Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
16: Challenge Accepted
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

28: Sweetness

15.2K 163 12
By Lee__Miyaki

AN: Merry Christmas po! Sana magustuhan niyo 'yung update na 'to. Let me know your feedbacks. Tweet @imtheweirdapple with the hashtag #SYH. Grabe. Super Christmas Gift niyo na ito para sa akin. I love you all. Merry Christmas. Spread the love and hope.

***

Chapter 28: Sweetness

Jael’s POV

Christmas Program. December 20. 3:00pm

Nandito na kami ngayon sa covered court. Mainit at masikip sa loob. Buti na lang at nasa backstage kami nakapuwesto dahil we’re one of the performers later. Kasama ko ang buong department ng college of education. Kahapon lang ang practice namin. Hopefully, maging successful naman ang lahat. :)

Inaayos ko na ‘yung red bow tie ko. Nakasuot ako ng isang white polo na nakatuck in sa jeans ko. Habang nag-aayos ako. Tinawag ako ni Ma’am Chloe.

“Sir! I dare you. Kapag chorus na ng kakantahin mo, bumaba ka sa stage. Kuha ka ng isang audience para magtilian sila mamaya! Sige na, Sir!” sabi niya sa akin. She’s wearing red skater shirt. May Santa Claus Hat lahat ng babaeng teachers. Ang weird lang. Halos maluha siya kahapon, tapos, energetic ngayon?

“No Ma’am Chloe. Mamaya malaglag pa ako sa stage eh. Mahirap na, baka mahulog ako, tapos biglang walang sumalo. Ang sakit kaya no’n.” I answered. Ayan, tapos ko nang ayusin ‘yung bow tie ko.

Kasama ko rin sina Sir Rain, Sir Railey, Ma’am Anna, at Ma’am Chloe. Kaming lima ang magrerepresent ng Department namin. Ayaw sumali ng iba pang teachers kesyo may edad na raw sila at hindi na raw sila bagay sa ganitong activity. Anyway, they will show their support naman raw mamaya while watching.

“Sir, ready na ba ‘yung piece mo?” I tried to approach Sir Rye. He’s wearing the same as mine. Pareho kaming tatlong ng damit. Iba lang siya dahil he’s wearing his Ray Ban shades.

“Yes.” He answered. Tipid ang sagot niya. Kasama ko siya mamayang kakanta. Dalawa kami, in fact. Si Sir Rain sa Drums. Si Ma’am Anna sa piano. Si Ma’am Chloe naman ang back-up singer namin. Hawak ko naman ang lead guitar, pero may portion rin na kakanta ako.

“Are you all ready?” Sir Rain asked. He’s with Ma’am Anna.

Tumungo naman kaming lahat. Kaya lang, I can feel awkwardness sa atmosphere. Hindi nag-uusap si Sir Rain at Ma’am Chloe. Si Sir Rain lang ang nagmemaintain ng isang good atmosphere sa back stage. I don’t know. There must be something. I’ve heard na may something between Sir Rain and Ma’am Chloe. But then, it’s none of my business.

Inilabas ko na ‘yung lollipop ko 10 minutes before our presentation. Kumakain ako nito para mawala ‘yung kaba ko.  Actually, kinakabahan ako. Think of this, puro admin at officials ng school ang manunuod samin. The venue is very huge. It can accommodate more than five hundred people.

“Ma’ams. Sirs. Kayo na po ang next. Pagpasok po ng performers na susundan niyo, labas na rin po kayo agad and go to your positions,” Pam said. Nabasa ko kasi sa ID niya na siya si Pam. She’s one of the student council officers. I think.

“Thanks,” Sir Rain said.

Later. Kami na rin ang susunod na performers. Inayos na namin an gaming sarili. Naka-lights off ng pumasok kami sa stage. Pumunta na sila sa kanya-kanyang posisyon nila. Sa drums, guitar, piano, at ako sa may mic.

Kaming dalawa ni Sir Rye, at sa gitna namin si Ma’am Chloe. Nakalimutan ko, may part rin siya sa isa naming kanta.

Tatlo ang kakantahin namin. Karamihan sa kanila, mash up lang naman ng mga kanta. Sa last part ng kanta, Christmas song naman. Bale, ang una naming kakantahin, Oo at Migraine.

Nang mabuksan na ang ilaw. Tumambad na sa amin ang napakaraming tao. Si Ma’am Chloe ang pumapagitna sa amin ni Sir Rye. And here goes our first song. It is my version of  the song Migraine.

“Para sa lahat ng na-friend zoned, this song is for you!”  shouted. Hinawakan ko na ang mic.

Migraine by Moonstar88

/ Oo nga pala, hindi nga pala tayo / Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya / Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? / Andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo, nalilito /Asan ba ko sayo? / Aasa ba ko sayo?

Itinaas ko ang isa kong kamay habang kumakanta. First part ng chorus, tinutulak ako ni Ma’am Chloe na bumaba sa may stage at kumuha ng isa raw na teacher. Heto, ginawa ko naman.


/ Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong /

Kumuha ako ng isang babae na nanunuod malapit sa stage. Nagulat lang ako dahil si Roxanne ‘yung nakuha ko. I thought nasa may backstage sila dahil sila na rin ang susunod na magpeperform after naming. Nasa harapan pala siya at nanunuod.

Next part na ng kanta, I decided to give her the mic. Sigawan ang crowd. I dunno. Baka gusto rin nilang kumanta. ;)

/ Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

Dahil, di na makatulog (makatulog)
Dahil di na makakain (makakain)
Dahil di na makatawa (makatawa)
Dahil, di na /

 

Siya na ang kumanta ng linyang ‘yon. Sa tuwing masasagi ako sa kamay niya, nararamdaman kong nalalamig siya. Hawak niya ‘yung mic pero ramdam kong kinakabahan rin siya.  I laughed while she’s singing.

/ Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito na lang ako

Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nahihilo... Nahihilo...
Nalilito... /

 

Bago matapos ang kanta, inalalayan ko na siyang bumaba ng stage. Namumula siya. Sa hiya? Ang cute. Pero, I know there’s no feeling between us. I just did the dare that Ma’am Chloe gave me. I love being challenged. I loved adventures. Sa ginawa ko naman, alam kong maraming kinilig. :)

Railey’s POV

 

All are set. Nandito na kami sa stage. Kinakabahan ako, pero ayos lang. Ang sakit ng mata ko dahil sa liwanag na mula sa lights sa stage. Katatapos lang kumanta ni Sir Jael. It’s our turn now.


“I dedicated this song to my favorite student.” Ito ang sabi ko. Clueless ang lahat. Pero si Rebecca lang naman ang tinutukoy ko. Sana marinig niya ako.

Hinawakan ko na ang mic. Nakalagay ito sa mic stand. Parang rock star? Hmm.

Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar

/Mabuti pa sa lotto / May pag-asang Manalo / 'Di tulad sayo / Imposible / Prinsesa ka
Ako'y dukha / Sa TV lang naman kasi may mangyayari

 

I looked for Rebecca. Pero syempre, wala siya dahil isa siya sa mga kakanta mamaya. Member siya ng choir, right? I truly dedicate this song for her.

At kahit mahal kita /Wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta  /Pangarap lang kita........

 

Alam mo kung anong maganda sa kantang ‘to? Ang “kami” ay hindi imposible. Lalo pa’t nagawa ko na ‘to dati. After ng unang chorus, si Ma’am Chloe naman ang kakanta. Hindi kami nagpractice together. Bahala na siya sa part niya.

 

/ Ang hirap maging babae
Kung torpe yung lalaki
Kahit may gusto ka
'Di mo masabi
Hindi ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya
'Di maaari /

 

Sa tuwing maghaharap kami for the sake para maging duet, hindi ako tumitingin sa kanya. Iba ang nakaharap sa isang tao sa nakatingin. Nakaharap lang ako sa kanya. Sa likod niya ako nakatingin. Kinikindatan ako ni Kuya Rain. Mukhang nang-aasar pa.

/ At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita /

 

Natapos na rin ang duet namin. Sabay-sabay na rin naming kinanta ang final song. Lahat naman sila nagpalakpakan. After no’n, lights off. Balik na kami sa backstage. Nandoon sina Rebecca at ang choir ni Sir Jael. I called Rebecca pero hindi niya ako pinansin. Nagpanggap lang siyang kinakausap si Roxanne. Pero, si Roxanne naman hindi nakatitig sa kanya. Gawa siguro ng ginawa sa kanya ni Sir Jael kanina. Anyway…

“Good luck sa performance niyo later, Mommy.” Ito ang sabi ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo. Pero kinindatan ko na lang siya.

Rebecca’s POV

 

Good luck raw. Ewan ko sa kanya. Si Ma’am Chloe ang kaduet niya. Kaya pala hindi niya ako niyayang lumabas kahapon. Nag-excuse pa siya na may practice sila. ‘Yun pala, si Ma’am Chloe rin ang kasama niya. Given na kasama niya si Sir Rain, Jael, at Ma’am Anna. Pero si Ma’am Chloe? Ewan ko lang. Hindi niya man lang sinabi na kasama niya ‘yon.

Ang hirap naman magtiwala sa taong napaka-inconsistent.

Nang mag-lights off, pumunta na kami sa may stage. Nag-form na kami ng half circle. Hindi na naming kasama si Sir Jael dahil si Brigit na ang naglead sa amin. Iritang irita ang kaning kinikilig na si Roxanne.

Habang binabasa pa ng emcee ang introduction para sa amin, binulungan ko si Roxanne.

“Bes. ‘Wag ma-fall agad. Nagkataon lang na malapit ka sa stage kanina. Hindi ibig sabihin nun may gusto siya sa’yo. Okay?” bulong ko nga sa kanya.

“Bec. Naiinis ako kay Brigit.” Malayo ang sagot niya sa sinabi ko. Ang logical ‘di ba?

Nang matapos ang introduction para sa amin. Nagsimula na kaming kumanta.

***

Last performer pala kami. Wala ng sumunod sa amin. Kaming choir na lang ang nasa likod ng stage after ng presentation namin. Panay ang sabi ng coach naming si Sir Jael na congratulations raw sa amin. Ako naman, parang wala lang. Ayokong ngumiti kapag hinihintay ako ni Railey. Ayokong isipin niyang mabilis lang akong makuha. Ayoko talaga.

“Bec. Congrats. Ikaw ang nag-stand out kanina.” Bulong niya sa akin nang inabutan niya rin ako ng bouquet ng red roses. Hilig talaga niya ang red roses. Kaya ako, sa tuwing binibigyan niya noon, nagiging favorite ko na rin. Noon ‘yon. I repeat. Ngayon… Parang ayoko na.

“Salamat. Pero, hindi ko muna matatanggap ‘yang flowers mo.” Ito lang ang sagot ko sa kanya. Hindi naman siya sumimangot sa pagtataray ko. Instead, lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Hindi ‘to para sa’yo. Pwede bang pakibigay kay Roxanne. Pinabibigay kasi ni Kuya kay Ma’am Anna. Kaya lang, nauna na siyang umuwi. So, pinapabigay niya na lang sa akin.”

At napahiya naman ako.

“Rebecca. Hindi kita bibigyan ng rose dahil alam kong tatanggihan mo. Pero don’t worry, higit pa sa rose ang kaya kong ibigay sa’yo.”

Continue Reading

You'll Also Like

606K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
95.5K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
2M 60.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...