I married my Devil Boss

By missrxist

1.7M 24.8K 1K

Pwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with he... More

♥ I married my Devil Boss ♥
Chapter One: Hoy! Akin 'yan! ♥
Chapter Two: Ikaw talaga ang Boss? ♥
Chapter Three: Hindi ako matatanggal sa trabaho? ♥
Chapter Four: Let's get Party! Party! ♥
Chapter Five: Magpapakasal kami? ♥
Chapter Six: One condition ♥
Chapter Seven: She's HOT? ♥
Chapter Eight: Anyareee??? ♥
Chapter Nine: We're getting married! ♥
Chapter Ten: The Moment ♥
Chapter Eleven: Bakla!! ♥
Chapter Twelve: The Wedding! ♥
Chapter Thirteen: Honeymoon @ Boracay ♥
Chapter Fourteen: A Devil with Heart ♥
Chapter Fifteen: I'm pregnant? ♥
Chapter Sixteen: Ultrasound ♥
Chapter Seventeen: Family ♥
Chapter Eighteen: Happy Bday Chrys! ♥
Chapter Nineteen: Meet Sean Elixir Cruise! ♥
Chapter Twenty: Close with Elixir ♥
Chapter Twenty One: Jealous ♥
Chapter Twenty Two: Fall ♥
Chapter Twenty Three: Appreciation ♥
Chapter Twenty Four: Chrys' Transformation ♥
Chapter Twenty Five: Beautiful In my eyes ♥
Chapter Twenty Six: Sweet Revenge ♥
Chapter Twenty Seven: Feelings ♥
Chapter Twenty Nine: Secret muna ♥
Chapter Thirty: Don't go! ♥
Chapter Thirty One: Don't go! (part 2) ♥
Chapter Thirty Two: Merry Christmas! ♥
Chapter Thirty Three: The Infinity necklace ♥
Chapter Thirty Four: It's a baby boy! ♥
Chapter Thiry Five: Happy New Year! ♥
Chapter Thirty Six: Indirect Love confessions. ♥
Chapter Thirty Seven: Asawa ko siya, may angal? ♥
Chapter Thirty Eight: Si Chrys at ang kanyang naudlot na Kiss! ♥
Chapter Thirty Nine: Masakit ang lips ♥
Chapter Forty: OO na! Gusto kita! O baka nga mahal na kita e ♥
Chapter Forty one: E mahal din naman kita e! ♥
Chapter Forty Two: The Heartbreak ♥
Chapter Forty Three: Chinky VS Angela ♥
Chapter Forty Four: Sino ka? ♥
Chapter Forty Five: Dear Adam Chrysler, ♥
Chapter Forty Six: Please try to remember me! ♥
Chapter Forty Seven: A mini-concert for you.. ♥
Chapter Forty Eight: Angela's repentance ♥
Chapter Forty NIne: Her memory is back! ♥
Chapter Fifty: Is this really Goodbye? ♥
Chapter Fifty One: A new life ♥
Chapter Fifty Two: Missing you.. ♥
Chapter Fifty Three: My Heart is still beating for you! ♥
Chapter Fifty Four: I am not dreaming! ♥
Chapter Fifty Five: I wanna be with you. ♥
Chapter Fifty Six: Is it okay if I call you mine? ♥
Chapter Fifty Seven: May 'baby' na sila? ♥
Chapter Fifty Eight: Misunderstading! ♥
Chapter Fifty Nine: Like the old times ♥
Chapter Sixty: ♥
Chapter Sixty One: ♥
Chapter Sixty Two: ♥
Chapter Sixty Three: The End. ♥
Epilogue ♥
Author's Note ♥
Para lamang ito sa mga concern citizens. XD
Announcement! :)
On it's upcoming 5th Anniv :)
Give aways...
Congrats!!!

Chapter Twenty Eight: Meet Angela ♥

23K 337 20
By missrxist

CHRYLER's POV

 

"No’ng unang panahon, may isang prinsipe na sobrang lungkot, wala siyang kaibigan at walang may gustong lumapit sa kanya dahil pakiwari ng lahat, isa siyang malupit at mabangis na halimaw. Pero hindi nila alam, nagkukubli lamang siya sa kaanyuang ‘yon dahil ayaw n’yang ipakita sa lahat na mahina talaga siya, na kailangan n’ya ng isang taong makakaintindi sa kanya..." pagkukuwento ko.

Tinignan ko siya, pero attentive naman siya at nakamata lang din sa akin saka patango-tango.

"Parang ikaw lang din ‘yong Prinsipe...he-he-he." Komento pa n’ya, pero hindi ko na ‘yon pinansin. Kasi nagkuwento na naman ako.

"Paanong hindi siya malulungkot, lahat ng mga mahal n’ya sa buhay iniiwanan na siya. Pakiramdam n’ya, wala ng nagmamahal sa kanya. Hanggang sa isang araw, dumating ang isang ugly duckling Princess. Siya lang ang bukod tanging tao na lumapit kay Prinsipe ng wala man lang katakot-takot sa katawan. Nakipagsabayan siya sa bangis ng Prinsipe. Hanggang sa unti-unti na n’yang napapalambot ang puso—"

"Ngrooooook..."

Narinig kong bigla na lang siyang humilik ng malakas. Nakatulog na pala siya. Napailing ako at napangiti. Akala ko ba hindi siya makatulog? Hindi ko pa man nakakalahati ‘yong kuwento ko, tulog na siya. Iba rin talaga ‘to e. Tsk.. Sige na nga matulog ka na Chinky. Goodnight.

Sabay alis ko sa buhok na nakatabing sa mukha niya. Ewan ko ba, pero napapangiti ako sa tuwing nasisilayan ko ang payapa at maamo n’yang mukha kapag natutulog siya. Lately, naaadik na ako sa hitsura n’ya. Kapag na-i-spaceout ako sa office ko—siya lagi ang nasa isip ko. Hindi ko na alam minsan kung matino pa ba ang pag-iisip ko.

Dati kasi inis na inis at nandidiri ako sa kanya. PERO ngayon parang-gusto ko siyang laging nakikita. Parang gusto ko ng magpaka-goodboy sa kanya. I mean I want to be a good father and husband.

Gusto kong maging katulad ni Daddy. Gusto ko iparamdam sa magiging anak ko na mahal ko siya, na mabuti akong Ama sa kanya at asawa sa Mommy n’ya. Na-excite naman ako sa naisip kong ‘yon.

Pero teka, paano na si Angela? Arh! I don't know! Makatulog na nga din. I tap her head lightly bago ako tuluyang umalis sa kama para matulog na rin sa sofa. Goodnight.

CHINKY's POV

Waaaah! Ano ba ‘yong maingay na ‘yon sa labas? Para kasing may mga binging nag-uusap sa sala, ang iingay. Tumayo ako mula sa kama ko—ay.. nasa room pala ako ni Chrysler, nakatulog pala ako kaagad habang nagkukuwento siya.

Ang rude ko, hindi ko man lang napatapos ‘yong kuwento n’ya tungkol sa malungkot na Prinsipe. ‘Di bale, next time ipapakuwento ko na lang uli sa kanya. Nandoon siya sa sofa at mahimbing pa rin na natutulog, I smiled.

Para kasing wala siyang naririnig na ingay mula sa labas ng kuwarto. Maaga pa mga 6 am, kaya matulog na muna siya. Ako lalabas na muna para patahimikin ang sinumang maiingay na ‘yon at para makapag-prepare na din ng agahan.

Pagkalabas ko sa kuwarto ni Chrys. Waah! Si Ate Jo at si—Kuya Gerardo pala ang maingay na nag-uusap. In good terms na agad sila? Kagabi lang kasi galit na galit si Ate sa asawa n’ya e, ba’t ngayon ang ingay naman nilang maglambingan, ke aga-aga pa. Tsss..

"Magandang umaga dear baby sister." Nakangiting bati ni Ate JO sa akin ng siguro mapansin n’ya na nakatayo lang ako sa harapan ng pintuan.

"Good morning." Bati rin ni Kuya Gerardo.

"Good morning ko din. Bakit ang ingay este ang aga n’yo naman yatang mag-loving-loving dyan, akala ko ba galit ka Ate sa kanya?" sabay turo  ko kay bayaw. Ang weird din nila e.

"Ano ka ba, nag-sorry na siya kanina lang at sinundan talaga n’ya ako dito, kaya pinatawad ko na siya kaagad. He-he-he.." paliwanwag ni Ate Jo.

"Ahhh.." wala na akong nasabi.

Well, maganda na rin ang ganoon. Love din naman nila ang isa't isa e.

"Nagising ka tuloy namin dahil sa ingay namin, pasenya ka na ha." Paumanhin ni Kuya Gerardo.

"Okay lang Kuya, basta nagkaayos na kayo ni Ate." Kako.

"Paano ba ‘yan, mauuna na kami, babalik na kami sa Probinsya. Ipagpaalam mo na lang kami kay Chrys ha. Pasensya na talaga sa istorbo ha." Saka ako niyakap ni Ate. "Pero bet na bet ko talaga ‘yang asawa mo para sa'yo. Bagay na bagay kayo. Minsan dumalaw din kayo sa atin ha, saka sundan n’yo na kaagad si Baby." Bulong pa ni Ate sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.

Sundan daw agad? Samantalang aksidente nga lang ang pagkakagawa namin sa baby namin—pero masaya naman ako kasi ito ang pinaka-masaya at pinaka-sweet na aksidenteng nangyari sa akin. I love my baby. Hindi ko pa man din siya nakikita.

"Teka, kain na muna kayo Ate, magluluto lang ako."

"Naku ‘wag na, baka tanghaliin pa kami ng dating sa Probinsya, sayang nga hindi mo na nakita si Pennard, dalaw ka na lang kasama si Chrys some time sa atin okay?"

"Sige Ate, mag-iingat kayo."

"Bye, kayo din."

Saka na sila tuluyang umalis. Waah! Ang cute lang din e. Away-bati sila. Ganoon yata talaga ang mag-asawa. Sabagay mahal na mahal nila ang isa't isa kaya mabilis nilang napapatawad ang bawat isa. That's the magical power of Love. Nyaak.. Nagiging makata pa yata ako. Makapagluto na nga lang. Papasok na sana akosa kusina nang—

"Good morning." Nakangiting bati n’ya.

Waah! Hindi ko man lang narinig na bumukas ang pintuan ng kuwarto n’ya. Nagising siguro siya dahil sa ingay namin. Nakuuu! Ang guwapo naman n’ya kahit gulo-gulo pa ang buhok n’ya. Kahit hindi pa yata siya maligo at mag-toothbrush napaka-bango pa rin n’ya tignan. Para siyang isang matineě idol.

"Go-Good morning din." Sabay iwas ko ng tingin, waaahh! Nahiya kasi ako bigla e.

 Saka hindi kasi ako sanay na ang bait na niya. Dati kasi pagkagising n’ya nakakunot-noo lang siya, pero mas gusto ko naman ng ganito. Ang aliwalas ng guwapo n’yang mukha.

PAGKATAPOS kong magluto ng agahan ay sabay na kaming kumain at sabay na rin kaming pumasok sa opisina. Waaah! Akala ko ayaw n’yang sumasabay ako sa kanya dahil baka kung anong isipin ng mga taong makakakita sa amin, pero bakit ngayon? Okay na ba sa kanya na ma-link siya sa akin? Wow! Artista lang ang peg? Sabay na rin kaming bumaba ng kotse pagkarating  namin sa kompanya.

"Talaga bang okay lang sayo na ma-link tayo sa isa't isa dahil sa pagsabay nating pagpasok at pag-uwi?" tanong k okay Chrys.

He just smiled at me saka na siya nagtuloy-tuloy na naglakad. Nagtatakang napasunod na lang din ako sa kanya. Silence means Yes? Sabi n’ya ‘yon ha. Pinauna ko na siyang umakyat sa second floor, para kasing gusto kong kumain ng matamis e.

Ngapala malapit na akong mag-four months. Waah! Isang buwan na lang malalaman na ang kasarian ng baby namin, cute. On my way to canteen ng—

"Chinky!"

Paglingon ko, ang guwapong mukha ni Elix ang nakita ko.

"’Oy Elix, ano’ng ginagawa mo dito?"

He smiled. "Dinadalaw ka, nag-alala kasi ako sa’yo last time, bigla ka na lang nawala. Hindi naman kita kaagad nadalaw kahapon kasi may pinagawa si Lola Yna sa akin, kamusta ka na?"

"Pasensya nga pala last time ha, basta complicated siya kapag ipinaliwanag kaya intindihin mo na lang." I smiled.

"Akyat ka na sa elevator? Sabay na tayo, may pinapasabi si Lola kay Chrys e."

"Ah mauna ka na siguro, bili lang ako ng chocolate bars sa canteen."

            "Samahan na kita, para sabay na tayong umakyat."

"Sigurado ka? Hindi ka ba nagmamadali?"

"Okay lang." he smiled.

Saka na kami sabay na naglakad papunta sa canteen. Siya pa tuloy ang nagbayad sa mga binili kong chocolates. Nakakahiya, pero mapilit e. He-he-he.. Umakyat na kami ng sabay papunta sa second floor, kung nasaan ang opisina namin na malapit din sa opisina ng Boss namin.

            "Napapansin ko, ang gana-gana mo sa pagkain. Para kang buntis." He said, buti nasa loob na kami ng elevator no’n at dalawa lag kami, kaya walang makakarinig.

Napaubo ako dahil sa narinig ko. Nakasubo pa man din ako ng isang bar ng kitkat noon, pero naibuga ko ‘yon sa gulat.

"Okay ka lang?" nag-aalala n’yang tanong, napatango na lang ako.

"Hi-Hindi no." palusot ko na lang.

Nahihiya pa kasi akong umamin sa kanya ngayon. Saka baka mamaya mapagdugtong-dugtong n’ya ang mga pangyayari, nakakahiya din kasing malaman n’ya na kaya ako pinakasalan ng pinsan n’ya dahil—alam niyo na!

"Biro lang, ganyan-ganyandin kasi si Kath, ‘yong pinsan kong buntis. Ang takaw n’ya."

"Ahhhh.." patango-tango na lang ako.

Bumukas na ang elevator at naglakad na kami papunta sa opisina.

"Kamusta naman kayo ni Chrys?" pag-uusisa n’ya.

"O-Okay naman."

"Good! Alam mo, ikaw lang ang kilala kong nakakapagpatino dyan e, ang galing mo talaga!" sabay tapik n’ya sa balikat ko.

"Naku, hindi naman." sagot ko. Saka ako napangiti.

ANGELA's POV

Welcome back to the Philippines Angela! Napangiti ako. Tama kayo, ako si Angela Ramos, isang international supermodel from USA, na girlfriend ni Chrysler Cruise. And speaking of Chrysler—hindi ko pa ipinaalam sa kanya na binigyan ako ng isang buwan na bakasyon.

Umuwi ako ng bansa ng tahimik dahil I wanted to surprise him. And I'm already excited to see him, kiss him and hug him. It's been five years already since the last time I saw him at miss na miss ko na siya ng sobra.

I will make sure na kapag nag-propose na siya sa akin ngayon—I won't waste it anymore. Tatanggapin ko na ‘yon ng buong-buo. Nandito ako ngayon sa condo ko, inaayos ang mga gamit ko at pasalubong kay Chrys at kay Lola Yna.

I'm sure na nasa opisina si Chrys ngayon, kaya doon ko na siya agad pupuntahan. Hmm.. na-miss ko talaga ang Pilipinas. It's really more fun in the Philippines. After kong mag-ayos ng mga gamit at mga pasalubong ay lumabas na ako ng condo, nag-abang ng taxi at sumakay papunta sa Legacy. I wanted to see him na!

*45 minutes after*

Nakarating na din ako. Ang lapit lang pero ang traffic kasi. Bumaba na ako sa sasakyan para pumasok sa loob ng malaking kompanya.

"Hmm.. very nice." Komento ko ng makita ko ang kabuuan ng kompanya.

Halatang mayaman talaga ang may-ari kasi napakalaki ng kompanya nila. My family owned a business too—restaurant to be exact pero hindi kami ganoon kayaman. Maybe 70%? Ah basta!

"Excuse me ma'am, can help you?" tanong no’ng babae sa front desk.

Nagpapalinga-linga lang kasi ako sa paligid. Hindi pa kasi ako nakakapunta dito, wala pa naman siya dito noon ng mag-abroad ako. Pero nababalitaan ko na ito noon sa kanya.

"Yeah, I'm looking for Mr. Chrysler Cruise."

"Do you have any appointment with him today?"

"No. But if you would tell him that I'm here, for sure he'll be glad."

"Okay, may I know your name Ma'am?"

"I'm Angela Ramos, his girl—“

"Alam n’yo, parang may relasyon talaga ‘yang si Sir Chrys at si Chinky e, hindi lang nila inaamin sa atin, pero halata kaya." Narinig kong sabi ng isang babae habang naglalakad ang mga ito sa hallway. Umabot ‘yon sa tainga ko.

"Oo nga e, ‘yon din ang sabi ko noon, pero nakakapagtaka lang kasi hindi naman mga katulad ni Chinky ang mga type ni Sir e." sabi naman ng pangalawang babae.

Sino ba ang pinag-uusapan nilang Sir Chrys nila? Si Chrys ko ba?

"Pero kung magka-ganoon man, suportahan na lang natin si Chinky, atleast tumino naman ng kaunti si Sir ‘di ba?" sabi no’ng si pangatlong babae.

And blah..blah..blah.. Hindi ko na nadinig lahat kasi nakalayo na sila sa akin. Gusto ko pa sana sila sundan para makinig pero magmu-mukha naman na akong chismosa n’yan, duh!

"Ma'am?"

Agaw atensyon sa aking no’ng kausap kong babae.

"Oh! I'll just go ahead. I wanted to surprise him." Sabi ko.

Bago pa makapagsalita ‘yong babae ay naglakad na ako ng mabilis. Narinig ko pa ngang tinawag n’ya uli ako, pero nagpatuloy na pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makasakay na ako sa elevator—papunta sa opisina ni Chrys, wherever is that.

May mga kasabayan ako na mga lalake sa elevator. They are all staring at me. Hindi naman revealing ang dress na suot ko. I just wore a fitted pink dress at naka-pony ang mahaba kong buhok. Well, baka ngayon lang kasi sila nakakita ng maganda.

"Ah excuse me, can I ask where is the office of the President?" tanong ko na lang sa kanila, para makabayad man lang sila, dahil sa pagnanasang ginagawa nila sa akin.

"Si Sir Chrysler po ba Ma'am?"

"Meron pa bang iba?" I smiled.

Ngumiti din sila. Sabay namang bumukas ang pintuan ng elevator.

Sabay-sabay kaming lumabas doon. "That way Ma'am," sabi sa akin no’ng matangkad na lalaki sabay turo sa mahabang hallway.

Nagpasalamat na lang ako, saka na ako nagsimulang hanapin ang office ni Chrys. Siguro naman hindi ako mawawala dito at siguro din naman mababasa ko naman ang pangalan na nakalagay sa door n’ya ‘di ba?

=OFFICE of the PRESIDENT=

Ito na ‘to siguro. I knock three times pero wala pa ring bumubukas ng pintuan.

"Yes Ma'am, ano’ng kailangan nila?" tanong babaeng bigla na lang sumulpot from nowhere. Maybe secretary ito ni Chrys or katulong? Ewan.

"I wanted to talk with Chrysler." Sabi ko.

"Do you have an appointment with him po?"

"Wala," sabi ko, saka walang paa-paalam na binuksan ko na lang basta ang pintuan ng Presidente at mabilis na pumasok doon.

Mula sa paperworks na ginagawa n’ya ay agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. At kitang kita sa mukha n’ya ang pagtatakata at gulat sa pagkakakita sa akin at kung ano ang ginagawa ko dito. Surprise Chrys!

"Kasi Sir—" naputol ang sasabihin ng babae no’ng makita nitong tumango na lang si Chrys, for approval, saka na rin ito lumabas.

CHRYSLER's POV

  

Bigla na lang bumukas ang pintuan, kaya napaangat ako ng tingin—hindi man lang kasi kumatok. PERO—biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang pumasok sa loob. Sinubukang pigilan ni Bianca sa pagpasok ang babae—pero napatango na lang ako, to let her come in.

Naglalakad na ang babae palapit sa akin, pero ako nanatili pa ring nakatingin sa kanya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon. Nananaginip lang ba ako? Lihim kong kinurot ang sarili ko, baka kasi parte na naman ito ng kabaliwan ko, pero nasaktan ako. Which only proved na totoo ngang nandito siya.

"A-Angela?"

Saka ako dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair ko.

"Long time no see Chrys." Sabi n’ya, saka bago pa ako makakilos ay nayakap na n’ya ako kaagad. "I've missed you so much babe." Sabi n’ya, saka n’ya mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

I should be happy right dahil nandito na siya ngayon, ang babaeng matagal ko ng hinihintay pero—bakit parang wala na ang gano’ng pakiramdam? Ang weird lang.

"Angela, kelan ka pa dumating? Bakit hindi ka nagpasabi?" kumalas ako sa pagkakayakap n’ya, saka ko siya tinitigan.

Naiiyak yata siyang makita ako, kaya pinunasan ko ang luhang unti-unti ng tumutulo sa maganda n’yang mukha. At heto na nga, nagsi-sink-in na sa akin na miss na miss ko na rin pala siya. For five long years, ngayon na lang uli kami nagkita.

"Hindi ka ba masaya na makita ako?" she asked.

"Of course not, miss na din kita—"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang n’ya akong kinabig para halikan sa aking mga labi.

CHINKY's POV

 Pumasok na kami sa Office of the President para makita Chrys, sinamahan ko na kasi si Elix.

"Hi Ms. Bianca, nandyan ba si Sir Chrys sa loob?" tanong ko.

"Oo, pero kausap kasi siya e." sagot ni Bianca.

            "Sino?" tanong ko naman.

"Babae e, hindi ko kilala. Pero hintayin n’yo na lang. Sige magsi-CR lang muna ako ha." Sagot n’ya. Tumango na lang ako.

"Naku, hindi ka pa ba mali-late n’yan sa appointment mo?" tanong ko kay Elix.

"Medyo mali-late na nga e, mag-excuse na lang muna tayo, personal matter kasi kaya dapat personal kong sabihin." Sabi ni Elix.

"Okay, tara na!"

Kakatok pa sana kami pero pagpihit namin sa pintuan ay nakabukas na pala. Kaya tuloy-tuloy na rin kaming pumasok. And oh my Gosh! Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sunod na eksena.

Chrys is kissing the girl whom he with—sa loob ng opisina n’ya! Kitang-kita ng mga mata ko!!  Parang bigla akong napako sa kinatatayuan ko at hindi makakilos para magtakip ng mga mata ko. Parang may biglang kumurot sa puso ko. Pero bago pa ako makapag-isip ng gagawin ay mabilis na akong nahila ni Elix at pinatalikod ako sa dalawang taong nakikita kong naghahalikan.

"Don't look at them.." bulong sa Elix.

Nanatili pa rin akong walang imik at parang tulala. “Who is that girl?” Nanghihina kong tanong sa sarili ko. Ngayon ay parang may tumusok ng maraming karayom sa puso ko. I feel like crying! OMG!

"O-Okay ka lang?" tanong sa akin ni Elix.

Tumango ako kahit hindi naman ako okay. Para kasing lahat ng parte ng katawan ko masakit, hindi ko lang matukoy. Ulo ba? Kamay? Binti? Paa? Hindi ko alam baka—PUSO?

"Lets go! Maybe next time ko na lang sasabihin sa kanya ang pakay ko." Yaya na sa akin ni Elix, tumalikod na kami at akmang aakayin na n’ya ako palabas ng opisina ng biglang may magsalita..

"Chinky?"

Kapwa kami napatigil sa paglalakad ni Elix. Pero wala pa ring lumilingon sa amin.

"Don't cry." Sabi pa ni Elix sa akin.

Nahulaan yata kasi n’yang naiiyak na ako e. Alam n’yo na buntis ako e, may pagka-emo. Pinigil kong huwag umiyak, pero napapa-singhot ako. 

"Hindi ako iiyak!"

"Bakit Chrys?" narinig kong nagsalita ‘yong babaeng kasama ni Chrys kanina.

Hindi ko masyadong nakita ‘yong mukha no’ng babae, kasi naka-side view at magkahalikan pa sila kanina—Ouch talaga! Pero she looked familiar. Parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Chinky!"

Narinig ko muling tawag ni Chrys sa pangalan ko at dinig na dinig ko ang mga foot steps n’yang palapit sa akin. My heart is starting to thump again. Pero mas nangingibabaw pa rin ang kasi ang  sakit sa pagkakakita ko sa kanya na may kahalikang ibang babae.

"Chinky!" muli sabi ni Chrys, pero ng maramdaman ko ang paghawak n’ya sa braso ko ay bigla na lang akong napatakbo palabas ng opisina.

"Chinky!" narinig kong tawag sa akin ni Elix.

"Chinky!" narinig ko ding tawag pa ni Chrys.

Pero hindi ko na sila nilingon. Halos nahulog na nga lahat ng kitkat sa bulsa ko sa pagtakbo ko. At napapasinghot habang takbo pa rin ako ng takbo, makalayo lang sa kanila.

“Sino ang babaeng ‘yon na kahalikan n’ya?” tanong ko sa sarili ko.

Oo! Wala akong karapatang magselos kasi hindi naman n’ya ako mahal, pero asawa pa rin n’ya ako. At Oo! Gusto ko na siya baka nga mahal ko na siya e, kaya ako nasasaktan ng ganito ngayon! Waah! ‘Wag n’ya akong masundan-sundan dito baka bigla ko siyang masapak!

Pinundot ko na ang button ng elevator para sumakay doon at agad na pinindot ‘yon para magsara pero biglang may pumigil sa pintuan—nag-angat ako ng tingin—at nagulat ako sa nakita ko! Si Chrys na mukhang hingal na hingal din dahil sa pagsunod sa akin.

"Lets talk!" humihingal na sabi n’ya.

 Oh no! Not now! Pero bago pa ako makatanggi ay pumasok na siya sa loob ng elevator at sumara na ‘yon. Saka n’ya pinindot ang button papunta sa 20th floor.

Continue Reading

You'll Also Like

571K 9.4K 63
Tunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.
505K 10.5K 56
Naranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso...
1.5M 2.7K 3
(COMPLETE but UNEDITED content inside) Who doesn't want a fairytale? A happy ever after? Eleina wanted a true love of her own kaya naman nang malama...
126K 1.6K 25
This story contains a dramatic scene and romantic bed scene.