CHAPTER 1: LOVING JASMIN

10.8K 190 1
                                    


AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN
by:Yeshameen Brejente




Pangingisda lamang ang tanging kabuhayan nina Jasmin. Siya ang pangalawang anak sa tatlong magkakapatid. Ang ate niyang si Janelle ay tumutulong na rin sa paghahanap-buhay bilang isang tindera ng mga isda sa palengke. Ang bunso nilang si Aldwyn ay nag-aaral pa sa Elementarya.

Si Aling Helen ay isang payak na maybahay lamang. At si Jasmin ay nag-aaral sa kolehiyo bilang isang working student sa bahay ng mga Monteverde. Buong araw siyang namamasukan at sa gabi siya nag-aaral ng Business Ads. Nakakatulong na rin siya sa pamimili ng mga groceries nila. Bukod sa mabait sina Señora Alynna at Señor Fernando ay galante din itong magpasahod sa kanilang mga namamasukan.


Tatlo naman ang anak ng kanyang mga amo na sina Keith, Brandon at si Rhyzza. Katulad niya ay nag-aaral din sina Keith at Rhyzza, ngunit ni minsan sa mahigit isang taong pamamasukan niya ay di pa niya nakikita si Brandon. Ang panganay sa tatlong magkakapatid.



Naglilinis ng silid ni Keith si Jasmin. Wala naman siyang kaalam-alam na nasa banyo ang binata at nagsa-shower. Mirrored-wall ang banyo ng binata, ngunit dahil abala siya sa pagpapalit ng bedsheets ay di niya iyon namamalayan.

Kinuha pa nga niya ang tuwalyang isinabit nito sa may doorknob ng sliding door kanina. Kumbaga ay liligpitin niya lamang. Masyadong malaki ang silid ni Keith,kaya marahil ay nagkasalisi sila ng pasok.

Inayos din ni Jasmin ang photo frames ni Keith na naka-display sa side table at pinunasan niya ang lampshades.

Matapos niyang tupiin ang mga damit ni Keith ay naglakad siya tungo sa walk-in closet nito upang ilagay doon ang mga damit ng binata, bigla namang lumabas si Keith nang di niya makita ang towel na inilagay niya sa doorknob ng sliding door. Kung kaya ay kitang-kita naman ni Jasmin ang kahubdan ni Keith.


Nabitawan niya tuloy ang hawak na mga damit ni Keith na ilalagay sana sa closet. Kaya agad namang nakapasok si Keith sa loob ng bathroom saka pabagsak niyang isinara ang pinto.

"Oh my God!" sabi ni Jasmin na nakailang beses na yatang nakapagsign of the cross, dahil sa nakitang kahubdan ng anak ng kanyang amo.

Nang siya ay makahuma ay saka niya naisip na kumuha ng panibagong tuwalya sa closet, dahil nailagay na niya sa laundry basket ang tuwalyang kinuha sa may doorknob kanina. Marahan pa siyang kumatok sa pinto. Bahagya namang bumukas ang pinto at inilabas ni Keith ang isa niyang kamay upang abutin ang towel.

Nagmadaling inayos ni Jasmin ang mga damit ni Keith. Sobrang hiyang-hiya siya nang makita ang kahubdan nito kanina. Napalingon pa siya nang maramdamang palabas na ng bathroom si Keith.Nakatapis na ang towel sa baywang nito,at napalunok siya nang makita ang six-pack abs nito na mamasa-masa pa. Ewan kung inaakit ba siya nito o sadyang nagpapapansin lamang!

"Ang kapal ng mukha, ako pa ngayon ang nahihiya sa kanya samantalang siya naman ang nakita kong hubo't hubad!" piping sabi niya sa sarili at para bang nai-starstruck siya dito.

"Kung bakit kasi kinuha mo yung towel na inilagay ko sa doorknob. I'm just hoping na wala kang pagsasabihan nang kahit na sino tungkol sa iyong nakita." marahang sabi ni Keith at nilampasan siya dahil kukuha ito ng boxer brief sa kanyang walk-in closet.

"Sorry ho, Señorito. Wala naman kasi kayo sa bathroom nang pumasok ako dito.Kaya akala ko labahan na iyon." Sabi ni Jasmin na nakayuko pa.


Lihim pang napapangiti si Keith nang makita ang reaction ni Jasmin, na nanlalaki ang singkit niyang mga mata at ang pagkalaglag ng mga damit na hawak nito.

"I was in the balcony, when I saw you entered my room." Sabi ni Keith at pinipigil lang ang sariling matawa sa reaction ng dalaga.

Nang matapos na sa trabaho ang dalaga.


AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon