TWENTY EIGHT

19.2K 640 58
                                    

TWENTY EIGHT

I was sure he wasn't like this when we last saw each other. Alam kong nagsusumigaw sa pagiging perpekto ang lahi ng kanyang pamilya but I didn't expect he would turn out to be this fine man.

His hair was fresh and clean from the sides up to the thick brushed up hair to the middle.

Hindi ko gustong pansinin ang kanyang mukha ngunit may kung anong hipnotismo rito na nakakapagpa-akit sa aking mga mata.

"Chloris!" tawag sa akin ni Eclaire. Doon lang naputol ang tinginan namin ni Kei.

Mabilis kong hinabol ang aking hininga ng lumipat ang tingin ko kay Eclaire. Damn, you're lucky.

"Hi, how are you? It's been so long." pormal kong bati sa kanya. She reached for my hand. Gusto ko sana iyong iiwas at palisin sa kanyang hawak ngunit baka magulat ito at kung ano pa ang isipin sa akin.

"Nothing much has changed. Congrats on this." nilingon nya ang buong lugar. Saglit kong nasilayan ang singsing sa kanyang daliri bago ko tinagpo ang tingin nyang bumalik sa akin ng nakangiti.

Napalunok ako ng makitang binitawan ni Kei ang hawak sa baywang ni Eclaire. Gusto ko syang lingunin ngunit may pumipigil sa akin.

I composed myself to answer Eclaire. "Thank you. Nalaman kong sikat ka na rin pala rito. Masaya akong pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." puno nang hangin kong saad.

Sa gilid ng aking mata ay natatanaw ko ang pag-uusap ni Maxine at Kei. May kung anong sinabi si Maxine na nakapagpatawa kay Kei.

His laugh is intoxicating. Nanghihina ang aking mga tuhod nang marinig iyon. I want to hear him talk. Kahit isang salita lang sana ngunit takot akong kausapin ito.

I sneakily looked at him. Mula sa pagkaka-ngiti ay sumeryoso ang mukha nito nang muling magtama ang mga tingin namin.

Agad akong nag-iwas ng tingin habang pinapakinggan si Eclaire. "I was actually shocked to heard about the news. Mas naging masaya ako na naalala mo akong imbitahin...." ngumiti ito. "I mean us."

Nilingon nya ang nobyo at nakangiting hinawakan ang braso nito. Millions of curses shouted inside my head.

Kinagat ko ang aking labi at mabilis hinarap si Maxine. So much for acting tonight.

I'm a designer for God's sake! Hindi ako aktres para patuloy na pekein ang mga kilos ko ngayon.

Yeah, it still hurts. Damn, I don't even know it would still hurt this bad.

"You're all my friends so..." halos mangilid ang luha ko. "Excuse me, pasimula na ang show."

Agad akong tumalikod sa kanila stopping myself for showing too much emotion. Hindi pa nagsisimula ay para na akong mahihimatay.

Is this the effect of Kei Hendricks? Eight long years and this unrequited love is still alive?

Nang maupo ako sa aking silya ay doon ko lang napagtanto na ang mga tuhod ko ay kanina pa nanlalambot.

"The show is starting." saad ni Herritt at umupo sa gilid ko. The lights on the audience become dark. Only the spotlight on the model's runaway is glowing.

Unti onti nang naglabasan ang mga modelo. Katulad sa rehearsal na naganap kanina ay isa isa na silang naglakad, hihinto saglit sa gitna at ipapagpatuloy ang paglalakad patungo sa kaliwang parte ng ramp.

Itinuon ko ang pansin sa mga modelong naglalakad. Some guests were taking their pictures. Ang iba naman ay tahimik na inaabala ang sarili sa panonood.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon