BLACK

4.5K 126 3
                                    

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN by:Yeshameen Brejente




NAGWAWALA sa hospital bed si Jasmin dahil sa katotohanang nagdadalantao siya.Hinding-hindi niya matatanggap na nagbunga nga ang kahayupan ni Brandon sa kanya.Lalong mawawala na si Keith sa kanya nang tuluyan. At iyon ang hinding-hindi niya matatanggap kahit kailan.

Ni hindi niya alam kung nalaman na nga ba ni Keith ang pagsamantala sa kanya ni Brandon.At  ngayong buntis siya'y di niya alam kung paano niya ito tatanggapin.

"Ipapalaglag ko ang batang 'to! Di ako papayag na magkaroon ng anak mula sa demonyo!" sigaw ni Jasmin at pinagsusuntok ang kanyang tiyan.
Mabilis namang napigilan iyon ni Brandon. Niyapos niya si Jasmin ng buong higpit.

"Huwag mo'ng idadamay ang bata.Wala siyang kasalanan.I'll do everything para maalagaan kayong dalawa.Huwag na huwag mo siyang sasaktan.Every child is a blessing!" sabi ni Brandon na bigla na lang napaluha.

"Umalis ka dito, Brandon! Ayaw kitang makita.Wag na wag mong hahawakan ni isang balahibo ko. Sobrang nandidiri ako saiyo!" sabi ni Jasmin at pilit na itinutulak ang binatang nakayapos sa kanya.

"I'm not leaving you, I'll stay by your side, hanggang sa kumalma ka.Dito lamang ako sa tabi mo." Ani Brandon sa malumanay na tinig.

"Ate, tulungan niyo 'ko! Ayokong makita ang demonyong 'to! Paalisin niyo siya sa tabi ko! Inay, please ho tulungan niyo 'ko!" sabi ni Jasmin.

"Brandon, umalis ka na muna.Kung ayaw mong makunan si Jasmin ay mas makakabuting umalis ka na muna. Nakikiusap ako!" sabi ni Aling Myrna.

Walang nagawa si Brandon kundi ang umalis na muna sa silid ng ospital.

"Nay hindi. Ayokong ituloy ang pagbubuntis! Ayokong maging batang ina. Hindi ho ako handa. Marami pa po akong pangarap, para sa sarili ko at para sa inyo.Ayoko dito 'nay!" sabi ni Jasmin na luhaan.

"Anak, walang kasalanan ang iyong magiging anak.Isipin mo na lang na ang bawat bagay na nangyayari sa atin at sa ating mga pinagdadaanan ay may rason ang Diyos.Yun na lang ang iyong dapat na tandaan."Sabi ni Aling Myrna.

"Tama si Inay, Jas.Makinig ka sa kanya.Huwag mong idamay ang bata.Walang sinuman ang may gusto nito.Maging ang iyong ipinagbubuntis. Ngunit nariyan na 'yan.Wala na tayong magagawa. Lahat tayo ay may karapatang mabuhay sa mundong ito at sana ay hindi mo ipagkakait sa iyong magiging anak ang mabuhay." Sabi ni Janelle.

Niyakap ni Aling Myrna si Jasmin.

"Naaalala mo pa ba noon? Noong maliit ka pa, sa tuwing nakakakita ka ng mga kuting sa bawat kalyeng madaanan natin ay naaawa ka? Dinadala mo sila sa ating bahay at pinapakain, kahit pa ang dungis nila.Kasi mayroon kang butihing puso na walang makakapantay.May awa ka sa bawat kuting na iyon noon. At ngayon ikaw ay nagdadalantao, anak.Pagkalipas ng walong buwan, ikaw ay magiging isang ganap na ina na. Sa isang sanggol ka pa ba hindi mahahabag? Gayong kahit isang maruming kuting ay naaawa ka?" sabi ni Aling Myrna.Lalong napaluha si Jasmin.Oo nga at naaawa siya sa mga hayop. At ngayon ay sariling anak na niya ang kanyang dinadala.Walang kasalanan ang bata.Walang may gusto nito. Nahiga si Jasmin at ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang sinapupunan.Ramdam niya ang munting pintig ng isang malakas na pulso doon.Ramdam na niya ang binhing nasa loob na ng kanyang sinapupunan.Tumagilid siya, saka muling nagpakawala ng mga luha.




Buong panunuyo ang ginawa ni Brandon kay Jasmin.Naroon na ang ipag-igib niya ito ng tubig. Ipagluto siya nito, alagaan at asikasuhin.Kahit palagi pa siyang nasisinghalan ng dalaga'y di siya sumusuko.Nais niya lang na makuha ang loob nito.Baka sakaling pumayag itong pakasalan siya.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon