THIRTY FIVE

24.5K 690 68
                                    

THIRTY FIVE

Huminto ang sasakyan ni Kei sa kilalang grocery store sa Pilipinas. Tinignan ko ang malaking pangalan noon kanina sa labas bago muling nagpaka-busy sa aking cellphone. Eclaire asked me some questions, sinasagot ko naman iyon ng maayos ngunit hindi detalyado.

Ni hindi ko alam kung kanino o saan nya nalaman na roon ako ngayon tumitira kay Maxine. Maybe because of Kei. Ganoon talaga siguro kapag magkasintahan. Lahat ng bagay ay dapat alam ng isa. Marahil ay naikwento na nya rin ang pagbabayad nya sa pagkaing inorder ko roon sa Jollibee noong nakaraan.

Agad nagsuot ng cap si Eclaire at isang itim na face mask para matakpan ang kalahati ng kanyang mukha bago kami bumaba. Ako naman ay walang ganoon na dala. I'm here for cup noodles and bread. Bakit pa ako mag-gaganyan? And I don't think normal people knows who I am.

"Baka mamaya ay baka dumugin tayo ng mga tao 'pag nakilala ka." saad ko habang naglalakad papasok ng grocery.

"Hindi naman. We're always doing this. Marami ang security rito at alam na ng iba na rito talaga ang lagi kong pinupuntahan." nakita ko ang ngiti sa kanyang mata. Halos hindi mo na nga makilala ang mukha nito. Kahit ang cap na suot nya'y halos tumabon na sa kanyang mata.

Pagkapasok ay kumuha agad si Eclaire ng basket at si Kei ang bumuhat noon. Gusto ko nang magpakalayo layo at umalis nalang bigla dahil parang hindi ko ata alam kung matatagalan kong kasama ang dalawang ito o hindi.

"Doon muna tayo sa patatas." aya ni Eclaire at kumapit sa braso ko. I was just looking at the foods. Sa lahat ng nadaraanan namin ay sa gilid lang parati ang tingin ko. Hindi pwedeng umiba ang tingin ko kung hindi ay maiinis lang ako. "Gaano kaya karami?" tanong ni Eclaire.

"Hindi ko alam. I don't even know how to cook." amin ko rito. That's why I hate being alone. Hindi ko kaya ang sarili ko. Thank goodness my Dad is a good cook. Kung wala sya sa bahay ay baka hindi na ako nakaka-kain ng matino araw araw.

"Oh, you don't know how to cook?" parang hindi makapaniwalang tanong nito. Umiling lang ako. I already said I can't. Ayoko nang ulitin dahil nakakahiya. "That's okay. Pwede kang magpaturo kay Maxine since she's one of a good chef." dugtong pa nya. "Kei, look at this."

Ipinakita nya iyong patatas kay Kei. Tinanong kung gaano karami ang kukunin nila para sa lulutuin mamaya. Hindi na talaga ako dapat sumama pa rito.

Iba't ibang sangkap pa ang binili namin pagkatapos noon. Tahimik lang ako na hinihila hila nya. Kei's silent too. Kailan nga ba naging madaldal ang isang 'to?

"Potatoes, green and red bell pepper, tomato sauce, fish sauce and pork? Ano pa bang kulang?" she asked Kei again. Kating kati na ang paa kong umuwi.

"That's enough for four persons." wika ni Kei sa kanya bago ako nilingon sa gilid nang naka-nguso. Napadiretso ako ng tayo at tumingin tingin kunwari ng mga tinda sa gilid. "Ikaw, Chloris, anong gusto mong bilhin?"

Nang sumagot ako ay kay Eclaire ako tumingin. "Tinapay lang ang bibilhin ko at noodles."

"Oh, tara!" sinamahan nila akong bumili ng kailangan ko. They even bought extra goods too hanggang sa dumayo kami sa bilihan ng mga alak. "Inom tayo!" binitawan ni Eclaire ang kamay ko at binuhat ang isang alak na sa tingin ko'y hindi ko kakayanin kung ako ang iinom.

"Hindi ka pwedeng uminom, Eclaire. Ihahatid pa kita bukas sa inyo." saad sa kanya ni Kei at inagaw ang bote para maibalik iyon sa kinalalagyan noon. Napaiwas ako ng tingin doon at tumalikod nalang sa kanila.

"I can drink! What are you saying Kei? I have a high tolerance for alcohols! Kung sa tingin mo'y hindi ako makakauwi ng matino bukas ay r'yan ka nagkakamali!" nagsimulang muli ang alitan nilang dalawa kaya mabilis na akong naglakad paikot sa mga alak na naka-display roon.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon