babaeng yun, ngayon ko lang naalala na mas marami nga pala siyang dinulot na perwisyo kaysa tulong sa buhay ko. Pagka ligo ko, kinuha ko ang toothbrush at hinagod ng mabuti ang kabuuan ng bibig ko, well--just to spite Skye.

Ha! Akala niya ba?

Habang kinikiskis ko ang ngipin ko ng sepilyo bulong ako ng bulong sa kawalan.

"Nakikita mo to Skylar!" saad ko pagkatapos himurin ng bula ang buong bunganga, "nagtotoothbrush ako babae ka!"

Mas lalo kong idiniin yung toothbrush na sa kabutihang palad ay iyong malambot ang bristle. Kung hindi ay baka kanina pa nagdurugo ang gilagid ko sa sobrang inis.

Lumabas ako sa banyo ng nakahubad. Mas gusto ko kasing ang buhok ko ang natatabingan lalo at sa kapal nito, halos mabasa ang carpet ko sa dami ng pumapatak na tubig kapag lumalabas ako ng banyo.

Matapos ang mga ginagawa kong ritwal, kinuha ko ang peach na damit saka isinuot iyon kasama ang black spandex na pamalit ko sa mga black na pencil cut skirts. Ang sa akin lang naman, maganda ang pencil cut pero mas humuhubog ang spandex.

One guy told me that I have this ass that men would kill for, kaya simula noon ay ginamit ko na iyong pang-boost sa confidence.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago kinuha ang make-up kit. Hindi naman sa hipon ako, pero sadyang mas kompyansa lang talaga akong lumabas na naka-full gear. Pakiramdam ko kasi, kapag naka make-up at naka style ako ng damit, parang kaya kong harapin ang mundo. It has been my pretend battle gear simula nung tumuntong ako ng kolehiyo sa banyagang bansa.

Natapos ako kakaayos ng bandang alas sais na ng umaga. Sumisilip na ang araw sa blinds ko kaya sa huling pagkakataon, nagkumahog akong sipatin ang aking kabuuan pagkatapos ay lumabas na ng condo.

Alas sais pa lang kaya wala pang katao-tao sa paligid. Ang mga kaulayaw ko lang ay ang mga ugong ng dumadaang sasakyan saka ang takatak ng sarili kong stilleto heels.

Naisuot ko yung peach dahil nawawala iyong kulay itim.

Ang huling ala-ala ko na lang doon ay iyong pagtapon ko sa bar nung masaktan ang paa ko at siguro ay hindi na nakuha pa ni Skye. Ayos lang naman sa akin yun kaso isa yun sa mga paborito ko lalo at sa loob ay pinalagyan ko iyon ng name print ni Ruzzia.

Ang totoo niyan, ang mga paborito kong gamit ay pinatatakan ko ng pangalan ni Ruzz.

Ewan ko ba, ginayuma siguro ako ng mokong na yun at ganito na lang ang obsession ko sa tao. Nakakapraning.

Kaya siguro kung halos pa lang ay ipagtulakan at ipagtabuyan niya na ako. Ay hindi pala halos, talagang pinagtutulakan at pinagtatabuyan niya na ako. I am longing for something permanent with him while he is busy looking for the temporary.

Coz with Ruzzia Montereal, I am not looking for something temporary. My goal is permanence. The thing that they call forever.

Binalingan ko ang kotse ko na nakatambay sa tabi pagkatapos ay nilakad ang distansiya sa pagitan namin. Pagkapasok ko, pinaandar ko na iyon at pibaharurot papunta sa Empire.

Pagdating ko sa Empire, dumiretso ako sa office saka inihanda ang kape na dinaanan ko sa Starbucks. Gumawa na din ako ng good morning note na ididikit doon. Pinag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng i love you kaso baka mabad-trip na naman siya sa akin kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtadtad nun ng mga ginuhit na puso.

Sunod ay inayos ko ang kanyang mga gamit kahit lahat naman dun ay nasa tamang pwesto. Mukhang isang control freak ang baby Ruzzi ko. Sadya nga talagang magkalayo ang ugali namin.

Inilabas ko na din ang picture frame ko saka inilagay sa desk niya. Pagkatapos ay nagsimula na din akong ayusin iyong sa akin.

"Ang gwapo mo!" mahinang bulong ko habang hinihipo ang larawan ni Ruzzia na nakalagay sa kaparehong picture frame na inilagay ko din sa table niya. This way, para kaming may couple frame. Nag-iisip din ako na magpapagawa ng couple shirt at couple caps para kompleto ang set up namin.

Syempre, looking forward sa future ako.

"Deireen?" bigla ay may boses na nagsalita sa likod ko kaya napatunghay ako ng mabilis. Sa sobrang bilis ay nasagi ko iyong frame ko na may larawan niya.

Nakangiwing binalingan ko iyon ng tingin, habang siya naman ay sinundan ang ingay ng nabasag na kwadro.

"Is that me?" hindi niya makapaniwalang tanong habang pinakatititigang mabuti ang larawan.

"Yes."

Lumipat ang tingin niya sa akin at kasabay niyon ang pagkunot ng kanyang noo.

"Wait.. What are you doing here?" tanong niya muli.

Nakagat ko ang labi ko sa kaba pero pinilit ko pa rin ang sarili na maging normal. Hindi pwede na makita niyang nag-aalinlangan ako. Susunggaban niya iyon, panigurado.

"Hindi mo pa alam? I'm your new secretary!" masaya kong bati sabay lapit para halikan siya sa pisngi pero humakbang siya paatras saka itinaas ang palad paharap sa akin.

"Secretary?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Kung ganun, hindi niya alam na ako ang bago? Mukhang mapapasabak ako dito ah. Kailangan kong galingan para hindi niya ako mapatalsik.

"Y-yes Ruzzi."

Lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ruzzi? Will you please stop calling me that? It's so annoying." iritadong saad niya.

Napatda ako sa narinig.

But that was my pet name simula pa noon. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun kaya ayokong palitan, ang kaso baka mabad-shot na naman yung brusko kaya hinayaan ko na lang. May isa pa naman akong endearment sa kanya.

"O-okay b-baby.."

Nakita ko ang pagguhit ng panggigilalas sa kanyang mukha ngunit milagro at hindi niya naman ako pinuna pagkatapos nun. Umiling-iling na lang siya sabay hakbang lampas sa akin para dumiretso sa kanyang mesa.

Lihim akong napangiti. Hindi niya ako pinuna. Meaning okay lang kahit baby ang itawag ko sa kanya! Punyeta, kinikilig ako!!

Pumihit akong muli at sinundan siya sa mesa niya. Hindi na ngayon mapagkit ang ngiti sa mga labi.

"Something funny?" muli ay narinig kong tanong niya ng hindi tumitingin sa akin.

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Paano niya nalaman na nakangiti ako, hindi naman siya tumunghay.

"W-wala po." kanina pa ako nauutal pero wala din akong pakialam.

"Okay then. Thank you for the coffee." iyon lang at tinalikuran niya na naman ako saka nagpaka-busy sa kung anong hinahalungkat sa kabinet sa tabi ng kanyang table.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi saka mabilis na bumalik sa pwesto. I am so freaking happy, I can't put my lips back to its neutral form! Pakiramdam ko maghapon akong nakangiti sa araw na ito. Pakiramdam ko din ay hindi ako mapapagod kahit ano pang iutos niya sa akin.

"Uh Deireen?"

"Yes?" agad akong humarap.

"I think you left this at my table." turan niya sabay lahad ng larawan ko na nakalagay sa frame.

Naglakbay ang mga mata ko papunta sa kamay niya saka mabilis na umiling.

"I... T-that is yours. I purposely put that there.." nabitin ang sasabihin ko dahil gumuhit na naman ang kanyang noo.

"I don't need this." pabalang niyang sagot.

Ngumuso ako saka malungkot na humakbang palapit para kunin ang larawan. Sayang, paalala ko sana sa kanya yun, lalo kapag nakakalimutan niya na ang presensya ko.

"Okay. I'll get it back--" ngunit hindi pa ako nakakalapit ng biglang mag-ring ang telepono sa table niya.

Itinaas niya ang hintuturo sa akin saka muling ibinalik ang larawan ko sa dati nitong pwesto. Pagkatapos ay sinagot ang tawag. Napako ako sa kinatatayuan saka hinintay na magmuwestra siyang kunin ang larawan. Kaso namuti na't lahat ang mga mata ko kakahintay, hindi pa rin siya kumikilos.

"Uhm.. Baby.." bulong ko saka itinuro ang larawan.

Pinanlakihan niya lang ako ng mata saka umaksyon na isara ang bibig at lumayas na sa harap niya.

Naguguluhang sinunod ko ang nais niya at bumalik sa table ko. Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang larawan. Mamaya ko na lang siguro kukunin. Pag nakaalis na siya.

---

A/N: ang toinks ng sulat ko. Hahaha. Patawad. Mukhang palya ang kwento na to, dang!

Anyway, salamat po sa mga boboto at kokomento. 😍😍

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
305K 7K 50
Thalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and...
329K 17.4K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8K 105 21
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Against All Odds Wife Series (Collaboration) (Novella) Sabrina Alonzo-Fortalejo is enjoying her peaceful...