TWELVE

21K 714 24
                                    

TWELVE

("What time ka nasa venue, Chlo?") kanina pa ang usapan namin ni Maxine sa phone. Ngayon ay inaayos ng stylist ang buhok ko. Pinapapili nila ako kung ilulugay ko iyon o ipupusod nalang. I actually don't have any idea kung anong mas babagay sa akin.

"Mga before 6? Hindi ako sigurado. Ikaw ba?" tumingin ako sa salamin habang hawak ang phone kong naka-loud speaker. Umuwi ako pansamantala sa aming mansyon. I stayed there for the night and pamper myself. Nag-beauty rest din ako para hindi mahirapan ang make up artist sa pag-aayos sa akin.

("Okay, before 6pm ha? Ganoong oras na rin ako pupunta. Susunduin ka ba ni Kei?") muli nyang tanong.

"Wala naman syang nasabi. Pero kung hindi ay nakahanda naman ang limo namin."

Come to think of it. Hindi nga pala namin napag-usapan ni Kei kung susunduin nya ako rito. Pero bago nya ako maihatid sa dorm noong nakaraang nagpasama ako sa kanyang pumunta sa botique ng designer namin ay sinabi ko sa kanyang plano kong umuwi sa mansyon.

Most of the students were also the same. Hindi namin gugustuhing sa dorm kami aayusan. Even Max went home the day before the Grand Ball.

("Is that so? Ibababa ko na. I'll call you again later, ha? Pick up your phone! Sabay tayong dumating sa school.")

"Sure. See you later. Bye!" pagkatapos kong maibaba ang tawag ay sya ring pakita sa akin ng stylist sa ginawa nyang ayos sa aking buhok. Itinaas nya iyon at ginawang malaking bun. It is kinda loose but it looks like a hair from a disney princess. Tumatakas ang ilang hibla ng aking buhok, making it look like it's messy in a different manner.

"Are you okay with this, Miss? O gusto mong ibaba nalang natin?" tinignan kong mabuti ang ayos nito sa salamin. Tinulungan nya ako at naglagay ng salamin sa aking likod para makita ko ang kabuuan nito.

"It's gorgeous. No need to change, I like it." tumayo na ako at niyakap ang stylist. Mabuti at magagaling ang tinawagan ni Mommy. But I also hope they saw how I look today. Pinalis ko ang isiping iyon at nagmadali nang isinuot ang aking gown.

It is a three layered floor length ball gown. Dahil sa dami ng layer ng damit ay medyo malaki ang buka sa bandang ibaba. The upper part is covering my chest up to my shoulders. May ilang palamuti na kristal ang naroroon na kumikinang. From the top up to the bottom, I made it look like an ombre gown. Itim ang bandang ilalim at puti ang itaas dahil sa mga maliliit na kristal na naroroon.

Ilang pasada ng tingin ang ibinigay ko sa aking sarili sa harap ng malaking salamin. I let my hands touch the skirt of the gown. Napangiti ako habang binigyan ng huling tingin ang sarili ko. Pagkalabas ko sa aking silid ay dumiretso ako ng baba sa aming hagdan.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa ng message kay Max para sabihing paalis na ako. Nang maitago ko pabalik ang cellphone sa aking bag ay roon ko lang idiniretso ng tingin ang mata ko sa aking dinaraanan.

I walked slowly. Masyado atang mataas itong heels na isinuot ko. Maingat at dahan dahan ang bawat pagbaba ko sa hagdan. May tumulong sa aking isang tauhan pagkababa ko roon hanggang sa makalabas ako sa aming mansyon.

"Miss Chloris, nakahanda na po ang limousine." wika nito sa akin bago binitawan ang kamay ko. Napalingon ako sa paligid. I'm expecting something again. I mean, someone. Kahit pa may sasakyan kami ay umaasa pa rin akong may makikita ako ritong isang tao na makakasama ko sa pagpunta sa school. "Miss?" tawag sa akin ng body guard habang naka-abang na sa hamba ng pinto ng sasakyan.

Tumango ako sa kanya at pumasok na sa loob. I tried calming myself. Kinuha ko ang aking cellphone para magtipa ulit ng mensahe para kay Maxine. Tinanong ko kung nasaan na sya.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon