Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

704K 19.7K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

2

14.4K 413 10
By reina_khaleesi

Deireen

"Kumurap ka kahit isang beses lang." bulong sa akin ni Zed nang makitang nakatanga na lang ako sa mukha ni Ruzzia.

Nagbaba ako ng tingin saka binasa ang labi ko na pakiramdam ko noon ay tuyung-tuyo na. Napalunok na din ako para kompleto ang set-up.

Andito siya sa harap ko! Pero hindi ko sigurado kung dapat ba akong magpakilala o hindi. Una sa lahat, pag nakilala niya ako sa itsura ko ngayon, baka mawalan ako ng pag-asa na makapasok sa empire. Pangalawa, hindi ko mahanap kung saan nagtago ang dila ko.

Kinuha ko ang baso ni Zed na may lamang alak saka mabilisang nilaklak iyon. Napangiwi pa ako dahil sa pait at sa tapang ng inumin na iniinom niya pero dahil sanay na kami dito, hindi ko iyon masyadong ininda.

Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nilang lahat.

"Kung ano man ang iniisip mo Dee, please lang, wag ngayon." pabulong na pakiusap ni Zed.

He knows me. Alam niya na may binabalak ako dahil nababasa niya ang mga galaw ko, kaso ang espirito ng alak na ang kasangga ko ngayon kaya mukhang mapapasabak ang mga kaibigan ko.

Tumayo ako para lapitan si Ruzzia pero hindi ko na yata napansin na naparami na ang inom ko at medyo tinatamaan na ako dahil bigla akong nawalan ng balanse. Sa sobrang pagkabigla ay napahawak ako sa pinakamalapit na bagay na pwede kong hawakan para matigil ang pagbulusok ko sa sahig.

Pumikit ako ng mariin at hinawakan ang ulo ko para pigilan ang pag-ikot ng paningin ko.

"Okay ka lang?" agad na tumayo sina Zed at Skye para dumalo sa akin ngunit umiling na lang ako at itinaas ang palad para pigilan sila. Umaayos na ang paningin ko, at bumabalik na ang alak sa tiyan. Mukhang nalaos ako ng isang buwang pananahimik ko sa bahay. Naninibago na naman kasi ang katawan ko sa alak.

Nang bumuti na ng tuluyan ang pakiramdam ko, tumunghay ako at inilibot muli ang paningin sa paligid. Nakaupo na ulit si Skye at nakanganga naman si Zed. Ashton on the other hand was kind of laughing pero hindi ko alam kung bakit siya natatawa kaya binaling ko ang tingin sa lugar na kung saan nakatayo si Ruzz kanina.

At muntik na akong matumba muli nang makita ang larawan na tumambad sa harap ko.

"Ruzzi?" halos hindi ko mailabas ang salita sa bibig ko dahil sa gulat.

Ang nahawakan ko pala kanina ay iyong damit niya, at sa sobrang lakas ng pagkakahawak ko, ang kaninang maayos na damit ay nagmistulang ginutay-gutay. Para na siyang isang babaeng ginahasa sa itsura niya ngayon lalo at ang natatanging butones na magkalapat ay iyong pinakahuli sa baba. Nahantad sa harap namin ang kabuuan ng kanyang anim na pakete ng pandesal pati na rin ang kanyang dibdib na may namumuo pang kaunting balahibo at ganun na rin ang kanyang balikat.

Nakapako ang mga mata ko sa kaluwalhatian sa harap ko kaya hindi ko na napansin ang itsura niya. Kung galit ba siya, natatawa o hindi makapaniwala.

"Oh my God, ang yummy." saad ko kasabay ng malalim na paghinga. Hindi ko na rin napigilan ang mga kamay ko na inisa-isang hawakan ang kanyang matigas na tiyan.

Napasinghap si Skye sa gulat habang si Zed naman ay isang pigil na haluyhoy ang pinakawalan.

"What the hell--" impit na singhal ng lalaki sa harap ko bago tinabig ang kamay ko paalis.

Sayang, tapos na. Ang kuripot naman, hinahawakan lang e.

Tumunghay ako ng matapos makipag-ulayaw sa six-pack ni Ruzz dahilan para magtama ang mga tingin namin. Nakakunot ang noo niya ngayon at halatang nagtitimpi lang ng iritasyon. Inayos niya ang polo kahit alam naman namin lahat na wala nang kwenta iyon kasi sirang-sira na din talaga.

"Are you some kind of a clutz or what?" pagdaka ay tanong niya ng mapansing wala na talagang pag-asa ang polo.

Kumurap ako bago pumasok sa utak ko ang tanong niya.

"Clutz? Y-yes.." nauutal kong saad. "Definitely a clutz coz I fell. I fell for you. Hard." dugtong ko pa sabay kindat.

Alcohol talking. Definitely alcohol.

Kitang-kita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ginawa ko. Bumaka't sara ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi masabi. Nabigla ko yata.

"Isara mo ang bibig mo dude." payo dito ni Ashton na ikinagulat ko dahil nakaupo na sa tabi ni Skye. His hands were positioned behind her chair's backrest.

Parang bumalik naman ang pagkatao ni Ruzz sa sinabi ng kaibigan niya. Pumormal ang mukha niya at gumuhit ang nakawiwindang na ngisi sa kanyang mamula-mulang labi.

"Ah, damn." tumingin siya sa akin sa ilalim ng kanyang pilik-mata at sinipat ang kabuuan ko. Lalong lumalim ang mga biloy sa kanyang pisngi nang tumigil ang mga mata niya sa dibdib ko.

Definitely a breast man.

Humalukipkip ako para lalong mahantad ang harapan ko sa paningin niya. I only had a spaghetti strap dress na ladlad ang cleavage samantalang abot kalahati lang ng hita ko ang natatakpan sa ibaba.

Did I say I was a totally liberated girl? Yes, I think I did.

Humakbang palapit sa akin si Ruzz at hinapit ako sa beywang dahilan para mapasubsob ako sa kanyang dibdib. Sa kanyang hubad na dibdib. Sa kanyang hubad at matipunong dibdib.

"You wanna go and have fun with me baby?" nang-aakit ang boses na ginamit niya nang sabihin niya iyon. His eyes brooded into mine at pakiramdam ko nung mga panahong iyon ay may sarili kaming mundo. Yung tipong kami lang.

And all of a sudden, lahat ng changes na ginusto at pinaghirapan ko ay naging worth-it. Kasi hindi na ako si invisible girl na araw-araw na lang na gumagawa ng paraan para lang mapansin niya noon. Kasi ngayon, siya ma mismo ang nakapansin sa akin. He is now even flirting with me! Mukhang mas mapapadali ko siya ngayong mapapaibig.

Napagtanto ko, ganito pala yung feeling na nasa iyo ang buong atensiyon ng isang Ruzzia Montereal. The full force of his appeal can really bring a girl to her knees. Kaya siguro kahit isa sa mga babae na dumaan sa buhay niya ay handang gawin ang lahat wag lang siyang mawala.

"H-huh?" nauutal ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Tama ba ang pagkakaintindi ko? He wants me to 'do the thing' with him? Yung ginagawa ng dalawang tao habang nasa loob ng madilim na kwarto? Is that it?

"I said--"

"Yes!" excited kong sigaw. Hindi naman masyadong halata na tuwang-tuwa ako sa sinabi niyang iyon.

Napangiti siya kaya lalo akong naestatuwa. Parang ang lalim ng biloy niya at gusto kong halikan iyon. Gusto ko siyang yapusin ng mahigpit hanggang sa hindi na siya makahinga. Gusto ko siyang iuwi sa bahay ko at ikadena doon para lagi ko siyang kasama na kaming dalawa lang.

Ang dami kong gustong gawin pero naputol ang litanya ng utak ko nang bigla akong hilahin ni Zed.

"Zed! Bitawan mo nga ako--"

Tumigil kami ng medyo makalayo kami ng kaunti sa lugar nina Ruzz. Nagtatakang tumingin ako sa kaibigan ko na noon ay hawak-hawak pa rin ng mahigpit ang braso ko.

"Listen here Deireen Luz." mariin niyang saad. "Naiintindihan mo ba ang sinabi ng isang yun?" magkasalubong ang kanyang mga kilay kaya mas lalong halata na galit siya.

Umikot ang mga mata ko. "Yes Zed. Alam ko. Listen, this is my chance okay? Ito na yun. I don't care if I look desperate or what, I love him, alam mo yan!" ganting saad ko din at the same time na hinihila ko ang braso ko para mapalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"I know you love him damn it!" iritado niyang saad. "But think Dee, you are still inexperienced, iisahan ka lang nun tapos ay iiwan ka din!"

"No, you listen here Zed Allistair. Kung iiwanan niya ako after that, well then, it's nothing new right? Maghahabol pa rin ako, magpapahabol pa rin siya. It's the same old game. Pero kung hindi ko ito susunggaban, this chance right here, hindi ako makakaalis sa lugar na kinasadlakan ko ngayon." tiim bagang na saad ko sa kanya.

Sa lahat ng ayaw ko ay iyong mga tao na pinapakialaman ako sa mga desisyon na ginagawa ko. I own my life, I live it. That's my motto. Even my mom has difficulty forcing me to do things I don't like.

Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa sinabi ko. I know he knows me. Kilala ako ni Zed, kilala ako ni Skye.

Napaliwanag ko na sa kanila yun dati. I don't know what the future holds so I do what I can while I am still alive.

Sa huli kasi, when we look back on things, ang mga pagsisisihan natin ay iyong mga bagay na hindi natin nagawa. Yung mga pagkakataon na hinayaan nating makatakas gayong nasa abot na ng ating mga kamay.

And I don't want that.

I really don't.

Tumalikod ako at humarap muli sa gawi nina Ruzz. They were looking at us curiously, lalo na si Ruzzia. Nakahalukipkip ang kanyang mga braso kaya nababanat ang kanyang mga malaking biceps.

Naglakad ako palapit habang hindi tinatanggal ang ngiti sa aking mga labi. Ang kyuryusidad sa mukha niya ay unti-unting napalis at bumalik ang kaninang nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi.

Nang tuluyan na akong makalapit, ipinulupot ko ang dalawa kong braso sa kanya at tumingala. "Let's?" saad ko habang pinagmamasdang mabuti ang kanyang mga mata.

"You sure? Walang magagalit dito?" tanong niya sabay tingin sa likod ko.

I surmised that he meant Zed. Baka iniisip niya na may relasyon kami nito since the guy was so opposed to my decision just a while ago. But he was only being protective. They were my friends and it goes without saying na ayaw nila akong magpadalus-dalos sa ganitong mga klase ng desisyon.

"Wala ano ka ba. That was Zed Allistair Maniego, my friend." diniinan ko ang katagang friend para maunawaan niya ang nangyari. I don't want him thinking na namamangka ako sa dalawang ilog o na balingbing ako. I am loyal. And I'm loyal to him. Kahit wala pa kami. Kahit hindi siya ganun.

Tumaas ang kaliwang kilay niya at tumingin muli sa likod.

"I think he doesn't just consider you as a friend." saad niya nang hindi bumabalik ang tingin sa akin.

Nangunot ang noo ko kaya bumaling ako sa tinitingnan ni Ruzz. My eyes found Zed who was looking at us with such intensity na hindi ko na alam kung bakit. I have never seen him looking like this. Parang gusto niya akong hablutin mula sa pagkakalingkis ko sa braso ng katabi ko.

"I think he's overdoing his protectiveness. Ganyan lang talaga yan so just let him be. Tara na?" saad ko ulit sabay balik ng tingin kay Ruzz.

He looked down on me and then nodded. Napabuga ako ng hangin. Ang buong akala ko ay magbabago ang kanyang isip dahil sa inaasta ni Zed.

"Okay."

Tiningnan ko si Skye na nakatingin lang sa akin at nagmamasid. When she caught my gaze, tumango ako bilang paalam and also a request na sana ay mapigilan niya si Zed pagkaalis namin.

Hinawakan ako ni Ruzz sa beywang at hinatak palabas.

This is it. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang nag-uumapaw na kaligayahan. Pakiramdam ko ay magsisisigaw ako sa tuwa dahil sa sobrang kasabikan na makasama siya at maging bahagi ng buhay niya kahit isang gabi lang.

Maybe, I am a pathetic girl who has lowered all her pride para lang sa isang tao na ni minsan ay hindi ako binigyan ng chance na maging bahagi ng buhay niya but still, I would choose to be this way if given a chance.

I would still choose this if I have to live my life all over again.

Ang kaso, nakakailang hakbang pa lang kami palayo ng biglang may sumigaw sa gawing likod namin. Sakto naman ang pagpalit sa mahinang kanta ng DJ kaya mas lalong dumagundong sa apat na sulok ng bar ang boses na iyon dahilan para matigil ang lahat.

Nahihintakutang napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Deireen Luz Masaga!!" sigaw ni Zed na ngayon ay namumula na.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat habang nag-uunahan ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Paulit-ulit ang dasal na sana ay hindi maalala ni Ruzzia. Sana hindi niya maalala ang pangalan na iyon. Wag sana.

Naramdaman ko nang biglang manigas si Ruzz ilang segundo matapos ang sigaw. Ibinaling ko sa kanya ang aking nanlalaking mga mata at nakita ko ang mismong pagbabago sa kanyang pagkatao nang makilala niya ang pangalan ko.

"D-deireen... M-masaga?" halos mapaos siya ng sabihin niya ang pangalan ko. Agad niyang binitawan ang pagkakahawak sa akin at umatras palayo na animo ay may nakakahawa akong sakit.

Ngumiti ako sa kanya ngunit sa huli ay nauwi na iyon sa pagngiwi. Naiiyak ako habang tumitingin sa kanyang mukha na ngayon ay nakabalatay ang inis.

Ang mukha na kilalang kilala ko simula pa noong high school.

Ang mukha na siyang palagi niyang ipinapakita sa akin at sa akin lang. Ang beast mode face.

"H-hello Ruzzi?" alanganin kong saad habang pinipilit pa rin na ngumiti.

"Oh my God." bulong niya. "Oh my God." Napahawak siya sa kanyang batok, hindi mapakali sa kinatatayuan at palaging tumitingin sa kinalalagyan ng pinto.

Napapikit ako dahil sa panghihinayang. Hay naku, back to square one na naman ako. Back to the damned square one.

Now what?

"Hehehe.." peke kong tawa. "We meet again baby Ruzzia."

"Oh my God." bulong niya ulit habang nakatitig sa akin. "You almost fucking got me, you brat."

---

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 34.2K 52
R-18|Mature Content Alliciana Acosta ran away from home. She was sick from everything including her parents. Her father was pushing her for a pragmat...
299K 8.8K 52
Elites Book 4 Isang probinsyanang gustong sumubok ng kapalaran. Iniwan ni Mutya ang probinsya nila upang mahanap ang kapalaran sa Maynila. Sa kabila...
2.2K 125 46
Brigid Ava Torres is a typical girl who dreamed to get married before she reaches the age of 30. That's why when she met Lamsen Altamirano during her...
971K 28.3K 52
Liliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarshi...