Freed

4.7K 144 9
                                    

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN

MUKHANG napahiya si Jasmin sa sarili. Alam niyang walang mali sa ginawang pamemeke ni Brandon sa kanilang kasal. Dapat nga ay magpasalamat pa siya dito, dahil mas inisip pa nitong i-peke ang kasal kaysa ang magkasala pa siya sa kanilang muling pagtatagpo ni Keith.

Mabilis na kinuha ni Jasmin ang kanyang bag at nagsimulang mag-impake ng kanyang mga gamit. Kaya naman ay mabilis na siyang pinigilan ni Brandon.

"Jasmin, hindi mo kailangang umalis sa bahay na 'to. Pwede kang manatili dito hangga't gusto mo." Malumanay na sabi ni Brandon.

"Wala akong karapatang manatili pa dito. May konting hiya pa akong natitira sa aking sarili. Maraming salamat sa fake marriage, Brandon. At least, malayang-malaya na pala ako at di na ako obligadong tumira sa isang lugar na kasama ka." Sabi ni Jasmin habang tinatanggal sa hanger ang kanyang mga damit saka isinilid sa kanyang trolley bag.

"You have all the right to stay here. Monteverde ang ating anak. Huwag kang mag-alala, ako rin ang aalis dito.Dahil pangakong ako na mismo ang susuko sa batas. Alam kong walang kasalanan ang hindi pinagbabayaran at nakahanda ako ano man ang nakatakdang parusa sa akin.Kahit pa kamatayan, Jasmin." Sabi niya.

"Kamatayan?" ulit ni Jasmin. "Hindi ka dapat hatulan ng kamatayan, Brandon! I won't make life easy for you.Gusto kong mahirapan ka sa bawat hininga mo.Gusto kong mabubuhay ka pa ng matagal sa letseng buhay na nararapat para saiyo! Sige, isuko mo na ang iyong sarili sa batas, pero huwag kang umasa na sa gagawin mong iyon ay mapapatawad pa kita. Baunin mo hanggang hukay ang pagkamuhi ko saiyo. I will hate you for the rest of my life!" sabi ni Jasmin na napaluha na.

Ang makita siyang umiiyak ni Brandon ay nagpapahina lamang dito.He couldn't help it, but cry too. He couldn't bear seeing her cry so he hugged her tight.

"I love you to death, Jasmin! Buong buhay ko ngayon lang ako nakadama ng ganito. Ang magmahal ng higit pa sa sarili ko.
And I will forever hate myself, na minsan ay nagawan kita ng masama. Simula ngayon ay di ko na hihilingin pang sana ay mapatawad mo ako, pero hangad ko ang iyong kaligayahan.Sana balang araw ay lumigaya ka." Sabi ni Brandon na luhaan.

Bakit nasasaktan si Jasmin? Bakit parang nahihirapan siyang pakinggan ang bawat katagang lumalabas sa bibig ni Brandon?
Bakit tila nagiging iba ang epekto ng nilalaman niyon sa kanyang utak? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Pagkapoot nga kaya? Pagkamuhing kaytagal niya ring itinanim sa puso niyang walang ibang alam noon kundi ang umibig? Masyado na ba siyang masama? Siya na ba ang kontrabida? Masama ba ang pagluksaan mo ang isang kahapong basta na lang ninakaw saiyo? Jasmin closed her eyes, reminiscing those past na una niyang makita si Brandon sa welcome party nito. Guwapo ito at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig. Ang unang paglalapat ng kanilang mga palad nang iliyad niya itong papasok sa Mansion noong maapakan niya ang paa nito't nasugatan habang sumasayaw sila. At yung sweet dancing moment nilang dalawa. Ito nga kaya ang lalaking itinadhana sa kanya? Ito nga kaya ang lalaking nakalaan para sa kanya?

Brandon is still hugging her, crying on her shoulder.She didn't push him away. She didn't say anything, just remembering the past.The past na di pa siya nasaktan nito.
Ang nakaraang sila pa ni Keith ang malayang nagmamahalan. Ang nakaraang nakikitaan niya na si Brandon nang ibayong pagtingin sa kanya.Yung nakaraang wala pang sinuman sa kanila ang nagkasala.Kayhirap nang ibalik pa ang tahimik na nakaraan. Ang tahimik na kahapong naging saksi ng ligaya at kaluwalhatian.

Nasa kasalukuyan na sila, huli na ba ang magpatawad pa? Huli na nga ba ang pagsisihan pa ang mga nangyari na? Doesn't he need a second chance?
Marahang kumalas si Jasmin sa mahigpit na yakap ni Brandon.He was really surprised when she didn't push him away.Hindi na rin niya maintindihan ang nangyayari kay Jasmin.Ngunit isa lamang ang sigurado siya, mayroong busilak na puso si Jasmin.Isang taong may karapatang magalit at masaktan.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon