FOUR

33.4K 855 15
                                    

FOUR

Kinauwian ay bumalik ulit ako sa library namin para mag-review. Marami akong dapat na aralin ngayon dahil nakita ko kung gaano ka-seryoso si Catherine kanina sa pagre-review para sa darating na Quiz Bee next week.

"Aren't you over working yourself, Chlo?" tanong sa akin ni Max habang tinitignan ako ng nakakunot ang noo.

Mula sa pagsusulat ay nilingon ko sya sa aking tabi para sagutin. "No Max. I want this. I need this. Kailangan kong maipanalo ang section natin." mahinang bigkas ko. Nagkibit balikat nalang sya at itinayo ang kinuhang libro sa table para matakpan ang pagce-cellphone nya.

Napailing nalang ako dahil sa ginawa nya. She could have use this time to study for our next lessons pero mas pinili nya ang pagce-cellphone dahil libre ang wifi sa library namin.

Itinuon ko nalang muli ang atensyon ko sa pag-aaral. "Kailangan mong magsagot ng mabilis kung gusto mong manalo sa quiz bee." narinig kong wika ni Kei sa harap ko.

Sumama sya sa amin ni Max kahit na pinagtatabuyan ko sya kanina pagkalabas ko sa classroom namin. It's hard for me to concentrate kung may taong nakatitig lang sayo habang nag-aaral ka.

"Alam kong mabagal akong mag-solve ng questions kaya nga ako nag-aaral ngayon." medyo sarkastikong tugon ko habang nagsusulat sa aking papel. Sinarado ko ang librong kinuha ko sa shelf kanina at tumayo na para ibalik iyon. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon dahil masyadong advance at complicated ang mga nakalagay doon. "Babalik ako, Max." tinap ko ang balikat nya. Tumango ito habang nakatingin sa akin at sinunod ng tingin si Kei na tumayo rin sa kanyang upuan.

Alam kong ngumisi sya kaya bago ako makalayo sa kanya ay muli akong nagsalita. "Baliktad ang pagkakapatong mo sa libro, Max." agad na natanggal ang ngisi sa kanyang labi at nagmadaling inayos ang libro sa harapan nya.

Naglakad na ako papunta sa bookshelf na pinagkuhaan ko ng libro at tumingin tingin pa roon ng ibang posibleng reference na makakatulong sa akin.

Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Kei. Ni hindi nya binibigyang pansin ang mga librong nadadaan dahil nakatuon ang buong atensyon nito sa akin.

Pinasadahan ko sya ng saglit na tingin at inirapan ito. "Umuwi ka na sa Poseidon kung wala ka namang gagawin rito." mabagal akong naglakad habang sinusuyod ang pangalan ng mga librong nadadaanan ko.

"I'll wait for you." mahinang utas nito. Kumuha ako ng isang libro roon at binuklat iyon. Pinasadahan ko ang table of contents nito at nilagay na iyon sa aking bisig.

"You don't have to wait for me. Iniwan mo nga ako rito nung isang araw diba?" mapanuyang saad ko.

"Nagagalit ka ba sa akin dahil umalis ako?" mahinang tanong nito. May dumating na isang babaeng estudyante sa section na pinagkukuhaan ko ng libro.

Nang makita nya kaming dalawa ni Kei ay parang nag-aalangan ito kung aalis ba o dadaan palagpas sa amin. Nakita ko kung paano maglaro ang mapangmata nitong tingin sa amin.

"Bakit naman ako magagalit? Mas maganda nga 'yong iwan mo nalang ako rito para tahimik akong makakapag-review." utas ko at nilubayan na ng tingin ang babaeng estudyante. Pagkaraan nito ay napabuntong hininga nalang ako. My name would be on tomorrow's news for sure.

"Hindi naman kita ginugulo. If you want, I can stay in another table para makapag-aral ka ng maayos." kalmado nitong saad.

Kumuha ako ng isa pang libro at ipinatong uli ito sa bisig ko. I didn't scan the book. Ni hindi ko alam kung related ba ang laman noon sa re-review'hin ko for the upcoming Quiz Bee. There's no reason for me to get another book dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko kaka-review.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon