The Unwanted Gift

4.4K 140 5
                                    

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN by:Yeshameen Brejente






TULUYAN na ngang nakulong ang tatay nina Jasmin.Wala kasi silang pampiyansa at lalong wala silang pambayad sa abogado.

"Itay, patawarin niyo po ako kung bakit kayo nariyan ngayon."Sabi ni Jasmin habang hawak ang isang kamay ng ama.

"Anak, wala kang kasalanan. Responsibilidad ko bilang isang ama ang protektahan kayong magkakapatid. Patawarin mo 'ko dahil wala ako noong mangyari ang insidenteng iyon." Luhaang sabi ng matanda.

"Itay, gustuhin ko man hong magsumbong sa mga pulis, alam kong di sila makikinig. Wala tayong perang pang-abogado at ayaw ko na rin hong maisa-publiko ang sinapit ko. Ayokong pag-usapan ng mga tao.Ayaw kong kaawaan nila."Sabi naman ni Jasmin.

"Magpakatatag ka anak.Kaya mo 'yan. Ang importante ay alam mong naririto lang kaming mga pamilya mo.Hindi kami kailanman mawawala saiyo.Mahal na mahal ka namin, 'nak."Sabi nito.

"Mahal na mahal ko rin ho kayo, Itay."Tugon niya. "Kayo na lang ho nina Inay ang tangi kong lakas kaya matatag pa rin ho ako."
Nagyakap ang mag-ama nang buong higpit.



Dinala na rin ni Señora Alyna sina Keith at Señor Fernando sa America.Kailangan kasi nilang gumaling agad dahil sa mga trabaho nilang naiwan sa bansa. At alam ni Señora Alyna na sa America lang agad na gagaling ang kanyang mag-ama.

Naiwan si Brandon dahil siya ang inatasang mangalaga ng kanilang mga negosyo. He's trying hard enough to be responsible.Naging responsable naman ang binata.




"Ate, kailangan ko na hong kausapin si Brandon upang iurong na nila ang kaso laban kay Itay." Sabi ni Jasmin.

"Hindi mo na 'yon kailangang gawin Jas.Dahil maghahanap tayo ng pampublikong abogado na maaaring magtanggol kay Itay at nang pwedeng humawak ng kaso mo."

"Hindi ako papayag ate.Nagahasa na ako, ayoko nang pag-usapan pa ng mga tao.Sapat na ang kahihiyang iyon.Ayoko na."Sabi ni Jasmin na biglang nagalit.

"At ano, Jasmin? Gano'n-ganon na lang? Ginahasa ka niya, tapos magiging malaya lang siya sa nagawa niyang kababuyan saiyo? Paano kung mamihasa? Paano kung di lang ikaw ang kanyang pagsasamantalahan?" galit na ring sabi ni Janelle.

"Palibhasa ate, wala ka sa katayuan ko.Hindi ikaw yung nagahasa.Hindi ikaw yung nawalan ng kumpiyansa sa iyong sarili.Hindi ikaw ang nasaktan, di ikaw ang nahirapan.Kaya madali lang saiyo na diktahan ako kung anong gusto mong mangyari. Ako 'to ate. Ako yung biktima.Gusto ko lang ngayon ay ang makalaya si Itay.Dahil mas importante kayo sa akin.Pag nakalaya na si Itay, aalis na ako.Magpapakalayu-layo.Magsisimula ako ng bagong buhay. At baka sakaling makalimutan ko ang pinagdaanan ko."Sabi ni Jasmin na biglang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.



"Tama na.Nauunawaan na kita. Gusto ko lang naman ay magkaroon ka ng hustisya.Mahal kita, Jasmin.Mahal na mahal ka ng ate."Sabi ni Janelle na biglang niyakap ang kapatid.

"Ate, alam ko ho ang aking ginagawa. Magtiwala ka lang."Sabi ni Jasmin. Tumango si Janelle.




Pinuntahan ni Jasmin si Brandon sa mansion.Nagkataong naroon naman ang binata sa may pool.Nahihiya pa ang binata nang humarap sa kanya.Ngunit di nagpatinag si Jasmin.Sa bawat sandaling magkasalubong ang kanilang mga mata ay nanatili siyang nakatitig dito na punung-puno ng galit ang mga mata.

"Walang kasalanan si Itay! Dapat mo siyang palayain.Kung mayroong tao ang dapat na makulong ngayon, ikaw iyon! Ikaw lamang, Brandon!"sabi ni Jasmin. At pinadapuan ng kambal na sampal ang magkabilang pisngi ni Brandon.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon