Ate(Completed)

By MissJ_35

343K 12.4K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... More

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter22: Suspect
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter26: Trigger
Chapter27: The Culprit
Chapter28: School Camp
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter32: Katapusan?
Chapter33: Lights on
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter38: Case
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter17: Imprisoned

7.1K 279 43
By MissJ_35





DEDICATED TO :

LorheinKeith

Serenity's POV

"A-aray...."

Grabe, ang sakit ng ulo ko, umiikot din ang paningin ko. A-ano bang nangyayari? A-at n-nasaan ba ako.

Naramdaman kong may likidong tumutulo mula sa ulo ko, iaangat ko sana ang kamay ko para punasan iyon...

Pero....

B-Bakit ako n-nakatali?! S-sila Maxine ba ang may kagagawan na naman ba nito?! Mga hayop talaga! Paniguradong papatayin din nila ako! Oras na makawala ako ay uunahan ko sila sa pinapakay nila!

Madilim na dito sa kinalalagyan ko, kahit na sumigaw ako at manghingi ng tulong ay paniguradong di ako maririnig dahil sa tantya ko ay narito ako sa bodega ng school,dahil sa mga gamit na nandito na bahagya ko lang na naaaninaw. Lahat ng room dito ay sound proof.

Bwisit! Napaka walang hiya talaga ng babaeng yon! Ano bang dahilan nya at ginanto nya ako?! Kapag ako ay nakawala talaga ay sya ang una kong susugurin!




Napatigil ako sa kakaisip ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, tsk! Napaka dilim! Anong oras na ba?! Hindi ko makita kung ilan silang pumasok dahil nga sa wala akong makita.

Pero may kilala ako sa isa sa mga pumasok na iyon, at iyon malamang ang napakasamang Maxine, kahit madilim nararamdaman ko na nakangisi ang demonyo.

"Oh, gising ka na pala."

Lumapit sya sa akin, kaya't medyo naaaninaw ko na ang mukha nya at ang ngising nakakurba sa labi nya. Naiikukuyom ko na lamang ang mga palad ko dahil sa sobrang pagkagigil. Gustong gusto ko syang bugbugin, pero wala akong magawa dahil bihag nila ako. Bwisit! Napakahina ko!

"So, hindi mo ba ako tatanungin kung bakit kita tinali dyan? "

Nanatili lamang akong tahimik, hindi ako umimik na kahit kaunti.

Bakit pa? Alam ko naman na ang dahilan eh, gagawin din nila sa akin ang ginawa nila sa Ate ko. Halata naman eh.

"Natahimik ka? Sige na nga sasabihin ko sa iyo.... Nakatali ka dyan para makipag usap sa akin ng masinsinan.Get it? "

Alam kong hindi lang pakikipag usap ang pakay nila sa akin. Mga gago talaga, tingin ba nila maniniwala ako na iyon lang talaga ang pakay nila para itali ako dito sa loob ng isang bodega kung saan wala masyadong tao?! Huh! Nakakatawa!

Ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko, at ramdam ko pa rin ang pagtulo ng dugo ko papunta sa mukha ko. Pero hindi alintana iyon para sumuko na agad ako, kung mamamatay man ako sa kamay nila, ay sisiguraduhin kong hindi ako magpapakita ng kahit na anong takot sa mukha ko, hindi ko kailangan humingi ng awa nila. Bakit? Meron nga ba?

"Anong gusto mong pagusapan natin? "
Seryoso at walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Nagmamatapang ka pa talaga? Your so harsh Serenity. Alam mo bang oras na may ginawa kang di ko nagugustuhan, ay posible kang mapahamak. If i w--"

"So? Maxine alam ko naman na papatayin nyo ako tulad ng ginawa nyo sa Ate ko, di ba? Dahil MAMAMATAY tao kayo."

Hindi ko na sya pinatapos pa, bakit ba ayaw nya pa akong diretsahin?


Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napangisi na lamang ako sa ginawa nya.

"Inaamin mo na ba? Na kayo ang pumatay sa Ate ko? "

Nakangisi kong sabi sa kanya, alam kong gigil na gigil na sya.

Di ba ako dapat ang manggigil?

"Shut the fvck up! Anong nginingisi ngisi mo dyan?! Ikaw ang mamamatay tao! Ikaw ang salarin sa pagpatay sa mga friends ko! At anong sabi mo?! Ako pumatay sa Ate mo?! Bakit?! Ako ba ang naglaslas sa pulso nya?! Hindi! Kundi sya! IT WAS A FVCKING SUICIDE! DONT YOU GET IT?! BITCH! "

Rinig na rinig ang pagsigaw na dito sa kinalalagyan namin.

Rinig ko rin ang paghabol nya sa hininga nya dahil sa pagod sa pagsigaw.

Lahat ng sinabi nya ay kasunungalingan, sa tingin nya ba maniniwala ako? Stupid.

"Kung ako nga ang salarin, ikaw ang dapat inuna ko dahil ikaw ang mayroong pinaka malaking kasalanan sa akin, hindi na kailangan pang takutin ka. Dahil gusto na kitang mawala agad kaya para saan pa? At Oo suicide ang nangyari sa Ate ko, pero, sino-sino nga ba ang nagtulak sa kanya para gawin ang ganoong bagay? Sa madaling salita ay parang kayo na rin ang naglaslas sa Ate ko. "

Wala akong narinig na kahit na anong ingay, wala kahit isa ang nag salita. Mga umurong ang dila.

"MAMAMATAY TAO kayo at kami ng Ate ko ang mga BIKTIMA. "
Pagputol ko sa katahimikan, naaninaw ko si Maxine, may hawak syang libro. Alam kong ihahampas nya yun sa akin, kaya bago nya pa iyon magawa ay nagsalita ulit ako.

"Alam kong marami kayo dito sa loob, At alam ko din na lahat kayo ang pumatay sa Ate ko. Mataanong ko nga lang, may kapatid ba kayo? Alam kong karamihan sa inyo ay oo ang sagot. Ang masasabi ko lang ay mahirap mawalan ng kapatid, at alam kong di nyo pa nararamdaman ang ganitong hirap ng kalooban. Ano bang kasalanan ko para kunin nyo sa akin ang Ate ko? Maxine, alam kong bukod sa inggit ay may isa ka pang rason kung bakit mo ginawa iyon sa Ate ko. At aalamin ko yun."

May mga namumuo ng mga luha sa pisngi ko, pinipigilan ko itong lumabas para panatilihin kong matatag ang sarili ko.

Pero, sadyang bwisit ang mga luhang ito, hindi sila mapigil.

Biglang nabasag ang katahimikan ng biglang may bumagsak na mga gamit dito sa loob ng bodega. Nagpalingonlingon ako sa paligid, hinahanap kung saan galing ang ingay.

"Shit! Sin-"

Naputol ang pagsasalita ni Maxine ng biglang nabasag ang salamin ng bintana at kasunod noon ay ang pag bagsakan mga gamit dito.

Ano bang nangyayari?!

Nabigla ako ng biglang may naghagis ng upuan sa direksyon ni Maxine, pero maswerte nya itong naiwasan.

"Lets go guys! Hindi na safe dito!"

Sigaw ng isa nyang kasamahan habang patuloy pa rin ang pagliparan ng mga gamit dito sa loob ng bodega.

Agad naman sumunod sa kanila si Maxine at iniwan akong nakatali dito.





Hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano, kung di ang pagbigat ng mga talukap ko, malamang ito ay dahil sa sugat sa ulo ko. Hindi ko na napigilan at napapikit na lang ako.










-----------------------

"PASENSYA na Serenity at ngayon lang kita nailigtas."

Unti unti akong napadilat ng marinig ang boses na iyon.

"A-ATE?! "

Gulat na gulat kong tanong, tatayo sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko, bwisit!

"Magpahinga ka na lang Serenity, susulitin ko na ang oras na ito habang kasama ka. "

Nakangiti nyang sabi sa akin, natatamaan kami ng liwanag ng buwan mula sa nabasag na bintana kanina. Kitang kita ko na sya ang Ate ko.

Nakahiga ako ngayon at nakaunan sa lap nya, tanda ko pa dati na sya ang karaniwang umuunan sa lap ko.

Agad na tumulo ang luha ko dahil sa sobrang tuwa agad naman nya itong pinunasan. Naka uniform pa rin pala sya.

"Ate, sorry."

Sabi ko sa kanya. Nakayuko sya kaya kitang kita ko ang mukha nya.

"Para saan? Napaka iyakin mo talaga."

Hinawakan ko ang pisngi ng Ate ko, laking tuwa ko ng mahawakan ko sya at ramdam kong tama lang ang temperatura nya.

"Basta! Sorry dahil hindi kita naligtas kila Maxine, kasalanan ko rin---"

"Hay nako! Matulog ka na nga! Ang pangit mo talaga."

Pagputol sa akin ni Ate, namiss ko ang pagtawag nya sa akin na panget.


Hinayaan ko na lamang na makatulog ako habang sinasabayan ang himig



ni Ate








Itutuloy......























Continue Reading

You'll Also Like

81.7K 2.7K 16
Everything was fine until Rachel received a friend request from someone on Facebook.
92.9K 2.4K 15
Adeline Ronsville the Governor's daughter run away from her so-called fiance and board on the ship of 'Hurricane' where she will meet the Captain of...
17.4K 732 40
Nasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa...
3.7K 291 8
Ang mundo ay puno ng lihim. Lihim na binabalot ng dilim. Mga nilalang na handang maghasik ng lagim sa buong paligid. Subalit may mga tao pa ring nais...