Durog

4.4K 124 2
                                    

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN





HALOS di na tumigil sa pag-agos ang luha sa mga mata ni Brandon.Daig pa niya ang may pinagluluksaan.Mukhang tama si Jasmin, na ito na ang magiging simula ng kanyang labis na pagdurusa sa malaking kasalanang nagawa dito.

"Huwag kang lumuha, Brandon.Di bagay saiyo ang lumuha.Kung di mo itutuloy ang pagpapakasal sa akin ay di ako makakapayag!" sabi ni Jasmin na gusto pang humalakhak.

Hindi nagsalita si Brandon, dahil labis siyang nasasaktan.Sobrang sakit na halos ay wala na siyang tinig upang iawang ang mga labi upang magsalita.

"Kahit gaano kasakit ang gagawin mo sa akin, wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay ang makita ka at makasama kita sa bawat kabanata ng aking buhay.
Saktan mo 'ko hangga't gusto mo.
Hindi ako magre-reklamo. Marahil ay nararapat lamang ang lahat ng 'to sa akin at baka nga kulang pa sa pagkakasalang aking nagawa saiyo sa ngalan ng pag-ibig.Kung kina-kailangan kong lumuhod sa harap mo at hagkan ang iyong mga kamay at paa at paulit-ulit na humingi ng tawad ay di ako mag-aatubiling gawin iyon, dahil mahal kita.Babawi ako at papatunayan ko saiyo na ang pag-ibig ko'y wagas." Emosyonal na sabi ni Brandon.

"Talaga, Brandon? Sana lang ay kaya mo 'yang panindigan."Sabi ni Jasmin.

Hindi na masyadong mahaba ang seremonya ng kasal, tinapos nila na iyon agad.Nang hilingin ng pari na maaari nang hagkan ni Brandon ang asawa ay mariing pagkagat sa labi niya ang iginawad ni Jasmin sa kanya, kaya dumugo ang pang-ibabang labi nito.Dahil sa nasaktan ang binata ay isang ubod tamis na ngiti ang ibinigay ni Jasmin sa kanya.

Isang malaking kainan ang ibinigay ng mga caterer sa mga bisita.Si Brandon na mismo ang umasikaso niyon, dahil si Jasmin ay napagod kaya ay itinuloy na ito ni Brandon sa mansion.

Sa Hasyenda na mismo ginanap ang reception ng kasal.Marami man ang nagtataka sa naging estilo ng kasal nina Brandon at Jasmin ay di na nag-usisa ang mga tao.Mukhang nauunawaan na ng mga ito na napipilitan lamang si Jasmin.




Mabilis na hinubad ni Jasmin ang suot niyang itim na traje de boda. Natapat siya sa silid ni Keith at dahil hindi naman naka-locked ang pinto ay minabuti niyang pumasok sa loob.

Nakita niya ang mga photo frames ni Keith at nang buksan niya ang drawer ng bedside table ay nakita niya ang kanilang mga larawan.Itinapat niya iyon sa kanyang dibdib at napaupo siya sa likod ng pinto.Labis siyang naiyak. Sobrang sakit at kayhirap lamang tanggapin na mukhang di na magiging kanya ang taong labis niyang inibig.

Niyakap niya ang sariling mga tuhod at labis na napahagulgol. At minsan pa ay muli niyang naalala si Keith.Yung mga pag-aalaga sa kanya ng binata, yung alay na paggalang at pagmamahal sa kanya.Walang sinuman ang pwedeng makakapantay doon.

Nakatulog na rin si Jasmin sa pagkakaupo sa likod ng pintuan ni Keith, nang dumating si Brandon.

Kung saan-saan niya pinaghahanap si Jasmin at sa silid nga ni Keith niya ito natagpuan.

Marahan niyang binuhat si Jasmin. Alam niyang sobrang pagod na pagod na ito, kaya naman ay minabuti niyang dalhin na lamang sa kanyang silid na pinaayos na kina Lia at Aling Myra.

Maingat niya itong inihiga sa kama at tinawag pa niya si Aling Myra upang bihisan ito, dahil sa sobrang pawis na pawis na rin.

Nang matiyak ni Brandon na himbing na si Jasmin ay kinumutan niya ito at siya ay nahiga na lamang sa mahabang sofa sa kaliwang bahagi ng kama.

Napaluha pa rin si Brandon nang maalala ang nangyari sa kanilang pag-iisang dibdib ni Jasmin kanina.Napakasakit isipin habang nagbabalik-tanaw siya. Akala niya nang magpasyang magpakasal si Jasmin sa kanya ay hudyat na upang kahit papano ay makalimos man lang siya ng pagmamahal mula dito. Yung pag-ibig na kahit konting-konti lang sana.Ngunit nagkamali siya, sapagkat hindi niya inaasahang gano'n ang mangyayari.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon