Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

710K 19.8K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

3

14K 401 17
By reina_khaleesi

Deireen

He stormed out the club without even looking back habang ako naman ay nakatanga lang at pinapanood siyang umalis hanggang sa tuluyan na ngang mawala ang likod niya sa paningin ko.

Bumalik na ang kaguluhan sa loob ng Paramondium at halatang nakabawi na ang mga tao mula sa pagkabigla. Good thing na magaling ang DJ na meron sila dito, because he was able to turn the event into a freakin' milestone para mas lalong magwala ang lahat. Everyone has their hands waving in the air right now dahil sa upbeat na music at adrenaline rush.

Narinig ko pang sinungitan na naman ni Skye si Ashton, tinatanong kung hindi pa sasama kay Ruzzia pero umiling lang ang lalaki at sinangga na naman ang panibagong tagay ng alak na nais inumin ng kaibigan ko. I wondered if he's just being protective or talagang pushy ang lalaki na kasama ni Skye.

Nanlulumong bumalik ako sa mesa, bitbit ang kulay itim din na clutch at sinusubukang ayusin ang nalukot kong mukha.

Damn it! We are here to party tapos ito pang pangyayaring to ang tatapos sa kaligayahan ko?

I don't think so.

Not a chance in the whole fucking world! I hold my happiness in my hand, and I won't let anyone dictate when I will be happy.

Someday, mahahawakan ko din ang puso ni Ruzzia. And maybe that someday is not today, not tomorrow or the next effin' day, but I will see to it na mahuhulog din siya sa akin. Someday.

But today, this is the time to party. This is my day at hindi ako magmumukmok sa tabi dahil lang sa sinira ng magaling kong bestfriend ang plano na ginawa ko. Hindi ako magagalit sa kanya, o sa mundo o kay Ruzzia for being so hard-headed or cold-hearted.

I'll just fuckin' party!!!

If there's one thing that I've realized since my first rejection, is that it gets easier over time. Hindi nababawasan ang sakit pero nagagawa kong ibaling sa iba ang atensiyon ko para lang i-divert ang sarili kong puso.

Diversion is the key!

Kinuha ko ang isang bote ng jack daniels na nakatengga sa tabi at tinungga iyon, walang kopi-kopita, walang baso-baso. This is what we call, pure unadulterated buttoms upping. Para akong umiinom ng tubig sa ginawa kong paglagok kaya nang ibinaba ko iyon, halos natangay ko na ang 1/8 na laman ng bote.

Pinahiran ko ang bibig ko gamit ang likod ng aking kamao at sumulyap sa paligid.

Umaasa.

Nagdarasal na sana hindi pa siya tuluyang umalis.

Pero bigo na naman.

"Nakaalis na siya, he just sent a text." saad ng nasa harap ko.

Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita. "And who said that I'm looking for your friend?" mataray kong tanong.

Nakita kong nangunot ang noo ni Skylar habang nakatitig sa akin.

"Ayusin mo ang sagot mo, maayos naman ang pagkakasabi niya sayo ah?" saad niya.

And if the world did not just fucking tilted on its axis when she said that.

Pinagtatanggol niya ba ang lalaking iyon sa harapan ko? Sa mismong bestfriend niya pa? Ang lalaki na kanina ay inaaway niya at tinatarayan niya, now she wants me to talk to him with respect? As if I am the villian! Na parang kontrabida ako sa buhay nilang dalawa!

Nagkibit balikat na lang ako at itinaas muli ang bote.

"Shouldn't we at least try and stop her from doing that?" may halong pag-aalala ang boses ng lalaki pero ang narinig ko lang ay iyong pipigilan nila ako. The word stop.

Sisinghalan ko na naman sana iyong lalaki ngunit naunahan na akong magsalita ni Skye.

"Hayaan mo yan. That's show she deal with Ruzzia and his rejections. Pag nalasing yan, matutulog na yan and poof, wala na ulit kinabukasan." paliwanag niya dito.

"But isn't she gonna have a hell of a headache in the morning if she did that?"
Tumawa ang kaibigan ko kaya nakitawa na din ako although it was full of sarcasm and pain.

"At natumbok mo na din ang rason kung bakit kailangan niya ng Jack Daniels. Pag masakit ang ulo, hindi niya maiisip na masakit ang puso niya."

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Skye. Usually, halos maghapon din akong nakahiga at wala sa sarili kapag nalasing ako. That's how amazing my hang-over gets.

"And don't you dare tell him what happened after he left," pagbabanta ko sa kanya, "kundi ako mismo ang huhunting sayo at gigilitin ko ang leeg mo." saad ko sabay guhit ng hintuturo sa leeg na parang ginagaya ang pagbabanta na sinabi ko.

Natawa lang siya at tinaas ang dalawang palad na parang sumusuko na. Yeah dummy, laugh. At least one of us here actually have the guts to be happy.

"I won't promise." saad niya.

Naiiling na lang ako habang pinapanuod ang mga kasama ko sa harap nang harangin na naman nung lalaki yung baso na naglalakbay patungo sa bibig ng kaibigan ko. Sumimangot si Skye pero hindi na rin tumanggi.

Medyo magulo ang usapan ng dalawang to, I can see it. But knowing Skylar, alam kong walang problema na hindi naaayos sa kanya kaya hindi ko na siya inaalala.

What I am thinking of is Zed. Kung bakit niya nagawa sa akin iyon. Bestfriends code, damn it. Pag pipigilin mo tapos ayaw paawat, suportahan mo na lang. Pag umiyak, batukan mo tapos yung walang kamatayang, 'sinabihan na kita pero ang tigas ng ulo mo' na kataga.

But not this, not like this.

Mula sa likod ay narinig ko ang nanlulumong boses niya na nakikiusap pero hindi ko siya nilingon.

"Dee I'm sorry.."

Nagsimulang gumapang ang init mula sa daliri ko hanggang sa umakyat na iyon sa ulo ko. Halos manginig ang kamay ko sa sobrang pagpipigil na saktan siya, na sampalin o suntukin. Na maramdaman niya kahit kaunti ang mga nararamdamang lumulukob sa buong pagkatao ko.

I rounded on him this time, almost stumbling in my haste.

"Sorry Zed?" tiim bagang kong saad. Pabagsak na ibinaba ko ang bote sa mesa dahilan para gumawa yun ng ingay na hindi naman narinig sa sobrang gulo ng paligid.

"Maibabalik ba ng sorry mo ang nangyari? Ha!? Punyeta naman o, alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa tao na yun diba? Handa akong ibaba pati dignidad ko para sa kanya, mahirap bang intindihin yun?"

Namumuti na ang mga kamao ko sa sobrang pagkuyom niyon. Sa sobrang pagpipigil na makasakit.

Dahil ba hindi na ako umiiyak kaya akala nila wala na ang sakit? Akala ba nila naglalaro lang ako? Akala ba nila na-immune na ako?

Akala ba nila, dahil paulit-ulit nang nangyayari, nawala na ang hapdi?

Hindi! Punyeta.

Natuto lang akong magtago pero hindi nababawasan kahit isang kudlit sa sakit na dinaramdam ko. Mukha ngang habang tumatagal ay mas lalong lumalala pa. Hindi lang nila masyadong nakikita kasi gumagaling na ako sa pag-arte. Kasi ang dating ako na iyak ng iyak, napalitan na iyon. Pinatay ko na iyon.

Minsan nagmumukha na akong desperada kasi desperada na talaga ako. Hamakin mo ba namang labin-tatlong taon na akong nagpapakatanga dun sa tao! Tapos heto na ang pagkakataon at wawasakin lang ng kaibigan ko? Kaibigan ko pa!!?

"I'm really sorry. Please Princess.. " hinging paumanhin niya. Mukha na siyang asong iniwan ng amo ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am hurt and I want to hurt them too. Gusto ko ring makasakit. But I can't. These are my friends and I can't.

"Just leave Zed. Leave. I'll call you when I'm okay." saad ko habang hinahawakan ang ulo ko na nagsisimula nang sumakit.
Nakita kong tinanguan ni Skye si Zed as if saying na siya na ang bahala sa akin. Hindi nagtagal ay umalis na din ang kaibigan ko kaya naiwan kaming tatlo sa mesa na inuukupa namin.

"Kaying dalawa, you can also leave me be. I want alone time." saad ko kay Skye pero hindi siya tumalima. Tumaas lang ang kilay niya saka muling kinuha ang kopita na agad-agad na nakarating sa bunganga niya nung mabaling sa dance floor ang atensiyon ng lalaking si Ashton.

Napangiti ako. Skye and alcohol. Magkambal yata ang dalawa. Siya din ang nagturo sa akin na uminom lalo nung mga panahon na nagsisimula pa lang ang sakit ng pagtanggi sa akin ni Ruzzia.

Umiling akong muli saka binalingan ang bagong bestfriend ko na pamalit kay Zed.  Si Jack.

Buti pa ang Jack ko na to, kahit anong mangyari hindi ako iiwan. Nga lang, nagpapabili. May kapalit ang serbisyo.

"Hey, tama na yan." saad ni Skye ilang sandali makalipas ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung anong oras na ng gabi o umaga. Nakailang sayaw na si Skye kasama si Ashton habang ako naman ay kasayaw ang Jack Daniels ko.

I am raving drunk now. Totally wasted. Ni hindi ko na maihakbang ang isang paa ko na hindi natitisod sa kabilang paa. Pakiramdam ko ay lumulutang na ako sa hangin.

"Leave me alone!" singhal ko sabay akmang kukunin ang inagaw niya sa akin.

"Tsk, ni hindi mo na nga alam kung asan yung kanan sa kaliwa tapos ang lakas pa ng loob mo. Tara na, umuwi na tayo."

Inalalayan niya akong makatayo pero dahil hindi ko na kayang bumalanse, halos malugmok kaming pareho sa sahig. Sa huli, tinanggal ko na lang ang stilleto heels ko at itinapon iyon kung saan.

"Punyetang heels na yan, ang sakit sa paa! Ayoko na talaga!" sigaw ako ng sigaw at nagwawala na ako sa club.  Natigil lang iyon nung maramdaman kong bigla na lang akong lumutang sa hangin.

May kumakarga sa akin pero hindi ko alam kung sino at sa itsura ni Skye, mukhang hindi ko na kailangan pang mag-alala.

Binalingan ko ng tingin ang kumakarga sa akin at halos mailuwa ko na ang lahat ng alak na nainom ko nang makita ang mukha ni Ruzz.

Ang luha na kanina ko pang tinitimpi ay agad na nagsipag-unahan na makalabas at magragasa sa pisngi ko.

Tumawa ako ng mapakla sabay tabon ng braso ko sa aking mga mata.

"Pakshet na buhay ito, pati ba naman ibang tao, mukha na rin ni Ruzzia ang tingin ko? Walang kwenta.."

Palagi na lang, kapag lasing ako, kahit noon pa, palaging mukha niya ang nakikita kong kumakarga sa akin. Kung sino man na lalaki ang makuha ni Skye, kapag ako ang titingin, palagi na lang na si Ruzz ang tingin ko.

Bwiset na imahinasyon.

Tumawa ang lalaki na ang hinuha ko ay si Ashton ngunit pati tawa niya ay pareho na din ng kay Ruzzia dahilan para mas lalo akong maiyak.

Naaawa ako sa sarili ko.  Nakakaawa talaga ang katangahan ko para sa taong yun.

Aalis sana ako sa pagkakakarga niya ngunit nang gumalaw ako, biglang umikot ang paligid. Sa huli, ipinulupot ko na lang ang kamay ko sa leeg nung lalaki at sininghot pati na rin ang pamilyar na amoy ni Ruzzia sa leeg nito. Pati ba naman pabango nila, pareho na rin?

"Oh my God, I'm so sorry Skye. Sisinghutin ko muna ang leeg ng Ashton mo kahit ngayong gabi lang promise." Hinging-paumanhin ko sa kaibigan ko.

"Sige Ashton, lalaki ni Skylar, ihatid mo ko sa bahay ko, pagkatapos ay magsilayas na kayo sa buhay ko." saad ko bago ako tuluyang nawalan ng malay sa sobrang kalasingan.

Naalimpungatan ako nang biglang dumantay ang likod ko sa malambot na kama-- pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin dahil ito mismo ang amoy na kasama ko sa pagtulog kahit noon pa, nangangahulugan lamang na nasa bahay na ako.

And just like that, all the things that happened in the club started rushing back like crazy. Para akong third party na nanunuod habang tumatakbo ang buhay ko sa aking isipan. Bumalik ang lahat--- ang saya, ang panghihinayang at lalong-lalo na ang sakit.

Namaluktot ako dahil sa pakiramdam na lumukob sa aking puso sa ikalawang pagkakataon sa gabing ito. Mukhang hindi na din kayang imanhid ng alak ang sistema ko lalo nung magsimula na namang tumulo ang luha.

"Skye.." bulong ko.

Lumundo ang kama at naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. 

"Shh.. Matulog ka na. Magpahinga ka muna."

Tumango ako pero nagpatuloy pa rin ang pagsigok. Wala akong magagawa, hindi ko mapigilan.

"Nagsasawa ka na ba sa akin?" tanong ko ng hindi dumidilat.

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa tapos ang mahinang hiklat sa buhok ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"Gaga ka talaga. Bakit mo naman nasabi?" ganting tanong niya.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong sawang-sawa na siya sa akin. Alam kong nagsawa na sa akin si Mommy dahil sa katigasan ng ulo ko, nagsawa na si Zed kanina kaya ginawa niya yun, matagal nang nagsawa si Ruzz sa kakapangulit ko sa kanya kaya  hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Pati si Skye nagsasawa na rin siguro dahil ito na lang palagi ang ginagawa niya sa tuwing magkasama kami.

"Sino ba ang hindi magsasawa?" tanong ko na naman sa kanya. "E ako nga, sawang-sawa na ako sa sarili ko. Sawang-sawa na." bulong ko sa kawalan.

Hindi siya umimik kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko na magpahatak sa antok. Tama si Skye. Kailangan ko lang tong itulog. Ang dami ko nang sinasabi.

"Nakakasawa nga, oo.." saad niya pagdaka. Naalimpungatan ako nung magsalita siya kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Sabi ko na e.

"P-pwede ka namang umalis. Hindi mo naman ako responsibilidad." saad ko na lang.

"Hindi pa ako tapos timang. Oo nakakasawa na makita kang nagkakaganyan sa isang lalaki pero gigising ka din. May tiwala ako sayo. May araw din si Ruzz."

Tumawa ako ng mapakla.

Sana nga magising na ako.

"Pahihirapan ko siya pag dumating ang araw niya."

"Oo nga, pahirapan mo. Para maunawaan niya kung anong ginawa niya sayo." mariin ang pagkakasabi niya nun na parang nanggigigil. O yung tipo na parang pinagduduldulan niya sa mukha ni Ruzzia ang lahat na sakit na dinanas ko sa mga kamay nito.

Ang kaso, wala naman dito sa Ruzz. Hindi niya rin naman maririnig.

"Tapos sasabihin ko na ayaw ko na sa kanya kasi mas mahal ko na si Jack."

Biglang may narinig akong marahang mura sa medyo malayo. Naramdaman kong gumalaw si Skye sa tabi ko pero agad din namang kumalma.

Andito pa rin si Ashton?

"Skye, pinapasok mo pa talaga si Ashton sa kwarto ko? Paalisin mo na please." saad ko na lang. Nanghihina na ako para bumaling pa dito at magpasalamat. Bukas ko na lang siguro gagawin or next time na magkita kami.

"Narinig mo? Labas na."

"Take care of her." saad ni Ashton na gayang-gaya na naman ang boses ni Ruzzia. Aba't sumusobra na talaga ang utak ko kaka-imagine.

"Damn it! Wag mo siyang pagsalitain. Ayokong marinig ang boses ni Ruzz."

Tumawa si Skye pagkatapos ay itinaboy na ang lalaki. Nag-usap pa sila pero wala na akong pakialam.

I am so damned tired. Sana mawala na lahat ng sakit. Sana tumigil na lang ang puso ko para hindi na ako masaktan.

Natigil ang pag-uusap nila nang magsalita na naman ako.

"Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana ibang lalaki na lang yung minahal ko. Sana..." nagsimula na naman akong humikbi ngunit agad din iyong nawala dahil hinila na naman ako ng antok.

This time, hindi na ako nanlaban.

Tama na muna ang sakit.

Kaso bago pa man ako tuluyang makatulog, narinig ko ang huling sinabi ni Skye sa kausap niya.

"See? Pag umaga lang siya nagpapakatanga sayo. Pero ayaw niya na talaga. Nasanay lang siya."

Hindi ko maintindihan..

Anong... ibig sabihin nun?

"Then that is better, right?"

"Better for her. I don't know for you."

"I just don't want her to suffer. Wag kang mag-isip ng kung ano sa mga gestures ko Skylar. I've been doing this since high school."

Bumuntong hininga ang kaibigan ko bago nagpatuloy.

"Sana nga Ruzz. Sana nga mali ang mga nababasa ko sayo. Na wala ka talagang nararamdaman para sa kaibigan ko, kasi oras na magising yan sa kahibangan niya, wala ka nang babalikan pa. Sinasabi ko sayo, wala na talaga."

I know I am hallucinating. Malamang kasama na naman ang usapan na yun sa imahinasyon ko.

Kasi imposibleng andito si Ruzzia.

Napakaimposible talaga.

---

Continue Reading

You'll Also Like

43M 907K 54
After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the...
4.6M 124K 62
(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niy...
14.5M 440K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...