AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN

By yeshameenbrejente

168K 4.3K 215

"At kung ibigin ka'y kasalanan ay wala na akong pakialam. Ang makasama ka'y sapat na sa akin. ikaw ang buhay... More

Teaser
CHAPTER 1: LOVING JASMIN
HIS TENDER LOVE & CARE
"KEITH'S LOVE FOR HER"
"BRANDON'S ARRIVAL"
JEALOUS
Trapped
Makasalanang PAG-IBIG
In the name of love
The Secret Plan
The Unwanted Gift
BLACK
Durog
Hurting Jasmin
Kung Kasalanan Man..
The Sign
SURRENDER
Freed
The Birthday
The Setup
If I'm Not In Love With You
A Night With Him
The Past
Flashback
Back in Your Arms Again
The Closure
TILL DEATH DO US PART

Complicated

5K 148 5
By yeshameenbrejente

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN
by: Yeshameen Brejente





PARANG mga batang nagtampisaw sa ulan sina Jasmin at Brandon. At dahil nakasuot ng heels ang dalaga ay di sinasadyang natapilok ito kung kaya siya ay nasaktan.

"Aray!" sigaw niya at napaupo sa lupa. Pakiramdam niya'y nabalian siya ng buto.
Mabilis namang dumamay si Brandon sa kanya. Sobra itong nag-aalala sa dalaga.

"Jasmin, I'm sorry." Sabi ng binata.

"Di mo naman kasalanan, eh." Aniya at marahang hinilot ni Brandon ang kanang sakong niya. "Dahan-dahan lang, Brandon. Masyadong masakit."

"Kasalanan ko 'to. Kailangan na kitang dalhin sa ospital." Sabi niya at walang sabi-sabing binuhat ang dalaga tungo sa kanyang kotse.

"Ospital agad?" takang tanong niya.

"I just wanna be sure na ligtas ka." Sabi ng binata at sa tuwing nagtatama ang kanilang mga paningin ay umiiwas si Jasmin. Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan na lalong nagpadilim sa kalangitan.

"Sayang naman 'yung mga special meals natin, di man lang natikman." Sabi ng binata.

"Di pa naman ako nakakain, Brandon." Reklamo niya at ang mga kamay ay nakahawak sa batok ng binata.

"Eh di kumain na muna tayo. " Sabi ni Brandon at binuhat pabalik sa arch house ang dalaga at sabay pa silang nagkatawanan.

Habang sila'y tahimik na kumakain ay biglang nakadama ng lamig si Jasmin na halos manginig na siya. Kaya naman ay mabilis na lumapit si Brandon sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Nang magdaop ang kanilang mga dibdib ay biglang nakadama ng kakaiba si Jasmin. Ewan ngunit mukhang para bang nabuhay ang takot sa puso niya. Ang takot na baka muling may mangyaring hindi dapat. Kaya naman ay agad siyang nanulak.

"Kumain ka na, Brandon. Kailangan ko na ring makauwi ng maaga dahil midterm exam namin bukas." Marahang sabi niya.

"Galit ka ba sa akin o naiilang?" tanong ng binata.

"Hindi ako galit saiyo, Brandon. Hindi na ako galit saiyo. Pero di mo basta-bastang maialis sa akin ang makadama ng ganito. Yung parang may phobia na ako sa tuwing nagkakalapit ang ating katawan." Tapat niyang sabi kaya ay parang napahiya si Brandon.

Hindi naman niya maaaring pigilan sa nararamdamang pagkabahala si Jasmin, dahil siya rin naman ang dahilan ng phobia nito. Pero masakit pa rin sa binata ang maipamukha sa kanya ang bagay na matagal na rin niyang pinagdusahan at pinagsisihan. Di niya maiaalis kay Jasmin ang bagay na iyon. Dahil batid niyang di madali ang pinagdaanan nito sa kanya noon.

Wala nang naging imikan sina Jasmin at Brandon hanggang sa maihatid siya nito sa kanila. Dahil basa ang kasuotan ni Brandon ay di na siya tumuloy upang magpaalam sa kambal. Di na rin siya nagtagal sa bahay nina Jasmin.

Matapos na makapag-shower si Brandon at makapag-bihis ay muli siyang bumaba sa kanilang main pool bar at doon ay halos lunurin niya ang sarili sa mga alak. Lumuluha pa siya habang unti-unting nilalagok ang laman ng kopita sa bawat shots niya.

Napalingon siyang bigla sa pool nang biglang tumalon sa tubig si Keith. Nakatingin lamang siya dito habang umiinom pa rin. Si Keith naman ay waring nilulunod na sa tubig ang sariling wari'y pinaparusahan.

Sumisid si Keith sa pinakamalalim na bahagi ng tubig. At matagal itong umahon. Akala ni Brandon ay tuluyan nang nalunod ang kapatid kaya walang sabi-sabing tumalon din siya sa pool. Upang iligtas si Keith.

Halos di na makahinga si Brandon, dahil sa nalasing na siya sa dami ng kanyang nainom. Si Keith naman ay mabilis nang umahon sa pool at imbes na tulungan si Brandon ay di man lang niya ito nilingon.

Mabuti na lang at kahit lasing ay nagawa pa rin ni Brandon ang umahon sa pool.

"Keith, ayos ka lang ba?" tanong niyang nag-aalala.

"Stop acting as if you're concerned! Because I know you're not and you never will!" singhal niya dito.

"Keith, magkapatid tayo at walang sinuman ang pwedeng magdamayan dito kundi tayo." Ani Brandon na sapo ang ulong sumasakit.

"Wala na akong kapatid buhat nang agawin mo sa akin ang babaeng tangi kong minahal!  At alam mo ba kung ano ang tingin ko saiyo? Isang kalaban. Isang ahas na di dapat pagkatiwalaan!" sabi ni Keith at pinadapuan ng isang suntok sa mukha si Brandon.

Kaytagal din nilang hindi nakapag-usap. Matagal na panahon na ring hindi nagkibuan.

"Keith, wala na tayong magagawa pa. Oo at nagkamali ako. Nagkasala ako saiyo buhat nang ibigin ko si Jasmin. Pero nagmahal lamang ako, Keith." Aniya.

Dahil sa sinabi ni Brandon ay lalo pang nag-init ang ulo ni Keith.

"Wala kang karapatang sirain ang buhay ko! Wala kang karapatang wasakin kami ni Jasmin. Ito Brandon ang tandaan mo, magmula nang gahasain mo ang babaeng mahal ko ay itinanim ko na sa puso't isip ko na wala akong kapatid na katulad mo! Isa kang makasarili! Isa kang demonyong walang alam kundi ang kunin ang lahat ng magustuhan mo, kahit pa ang kapalit no'n ay ang pagdurusa ng mga tao sa paligid mo! Kahit ako pa na kapatid mo! Isa kang hayop!" sigaw ni Keith sa kanya at itinulak ito sa pool.

Nang mahulog sa pool si Brandon ay agad namang tumalon sa tabi niya si Keith at pilit niyang nilulunod ang kuya niya sa tubig." Papatayin na kita ngayon at yan ay dahil sinira mo kami ni Jasmin! At para na rin sa pagsira mo sa buhay ko!"

"J-just stop this, Keith! I can't breathe!" sabi ni Brandon na halos wala nang boses at wala na ring lakas upang labanan ang panlulunod ni Keith sa kanya.

"Hindi ko na 'to ititigil hangga't di ka nalalagutan ng hininga! You deserved to die at wala kang kahit na katiting na karapatan upang mabuhay!" sabi ni Keith at paulit-ulit nitong nilulunod ang mukha ni Brandon na hawak niya sa likuran ng kanyang ulo.

Mabuti na lamang at nakababa si Señora Alynna.At nakita ang ginagawa ni Keith sa panganay niya.

"Keith! Tigilan mo 'yan! Ano ba ang nangyayari saiyo?" sigaw ni Señora Alynna at mabilis na ring tumalon sa pool upang itulak ito palayo kay Brandon.

"Sige Ma! Kampihan mo 'yang paborito mong anak at nang tuluyang lumaki ang ulo niyan!" ani Keith.

Si Brandon naman ay habol ang kanyang hininga dahil unti-unti na siyang  halos ay malagutan ng hininga, dahil wala siyang lakas upang iligtas ang sarili.

Pinagtulungan ng mga kasambahay na iahon sa pool si Brandon. Hinang-hina na ito kaya minabuti ni Señora Alynna ang tumawag ng ambulansya at isugod ito sa ospital.

Si Keith naman ay naiwang nakaupo sa deck chair sa pool side at labis pa rin siyang galit na galit sa kuya niya.

Sobrang sakit lamang ng kanyang nararamdaman habang si Brandon ay nakikitulog kina Jasmin sa tuwing weekend. At mas lalo siyang nasaktan nang masaksihan niyang masaya sa Park sina Jasmin at Brandon na mukhang nagkakamabutihan.

Walang kasing sakit ang masaksihan niyang masaya na sa piling ng Rapist si Jasmin. Baka mas matanggap lamang niya kung iibig man ito sa ibang lalaki.

Ngunit kung kay Brandon rin lamang na siyang sumira at siyang nagwasak ng kanilang matamis na pag-iibigan ay di niya iyon matatanggap!

Naninikip na ang kanyang dibdib dahil sa mga pangyayari ngayon. At kung bakit siya nasasaktan na nandahil lamang kay Brandon at ngayon'y mukhang iniibig na rin ni Jasmin ay baka tuluyan na siyang masiraan ng bait. Di niya iyon kailanman matatanggap! Kahit anong mangyari ay sisiguraduhin niyang di mapupunta si Jasmin kay Brandon. Mamamatay na muna siya bago pa man mangyari iyon.

Wala na rin sa buhay niya si Nica, dahil tuluyan na itong umalis kahit di dala si JR. Tuluyan na nga siyang iniwan at sinukuan ng asawang walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya.

Nakita ni Señor Fernando si Keith na labis na umiiyak sa deck chair. Kaya naman ay mabilis niya itong nilapitan at tinapik sa likod. Awang-awa na siya sa kanyang anak. Alam niyang napakabuti nito at kahit kelan ay di nito deserved ang masaktan. Ngunit mukhang kaakibat na ng pag-ibig ang sakit.

"Papa.." hikbi ni Keith sa balikat ng ama.

"Alam kong mahirap, pero kailangan mong magpakatatag para sa iyong anak." Sabi ni Señor Fernando.

"Papa, wala na ho akong dahilan upang mabuhay pa! Tuluyan nang naagaw si Jasmin sa akin. Nakita ko sila kanina!"sabi nito.

"Hindi mo na dapat pang mahalin si Jasmin, hijo. Isipin mo na lang na may mga anak sila ng kuya mo." Sabi ng matanda.

"Hindi ho ako naniniwalang basta na lamang ibaling ni Jasmin ang pag-ibig niya sa iba!" sabi ng binata.

"Ang pagpapatawad lamang ang maaaring magpalaya sa iyong sarili. Marahil kasama ng kapatawaran ni Jasmin sa kuya mo ay ang tuluyang pagbukas niya sa kanyang puso, alang-alang man lang sa kambal." Sabi nito.

"Paano naman ang damdamin ko, Papa? Paano ako?" sabi niyang luhaan pa rin.

"Ayusin mo ang pamilya mo. Sundan mo si Nica, it's not yet too late." Ani Señor Fernando.

"Hindi ko ho mahal si Nica gaya ng pagmamahal ko para kay Jasmin," sabi ni Keith.

"Asawa mo si Nica at sa bawat sandaling iba ang iniibig mo ay nagkakasala ka lamang. Kung ako saiyo ay kalimutan mo na lang si Jasmin," sabi ni Señor Fernando.

"Palibhasa ay wala kayo sa lugar ko, kaya madali lang ang sabihin 'yan sa akin. Pero Papa, mas mahirap pa sa inaasahan ang sakit." Sabi ni Keith.

"I know how it feels like, son. I've been there. Minsan na rin akong naagawan ng minamahal. Bigo akong makatuluyan ang babaeng labis at una kong minahal, Keith." Sabi ni Señor Fernando.

"Ano ang ibig niyong sabihin, Papa?" tanong ni Keith.

"Bestfriend ko ang nakatuluyan ng first love ko. Inagaw ito sa akin. He did everything upang makuha si Noemi sa akin. Pinakilala sa akin ng grand parents niyo ang inyong Mama, nahirapan din akong mahalin siya noon, dahil di ko siya kilala. Ngunit nang isilang na niya ang kuya mo ay unti-unti ko na rin siyang natutunang mahalin, it takes time hijo, pero walang tao ang di mo natututunang pag-aralang mahalin. Nothing is impossible, son!" sabi ni ni Señor Fernando.

Saglit na napa-isip si Keith at bigla na lamang niyang narinig ang pag-iyak ni JR. Kaya naman ay agad nang pumasok sa loob ng bahay si Keith at sumunod si Señor Fernando.

Nang mabalitaan ni Jasmin ang nangyari kay Brandon ay di na ito mapakali. Labis na siyang nag-aalala para sa kalagayan ng binata. Pero, nararapat bang puntahan pa niya sa ospital si Brandon? Kailangan ba talaga niya itong pakitaan ng malasakit?

Nasa balcony ng bahay si Jasmin. Nangangamba siya kung naging tama ba ang desisyon niya, matapos siyang kausapin ni Nica nang mga nakaraang araw.

That was right before the twins's birthday party.

Nica came to her crying. At nakaluhod ito sa harap niya.

"Jasmin, nagsusumamo ako saiyo. Nagmamakaawa ako. Please, akin na ang asawa ko. Akin na lang siya. Alam ko kung gaano niyo kamahal ang isa't-isa, pero nakikiusap akong ipaubaya mo na lamang siya sa akin. Hindi ko kaya ang mabuhay nang wala siya. May mga anak ka na rin at alam mong mahirap ang lumaki sila nang walang amang nakaagapay. Mahal ka ni kuya Brandon at siya ang ama ng iyong mga anak. Kasal kami ni Keith at kahit kelan ay di ko igi-give up ang marriage namin. Bilang isang ina, please drive Keith away from your life." Sabi ni Nica.

"Nica, wala ka sa posisyon ko. Kaytagal kong naghirap, dahil sa pagkakalayo namin ni Keith.Pero huwag kang mag-alala, I know how you feel. Isa rin akong ina at wala akong ibang hangad kundi ang lumigaya ang mga bata. Kaya nga bumalik ako dito at ipinakilala ang mga bata kay Brandon. Siguro nga, hiram lamang ang pagmamahalan namin ni Keith sa mundong ibabaw. Baka sa langit, doon na lamang kami malayang magmahalan." Luhaang sabi ng dalaga.

Humalik si Nica sa mga paa ni Jasmin ngunit mabilis naman siyang naitayo nito.

"Maraming salamat, Jasmin. Isa kang mabuting tao, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nahuhumaling saiyo."Sabi ni Nica.

"Mapalad si Keith dahil natagpuan niya ang babaeng nagmamahal sa kanya, doble ng kaya kong ihandog sa kanya. Salamat Nica," sabi ni Jasmin at nagyakap sila nang buong higpit.

If Jasmin isn't in love with him, bakit kahit konting bagay na nagagawa ni Brandon ay kinikilig siya?

If she's not in love with him, then why does she feel happy whenever he's around?

If she's not in love with him, bakit siya labis na nag-aalala ngayon?

Mabilis na kinuha ni Jasmin ang kanyang jacket at agad na lumabas ng kanilang bahay, dahil pupuntahan niya sa ospital si Brandon.

"Mahal kita, Brandon. Mahal na kita." Aniya sa sarili at nag-abang ng taxi.

Isang pamilyar na kotse ang nasa labas ng kanilang bahay at laking gulat niya nang bumaba ang laman niyon.Si Keith.

"Halika na Jasmin, let's elope," sabi nitong seryoso ang mukha at boses.

Nanlalaki ang mga mata ni Jasmin nang bigla siyang hilahin ni Keith palapit sa kanyang katawan at niyakap ng buong higpit, lalo na ng bigla nitong sakupin ang kanyang mga labi. Bigla siyang nakaramdam ng maraming Voltage ng kuryenteng dumadaloy sa kanyang mga ugat.

Nang makahuma ang dalaga ay bigla niyang pinadapuan ng malalakas na mga sampal ang magkabilang pisngi ni Keith.

"Hindi ako masamang babae upang bigla mo na lang hihilahin at hahalikan ng gano'n ganon na lamang! Matuto kang rumespeto! Di ka na nakakatuwa, Keith. May asawa kang tao at wala kang karapatang pagtaksilan ang damdamin ng asawa mong walang ibang alam kundi ang mahalin ka lang!"sabi niya.

"I've respected you a whole lot, Jasmin! Pero may nangyari ba? Wala! Dahil di ka nirespeto ng ama ng mga anak mo!"sabi ni Keith.

"He raped me, yes! Pero alam mo bang ipinagpapasalamat ko na 'yun ngayon? Dahil sa ni-raped niya ako, nagkaroon ako ng Pierce at Phoebe. At alam mo bang hindi mahirap mahalin si Brandon?" sabi niya.

"So, you're in love with him?"sabi ni Keith na nakangisi.

"Yes, I'm in love with him." Sabi ng dalaga.

"Ngayon mo sa akin patunayang mahal mo na siya! We'll see Jasmin." Sabi ni Keith na mukhang nauubos na ang pasensya. Mabilis niyang pinangko si Jasmin papasok sa front seat ng kotse niya.
He fasten the seatbelt for her, kahit pa nagpapalag ang dalaga.

"Ibaba mo sabi ako, ano ka ba?" sigaw niya dito.

"Hinding-hindi kita ibababa, hangga't di mo natitikman ang langit sa piling ko! And that's a damn promise!" sabi ni Keith at mabilis na pinaharurot ang kotse.

"Keith, sinabi ko nang ibaba mo 'ko eh!" sabi ng dalaga at pilit na inaagaw ang manibela sa binata. Ngunit kahit ano'ng gawin niya ay di niya ito maagaw.

"I'll rape you, tonight! Baka kapag naanakan kita, ako na 'yung pipiliin mo." Sabi nitong para bang wala na sa sariling katinuan.

"Wala kang karapatang pag-isipan ako ng ganyan! Napaka-bastos mo!"singhal niya dito.

"Ako pa ngayon ang bastos? Ang tatay ng anak mo ba, maginoo?" sabi nitong nakangisi pa at mabilis pang minaneho ang kanyang kotse. Napapikit si Jasmin, bumulong siya ng piping dasal na sana ay walang masamang mangyayari sa kanya sa gabing ito. Kailangan pa siya ng kambal niyang anak. Kailangan pa niyang tuparin ang mga pangarap niya sa buhay.

Pagkatapos ng isang oras ay iniliko na ni Keith ang kotse niya sa hasyenda nila. Patungo sa burol kung saan nito pingarap na ipagtayo siya ng palasyo kasama ang kanilang magiging mga anak.
Di na umangal si Jasmin, dahil alam niyang di rin naman siya nito pakikinggan.

Nang makarating sila sa nasabing lugar ay nakita niyang mayroong tent na nakalagay doon.He started to lit a bonfire, upang magsilbing liwanag sa kadiliman. At dahil na rin sa malamig ang simoy ng hangin. Tanging mga kulisap lamang ang iyong maririnig at ang pagragasa ng tubig sa batis na hanggang ngayon ay napakalinis pa rin.

Ang lugar na ito ang nagsisilbing saksi ng isang kahapong puno ng tamis ng kanilang pagmamahalan. Ang saksi na minsan ay naging masaya sila sa piling ng isa't-isa. Kahapong hanggang alaala na lamang. Ang kahapong di na maaaring dugtungan.

"Jasmin, hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang laman nito." Turo sa kanyang isip. "Lalo na, nito." Turo niya sa kanyang kaliwang bahagi ng dibdib.

Napaluha si Jasmin at napakagat labi pa siya.

"Naging masaya ang aking nakaraan, dahil naroon ka. Sobra kitang minahal noon at ang alaalang iyon ay mananatiling buhay hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko. Palayain mo na ang iyong sarili, Keith. Patawarin mo na ang kuya mo at ako. Di na tayo pwede. Ayokong magkasala sa asawa mo, higit lalo na sa Diyos. Lubayan mo na ako, Keith. Harapin mo na ang buhay nang wala ako. Dahil gano'n ang aking ginagawa," sabi ni Jasmin.

"Nagkulang ba ako, Jasmin? O sadyang mas mahal lang kita? Kaya ba ako pa rin ang nasasaktan? Ako pa rin ang magdurusa? Sabihin mo sa akin, saan ako nagkamali?" luhaan na ring sabi ni Keith.

"Wala kang kasalanan, hindi ka kailanman nagkulang. Ako yung sumuko. Dahil ito ang alam kong tama. Di ba't sabi mo na rin na kung kasalanan man ang ibigin ako ay pipiliin mo pa rin ang tama dahil may takot ka sa Panginoon? Yun ang dapat nating isaalang-alang. Hanggang dito na lamang tayo, we are not destined to be together in this world. Pero sa kabilang buhay, doon kita hihintayin.Siguro doon lang tayo malayang mag-ibigan, nang walang damdaming masasaktan." sabi ng dalaga, kasabay ng paghikbi.

"Kundi rin lang ikaw ang aking makapiling sa mundong ito, siguro dapat na rin akong mauna upang ako na lamang ang maghintay saiyo doon sa lugar na wala na akong kahati at kaagaw sa pag-ibig mo. Sana Jasmin, tama ang naging pasya mo. Sana'y wala kang pagsisihan." Sabi ni Keith na halos wala nang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha. Sobrang nahahabag na kay Keith si Jasmin, marahan niyang pinahid ang mga luha nito.

"Isipin mo na lang si JR. Isipin mo na lang na mas pinili natin ang tamang landas. Dahil kung ibigin ka ay kasalanan, kaya kitang iwan para sa mga anak ko. Mahal ko sila."

Labis ang pagluha ni Keith sa mga sandaling iyon.They really have to end up everything right there. It hurts, though. But letting go is one of the best way of loving someone. Mahirap dahil para mo na ring isinuko ang hiram mong buhay.Luhaang iniwan ni Jasmin si Keith sa burol ng hasyenda.Si Keith naman ay napaluhod kasabay ng pagsigaw niya sa Langit.

Tinawagan ni Jasmin si Nica na kasalukuyang nasa Baguio City upang mapag-isa na muna. Agad namang sumagot ang huli.

"Nica, Keith needs you the most right now." sabi ni Jasmin.

"Pero di naman niya ako kailangan, Jasmin. Magiging kawawa lang ako kapag ipinagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya." sabi nito.

"Kailangan niya ng karamay ngayon, Nica. Go home because I'm so worried na baka di niya kayaning mag-isa. I beg you, please come home and be with him, again." Pakiusap ng dalaga.

Di na sumagot si Nica at nag hang up na lang siya. Pero agad na rin siyang nagdecide na umuwi na lang, dahil nami-miss niya si JR at ang asawa niya.

Hindi na malaman ni Jasmin kung ano nga ba ang nararapat niyang gawin? Hindi niya alam kung ano ang magandang solusyon sa napasok niyang suliranin sa buhay at pag-ibig.

Dinala siya ng mga paa sa ospital kung saan naka-confine si Brandon.

Tulog na tulog pa rin si Brandon na kasalukuyang mayroong dextrose, marahan niyang hinawakan sa isang kamay ang binata.

"Brandon, kailangan ko na munang lumayo. Kailangan ko na munang mapag-isa. Kailangan kong mag-isip nang mabuti. Ayoko nang mayroon pang nasasaktan sa inyong magkapatid. Bahala na ang tadhana. Bahala na ang Diyos.
Patawarin mo 'ko kung dadalhin ko ang mga anak natin sa aking paglayo. Kailangan nating lahat 'to." Piping usal niya at hinagkan niya ang noo ng binata. Saka siya mabilis nang tumalikod.

Gulat na gulat si Nica nang makita niyang may hawak na baril si Keith at itinutok sa sariling ulo at ang isang kamay niya ay may hawak na bote ng alak.

"Keith, for God's sake! Ibigay mo sa akin ang baril!" pakiusap ni Nica.

"Nica, I have to do this. Hindi ko na kaya ang sakit. Ikaw na sana ang bahala sa ating anak. Salamat sa lahat." Luhaang sabi ni Keith. At mabilis na nakalapit sa asawa at pilit silang nag-agawan ng baril.

Mayroong isa sa kanila ang nakakalabit ng gatilyo ng baril kaya ito ay biglang pumutok. Maririnig ang lakas ng pag-iyak ni JR dahil nagising ito sa pagkakatulog.


TBC

Continue Reading

You'll Also Like

156K 2.6K 43
Handsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? I...
816K 20K 65
"I will give you two options Miss Car Jacker" First, I will sue you and put you in jail and pay the damages for my car? Second, You'll going to sta...
601K 13.7K 52
"I vow to fiercely love you in all your forms,now and forever. I promise to never forget that this is a once in a lifetime love. I vow to love you,an...
182K 3.4K 61
PROLOGUE Si Mikella Fuentes ay isang magaling na painter..maganda ,sexy,matalino at higit sa lahat mapagmahal na anak.. siya ay ulilang lubos na.. na...