Kung Kasalanan Man..

4.5K 128 7
                                    

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN
By: Yeshameen Brejente





LABIS na nasaktan ang balakang ni Jasmin dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa sahig.Biglang nandilim ang kanyang paningin at 'yon ang naabutan ni Brandon.

"Jasmin!" sigaw ni Brandon at agad na dinamayan ang asawa sa sahig ng dining room.

Si Keith naman ay nagulat din sa kanyang nagawa. Lalo pa nang halos di na maka-kilos si Jasmin sa kinabagsakan.

Marahang itinayo ni Brandon si Jasmin at laking gulat niya nang biglang nawalan ng malay ang asawa.

"Jasmin!" pukaw niya dito at mabilis niya itong binuhat palabas ng bahay upang dalhin sa kanyang kotse na nasa may driveway.

Si Keith naman ay parang tuod na nanatiling nakatayo lamang at sinusundan na lamang ng tingin ang paalis na kapatid kasama ni Jasmin.

"Hijo, bakit mo naman iyon ginawa kay Jasmin?" tanong ni Señor Fernando na siyang nakasaksi pala.

"Papa, tinuturuan ko lamang siya ng leksyon! May asawa na siyang tao at bakit pa niya kailangang pagsilbihan ako!" sabi ni Keith na mukhang wala sa loob ang sinasabi.

"Kausapin mo nang maayos, hijo. Hindi tama ang iyong inasal.Mukhang malayo ka na nga sa dating Keith na kilala ko." Sabi ni Señor Fernando.

"People changed, Papa. And I guess I'm only changing for the better.I really have to guard up myself from the people like them!" tugon ni Keith sa amang napailing na lang. "Excuse me." Saka mabilis nang tinalikuran ang ama.




Nang makarating sa ospital sina Brandon ay mabilis namang inasikaso ng mga doctor si Jasmin.

Nasa labas ng Emergency room si Brandon na nagparoo't-parito dahil sa matinding pag-aalala sa lagay ng asawa.Pinagdaop niya ang mga palad na animo'y lihim na nagdarasal na sana'y maayos lang ang kanyang mag-ina.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Dr.Miranda.

"D-doc, how's my wife?" tanong niyang bakas ang malaking pag-aalala sa mukha.

"She's fine. Mabuti na lang at makapit na ang fetus sa kanyang sinapupunan.There's nothing to worry about. Ang tanging dahilan lamang ng pag-collapsed niya kanina ay dala lamang ng anxiety ng isang babaeng nasa stage pa ng paglilihi." Tugon ni Dr.Miranda na nakangiti.

Saka naman ay nakahinga ng maluwag si Brandon. Medyo naging emosyonal din siya.

"Kailangan pa ba naming mag-stay na muna dito?" tanong niya.

"After two hours ay bibigyan namin siya ng pre-check up para masigurong wala ngang komplikasyon ang pagkakabagsak niya sa sahig." Tugon ng doctor.

"Okay, doc. And because of that kailangan ko na munang kumuha ng private recovery room sa kanya, upang makapagpahinga siya nang maayos." Sabi ni Brandon.

"Alright, Mr.Monteverde.Excuse me." Sabi ni Dr.Miranda at umalis na.

Nailipat na sa recovery room si Jasmin at nagising na rin ito. Medyo masakit pa rin ang kanyang balakang,kahit na konting paggalaw lamang ang kanyang ginagawa.

"Jas, how do you feel by now?" marahang tanong ni Brandon sa asawang nakahiga sa hospital bed.

"Si Keith? Nandito ba?" tanong niyang di man lang tumitingin kay Brandon.

Nasapo ni Brandon ang sariling noo, dahil nasaktan na nga ito ni Keith ngunit ito pa rin ang kanyang hinahanap.

"Wala siya dito.Hindi siya pupunta dito." Tugon niyang pilit na nagtitimpi.

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon