THIRTY EIGHT

26.5K 696 31
                                    

THIRTY EIGHT

I spent my days with him. Tuwing wala syang trabaho ay sinasamahan nya ako sa condo ni Maxine para raw mabantayan ako. I don't know why he does that. Hindi na naman ako umaalis ng condo.

I just go out to buy some lunch kapag wala sya at walang magluluto para sa akin. The last time I went to go shopping ay kinuyog ako ng ilang tao at hindi na muling umalis pa ng mag-isa.

Kung minsan ay tinatawagan ko si Daddy o hindi naman kaya'y si Herritt kung ano nang nangyayari sa kanila. Just asking some few things para hindi ako ma-bore sa paghihintay ng dalawang linggo.

"Date?" tumaas ang kilay ko at lumabas sa likod ni Max si Kei.

He's wearing a formal black suit and his hair is in proper trim. Abot ng aking ilong ang pabango nito na sa tingin ko'y galing pa sa isang mamahaling brand.

Mabilis na namula ang aking pisngi at biglang nahiya sa aking ayos. Do I look good? Pakiramdam ko'y kapag itinabi ako sa kanya'y manlalambot ng husto ang tuhod ko.

"Ihahatid nya tayo sa venue." saad ko kay Maxine.

Muli nyang tinignan si Kei at ngumiti rito. "Kaming dalawa pala ni Chloris ang ka-date mo ngayong gabi. And of course, Eclaire, bale tatlo pala, ano?"

Humalukipkip ako matapos iyong marinig. I don't know about Eclaire cause we haven't talk since the day I got invited to Kei's condo. Iyon na ata ang huli naming pagkikita at hindi naman kami nakapag-usap noon ng maayos.

Maxine is still lost about everything. Hindi namin napag-uusapan ni Kei ang paglalabas sa aming relasyon. It's not something I should hide but it's also not something I want to rub in everyone's faces.

Kung my magtatanong ay magsasabi naman, kung wala ay okay lang.

"Chloris is my main for tonight." napabuka ng kaunti ang bibig ni Maxine na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Kei.

She then gave me a blank stare. Okay, I owe her an explanation but it's not the right time to do that. Pareho na kaming nakaayos at aalis na lang ang kulang.

"I'll tell you everything sa sasakyan. Tara na." aya ko sa kanilang dalawa.

Kei immediately held my hand. Napako roon ang mata ni Maxine at parang aangal pa ngunit sinabi kong bilisan na ang lakad dahil baka mahuli pa kami.

"Marami ata akong hindi nalalaman dito, ah." aniya nang pumasok sa sasakyan.

Kei opened the front seat for me. Hindi naman na nagsalita si Maxine sa likod ngunit naka-bunsangot na ang mukha ng lingunin ko.

"Max, I'm sorry. Kasi nitong mga nakaraang araw... Ano... Nagka-aminan kami." paputol putol kong amin.

Lalong tumaas ang kanyang kilay, still waiting for more details. Pinaunlakan ko ang kanyang kagustuhan kaya't muling nagsalita bago tinanaw si Kei sa aking gilid. He started the engine at pinaandar na iyon.

"Sige, ano bang nangyayari? Naguguluhan ako sa inyong dalawa. And aren't you already engaged with Eclaire?" singhal nya kay Kei.

Ako na sana ang magpapaliwanag nang magsalita si Kei. "We're not engage, Maxine. It's all just an act to stop everyone from courting her."

Kahit ako ay nalaglagan ng panga. Hindi ko alam iyon. I thought namis-understood ko lang ang lahat but they actually did act. Paniwalang paniwala ako nang mga araw na iyon.

They seem so sweet with each other. Iyong tipong talagang aakalain mong may namamagitan talaga sa kanila.

"Bakit hindi ko ito alam?" palipat lipat ang tingin ni Maxine sa akin at kay Kei.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon