LISTEN CLOSELY

By freespiritdamsel

258K 7.4K 1.3K

Is it worth the fall? More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
Epilogue
NOTE

33

4.3K 142 15
By freespiritdamsel


**

4 YEARS LATER.



"PARE!" Napalingon ako sa tumawag saakin habang naglalakad ako sa hallway. Nasa building kasi kami ng management. "Oh bakit? Hinihingal ka pa, pre." Sabi ko kay Kairo.

"Ano, pinapasabi lang ni Kairo na babayaran ka na raw niya mamaya sa utang niya."

"Kailangan talaga ikaw magsabi? Pwede namang itext niya nalang ako." Ganon ba siya kabusy?

"Ewan ko ba dun. Yaan mo na. Intindihan nalang natin kung bakit he's acting weird lately." Oo nga naman. Kailangan naming intindihin ang gagong 'yon—brokenhearted eh. Nagpropose siya sa girlfriend niyang si Mona—pero nireject siya. Pagkatapos, ang masakit pa, hiniwalayan siya. Saklap.

"Oo nga. Oh sige tol, daan nalang muna ako sa restaurant. Pinapunta ako ni Kuya Lennard. Bagong bukas pa 'yong restaurant naming sa BGC eh."

"Oo nga pala, yun no. Astig. Lakas mo talaga, pre. Kaya mahal kita eh." Nasapo ko nalang siya. Hanggang ngayon kasi di pa rin sila matapos sa "Kaya Mahal Kita" Na yan. Parang mga bading.

"Oh sige, una na ko, ah. Kailangan ko pa umuwi ng maaga."

"Pwede sumama?" Huminto kami sa harap ng kotse naming pareho. "Wala naman kasi akong pupuntahan. Isa pa, busy si Irah. Lam mo naman 'yon, aral is life." Tukoy niya sa girlfriend niyang nagmamasteral.

"Hayaan mo na. Tsaka para rin pag natapos yang pagma-masteral niya, pwedeng matulongan niya pa 'ko, 'di ba?" Sabi ko at tinapik siya sa balikat. Papasok na ko ng kotse ko. Siya naman nakatayo pa rin dun.

"Grabe ka, Ramces. Hindi pa rin ba sapat yang yaman mo? Haha. May 6 ka ng branch ng restaurant niyo ni Kuya. At hindi 'yon magiging possible kung 'di dahil sa'yo."

"Magaling din naman si Kuya Lennard. Tsaka hardworking din 'yong tao. Kaya pareho kami."

"Oo nga. Pero ikaw talaga yung nagfi-finance. Kung may problema, meron ka agad. Tsaka diba, naglaan ka ng malaki sa kakabukas lang na resort ng Tita mo sa Bora Bora? Grabe tol. Tapos naghahanap ka ng pwedeng pagkakitaan?"

"Kailangan eh."

"Eh hindi pa ba sapat 'yon, Pre?"

"Basta. Hanggat kaya ko. Tsaka para ma assure na rin ang future ng anak ko." I said and started the engine.

"Alam mo pre, sobrang assured na 'yan. Eh kayo ni Akeisha? Kelan ba plano niyong magpakasal?"

"Ewan ko ba. The last time na tinanong ko siya last year. Sabi naman niya na magfocus nalang daw muna kami kay Renzel."

"Baka naman..."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo masapak? Mahal ako nun. "

"May sinasabi ba akong hindi?"

"Sumakay ka na nga lang sa kotse mo kung sasama ka."Umiling na lang siya at sumakay na rin sa kotse niya.

Habang nagda-drive ako, di ko maiwasang di mapaisip.

Bakit kasi ayaw niya pang magpakasal sakin?

Ayaw niya ba?

Hindi niya na ba ako mahal?

Napapabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko. Kasalanan 'to ni Luigi eh. Pakadaldal. Umaandar pa naman minsan pagkaparanoid ko. Habang nagda-drive, may tumatawag sakin. Nang icheck ko 'yon, si Akeisha pala.

"Hello, Mahal?" Sagot ko agad.

"Hello, asan ka na?"

"Papuntang Taguig. Ikaw? Nasa bahay ka lang naman ngayon, di ba?"

"Ah, oo.. dito k aba magdi-dinner?"

"Oo, kasama ko si Luigi, Love."

"Okay, okay. I'll cook nalang. Ingat ka."

"Love,"

"Hmm?"

"Wala..I miss you."

Narinig ko siyang napatawa ng marahan. "Sige na, uwi ka na agad after than. I miss you too. Love you. Bye."

"See you, love." Ibinaba niya na ang tawag. Ganon talaga kaming dalawa. Siya ang unang nagbababa ng call. Ayaw na ayaw kong ako ang nagbababa.

Pagkarating naming sa restaurant—na punong-puno, sinalubong agad kami ni Kuya Lennard. Ngumiti siya at nag fist bump kami. "Oh kuya, musta."

"Our branch here is doing very well. Kita mo naman." Ngiti niya.

"Oo nga Kuya, e. Nakakatuwa."

"I'm so proud, lahat ng pinaghirapan natin? It all paid off."

"Kaya nga." Napalingon ako kay Luigi na nasa may counter. Kinakausap niya yung ibang tao na andun.

"Tungkol san pala pag-uusapan natin?"

"Tara sa office."

Sumunod ako sakanya and when we got here, umupo na kami. "May offer kasi ang Astro malls."

"What about it?" Ito kasi ang pinakamagagandang malls sa buong bansa. Tsaka siyempre, ito rin ang pinakamayaman.

"They asked if we could open our restaurant in their malls."

"Wow.."

"Yah, sobrang tuwa ko and I was beyond excited to tell everyone. But of course I have to ask you first."

"Sino ba naman ako para tumanggi diba?"

"Yun! But I think ang kaya pa nating buksan ay dalawa? Is it okay? Little by little."

"Okay na okay 'yon Kuya."

"Ayun naman pala. So saan ba natin ilalagay yung dalawa? Sa QC?"

"Sa Katipunan?"

"Oo? What do you think?"

"Pwede. How about yung isa?"

"Pwedeng sa Manda. Ipapacheck ko na rin kay Arthur kung tingin niya magandang location ba 'tong naisip natin. Or maybe I could just ask the management ng mall kung saan mas maganda ilagay ang branches na io-open natin."

"Mas mabuti nga Kuya."

"So ayun. Congratulations, Ramces. Ang bata-bata mo pa pero ang laki na ng nagagawa mo."

"Para rin kasi sa family ko."

"Oo nga eh. Bumabanda ka na, nagnenegosyo ka pa. At hindi lang basta banda ah. Isa sa pinakasikat na banda ngayon."

Ngumiti ako at tumango. "Sige Kuya, mauna na ko ah? Uwi pa ko. Hinihintay na ko ni Keisha tsaka ni Renzel."

"Ah oo nga pala. Sige. At baka bumisita rin kami ni Ate Lily mo tsaka mga anak naming sainyo."

"Okay, sige. Salamat talaga Kuya."

"No, Thank you. Sige na. Baka matraffic ka pa."

Pagkalabas ko, niyaya ko agad si Luigi na umalis na kami.

"Ano ba raw?" Tanong nya habang naglalakad kami papunta sa mga kotse namin.

"May offer daw yung Astro malls. Na magopen kami ng branches sa malls nila."

"Tangina?! Seryoso?! Grabe!"

"Masyado ka namang OA tol."

"Grabe, ikaw ba hindi ka nagulat? Tanginaa. Iba!"

"Kaya nga excited akong sabihin kay Akeisha 'to, e. Tara na."

"Sige, ako rin excited ako."

"Anong sabi mo?"

"Wala, hehehe. Ito naman."

"Sige..ay ano, Luigi." Lumingon siya sakin bago umikot para sumakay na sa driver's seat.

"Pag nauna kang dumating sabihin mo susunod ako ha? Bibili lang ako ng flowers tsaka cake para sakanya."

"Naks naman. Oh sige, bili rin ako—OH JOKE LANG! To naman!" Akmang bubogbugin ko na kasi siya. "Wag ka nalang pala mauna!" Sabi ko nang pasigaw. "Sumunod ka nalang sakin!"

"Promise, joke lang 'yon!"

"Kahit na! Wag na! Sumunod ka nalang."

"Napakaseloso pa rin, jusko." Sinamaan ko lang siya ng tingin bago pumasok. He did the same.

--

Dumaan kami sa paboritong flower shop ni Akeisha. Dito siya bumibili ng bulaklak kapag may pagbibigyan kami—Friends niya man 'yan or family. Ako rin, dito ako lagi bumibili kaya tuwang-tuwa yung mga sales lady kasi raw paborito raw nila ang banda namin. Tsaka everytime na bumibili ako alam na nila para kanino.

"Sir, what this time? Sunflower?"

"Ah, no. Roses."

"Birthday niya po ba?" Kasi lang roses ang binibil ko tuwing valentines at birthday niya.

"Hindi naman. I just want to give her that." Sabi ko at ngumiti. I glanced at Luigi na hinahawakan yung ibang bulaklak. "Bibili ka ba?" Tanong ko.

Lumingon siya sakin at umiling. "Ha?"

"Para kay Irah?"

"Wag na, sayang pera."

"Gago ka talaga." Sabi ko at umiling. Natawa naman siya at nagkibit balikat. "Tsaka isa pa, kaya niya namang bumili bat ko pa bibilhan."

"Sira ulo."

"Siyempre joke lang. Katamad lang." Sabi niya at nagkamot sa ulo niya.

"Ah, Sir Ramces, anong color po?"

"Yung white tsaka red. Paki-arrange nalang please. Thanks."

"Okay po, sige."

We waited for 10 more minutes bago umalis.

20 minutes galing dito ang bahay naming. Buti nalang di traffic at di nadoble ang pagbyahe namin.

Nauna akong pumasok sa bahay siyempre. Una ko'ng nakita ang anak kong naglalaro sa may sala kasama ang pinsan niya. "Hi, Tatay.."

Tatay. Yun ang tawag niya sakin. Kay Akeisha naman, Nanay. Wala, mas gusto naming tinatawag kaming ganon kasi parang ramdam na ramdam yung pagiging magulang. Tsaka makapilipino. Ganon.

Tumayo siya at pumunta sakin. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "May cake na dala si Tatay, you want?"

"Yesh pero later nalang. Sabi Nanay na dessert after dinner."

"Oh okay, oh, magbless ka muna kay Tito Luigi."

Lumapit ang anak ko kay Luigi at nagmano. "Tangina! Napaka-cute talaga ng batong to! Pakagat nga!"

"Ssshh! Pre, marinig ka ng Nanay niya—"

"Luigi!!!!"

Huli na pala ang lahat dahil nagmartsa na papunta sa living room si Akeisha. May hawak pa siyang panghalo. "Diba, I told you na?!" Naiinis niyang sabi.

"Sorry na..." Lumuhod si Luigi sa harap ni Renzel. "Don't follow what Tito said, okay? It's bad, okay?"

Tumango-tango naman ang anak ko. "You mean the Tangin—"

"Ssh!! Yes, that's bad. Don't say that, okay?" Nanginginig naman si Luigi habang palipat-lipat ang tingin kay Renzel at kay Akeisha. "Okay ba?"

"Okay po.." Sabi nito at bumalik na sa pakipaglalaro sa pinsan niya.

"Sorry na, Keish."

"Pag yan nasabi ni Renz ha. Sasabunotan talaga kita, Luigi." Sabi nito at tumalikod na. Bumalik siya sa kusina at sumunod ako.

Nakatalikod siya't nagluluto kaya niyakap ko siya from the back. "Hi, Mahal ko.."

"Hello.."

Pinaharap ko muna siya sakin at ibinigay ang flowers na binili ko. "For you."

"Wow.. thank you." Naa-amaze pa rin siya everytime na may binibigay ako sakanya. Kahit lagi naman. Kaya hindi siya nakakasawang surpresahin eh. Hinalikan ko ang noo niya. "Malapit na ba 'yan?"

"Ah, oo, e.. Uhm, Love?" Lumingon siya sakin kahit na nakatalikod. "Ano yun?" Pabalik-balik ang tingin niya sa niluluto niya at sakin.

"Ano, uhm.. kasi.. birthday na ni Dad next week.."

Ramdam kong nahihirapan siyang sabihin sakin whatever it is that is connected to his father. Niyakap ko ulit siya from the back. "What is it?"

"I was thinking nab aka pwedeng...pwede tayong pumunta? Sabi lang sakin ni Mom..but.."

"But?"

"Nung tinanong daw niya si Dad kung...kung pwedeng pumunta tayo... hindi naman daw ito sumagot?" Humarap na siya sakin at inilagay muna ang hawak niya.

"Ano sa tingin mo gagawin ko? Should we go or should we..."

"Mahal.." Hinawi ko ang mga buhok na tumatabon sa mukha niyang maganda. "Ang hirap pero mabuti siguro kung before ng birthday ng Dad mo puntahan na natin siya? Kausapin na natin siya?"

Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. May takot rin at lungkot. I can see it. Dati pa, nakikita ko na 'to. I started seeing these expression of her eyes 4 years ago.

"Kasi baka kasi...baka siya magalit lalo?"

"Itry natin ulit ngayon, okay?"

Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga. "Sana maging okay na tayo with Dad."

I kissed the top of her head. "I hope so."

**


Jordan as Renzel! Hihi

Malalaman niyo rin kung anong nangyari sa following chapters, so chill. Also, I'm too tired to proofread this. Sarreh. Thank you and Good night!


Continue Reading

You'll Also Like

142K 5.9K 103
Dahil sa daming ginawang kalokohan ni Zeira ay napilitang ilipat siya ng kanyang magulang sa ibang Paaralan ,paaralan kung saan dun din nag aaral ang...
391K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
519K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...