THREE

38.7K 1K 36
                                    

THREE

"May quiz bee ata next week. Then yung first nating kalaban ay yung section nila Kei. Gosh, like so maraming pogi ron! Kilala mo si Stephen tsaka si Joshua? Ang hot nila diba? At magpapahuli ba dun si Mr. Mysterious Guy Kei Hendricks?! Alam mo pangarap ko talagang mapunta sa section na 'yon eh." kinikilig na sambit ni Max habang niyayakap ng mahigpit ang unan sa kama ko.

"Stop it, Max. What's so good about their section? Mas maganda yung section natin. We have Denrick, who is good in Science. Catherine, the math genius and are you forgetting about me? I am the current Vice President of our section. Rank 2 in academics and I can compete in all subjects. So tell me Max, pano nila maipapanglaban ang ka-gwapuhan nila sa Quiz Bee next week?"

Napa-awang saglit ang bibig ni Max bago ito sumagot sa akin.

"Woah, can we slow down there?" napaupo si Max galing sa pagkakahiga sa kama ko.

I'm actually reviewing our lessons for tomorrow at dahil masipag na bata si Maxine ay nandito na naman sya sa kwarto ko para manggulo.

"I'm not looking down on our section, Chlo. I'm just stating na maraming pogi sa kanila. You should take things easily. Parang ang hot-headed mo masyado these past few days. May nangyari ba?"

Pagkatanong ni Max non ay isa isang nag-flashback na parang panaginip yung night na pumunta si Kei dito sa kwarto ko. I don't want to remember that scene again pero it's really haunting me. Kung pwede lang iumpog yung ulo ko sa pader para makalimutan yung particular na nangyaring iyon ay ginawa ko na.

"Yeah, something happened na hindi dapat nangyari." nakatulalang sabi ko tsaka tumingin sa kanya.

"Kwento!" na-excite na tanong nito. I should tell her. And besides, there's no point in hiding it. "Is this about Kei?" ngiting ngiting sabi nito.

"Yes, he went to my room last week. Around 9 or 10 in the evening, I think." nakuha ko ang buong atensyon ng kaibigan ko dahil mabibigat ang tingin nya sa akin na para bang nakasalalay ang buhay nya sa sasabihin ko. Napalunok ako ng kaunti bago ko sinundan ang kwento ko. "And he declared a war." napakunot ang noo ni Max sa narinig.

"A war? Wait, I don't get it. Ano bang eksaktong sinabi ni Kei?" halatang gulong gulong tanong nya sakin.

Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko alam pero parang biglang nag-init ang pisngi ko gayong hindi ko pa naman sinasabi ang nasa isip ko.

"S-sabi nya ay liligawan nya ako!"

Biglang nagtatalon sa kama ko si Max at pinaghahampas yung unan ko sa pader.

"Shocks! I knew it! He's inlove with you!" parang baliw na sabi nito habang tinuturo pa ako.

I can't belive it. Masaya pa sya sa sinabi ko sa kanya. Kei is insane and seriously, pinaglalaruan nya lang ako. Obvious naman eh. Dati palang mapan-trip na sya.

"Max, this is a trap. I know it. Si Kei pa ba? Do you really think na inlove sya sakin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at ang sira ulo naman ay tumango sa sinabi ko. No way! "You're kidding right? He can't be inlove with me."

"And why not? You see, you have all the attributes of an ideal girl." bumaba sya mula sa pagkakatayo sa kama ko at naglakad sa likod ng kinauupuan ko.

"Matalino." sabay turo sa noo ko.

"Mayaman." at nag-money sign sya.

"Maganda." hinawakan nya ang baba ko at inangat ito.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon