Killing Him [COMPLETED]

Galing kay LetMeBeThatGirl

1.2M 33.9K 1.9K

COMPLETED Higit pa

Killing Him
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
EPILOGUE

THIRTY THREE

23.5K 736 49
Galing kay LetMeBeThatGirl

THIRTY THREE

"Nakapag-empake ka na ba, Chloris?" dumungaw si Chlerie sa aking kwarto. I just finished packing up my bags. Sa dinami rami noon ay aakalain mong sasama na ako sa kanilang pamilya para manirahan sa Pilipinas.

"I think I'm all done." tinignan ko ang isang malaking trolley kasama ang dalawa pang extra bag at isang handbag. Ang isang trolley ay naglalaman lamang ng mga sapatos, ang isa naman ay para sa mga shirts, jackets and other dresses at ang panghuli ay para sa pang-ibaba at ibang mga alahas.

"Maglalayas ka?" puna ni Chlerie.

"No, magtatagal lang ako roon. Hihintayin ko ang reunion ng batch namin noong High School kaya marami akong dinala." wika ko rito. Nagkibit ito ng balikat sa akin at nilagpasan na ang kwarto ko.

After an hour ay dumating na si Herritt kasama ni Gaston. Tumulong sila sa paglalagay ng aking mga bagahe sa sasakyan. "Buti nalang malaki ang maskels ni Gaston." malagkit na tinitigan ni Herritt ang biceps ng kanyang nobyo.

Ngumisi si Gaston kahit alam kong hindi naman nito naiintindihan ang sinasabi ni Herritt. "Thanks, Gaston." pasalamat ko rito nang mailagay ang lahat sa sasakyan. Tinanaw ko ang sasakyan ng pamilya ni Chlerie.

Dad will be riding with them. Ako naman ay sasama sa dalawang ito. Sumakay na ako sa likuran ng sasakyan. Gaston will be the one driving at si Herritt ang nasa passenger seat.

I'm the greatest third wheel in the whole world! Nagtakip ako ng aking earphones dahil sa kaharutan ni Herritt. Umandar ang sasakyan at tahimik kong pinagmasdan ang mga nadadaanan. I just can't listen to both of them. Mabuti na itong music ang pinapakinggan ko hindi ang harutan nilang dalawa sa aking harap.

Nang makarating sa airport ay agad na akong bumaba. Kasunod ng aming sasakyan sina Chlerie. Isinuot ko ang aking shades at tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit.

"Dad, if you want to live again in the Philippines, just let me know. Kahit anong oras ay welcome ka sa bahay namin." Dad nodded his head to Chlerie pagkatapos ay niyakap nya ito ng mahigpit.

"If Chloris will decide to live in the Philippines then that's the only time I will go back there." sinulyan ako ng Daddy. Kahit si Chlerie ay napatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nagpatay malisya.

Hindi ako babalik ng Pilipinas para roon muli tumira. I'm happy here. Wala namang rason para iwan ko ang lugar na ito. Nandito ang negosyo ko at nandito ang buhay ko. I have friends here, kaya ko ring makipag-usap kay Max through skype.

"Visit us, Chlerie." Dad said before kissing Samuel's forehead and turned to me. "Enjoy your vacation, Chloris and don't forget to call me from time to time." lumapit ako sa kanya at niyakap ito.

"I will, Dad." kumaway ako sa kanya habang papaalis na kami. I hate leaving Dad alone. Sana ay pupwede ko syang isama but he doesn't want to travel that much.

Pagkapasok ng eroplano ay kanya kanya na kami ng ginagawa. I'm alone and nobody was sitting infront of me. Unlike Chlerie who's sitting with her husband and Herritt with his boyfriend.

It was days of travel bago kami nakarating ng Pilipinas. I was exhausted. Mabilis kong pinaalam kay Maxine na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin para mabilis kaming makauwi sa kanyang condo.

Mabuti at hindi katulad ng dati na may mga nakaabang sa aming photographers, ngayon ay malinis at hindi mo makikitaan ng ibang tao na palihim kumukuha ng aming litrato. Before was announced, ngayon ay pilit naming itinatago.

"Are we going to part ways now?" tanong ko kay Herritt. Umiling ito sa akin.

"Magpapa-book muna kami sa isang hotel. You're going with Maxine, right?" tanong nya na tinanguan ko. Si Chlerie naman ngayon ang binalingan ko.

"May bahay na ba kayong tutuluyan?" bitbit si Samuel ay hirap na hirap itong dalhin pa ang natirang mga bags. Mabilis kaming nagpa-assist at saglit na tumigil sa gilid para makahanap sila ng taxi sa labas.

"Mayroon na akong biniling bahay." sagot nito. Hinayaan ko muna silang makasakay paalis lahat bago ko kinuha ang aking cellphone para ma-contact na si Maxine.

("Yes, sorry, Chloris! Naflat'an ng gulong iyong sasakyan ko. I'm with Kei now. Inistorbo ko sya para masundo ka.") hindi agad ako nakapagsalita. Say what? She's with Kei?! ("Teka teka teka, malapit na kami. Sa bungad ka lang diba?")

"Oo, andito ako malapit sa may exit." nanlumo ako bigla. Do I look good? I'm wearing a plain grey shirt, black pants and a white oxford shoes. Hindi pa ako gaanong nakapag-ayos ng aking buhok at tinakpan ko lang iyon ng dark blue baseball cap.

Inayos ko ng kaunti ang mga nabuhol sa aking buhok nang may humintong sasakyan sa aking harap. "Chlo!" bumaba sa passenger seat si Maxine at mabilis akong nilapitan. "I miss you so, so much!" mahigpit ang yakap nya sa akin kasabay ng pagbaba ng tao sa driver's seat ng pinanggalingan nyang sasakyan.

I first laid my eyes on his brown cap toe balmoral shoes. Pataas sa kanyang dark pants na may pagkahapit sa kanyang mahahabang binti. Up to his long sleeve blue shirt. At ang huli ay sa kanyang mukha. His hair has the same hairstyle like before. Brushed up and neat. His eyes is still captivating and breathtaking.

Napayakap ako ng mahigpit kay Maxine bago ito bumitaw sa akin. "I miss you too, Maxine!" pinilit kong ngumiti sa kanya at huwag pansinin ang lalakeng papalapit sa amin but he just gets my attention every damn time!

"Ito na ba ang lahat ng dala mo?" he asked looking at the direction where I placed my bags.

"Yeah, ako na r'yan." wika ko ngunit mabilis nyang tinanggal pagkakabutones sa kanyang palapulsuhan at maingat na itinupi ang tela hanggang sa kanyang siko. Napalunok ako. His damn bicep is no joke.

Kahit nakatakip iyon ng sleeve ay kitang kita ko kung paano lumabas ang hubog noon nang buhatin nya ang mga bag ko.

"Ang dami mo atang dala?" puna ni Max at tumulong din sa paghila ng aking trolley.

"Naparami lang. Nagkulang dati, eh." hindi ako makatingin kay Kei dahil sa hiya. Ang lalaki ng bag ko at ang dami noon para mabuhat nya papunta sa kanyang sasakyan. The trolley went to the compartment. Ang ibang bag ay sa backseat katabi ko.

"Umalis na ang Ate mo at sina Herritt?" tanong ni Maxine nang umandar ang sasakyan.

"Yup, sina Herritt kasi ay magpapa-book pa ng hotel. Sina Chlerie naman ay pinauwi ko na agad dahil tulog si baby Sa--- Florence... At ayun nga, para makapagpahinga na rin sila." Kei was listening to our chat intently. Minsan ay nakikita ko itong sumusulyap sa akin sa likuran.

I just don't know what to feel. Naiilang ako na nahihiya sa kanya. Maybe because of what happened to us last time? Iyon nga ba 'yon?

Nang makarating sa kanilang condo ay naghanap na sila ng tutulong sa amin para mabitbit ang mga gamit ko. Kei let me in without giving any valid id's to the front desk. Ihiningi nya rin ako ng extra card sa condo ni Maxine.

"Isn't it too much, Kei?" hawak ko ang itim na card habang nasa loob kami ng elevator. Nang bumukas iyon ay sinamahan nya pa rin kaming makarating sa kwarto ni Maxine.

"You need that, Chloris. Kung wala ka nyan ay kakailangan mo laging mag-iwan ng id sa ibaba tuwing papasok ka rito at kailangan ay mayroong consent ni Maxine."

"Just take it, Chlo." bulong sa akin ni Max. Ang card ko ang ginamit namin para makapasok sa loob ng unit ni Max. Sa living room iniwan ang mga bagahe ko at saglit na pumaywang si Kei habang tinatanaw ang buong lugar. "She's safe here, don't worry." tinapik ni Maxine ang balikat ni Kei.

Ako naman ay hinila na ang mga gamit ko papasok sa kwarto ni Maxine. They talked again. Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan nila dahil pumasok na ako sa kwarto at naglagi roon ng ilang minuto.

Pagkalabas ko ay si Maxine nalang ang natitira roon at nasa kanyang kusina habang nagluluto. Lumapit ako sa kanya at inilapag ang suot kong cap sa counter. "Where is he?"

"Bakit mo hinahanap? Na-miss mo?" umupo ako sa high chair at pumalumbaba.

"Of course not!" tanggi ko.

"Umalis na dahil susunduin pa raw si Eclaire galing sa taping." I just shrugged my shoulders. May fiance nga pala sya. I almost forgot.

"Kain muna tayo bago ka magpahinga." hinintay ko nalang matapos magluto si Maxine bago ako natulog sa kanyang kwarto.

Umaga ng sumunod na araw na iyon ang sumunod kong gising. Maxine told me that she'll be leaving early because of her work. Hinayaan nya akong ipagpatuloy pa ang naudlot na tulog para maipahinga ko pang mabuti ang aking sarili.

Bandang alas diyes ng umaga ay gumising ako at agad tinawagan si Daddy para kamustahin. Sinabi ko sa kanyang dito ako tumutuloy pansamantala sa aking kaibigan. I also asked if Chlerie already called her. May iilang bagay kaming pinagkwentuhan habang nagsisipilyo ako ng aking ngipin.

I ended the call right after I get out from the wash room. Itinali ko ang aking buhok at naglakad papunta sa kusina.

I brewed my own coffee. Pagkatapos noon ay nag-almusal ako ng pagkain na nakatakip sa may lamesa. I then wash the dishes afterwards. Nakatanggap ako ng mensahe bago ako tuluyang pumasok sa bathroom para maligo.

It's Max asking me to go in her restaurant so we could have our lunch there. Nagtipa ako ng mensahe para sabihing dito nalang ako maglu-lunch sa kanyang condo. I'll just find a restaurant or a fastfood nearby, that would be enough.

Pagkatapos kong maligo ay saglit akong tumambay sa kanyang living room para manood ng panghapong palabas. Lagpas ala una na ako nakaramdam ulit ng gutom at naisipang lumabas. I wore my jacket kahit nakita kong medyo mataas ang sikat ng araw sa labas and a pair of sunnies.

Sinilip ko muna ang labas. I just hope Kei's not in here. Nang masigurong walang tao roon ay tsaka ako tumakbo patungong elevator at tahimik na nakalabas. I saw a Jollibee nearby. Iyon ang pinuntahan ko dahil iyon ang sa tingin ko'y pinaka-malapit.

"Ano pong order nyo?" tanong noong babae. Tumingin ako sa menu. Nakalimutan ko na ang mga pagkain dito. Kahit noong bata ako ay hindi naman kami nagpupunta rito ng pamilya ko. I just know this food chain by my friends in school.

"One piece chicken, spaghetti and creamy macaroni soup."

Inulit nya ang mga orders ko bago sinabi ang halaga ng pagkaing inorder ko. Agad kong kinuha ang aking wallet sa bulsa ng aking shorts at tinignan doon ang mga dala kong cash. Where's my Philippine peso?

"Wait lang, Miss, ha?" wika ko roon sa babae at hinalukay pa ang aking wallet para maghanap ng Peso. "Uhm, do you accept Euro?" sa tanong kong iyon ay napalingon ang babae sa kanyang kasamahan.

Bakit ba nakalimutan kong magpa-exchange ng cash?! I'm so stupid! Gusto kong batukan ang aking sarili nang biglang may nagbaba ng limang daan sa counter. "I'll pay for her food. Add another spaghetti and large coke."

Nang mapatingin ako sa taong iyon ay hindi na ako nagulat. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Seriously, nagpupunta rin pala ito ng Jollibee? At this time of the day? At this branch? Gusto kong makipagtalo ngunit alam kong wala ako sa tamang lugar para tarayan pa ito.

"Take out po diba, Ma'am?" tumango ako sa babae at nakita ko itong sumulyap saglit kay Kei at inayos ang kanyang buhok.

Nang maayos ang lahat ng order ay agad kinuha ni Kei ang paper bag at nagpasalamat doon sa babae. "Ako na nyan." agaw ko roon ngunit iniiwas nya ang paper bag.

"Ngayon ka palang magta-tanghalian?" tanong nya habang naglalakad kami patungong condo. Dumistansya muna ako ng kaunti palayo sa kanya bago sumagot.

"Oo, medyo tinanghali na kasi ako ng gising." pagra-rason ko. Nang makatawid kami at makapasok sa loob ng building ay sabay rin kaming tumaas patungo sa elevator. I wonder where's his room at? Malapit lang kaya iyon kay Maxine?

Nang umilaw ang elavator hudyat na nasa tamang palapag na kami ay hiningi ko na palabalik ang pagkain ko. "Salamat sa pagbayad. Ibabalik ko sa iyo yung pera kapag nakapagpalit na ako." walang tingin tinging saad ko rito.

"Huwag mo nang bayaran." nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa kwarto ni Maxine. Saglit ko syang inis na tinignan bago sinundan ng lakad.

"Thank you sa paghatid. You can go now." saad kong muli nang nasa tapat na kami ng kwarto. Can you just go now?! Ilang na ilang na ako. And I can't even think straight! I can't act normal!

Pinagtaasan lang ako nito ng kilay bago sinipatan ng tingin ang pinto. Agad kong pinadaan ang card doon. Bumukas ang pinto at umuna akong pumasok. Sinarado ko ng kaunti at humarang sa karampot na bukana.

"Akin na ang pagkain ko." inilahad ko ang kamay ko sa labas ng pinto at pilit inaabot ang paper bag. Gutom na ako. Gusto ko lang naman kumain ng tahimik at mag-isa.

"Hindi pa rin ako kumakain. Sasabay na ako sayo kabayaran sa pagbabayad nito." itinaas nya ang pagkain ko. The hell! Iyon pala ang plano nya. I have dollars and euros here in my wallet. I can give this to him. Ipapaligo ko pa sa kanya ang pera ko basta ba'y hindi ko sya makakasabay sa pagkain.

"No! I have cash here. Hindi nga lang peso." kinapa ko ang wallet sa aking bulsa kaya roon sya nagkaroon ng pagkakataong buksan ang pinto ko. "Hey, you're trespassing! Hindi mo ito condo! Roon ka kumain sa unit mo!"

Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad patungo sa kusina at isa isang inilabas ang mga pagkain na parang walang naririnig. "If you're done talking then you can sit here and eat with me." umupo na sya sa isang silya at sinimulan ang pagkain.

Napahawak ako sa aking buhok. Gusto ko iyong hilain sa inis. Sinarado ko ang pinto bago nagmartsa papunta sa kanyang harap. "I know you own this building, Kei. But you can't just go inside someone else's room without their permission!" singhal ko sa kanya.

Ipinaikot nya ang spaghetti sa kanyang tinidor bago iyon sinubo. Tinitigan nya ako habang nginunguya ang pagkain sa loob ng kanyang bibig. Mariin akong napalunok at agad dumaan sa aking ilong ang bango ng spaghetti.

Napahawak ako sa aking tyan nang kumalam iyon. "Umupo ka na at kumain, Chloris." sinimangutan ko ito habang papaupo ako sa silyang kaharap ng kanya.

"Kung hindi lang ako gutom." bulong ko at inilabas na ang pagkain ko sa paper bag. Pagkabukas ko noon ay agad kong hinawakan ang hita ng manok at kinagat iyon. Hindi ko nalang papansinin at titignan ang lalakeng ito sa harap ko. I'll just eat here quietly.

Sa ilang minutong pananahimik namin ay bigla itong nagsalita. "Bakit mag-isa ka rito?"

Sinulyapan ko ang kanyang pagkain at wala nang bahid ng kahit isang pasta ng spaghetti roon. "Nasa restaurant si Maxine. Dapat ay roon ako kakain iyon nga lang ay tinanggihan ko. Mas gusto kong magpahinga rito kaysa ang umalis muli." paliwanag ko at humigop saglit sa aking soup.

"Why did you came back again?" seryoso na ngayon ang kanyang tono. Parang may kung ano itong ibig malaman. Hindi kaya ayaw na nyang nandito akong muli? Doon lang rumehistro sa akin ang dahilan ng pagpunta ko rito.

My necklace! Damn, Herritt! Hindi pa nya naibabalik sa akin ang kwintas ko! Kailangan ko na iyong makuha bago sila magbakasyon ni Gaston sa ibang probinsya.

At may isa pa palang dahilan kung bakit ako nari-rito. "Pupunta kasi akong reunion. I'll be going with Max. Hindi ba't hindi ka naman dadalo roon?" last time ay nag-away pa nga kayo ni Eclaire dahil pinipilit ka nyang pumunta roon. Mabuti talaga at wala ka roon.

"Pupunta ako." wika nya. Sumama ang timpla ng aking katawan ng marinig iyon. Nung dati lang ay hindi raw sya pupunta! Siguro ay napilit ito ni Eclaire.

"Ah, with Eclaire?" he did not answer me. Pinakatitigan nya lang ako. Nagkibit nalang ako ng balikat at pinagpatuloy ang pagkain ko. "You two look good together by the way. Nabalitaan kong ikakasal na raw kayo. You're lucky you have her. Maganda sya, sexy at sikat. What more could you ask for? Kailan nga ba ulit ang kasala---"

"Chloris!" the coldness in his voice sent shivers down my spine. Napadiretso ako ng upo at pansamantalang napatigil sa paghalo sa aking spaghetti.

Naiinis ako dahil nananatili syang tahimik kapag si Eclaire ang pinag-uusapan. Why? Because you don't want other people to put their finger in your relationship? Masama na bang malaman kung kailan ang petsa ng kasal o kung gaano nyo na kamahal ang isa't isa?

Bakit? Ikaw ba ang masasaktan sa tanong kong iyon? I'm the one here who's getting hurt! Pero pilit ko iyong inaalam para maipakitang masaya ako para sa inyo. That I can be happy seeing you getting married with her.

Na kahit sa huling pagkakataon ay kaya kong pekein ang sarili kong hindi kita kailanman minahal kahit ang totoo'y gustong gusto kitang agawin sa kanya. But that was so beyond the line. Hindi ko kaya iyon. Hindi ako ganoong klaseng babae. At ang pagkakamali na isang beses kong ginawa ay syang magiging una't huli.

"Bakit, Kei? Hindi mo ba ako iimbitahin sa kasal nyo? Hindi ba't dati naman tayong magkaibigan?" puno ng pait kong tanong. Nanlilisik ang pareho naming mga mata. His eyes became soft but still looking at me with so much tender.

"Alam mong ikaw dapat ang babaeng iyon, Chloris." matigas ngunit malungkot nitong saad.

Napatawa ako ng peke at umiwas sa kanya. "Bakit naman magiging ako ang babaeng iyon, Kei? Are you kidding m---"

"You were the first woman I've ever loved. The first one who caught my heart. I always put in first. Kagustuhan mo ang laging dapat na mauna. I treated you like Queen. Command all your wishes."

Nagpigil ako ng hininga. "T-that was before, Kei." hirap kong wika. Gusto kong aminin kung gaano ako nagsisisi ngunit ayaw ko na iyong isa-wika. This is not what I want. But I'm doing what is right. Sinusunod ko ang alam kong tama sa paningin ng lahat.

Samu't saring sakit ang tumusok sa aking puso. It feels like each arrow has its own venom. I can't take back time. Kung marahil ay kaya ko lang paikutin sa aking palad ang mga oras ay ibabalik ko iyon sa nakaraan kung saan mas pinili kong manatili rito kaysa ang umalis.

"Chloris, tell me... How can I marry the woman I've been dreaming for if she keeps pushing me away?"

Umiling ako. Hindi ko alam ang sagot. Gustong tumakas ng mga luha sa mata ko. Ang alam ko lang ngayon ay nasasaktan ako. Ngayon ang unang pagkakataon na napag-usapan namin ang nakaraan and I did not expect that it would be this hard.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

109K 6.6K 60
This is the story of Zayumi Violet Arkazel. Known as Ferocious and lowkey the most dangerous agent of the Volkov Guild. The day they returned to the...
1.9M 68K 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napag...
15.3K 689 34
One tragic event may changed someone's perception in life. That's what happened to Aladdin. It changed him. He's scarred for life that no one can eve...
77.8K 1.8K 34
Khryzzanne Kylie Constantino has wanted only one thing her whole life. Wala siyang hindi gagawin makamit lamang ang kalayaang matagal nang inaasam. S...