Her Virgin Brother

Door crushyrushy

1.4M 19.7K 1.5K

'Ikaw. Ayoko sayo.' sabi ni EDRIK sa Bestfriend ng kapatid niyang si Colyn. Pero ng dahil sa isang pagkakamal... Meer

Her Virgin Brother
HVB 1: The Elevator.. Uhmmm..
HVB 2: The Stripper
HVB 3: Strip na iyan!
HVB: He's LIME
HVB 6 : Past is Past
HVB 7: Two Lines
HVB 8: Panagutan na iyan!
HVB 9: First Step
HVB 10
HVB 11: *Pagkain*
HVB 13
HVB 14:
HVB 15: I'm Starting to...
HVB 16: DEAD
HVB 17: Regrets
HVB 18: Manipulative Hawk
HVB 19: FIVE Reasons
Her Virgin Brother: EPILOGUE

HVB 12: Bulaklak

52.4K 932 58
Door crushyrushy


Dahil tapos na ang TVW, ito na ang aking susunod na tatapusin. GOAL? Matapos ito before mag END ng 2013 :) O saya diba?

COMMENT naman diyan :)

Twitter acct: @U_and_Rushy

FB Acct: Crushy Rushy

-----

HVB 12

<Colyn's POV>

"Ito yung mga gamot na bibilhin mo para sa kanya. Kailangan din niya ng mga Vitamins para mas lumakas siya. Huwag masyadong mastress. Medyo delikado kasi ang first 3 months ng pagbubuntis. Nakadagdag pa yung Age niya. She's at risk in complication during pregnancy. Kaya alagaan mo siyang mabuti. Okay ba yun?"

"Salamat, Doc."

Nakarinig ako ng pagsarado ng pintuan. Unti-unti kong pinakiramdaman ang nasa paligid ko. Mayamaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Puro puti ang nakita ko.

Wala sa sariling hinawakan ko yung tummy ko.

"B-baby.." Tyaka ko ito hinaplos.

"Colyn.." Napatingin ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nakita ko si Edrick na papunta sa akin. "Ayos ka lang ba? May kailangan ka ba? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Teka, anong nararamdaman mo ngayon mabuti pa tawagin ko ulit si Dr. R--"

Tinaas ko yung kamay ko. Sunod-sunod kasi ang tanong niya. Masyado na akong natutuwa sa

mga sinasabi niya. Unti-unti kong napapabago si Edrick.

"Mamatay na ba ako?" Bigla kong tanong.

Nagulat ako ng hawakan nito yung kamay ko. Mahigpit. Nakikita ko ang takot sa mga mata nito.

"Hindi ka pa mamatay." Mariin na sabi nito. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi nakakatuwa."

Huminga ako ng malalim. Natatakot siya. Siguro naiisip niya noong nawala si Lime sa kanya. Ayaw niya na maramdaman ulit iyong naramdaman niya dati.

"Sorry." Huminga siya ng malalim saka binitawan ang kamay ko. "Anong nangyari sa akin?"

"Nakita kitang nakahiga malapit sa OpenGrounds ng school niyo." Kumuha ito ng Ponkan at nagbalat bago tumingin sa akin. "Ano bang nangyari? Wala akong makitang security Guards sa school niyo. Pero alam kong may tao dahil may naririnig akong nagsasalita sa Mic. Tell me, what happened."

"W-wala." Yumuko ako. Ayoko sabihin na hinabol ko si Polly ng oras na iyon. Ayoko magkagalit yung magkapatid ng dahil sa akin. "N-nadapa lang ako."

Tiningnan lang ako nito. Nakataas ang mga kilay niya. Hindi siya naniniwala sa akin. Sino ba namang maniniwala na nadapa tapos hindi na makatayo at tuluyan ng nahimatay.

"Do you think I believe you?" Natapos na nitong balatan ang ponkan. Kukunin ko sana sa kanya para makakain na ako kaso bigla niyang inilayo. "Ako na."

"K-kaya ko naman eh! A-ako n-na kaya!" Nahihiya ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na hindi ko malaman.

"I insist. Say Ah,"

"Ayoko." Tinikom ko yung bibig ko. "Hindi naman ako nabaldado. Nakakatayo pa ako. Nakakahinga---"

Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang isubo sa akin ni Edrick yung isang piraso ng ponkan.

"Very Good."

Napayuko ako. Bakit pagdating sa kanya biglang nawawala yung tapang ko sa sarili? Yung pagkaJolly ko tsaka pagkastraight-forward ko.

"Ayoko na." Sa pangatlong pagkain ko. Huminto siya. Parang masyado ng nagbunga lahat ng ginawa ko. Nakita kong tumayo siya. Saka niligpit yung mga kalat niya.

"Edrick." Tawag ko sa kanya. "Bakit mo ginagawa ito?"

Huminto ito sa pagaayos. Nakiramdam ako. Naguguluhan kasi ako sa kanya. Gusto kong makasigurado.. Gusto kong malaman..

"Ang ano?"

"Ito. Inalagaan mo ako. Sinabayan mo na akong kumain. Minsan ka na lang maging masungit sa akin. Tapos sinusubuan mo pa ako ngayon."

"Kailangan ba may dahilan lahat ng gawin ko?" Bigla niya akong hinirap. "Paano kung gusto ko para sa Baby natin? Okay na ba iyon?"

Para sa Baby. Hinawakan ko yung tiyan ko. Ngumiti ako. Para sa Baby pa rin. Kailangan ko ba maririnig na Para sa Akin naman? Haay. Medyo malaki na ata yung hinihiling kong iyon.

"Isa pa." Pagpapatuloy nito. "Please, huwag ka ng umasa sa akin. Masasaktan ka lang."

Masasaktan lang ako. Matagal na akong nasasaktan pero eto ako. Umaasa na sana, mahalin mo ko hindi dahil sa Baby. Para sa akin.

Naramdaman kong umalis ito sa harapan ko at pumunta sa CR.

Naman. Bakit ba kasi nagtanong pa ako? Bakit inopen ko nanaman yung Topic na iyon?! Bakit kasi nagpakadaldal ko at sobrang gusto kong marinig na para sa BABY kung bakit niya ako inaalagaan na sa huli, ako ang masasaktan.

Men..

"Huy."

Napatingin ako sa pagbukas ng pinto. Napangiti ako ng makita kong pumasok siya.

"Hawk." Ngumiti ito. "Anong ginagawa mo dito?"

Napansin kong parang may nakatago sa likod nito. Pilit kung sinisilip pero lumalayo naman siya.

"Para sa akin ba iyan?" Hindi ko na natiis na tanong.

"Yung?" Nagtatakang sabi nito.

"Yung nasa likod mo."

"Ah eto?" Inilabas nito yung tinatago nito sa likod. Nagningning ang mata ko ng makita ko kung ano iyon.

"Wow." Iniabot ko yung kamay ko. Bouquet of Flowers. Puro white. Kahit kailan di pa ako nakarecieve ng ganito. "Salamat."

"Para kay Edrick ito." Sumimangot ako. Tumawa naman ito. "Oh. Para sayo ito." Ibinigay na nito sa akin yung bulaklak.

Ang laki ng ngiti ko ng mahawakan ko iyon. Wow. Wow. Ang saya. Inamoy ko pa yung mga Bulaklak. Fresh. Sana mabigyan din ako ni Edrick.

Psh. Asa ka nanaman Colyn. Masasaktan ka nanaman.

Ayos lang naman diba sanay na kaya ako. Hard Habit to Break eh.

Naramdaman kong umupo si Hawk sa upuan na iniwan ni Edrick. Sumandal ito doon.

"Kamusta?"

"Ayos lang." Nagkibit balikat ako at tinuloy ang pagamoy sa bulaklak.

"What I mean is.." Tumingin ako dito. Nakita kong naiba ang titig nito. "Kamusta?"

Oo na. Alam ko na yung pinupunto niya. Kamusta kami ni Edrick. Yung plano kong pabalikin siya sa dati.

"Hmm." Binitawan ko yung bulaklak at binaba sa lap ko. Sumandal ako sa HeadBoard at nagisip. Kamusta ba talaga?

"Natulala ka na diyan."

"Wala.." Ngumiti ako. "May naalala lang."

"Katulad ng?"

"Mahirap siyang intindihin." Panimula ko. "Minsan okay kami. Minsan, ang sungit. Minsan sobrang caring. Minsan parang walang pakielam. Ang gulo niya. Para siyang laging may MoodSwings." Tumingin ako dito. "Ano sa tingin mo?"

Nagkibit balikat nanaman ito. Tumitig ito sa akin saka ngumiti.

Nakakacurious talaga itong si Hawk. Hindi ko alam kung ano ba talagang nasa utak niya at bakit parang laging lutang.

"Well.." Umayos ito. "Baka si Edrick ang naglilihi para sayo."

"Baka nga." Lihim akong napangiti. "Kaso minsan talaga, di ko siya maintindihan."

"Hmm.. Maggigive up ka na ba sa kanya?"

"Sinong nagsabing magigiveup ako kay Edrick? No way, Jose. Tuloy pa rin yung plano kong palitan si Lime sa puso niya."

"Stay in that attitude and I'll assure you. You will win his heart."

"Talaga." Past Vs Present? Aba, di ako magpapatalo. Hindi ako tatakas sa Goal na nasimulan ko na.

"Pero.." Nagtatakang tumingin ako kay Hawk.

"Pero?" Ulit ko.

"Kung hindi mo na kaya yung sakit diyan." Tinuro nito yung dibdib ko. "at Diyan." Tinuro nito yung ulo ko. "Tigilan mo na. Mahirap ng makasanayan ang gamot na ipinagbabawal."

"Ha?" Ang gulo nun ah!

"Meaning.. Kung masakit na, tigilan mo na. Wala kang mapapala." Umupo ito ng maayos. "Try mo maghanap ng iba. Malay mo, sa kanya mo pala mahahanap yung saya na hindi mo mahanap sa kanya."

Try ko maghanap ng iba? Iniisip ko pa lang. Parang ang sakit na.

"Parang di ko ata kaya." Sabi ko.

"Kala mo lang iyon." Sumandal ito saka ako tinititigan. "Try mo ko, di ka masasaktan." Nagwink pa ito sa akin saka ako tinitigan.

Nalukot ang mga kilay ko. May gusto ba itong si Hawk sa akin? Parang di ko naman ata napapansin. Weh? Di nga? Baka meron?

"Kidding!" Tumawa ito ng malakas hawak pa ang tiyan. "Kung nakita mo lang iyang itsura mo. Hahahaha!"

Napaismid naman ako. Siraulong Hawk ito! Inabot ko yung ulo nito saka sinabutan. Para naman tanga ito. Tawa pa ng tawa.

Nasa ganoong position kami ng biglang may nagbalibag ng Pintuan sa CR.

Kinabahan ako ng nakita ko si Edrick na nakatayo doon hawak yung doorknob at masama ang tingin sa akin. Pagkatapos ay lumipat ang tingin nito kay Hawk, at sa bulaklak na nasa Lap ko.

"Edrick.." Wala sa sariling nasabi ko.

"Pare.." Tinaas ni Hawk yung kamay niya bilang pangangamusta. Tumango lang si Edrick sabay walang tingin pumunta sa Side Table at may hinalungkat sa Cabinet.

"Hindi ko alam na Close pala kayong dalawa." Biglang sabi ni Edrick na hindi tumitingin sa amin.

Hindi ko alam kung ako o si Hawk ang kinakausap niya.

Hala! Baka nagkamali nanaman siya ng pagkaunawa! Naman! Wag ganon! Baka isipin niya na isa akong malanding, mahihilig sa lalaki! Baka sabihin niyang makati ako! Mali. Mali.

Sa huli ay napagpasyahan kong magpaliwanag.

"Uhmm.. Edrick, dinalaw kasi----"

"Dinalaw ko si Colyn." Tumingin ito sa akin sabay ngiti. Pinandilatan ko naman siya. Tinaas-taas lang nito yung kilay niya na parang sinasabi na Makisakay na lang ako.

Patay ka sa akin, Hawk.

"Paano mo naman nalaman na nasa Hospital siya?" Balik na tanong ni Edrick. Pero hindi ko pa din alam kung anong hinahalungkat niya sa cabinet. Basta buklat lang siya ng buklat.

"Ah.." Tiningnan ako nito. "Tinext niya ako." Saka ako kinindatan.

Pinandilatan ko nanaman siya. Anong tinext?! Eh hindi ko nga alam kung nasaan ang phone ko. Siraulong Hawk ito!

Ano bang binabalak mo?

"Anyway," Tinaas pa ni Hawk yung dalawang kamay niya sa ulo. "Binigyan ko siya ng bulaklak, kung nakita mo lang yung mukha niya nung makita niya yung bulaklak.. sobrang saya niya." Tumingin nanaman siya sa akin. "Diba?"

Konti na lang mapapatay na kita.

"Uhm.. Ano.." Nakamot ko ang gilid ng kilay ko ng hindi oras. "O-oo nagustuhan ko yung bulak---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng magulat ako sa pabalibag na pagsarado nito ng Cabinet.

Saka lumingon si Edrick kay Hawk. "Hindi niya kailangan yang mga bulaklak mo. Mas kailangan niya ng mas masusustansyang pagkain." Humarap ito sa akin. "Magbabayad lang ako ng Hospital Bill mo."

Magpapasalamat pa sana ako ng tuloy-tuloy itong lumabas sabay balibag ng pintuan.

Napapikit pa ako sa lakas ng pagsara. Galit talaga si Edrick. Sabi na kasi eh.

Tiningnan ko bigla ng masama si Hawk. Nakita kong mukhang masaya pa ito sa mga nangyayari.

Wala sa sariling hinampas ko sa kanya yung unan ko.

"Aray naman. Hahahaha!" Siraulong ito. Tuwang-tuwa pa sa mga nangyayari.

"Baliw ka ba!" Sumimangot ako. "Magkagalit tuloy kami!"

"Eh bakit naman siya magagalit sayo?" Painosenteng tanong nito. "Aray!"

Pinaghahampas ko ulit siya ng unan.

"Bulag ka ba!" Hinampas ko ulit yung unan ko sa kanya. Tawa lang naman ito tawa. "Kita mo ng nagalit yun kasi akala niya malandi ako! Makati! Higad! Alupihan----"

"Uh. Uh. Uh. Uh." Gumalaw galaw pa yung daliri niya. "Hindi siya nagagalit dahil, malandi, makati, higad, at alupihan ka."

Tumingin ako dito. Anong hindi siya nagagalit dahil sa malandi ako? Siraulong lalaki ito.

"Nagagalit siya dahil..." Tumayo ito saka lumapit sa tenga ko at bumulong. ".. sa akin." Saka lumayo.

Naguluhan ako doon ah. Nagalit si Edrick nang dahil sa kanya? Wow ha? Ang gwapo niya. Hamak na mas guwapo si Edrick kesa sa kanya.

"Gwapo mo ha?" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti ito ng makahulugan. Natakot ako. Kahit sa sandaling panahon, alam ko iyang mga ngiti ni Hawk na ganyan.

"Alam mo bang nasa kanya ang Cellphone mo?" Nalukot yung mga kilay ko. "Meaning alam niyang nagsisinungaling ako."

Na kay Edrick ang Cellphone ko? Eh.. bakit parang.. parang.. teka!

... nagagalit siya kasi.. nagseselos siya kay Hawk?

Bakit naman siya magseselos?

Napatingin ako kay Hawk na nasa pintuan na.

"Bakit ba ang hilig mong magiwan ng tanong sa utak ko?"

"Well.." Nagkibit balikat niya. "One more thing.."

"Ano?"

"About the flowers.." Napatingin ako sa mga bulaklak sa lap ko. ".. Huwag mo ng ipakita sa kanya ulit."

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Lumingon ako sa kanya.

"Matalino ka, Colyn." Ngumiti nanaman ito ng makahulugan. "Alam mo na iyan. Congratulations." Saka lumabas ng Kwarto ko.

Tumingin ako sa bulaklak na nasa lap ko. Saka pinagisipan ko ulit ang mga sinabi ni Hawk na iniwan niya sa utak ko.

Then I came up with a Conclusion.

Nagseselos si Edrick kasi...

.... may gusto na siya sa akin?


Nagrambulan ang puso ko. Nagreklamo ang utak ko.

------------

COMMENT naman sa pagbabalik ng Her Virgin Brother :)

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

615K 18K 70
This story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?
7.8M 167K 61
The LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
18.2K 470 34
Michelle Celestine Zobellano is a bubbly and carefree author. Grew up in a broken family and became the breadwinner. She wants nothing but the best f...