AZALEA
"Mommy, can I ask you something?"
"Sure my dear.. What is it?"
Umupo ako sa tabi ni mommy at nilagay yung dalawa kong kamay sa mukha ko
"May lahi po ba tayong sakit sa puso?" ako
Bigla namang nabilaukan si mama habang iniinom niya yung fresh milk.
"Mom are you okay?!" sabi ko habang hinihimas himas likod niya
"Anak, bakit mo naman natanong yan? Wala tayong lahi na ganun. Bakit, may nararamdaman ka ba?!" tarantang sabi ni mommy
Napakamot naman ako sa ulo "Eh kasi mommy..."
"Oh no, halika dadalhin kita sa doctor magbihis ka! Mang Jose paki-handa po yung kotse pupunta tayo ng hospital!" okay nagpapanic si mommy.. Ako din tuloy kinakabahan.. Kasi naman eh!
Pagkatapos ko magbihis, sinalubong kami ni tita Lane kasama si Clarissa
"Oh san kayo pupunta Alicia?" tanong ni tita kay mom
"Ipapa-check up ko si Abby, may nararamdaman daw siyang kakaiba eh.."
"Ha? Oh sige ako na bahala dito sa bahay.. Magiingat kayo. At ikaw hija, God bless." alalang sabi ni tita Lane
"Thank you po" tas nag-smile ako sakanya
Nasan pala si Calvin? Bat wala siya
Teka, bat ko siya hinahanap? Nako nako kailangan ko na talagang magpatingin hindi lang sa puso kundi pati sa utak.
***
So nandito kami ngayon sa waiting area, hinihintay yung results sa test ko.. Parang exam lang?
AFTER 30 MINUTES
lumabas na si Dra. Jimenez
"Ano po yung results? Okay po ba siya?" hala bat mangiyak ngiyak si mommy?
Pero imbes na sagutin niya yung tanong ni mommy ay dumiretso siya sa akin
"Hija ano ba yung mga nararamdaman mo?"
"Ahm, bumibilis po kasi biglaan yung tibok ng puso ko.." totoo naman eh..
"Ano ba ang ginagawa mo? Nagpapagod ka ba hija?" tanong ulit ni doktora
"Hindi po, nakaupo lang naman po ako." hindi naman ako nagpagod nun ah, nakaupo lang kami ni Calvin nun eh
"Hmm, wala ng iba?" interview pa ito?
"Actually nakaupo lang naman po tas pinapanood yung sunset, kasama ko po yung ahh friend ko nun?" di ako sure kung kaibigan ko si Calvin
"Sino ba ang kasama mo nun?" ayan pati si mama naki-interview na din
"Si Calvin po.. Siya lagi kasama ko tuwing nararamdaman ko yung weirdness ng puso ko" diretso kong sabi
Natahimik silang dalawa
Yung reaction ni mommy ay parang shock na shock samantalang si doktora naman ay nakangiti lang
Okay what's with them?
"Oh I see... Wala naman akong nakitang problema sa mga test results niya, actually she's fine.. Healthy nga yung heart niya eh. Kaya nga nagtaka ako" paliwanag ni Doktora kay mommy
"By the way hija, I think na hindi ka dapat saakin pumunta.. Dapat kay papa Jack." sabi ni Doktora
What? Kay papa jack? Yun yung love expert diba?
Wait.. Sinasabi ba nilang in love ako?
"Po?" ako
"Wala hija.. Oh sige, ikaw na bahala sakanya Mrs. Gonzales" tapos umalis na siya
Si mommy shock pa din..
"Anak, pinakaba mo ko dun.. Akala ko may sakit ka na.. Hay, dalaga ka na anak.." tapos ngumiti si mom ng mapanloko
Huh?
"Sabi mo bumibilis yung tibok ng puso mo kapag kasama mo si Caleb.. Anak in love ka sakanya? Sinasabi na nga ba dun din ang punta nyo eh!" OMG, ang ingay ni mom.. Buti walang tao dito >__<
"Mom, I'm not in love with him!" depensa ko.. Duh!
Tapos may dumating na epal..
"Abby, a-are you o-kay?!" hingal na hingal na tanong ni Calvin..
Nilagay nya yung kamay nya sa braso ko..
Tinabig ko naman yun at hinawakan yung dibdib ko. Ang bilis talaga ng tibok niya lalo na nung hinawakan niya yung braso ko.
"Abby, what's wrong? May nararamdaman ka ba?" concern siya?
"EHEM!" si mommy yan
Napatingin naman kami kay mommy
"Caleb hijo, walang sakit si Abby. In love lang" tapos ngumiti si mommy ng nakakaloko. Nagtaka tuloy si Calvin base sa expression nya
"Mommy hindi nga po!" shocks nahihiya talaga ako, di naman ako in love eh.. Hindi nga ba??
"Indenial ka lang anak.. Osya maiwan ko na kayo. Caleb, umuwi kayo ng maaga ah. Alagaan mo si Abby."
"Sasabay na lang kami sainyo mom" ako
"No you stay here.. Mag-d-date pa kayo eh.. Enjoy your day" tapos kinindatan ako ni mom
goosebumps
"I don't understand" sabi ni Calvin
"Me too.."
Tinignan niya ko.. "You made me worried.." sabi niya
Nag-alala siya? Weh?
"Yung totoo?" ako
"Nevermind" tas iniwas niya yung tingin niya
"Daya!" ako
Naglakad lakad lang kami sa may park na malapit sa hospital, si mommy kasi eh iniwan pa kami. Medyo awkward tuloy.
"Wala ka naman palang sakit eh." Caleb
I sigh "Akala ko kasi meron. Confuse lang ako, maybe."
"Ano ba yung nararamdaman mo?" siya
"Hmm, remember yung nasa sunset tayo? May naramdaman akong weird nun." ako
Pagkasabi ko nun bigla siya ngumiti.. Okay baliw na.
"Ngingiti ngiti mo diyan?" ako
"So you're in love with me?"
"Ano?! ASA."
"You said earlier that you felt something weird when you're with me.." then he smirked
Inirapan ko na lang siya..
After nun wala ng nagsalita sa'min. Then may dumaan na ice cream..
"You want some?" siya
Syemore um-oo ako. Favorite ko kaya ang ice cream maliban sa cheesecake
Bumili na siya ng ice cream.. Vanilla saakin tapos chocolate sakanya.
"Oh.." tas inabot nya yung ice cream ko. Infairness nilibre nya ko
"Thanks"
Habang kumakain kami ng ice cream bigla siya nagsalita
"Tignan mo yun oh!" tas may tinuro siya sa may bandang left side ko kaya tinignan ko naman
"Ang alin?" tas nilibot ko pa yung mga mata ko.. Wala naman eh!
"Ayun oh.." sabi pa nya
"Wala nga!" sabi ko then tumingin na ko sakanya kaya lang...
"Got'cha!"
"CALVIN!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa niya
Lagyan daw ba ko mg ice cream sa mukha? Ang lagkit ah!
Hmm mukhang nag-eenjoy siya ah.. Ako naman!
"Etong sayo!" tas nilagyan ko din siya sa mukha
PFT, meron pa siya sa ilong.
"HAHAHAHAHAHAHA BAGAY MO CALVIN.." ako
Pinunasan naman niya yung mukha niya
"Okay lang gwapo pa din ako." sabi niya
"Yabang mo!" ako
Tas nag-smile siya saakin.
Napapikit ako dahil naramdaman ko nanaman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Tinignan naman niya ko kaya umiwas na lang ako ng tingin.
Ang weird na ha.
"Abby." tawag niya saakin
Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatingin nanaman sa ulap
"Don't hesitate to fall, I'll be there to catch you. I promise"
After he said those words.. Realization came into my mind.
I'm in love with him.