AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN

Galing kay yeshameenbrejente

168K 4.3K 215

"At kung ibigin ka'y kasalanan ay wala na akong pakialam. Ang makasama ka'y sapat na sa akin. ikaw ang buhay... Higit pa

Teaser
CHAPTER 1: LOVING JASMIN
HIS TENDER LOVE & CARE
"KEITH'S LOVE FOR HER"
"BRANDON'S ARRIVAL"
JEALOUS
Trapped
Makasalanang PAG-IBIG
In the name of love
The Secret Plan
The Unwanted Gift
BLACK
Durog
Hurting Jasmin
Kung Kasalanan Man..
The Sign
SURRENDER
Freed
The Birthday
If I'm Not In Love With You
Complicated
A Night With Him
The Past
Flashback
Back in Your Arms Again
The Closure
TILL DEATH DO US PART

The Setup

5.2K 159 6
Galing kay yeshameenbrejente

AT KUNG IBIGIN KA'Y KASALANAN
by: Yeshameen Brejente




WELL-CAPTURED ang photos nina Brandon at Jasmin, kasama sina Pierce at Phoebe. Nagmistula silang isang masaya at buong pamilya.

Alang-alang sa kambal ay minabuti na lamang ni Jasmin na iurong na ang kaso laban kay Brandon. Ngayong lumalaki na ang mga bata ay takot na siyang baka isang araw ay magtatanong na ang mga ito, kung bakit niya pinakulong si Brandon.

Masayang kumakain ang mga bisita. Lahat ay busog na busog sa dami ng mga pagkaing nakalatag sa mahabang buffet table.

Keith just couldn't  take his eyes off Jasmin. Pakiramdam niya'y nagdurugo ang puso niya sa mga sandaling iyon. Labis siyang nasasaktan. Dahil mukhang napatawad na ni Jasmin si Brandon.

Si Brandon naman ay buhat pa niya ang mga anak na may hawak na mga lobo. Nilalaro niya ang mga bata. Maging si Phoebe ay tila napapalapit na rin sa kanya. Baka nga marahil iyon ang tinatawag na lukso ng dugo. Mapili kasi sa mga tao si Phoebe, pero sa nakikita ni Jasmin ngayon ay mukhang panatag na ang loob ng kanyang baby girl kay Brandon.

Masaya na roon si Jasmin. Handa siyang ibigay ang lahat para sa kanyang mga anak. Masaya lang siyang pinagmamasdan ang mag-aama na mukhang sanay na sa bondings nila.

"Napatawad mo na ba siya?" tanong ni Aling Myrna kay Jasmin.

"Inay, mahal na mahal ko ho ang mga bata. At ngayon ko lang sila nakitang ganyan kasaya. Yan po ang bagay na di ko kayang ibigay sa kanila, pero kung yan man ang paraan upang maging maligaya sila ng lubusan ay bakit hindi?" tugon ni Jasmin na nakatuon pa rin sa mag-aama ang kanyang paningin.

"Nakikita ko namang isang mabuting ama si Brandon. Batid kong labis na siyang nagsisi sa kanyang nagawa noon." Sabi ni Aling Myrna.

"Baka nga po lasing lang siya noon, 'nay. Ewan ko ba." Sabi ni Jasmin na pilit na iwinawaglit ang masamang nangyari sa nakaraan.

Napangiti naman si Aling Myrna. Mukhang napaka-positibo na rin ni Jasmin ngayon. Alam naman talaga niyang simula't sapul ay mayroong butihing puso ang dalaga.

Nakatulog na sa mga braso ni Brandon si Phoebe. Mukhang napagod ang kanyang prinsesita sa paglalaro. Marahan niyang hinagkan ang bata sa noo. Para kasi itong anghel kung matulog. Walang kasing ganda.

"Happy birthday, baby.." sabi niya at binuhat na patayo ang bata. Si Pierce naman ay naroon kay Señor Fernando.

"Jas, nakatulog si baby." Marahang sabi niya sa dalaga.

"Akin na, iaakyat ko na sa taas." Sabi ng dalaga.

"Ako na ang bahalang mag-akyat sa kanya. Baka magising pa. " Sabi ni Brandon na maingat sa pagbuhat ng bata.

Sinamahan ni Jasmin si Brandon papasok sa loob ng kanilang bahay. At karamihan sa mga bisita ay kinikilig sa kanilang dalawa. Mukha kasi itong tunay na mag-asawa.

Binuksan ni Jasmin ang main door ng kanilang bahay at pumasok si Brandon. Sumunod naman si Jasmin sa mag-amang paakyat sa kanilang silid.

Nang makarating sila sa di kalakihang kwarto ni Jasmin ay inayos pa ng dalaga ang kubre-kama at inilagay ang maliit na unan ni baby Phoebe. Marahang inilapag naman ni Brandon ang anak sa kama at tinanggal niya ang mga sapatos nito.

Naupo si Jasmin sa kama at tinanggal ang gown ng anak upang ma-preskuhan ito, dahil kanina pa pinagpapawisan.

Tahimik lamang na pinagmamasdan ni Brandon ang dalaga sa pag-aasikaso sa kanilang anak. Naisip niyang napakapalad ng kanyang mga anak at ito ang kanilang naging ina.

"Jas, thank you so much. Salamat sa pag-aalaga sa mga bata. They are so lucky to have you as their mom. No wonder kung bakit di nila kayang mabuhay nang wala ka sa tabi nila." Sabi ni Brandon at kinuha ang photo frame ng kambal noong munting sanggol pa lamang ang mga ito.

"Mga anak ko sila, and there's no reason kung bakit di ko sila aalagaan nang mabuti. Responsibilidad ko ang kanilang kaligtasan at kapakanan. Sila na lang ang tamang nangyari sa aking buhay." Sabi ni Jasmin at hinagkan ang mga kamay ng anak.

"Salamat sa pag-urong ng kaso laban sa akin. Salamat sa mga pagkakataong makita at makasama ko ang mga bata. Ito ang isa sa pinakamaligayang araw ng buhay ko." Sabi ni Brandon.

"I've hated you for so long, enough. Labis akong nagalit sa nagawa mong kahalayan sa akin. It might be awkward once I say thank you for doing that, kasi I've been blessed such a lovely angels from above. Nagkaanak tayo Brandon, akala ko dati habang buhay na kitang kamumuhian. Pero dahil sa naging bunga ng karahasang nagawa mo ay nabuo ako. Naging isang masaya at proud na ina ng kambal. Mahal na mahal ko sila." Emosyonal na sabi ni Jasmin. "Ikaw marahil ang instrumento ni God para ibigay sila sa akin."

Hindi alam ni Brandon kung ano ang magiging reaction niya sa mga sinasabi ni Jasmin sa kanya. Napakasarap pakinggan. Bigla siyang nabuhayan ng loob sa mga narinig. Napakabuting babae talaga ni Jasmin. Gusto niya itong yakapin nang buong higpit at gusto niyang magtatalon sa tuwa at ipagsigawan sa buong mundo ang mga narinig. Ngunit isa lamang ang nagawa niya sa mga sandaling iyon. Ang lumuha dahil sa kaligayahan. Habang buhay niya itong tatanawing utang na loob sa dalaga.

Dinukot ni Brandon ang kanyang bulsa at kinuha ang isang envelope saka ibinigay sa dalaga.

"Here's my birthday present for the kids. Sana ay tanggapin mo 'yan." Mahinahong sabi ng binata.

Nang buksan ni Jasmin ang laman ng envelope ay nakita niyang titulo iyon ng bahay at lupa na nabili ni Brandon para sa kanila ng mga bata.

"Maayos naman ang mga bata dito, Brandon. Nilakihan na nga ng tatay ko ang bahay namin. Di na namin 'to kailangan." Aniya at ibinalik sa binata ang sobre.

"I insists." Tugon niya. "The kids are growing up. Kailangan nila ng mas malaking space. Pwede mong itira doon ang mga magulang mo't mga kapatid. This is for the kids, Jas. Sana ay tanggapin mo na lang."

Para sa kambal ay tinanggap na lang iyon ni Jasmin. Mas mainam siguro doon upang ligtas ang mga ito. Dahil nang minsang lumaki ang alon sa karagatan ay inabutan ang kanilang bahay.

Mag-aaral pa naman siya sa susunod na pasukan. Mas okay na siguro iyon para sa kaligtasan ng mga anak.

"Salamat Brandon." Sabi niya.

"You don't have to thank me, Jas. I must be the one to thank you." Ani Brandon.

Napangiti na lamang si Jasmin sa tinuran ni Brandon.

"Pwede ba'ng bantayan mo na lang muna si Phoebe? Aasikasuhin ko lamang ang mga bisita? At saka para matignan ko na rin si Pierce. Baka pagod na rin ang bata." Sabi ni Jasmin.

"Sure, Jas. My pleasure." Tugon ni Brandon at naupo na sa tabi ni Phoebe. Tumayo na si Jasmin at marahang lumabas ng silid.

Nakita ni Jasmin si Pierce na hawak ni Señora Alynna. Tulog na rin ang bata. At nakita niyang nagsasaya ang mga inimbitang mga kabataan sa party. Marami kasi silang inihandang mga games.
Ngayon ay masayang nagputukan ng mga balloons ang mga bata.

"Señora, akin na ho si Pierce. Mukhang nangangawit na ho ang mga braso ninyo." Sabi ni Jasmin.

"Masyado palang malusog ang batang 'to. Nangawit nga ang aking braso." Biro ni Señora Alynna. Natawa naman si Jasmin sa tinuran ng matanda. Nang maiabot ni Señora ang bata kay Jasmin ay nagpaalam na rin sila ni Señor Fernando.

"Salamat hija sa pag-imbita sa amin. Ang regalong 'to ay para kay baby Phoebe. Sana ay isuot mo 'yan sa bata." Sabi ni Señora Alynna.

It's a set of jewelry para kay Phoebe. Sinadya talaga iyong pinagawa nina Señora Alyna. Ang pendant ng bracelet at necklace ay may pangalan talaga ng bata.

"Naku maraming salamat po." Sabi ni Jasmin at masayang tinanggap ang regalo ng mga matanda.

"Walang anuman hija, anything for our grand children." Tugon ni Señor Fernando.

Maya-maya pa ay umalis na rin ang mag-asawa, maging si Nica at JR ay sumama na rin sa kanila. Si Keith ay kanina pa umalis dahil may biglaang meeting ito sa opisina.

Pumasok na sa silid si Jasmin kasama si Pierce na natutulog. Nakita ni Jasmin si Brandon na nakatulog na rin sa tabi ni Phoebe. Sigurado siyang marahil ay pagod na pagod din ito at halos walang tulog sa kulungan, kaya naman ay mukhang bumabawi. Marahan niyang inilapag sa kama si Pierce at hinubad na rin niya ang damit ng anak at tanging diaper na lang ang iniwan upang ma-preskuhan na rin.

Nakatingin siya sa mukha ni Brandon. Saka niya lang itong natitigan nang mabuti. Sobrang guwapo pala nito. Yung kapal at itim ng mga kilay na kuhang-kuha ng kanyang mga anak. Sobrang tangos din ng ilong ni Brandon at yung labi na maliit lang at mukhang nakakatakam na hagkan.

Kina-kastigo pa ni Jasmin ang sarili, kasi mukhang di na niya nagugustuhan ang nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung nagkakagusto na ba siya sa ama ng kanyang mga anak. Pero ano nga ba ang pwedeng sabihin ng isang babae sa hitsurang taglay ni Brandon?

Guwapo at napakalakas ng appeal. Bakit di niya ito nagawang pansinin noon? At naisip niyang dahil sa mga sandaling dumating ito sa buhay niya'y pag-aari na ni Keith ang puso niya. Pero ngayong wala na sila ni Keith nang tuluyan, mali ba kung matutunan niya ring ibigin si Brandon? Tama nga bang sabihin o ipagpalagay na siya'y umiibig na nga dito?

"Jasmin, hindi!  Wag na wag kang umibig sa kanya! Hindi dapat." Aniya sa sarili. At pinili na lang niyang lumabas na muna ng silid.

"Oh Jas, ano'ng nangyayari saiyo?" pukaw ni Janelle sa kanya sa may salas.

"Ah wala, ate. Nakatulog kasi ang mga bata. At ang daddy nila ay nasa loob din at nakatulog." Sabi ng dalaga.

"Eh bakit, ikaw di rin matulog do'n?" kantiyaw ni Janelle. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Jasmin sa tinuran ng ate niya.

"Naku ate, hindi magandang biro 'yan!  Wag kang ano!" sabi ni Jasmin.

"Ano'ng ano? Tatay naman ng mga anak mo." Biro pa nito kay Jasmin.

Sobrang naiinis na si Jasmin sa pagkantyaw ng ate niya sa kanya. Namumula na rin pati ang pisngi niya.

"Ewan ko nga saiyo, ate!  Nakakainis ka." Reklamo ni Jasmin sabay irap dito. "Pagamit na muna ng silid mo, ha? Inaantok ako eh."

Tumango na si Janelle. Alam niyang halos walang tulog si Jasmin, dahil sa preparasyon ng birthday party ng mga anak.

Agad namang nakatulog si Jasmin sa silid ni Janelle. Labis kasi talaga siyang napagod at halos walang tulog ng mga nagdaang araw.

Nagising naman si Brandon nang marinig niyang umiyak si Phoebe. Agad siyang napabalikwas ng bangon pagkarinig sa lakas ng iyak ng bata.

"Baby, is there's something wrong?" alalang tanong niya sa anak at mabilis itong binuhat. Di niya alam ang gagawin kung paano patahanin sa kakaiyak ang anak, kaya sinubukan niyang hawakan ang tiyan ng bata at saka niya napag-alamang nagugutom ito.

"Halika baby at ipagtitimpla kita ng gatas." Sabi niya at dinala palabas si Phoebe matapos masigurong di malalaglag sa kama si Pierce. Nagtungo sila sa kusina. At itinuturo ng bata ang lata ng gatas na nasa Cupboard.

"Hmm, ang talino naman ng aking princess. Thank you, ha?" aniya at hinagkan ito sa noo. Ngunit di naman niya makita ang mga bote nito, kaya naghanap siya. Dahil naiinip siguro si Phoebe ay muli itong umiyak. Isinasayaw naman ito ni Brandon.

Dahil siguro naingayan si Jasmin ay nagising tuloy siya. Binuksan niya ang pinto at medyo nabuhaghag ang buhok niya, pero mas lalo pa siyang gumanda sa ayos na iyon, bagay na nagpatulala na naman sa binata.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya. Nang makita siya ni Phoebe ay agad naman nitong iniabot ang mga kamay sa ina.

"Mommy.." tawag ng bata sa ina. Bagay na nagpagulat kina Brandon at Jasmin dahil iyon ang naging unang salitang buo ni Phoebe.

Parehong napangiti ng malaki sina Jasmin at Brandon dahil sa narinig.

"Aba at kilala na talaga ako ni baby, ah?" aniya at kinuha ang anak.

"Nasaan nga pala ang mga bote nila?" marahang tanong ni Brandon.

"Nasa kwarto, malinis na lahat, ine-sterilized ko na. Pero di naman na kailangan. Ako na bahala kay Phoebe. Si Pierce ba tulog pa rin?" tanong niya.

Mabilis namang humawak si Phoebe sa dibdib ni Jasmin at pilit nitong itinataas ang damit ng mommy niya. Bagay na ikinagulat pa ni Brandon dahil saka niya natuklasang bini-breastfeed pa pala ito ng dalaga.

"Tulog pa rin. Inilagay ko na sa gitna ng kama. Baka kasi mahulog." Tugon ni Brandon.

Tumuloy na si Jasmin sa kanyang silid upang makita na rin si baby Pierce. Nahihiya pang sumunod si Brandon, pero tinawag siya ng dalaga.

"Pakidala ng gatas, baka gutom na rin si Pierce." Sabi ni Jasmin. Kaya mabilis namang kinuha ni Brandon ang gatas sa kusina at agad na sumunod sa mag-ina.

Nahiga nang patagilid si Jasmin na paharap kay Phoebe at itinaas niya ang kanyang damit upang i-breastfeed ang anak. Tahimik naman ang bata.

"May instructions sa likod ng lata, paki-basa na lang at ipagtimpla mo na muna ng gatas si Pierce." Sabi ni Jasmin.

"Okay, I will." Tugon ng binata na nakangiti. At kinuha niya ang isang bote sa container box na may takip.

Tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Jasmin habang nagme-measure ng gatas at nile-level iyon.

Pagkatapos ni Brandon na magtimpla ng gatas..

"Akin na," sabi ni Jasmin at inabot mula kay Brandon ang bote ng anak. Saka niya inilagay sa may ulunan ni Pierce. Muling nakatulog si Baby Phoebe.

"I think,  I'm going home. Salamat nga pala sa lahat." Aniya at inayos ang kanyang kurbata, ngunit tinanggal na ang kanyang coat.

"Walang anuman." Tugon ni Jasmin na nakatingin sa magandang hubog ng pangangatawan ni Brandon.

Dumukwang si Brandon at hinagkan sa noo si Pierce. At gano'n din kay Phoebe.

"Bye babies, see you soon." Aniya. "Sige Jas, I  really have to go."

Tumango naman si Jasmin at hinatid ng tingin palabas si Brandon.





Nagpa-blessed ng bahay sina Brandon at Jasmin bago sila lumipat sa malaking bahay na regalo ng binata sa first birthday ng kanilang mga anak.

Kasama niyang lumipat ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Ang titulo ng bahay at lupa ay nakapangalan kina Phoebe at Pierce. Sinadya na 'yon ni Brandon, dahil alam niyang di naman iyon tatanggapin ni Jasmin.

May sariling silid na ang kambal. Imbes na dalawang kwarto ay inisa na lamang ito at sa sobrang laki ng silid ay hinati na rin ang kulay sa pink at blue.

Mayroon ng tig-isang crib ang mga bata. At ang dami ng mga stuffed toys nila ay pantay talaga maging ang mga gamit nila. Ikinuha na rin ni Brandon ng isang yaya ang kambal. Ayaw sana ni Jasmin ngunit dahil mag-aaral na siya at may trabaho ang ate niya ay pumayag na rin siya. Pareho naman nilang responsibilidad ang mga bata, kaya normal lang na pantay lang sila sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

Araw-araw namang dumadalaw si Brandon sa kanila at tuwing weekends ay napagkasunduan nilang mag-sleep over si Brandon sa silid ng kambal. Wala nang problema si Jasmin doon. Di na siya naiilang pa.

Muli nang bumalik sa pag-aaral si Jasmin. Lumipat na siya ng ibang University, upang makalayo sa mga intriga. Ayaw na kasi niyang muli pang mahalungkat ang nakaraan. Ayaw niyang mayroon pang mga dating kaklase niya ang magtatanong kung bakit siya tumigil sa pag-aaral.

She met new friends at nasabi na rin niyang isa siyang single mom ng kambal. Kahit kailan ay hinding-hindi niya ikakahiya ang tungkol sa kanyang mga anak. Humahanga naman ang kanyang mga bagong ka-klase at mga bagong kaibigan, dahil sa pagiging tapat niya.

Nasa canteen si Jasmin, kasama si Melissa, ang kaibigan niya.Bumili siya ng softdrink, dahil may dala na rin siyang sandwhiches.

"Jas, look at that hunk. Kanina pa yata nakatingin saiyo." Sabi ni Melissa na mukhang kinikilig.

Tumingin naman si Jasmin sa inginunguso ni Melissa. At tama ang kaibigan niya. Hunk nga ang lalaking nasa kabilang table. Mabilis naman niya itong inirapan.

"Aba ang kapal din ng mukha niya.Kung malaman lang niyang may mga anak ako, tiyak mate- turn off 'yan!" sabi ni Jasmin at sumimsim ng softdrink.

"Hay naku, girl! Love is blind. Sa ganda mong 'yan kahit menor de edad ay magkakandarapa saiyo na ibigay ang mga bituin."

"Tumigil ka nga dyan, Mel! Sira!" natatawang saway ni Jasmin sa kaibigan.

Habang nagku-kwentuhan pa ang magkaibigan ay biglang may isang estudyanteng lumapit sa mesa nila.

"Miss Jasmin?" sabi ng isang freshman student na may dalang bouquet of flowers.

"Ako nga, bakit?" takang tanong ng dalaga.

"Mayroong nagpapa-abot nito sa inyo." Sabi nito.

Agad namang kinuha ni Jasmin ang bouquet of red roses.

"Sino ba ang nagpabigay nito?" tanong ni Jasmin.

"Di ko kilala, pero when I entered here,  someone from the car asked me to give this to you.He's handsome."  Sabi ng dalagita.

Nagtataka pa si Jasmin kung sino ang nagbigay noon, kaya minabuti na lang niyang tignan ang nakapaloob na card.

"PHOEBE AND PIERCE MISSES YOU AND SO DO I. I TOOK THEM IN MY OFFICE AT SOBRANG NATUTUWA ANG MGA EMPLOYEES KO. THEY'RE SO CHARMING, JUST LIKE YOU."

Ewan ngunit bahagyang kinilig si Jasmin pagkabasa sa card na iyon na galing kay Brandon. She can't help but smile.

"Hoy girl!  Kanino ba 'yan galing?" tanong ni Melissa.

"Ah sa tatay ng mga anak ko!" sabi niya.

"Nililigawan ka?" tanong nito.

"Sira, hindi!" mabilis na depensa niya. "Sinasabi niya lang na kasama niya sa office ang mga bata."

"Pwede naman sigurong itawag di ba? Eh may pa-flowers-flowers pa." Ani Melissa.

Maya-maya pa ay agad nang nakalapit sa table nila ang binatang kanina pa nakatingin kay Jasmin. Mayroon din itong dalang mga bulaklak.

"Hi, Miss."  Nakangiting bati ng guwapong binata."I'm Norman Villaraza and you are?"

"Jasmin. " Tipid niyang tugon.

"For you, Miss." Sabi nito sabay abot ng isang basket of white roses sa dalaga.

"Para saan ba ang mga bulaklak na 'to?" aniya.

"Wala,gusto lang kitang makilala." Tugon ni Norman.

"Maupo ka at magpapakilala ako nang maayos saiyo." Sabi ni Jasmin. Agad namang naupo si Norman sa isang bakanteng silya." Alam mo, Norman. Kung sakali mang may binabalak ka, gusto kong itigil mo na."

"I just find it interesting to get to know you." Sabi ng binata.

"Kasi you're attracted to me? Well, Norman may mga anak na ako!"  diretsang sabi ng dalaga na nagpatikhim kay Melissa.

Natulala naman si Norman sa narinig mula kay Jasmin. Sino ba naman kasi ang mag-iisip na may mga anak na ito? Sobrang ganda kasi at ang hubog ng katawan nito'y walang maniniwalang may mga anak na ito.

"Ano naman ngayon, kung may mga anak ka na?" sabi ni Norman.

Tumingin si Jasmin sa kanyang wristwatch.

"Mel, tara na. It's almost 1:00 o'clock in the afternoon na. May pasok pa tayo. Excuse us, Norman." Sabi ng dalaga at hinila na sa isang kamay ang kanyang kaibigan.

Naiwang natigilan naman si Norman na napailing na lang.


It's weekend. Sa bahay nina Jasmin mag-i-sleep over si Brandon. Kaya naman ay talagang namalengke ang dalaga, dahil magluluto siya. Ewan ngunit mukhang nasanay na siya sa ganoong setup.

Saktong naghahanda na si Jasmin ng mga pagkain sa komedor nang dumating si Brandon. May dala na naman itong mga bulaklak at laruan para sa mga anak nila.

"Good evening. " Masayang bati niya. At inilapag ang mga dala-dala sa isang bakanteng mesa. At tinulungan niya sa paghahanda ng mga kubyertos si Jasmin.

"Ako na dyan, Brandon. Sige na, kaya ko na 'to." Sabi ni Jasmin.

"Just let me help you." Sabi ng binata. "Kaanu-ano mo nga ba si Norman Villaraza?"

"Paano mo namang nakilala si Norman?"

"Nakasalubong ko sa labas ng bahay.Bibisitahin ka nga raw. Sabi ko wag na siyang pumunta pa dito dahil asawa mo 'ko."  Sabi ng binata.

Pero imbes na magalit si Jasmin ay napangiti na lamang siya.

"Mabuti na lang at ginawa mo 'yun. Mukhang ngayon lang yata nakakita ng babae eh. Ang dami namang babae sa University eh." Aniya at naihulog niya ang isang tinidor sa sahig. Mabilis at sabay nilang pinulot iyon ni Brandon kaya nagkadaop ang kanilang mga kamay saka nagkatinginan.

Medyo matagal din silang nagkatitigan. At nang tumayo sila ay pareho pa silang nakahawak sa tinidor na pinulot sa sahig. Kaya si Jasmin ay di na napigilan ang tumawa.

"Ang bigat naman nito!" biro ng dalaga. Kaya natawa na rin si Brandon na halatang kinikilig sa kanilang mga titigan.

"Oo nga, masyadong mabigat na tayong dalawa pa ang may hawak." Tugon ni Brandon na humahagikgik sa tawa. Bumitaw na si Jasmin sa tinidor at si Brandon na ang nagdala no'n sa lababo.


TBC

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

513K 14K 32
Thiago Godz Lambert. Gwapo, matalino, malakas ang appeal, habulin nang babae, mapag laro sa feelings nang mga babae, pinag kakaguluhan nang mga babae...
553K 11.1K 30
[SEQUEL] After two years, Xyra's back from the US with her one year old son Kersey. It's been tough for her raising Kersey alone. But with the suppor...
774K 27.2K 73
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
59.1K 640 6
(Former Campus Royals) Story Content Suitable for ages 13 years old and above. A story of three rich guy who grew up together and their friendship st...