A Night With Him

5.9K 149 7
                                    

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN






BIGLANG pumutok ang baril nang makalabit ni Nica ang gatilyo nito at kay Keith tumama. Malapit sa dibdib ang kanyang tama bagay na nagpanginig kay Nica, lalo na nang makita niyang duguan na ang katawan ng asawa at maging ang bibig nito.

Si JR ay sobrang nagulat, dahil napukaw ang pagkakatulog nito kung kaya ay iyak nang iyak ang bata.

"Keith! Hindi!" umiiyak na sigaw ni Nica nang tumumba sa katawan niya ang asawang wala ng malay. "Diyos ko, hindi! I've shot my own husband! Hindi ito maaari!"

Naalarma naman sina Señor Fernando at Señora Alynna nang marinig ang lakas ng putok ng baril at ang pag-iyak ni JR, kung kaya ay patakbo silang pumanhik sa itaas upang tignan ang naganap sa silid nina Keith.

"My God! Veronica, ano'ng nangyari?" gulat na tanong ni Señora Alynna nang makitang yakap ni Nica si Keith.

"Mama, magpapakamatay ho sana siya, I was trying to take his gun away from him and an accident occured, nakalabit ko ho ang gatilyo.Hindi ko ho sinasadya!" ani Nica.

Kaya naman ay mabilis nilang pinagtulungang buhatin si Keith, ngunit di nila nakaya.Kaya naman ay tumawag na lamang sila ng ambulansya.


Nang dumating ang ambulansya ay pinagtulungan binuhat ng mga paramedics si Keith na wala pa ring malay.Buhat-buhat na ni Nica si JR na umiiyak pa rin ng mga sandaling iyon, kahit na sakay na sila ng ambulansya tungo sa ospital.

Sina Señor Fernando at Señora Alynna ay sumunod na lamang gamit ang kanilang kotse.

"Tahan na JR, Papa's gonna be fine. We'll be praying for him.Tahan na." Alo ni Nica sa anak. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpatahan ay di rin tumitigil sa pag-iyak si JR. "Diyos ko, sana po ay ilayo Niyo sa kapahamakan si Keith. Handa akong gawin ang lahat mailigtas lamang siya.Huwag lang po siyang mawawala. "



Nang makarating sa Emergency Room ng ospital si Keith ay mabilis naman itong inasikaso ng mga Nurses at mga doctor. At si Nica ay buhat pa rin si JR na ngayon ay medyo kumakalma na. Halos si Nica naman ang di makatigil sa pag-iyak ngayon.Labis siyang nababahala.
Napakasakit isipin na siya pa ang magiging dahilan ng ikakapahamak ni Keith.

Pagkatapos ng ilang sandali ay inilipat sa Operating Room si Keith at pina-pirma ng hospital staff si Nica bago pa ito tuluyang inoperahan. She's in the chapel right now, sa ikalawang palapag ng ospital, kasama ni JR.

"Diyos ko, iligtas Niyo naman po si Keith. Ilayo Niyo po siya sa kahit na anong kapahamakan.Kailangan ko siya at kailangan pa siya ni JR. Handa po akong gawin ang lahat upang maitama lamang ang mga bagay na magpapaligaya sa kanya kahit pa ang kapalit ay ang pagligaya niya sa piling ng iba." Sabi ni Nica na dumudulog sa Panginoong nakaluhod pa. Si JR naman ay parang nauunawaan siya at sinusubukan nitong pahirin ang luha ng ina.

"Mama.." marahang tawag ng bata.
Niyakap ni Nica ang anak nang buong higpit.

"Anak ko. " Wika niyang lumuluha at hinagkan ang anak sa noo. "Sana balang araw ay mapatawad mo si Mama, ha? Ito lang ang paraang naiisip ko upang maging tama ang bawat pagkakamali ng nakaraan."

Ang mga mata ni JR ay tuwid na nakatitig sa kanyang mga mata, kung kaya ay lalo naman siyang nako-konsensya.Kung nakakapagsalita na siguro si JR ay tiyak niyang marami itong itatanong.Para namang dinudurog ang puso niya dahil sa titig ni JR.


Si Jasmin naman ay nag-iimpake na ng kanilang mga gamit na mag-iina.Nakausap na rin niya sina Aling Myrna kagabi na pansamantala na muna siyang lalayo upang di na masasaktan ang magkapatid na Keith at Brandon.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon