Teaser

17.1K 232 5
                                    


AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN
by:Yeshameen Brejente

Kailan kaya magiging kasalanan ang magmahal? Kailan maging kasalanan ang umibig ka sa isang taong kusang loob mo'ng minahal? Kailan magiging tama ang mali?

Walang pinipili ang puso kapag ito'y tumibok na. Walang mahirap at walang mayaman, langit at lupa man ang pagitan. Maraming klase ang katagang, "PAG-IBIG". Mayroong mapagparaya at mayroong hahamakin ang lahat masunod ka lamang!


Namamasukang kasambahay si Jasmin sa mga Monteverde! Kailangan niyang magtrabaho upang kumita para sa pamilya at upang tustusan ang kanyang pag-aaral.

Sa angking alindog at kagandahan dalawang puso ang kanyang mabibihag. Dalawang lalaki ang sa kanya'y magmamahal.

Si Keith na maganda at malinis ang intensyon sa kanya. Langit angg pag-ibig ang nakahandang ialay sa kanya at isang paggalang na walang sinuman ang makakatumbas.


Si Brandon na naniniwalang makukuha ang anumang naisin niya, maging ang puso ng babaeng maiibigan niya. Si Brandon na hindi tumatanggap ng kabiguan at ang lalaking dinadaan sa dahas ang mga bagay na di niya makukuha sa mabuting usapan.

Matutunang mahalin ni Jasmin si Keith at dahil hindi ito matatanggap ni Brandon ay gagawin niyang miserable ang buhay ng dalaga. Di man niya makuha ang puso ni Jasmin ay makukuha niya ang pagkababae't kaluluwa nito. Wawasakin niya ang dangal na pinakaiingatan ni Jasmin.


Nang magbunga ang kahayupang ginawa ni Brandon kay Jasmin ay inalok niya ito ng kasal at dahil nais niyang mapagtakpan ang kanyang kahihiyan ay tinanggap niya ang alok nito. Kasabay ng layuning wawasakin din niya ang buhay nito at ipalasap ang saklap ng kanyang paghihiganti! Kasabay ng layuning pagbawi sa lalaking tunay niyang minamahal!

Paano nga ba niya babawiin ang isang lalaking nasaktan niya nang hindi niya nalalaman? Lalo pa kung pag-aari na ito ng iba? Kung kasal na ito kay Nica?

Handa nga kaya silang magkasala masunod lamang ang bugso ng kani-kanilang mga damdamin? Handa nga kaya nilang dugtungan ang isang kahapong naudlot ng isang kasakiman?

Paano nga kaya liligaya ang mga taong

"At kung ibigin ka'y kasalanan..
Wala na akong pakialam.Basta't magkasama lang tayo.Tayo lamang."

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon