HIS TENDER LOVE & CARE

6.5K 171 1
                                    


AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN
by:Yeshameen Brejente

Bigla namang nagulat si Jasmin nang tumama ang basang boxer brief ni Keith sa mukha niya, basa tuloy ang magandang mukha niya. Papunta kasi siya sa pool upang linisin ang shower room doon at pagbungad niya'y may kung anong dumapo sa pisngi niya.


Si Keith naman ay di na malaman kung ano ang gagawin. Mukhang dumadami na kasi ang atraso niya sa dalaga. Idagdag pa ang kaba niya at bilis ng tibok ng puso niya kapag kaharap na ang dalaga. Agad naman niyang nilapitan si Jasmin na nagtapon ng masamang tingin sa kanya. Yun bang tingin ng isang taong malaki ang poot sa kanya.

"I'm so sorry. Really I am. I was supposed to throw it in the laundry basket.." sabi ni Keith. At pinahid ang basang mukha ni Jasmin gamit ng kanyang mga palad.


"Bastos!" bulyaw ng dalaga sa kanya, sabay hampas niya sa mga palad nito.

"Sorry na please, di ko naman talaga sinasadya. Aba at malay ko bang papunta ka dito." Sabi ni Keith na pumapalag sa paghampas ni Jasmin.

"Napakabastos mo Señorito Keith! Kahapon humarap ka sa akin ng hubad! Ngayon naman eh tinapon mo yang paru-paro mo sa magandang mukha ko!" sabi ni Jasmin.

Gustong matawa ni Keith dito, mas maganda pala ito kapag nagagalit. Yung magaganda nitong mga mata ay parang napakaamo pa rin. Padabog na tinalikuran ni Jasmin ang binatang naiwang napapailing.

" Aba, napakataas din ng confident niyang magsabi ng "magandang mukha ko". Totoo naman, pero di ba pwedeng maging humble naman." Pilyong sabi ni Keith sa sarili. At pumasok na sa loob ng bahay at nagtungo na sa kanyang silid upang makapagbihis.

Agad namang humarap si Jasmin sa salamin ng lavatory sa pagitan ng dalawang shower room sa kaliwang bahagi ng swimming pool side. Namula tuloy yung pisngi niya, kasi napalakas yung pagkakatapon ng boxer brief ni keith.

" Grrrr! Nakakainis! Antipatiko na ang bastos-bastos pa!" sabi niyang halos di na makapagpigil na makapagmura. She took a deep breath, trying to calm herself.

Pero,kapag naman sumasagi sa isip niya ang six pack abs ni Keith ay parang natutunaw ang puso niya. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglilinis ng shower room.

Si Keith naman ay di mapakali sa loob ng silid niya. Hindi naman kasi niya talagang balak na bastusin ang dalaga, pero lagi namang sablay. Accident is everywhere talaga. But thinking of her pretty face,ay parang may tambol na naman sa puso niya ang dumadagundong!

"Ate Lia, si señorito ba ay bumaba na ng silid niya?" tanong ni Jasmin.

"Mukhang hindi pa eh. Pero sige na punta ka na lang at nang malinisan mo na ang silid niya, tiyak bababa din iyon." Sabi ni Lia. Mukhang di naman yata kayang sikmurain ni Jasmin ang magtungo pa sa silid ni keith lalo na ang makita siya nito at makita niya ito.


"Saka na lang 'te kapag nakababa na siya." Sabi ni Jasmin at naupo sa isang silya sa dining room.


"Ano ba ang nangyari at may iwasang nangyayari? Dahil pa rin ba iyon sa nakita mo kahapon?" tanong ni Lia.

"Hindi naman 'te.." tanggi ni Jasmin.

"Gano'n naman pala eh, di pumunta ka na doon." Sabi ni Lia.

Kaya wala naman siyang choice kundi ang magtungo na lang sa silid ni Keith. Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at pumasok na sa loob. Nakita niyang nasa kama si Keith at mukhang natutulog. Kaya dahan dahan naman siya sa paglilinis. Mas inuna na niyang linisin ang bathroom nito.

Inayos niya ang Shaving set ng binata,at pinalitan niya ang lalagyanan ng toilet paper. Pinalitan na rin niya ang shower curtain at ang Air freshener ng bathroom.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon