CHASE

By cyruslyly

4.7K 54 6

Ginamit kita para mahalin niya ako, tanggapin niya ako. Kahit alam kong masasaktan kita, ginawa ko, dahil mah... More

CHASE: Teaser #Wattys2016
CHASE 1
Chase 2
Chase 3
Chase 4
Chase 5
Chase 6
Chase 7
Chase 8
Chase 9
Chase 10
Chase 11
Chase 12
Chase 13
Chase 14
Chase 15
Chase 16
Chase 18
Chase 19
End

Chase 17

229 2 0
By cyruslyly

Kanina pa ako aligaga habang naghihintay na makumpleto ang lahat bago kami tumulak papuntang kabilang bayan. Binabagabag ako ng mga posibilidad patungkol sa anak ni Tita Rely.

Kahit ilang beses kong iwaglit sa isipan ko ay kusa itong bumabalik na parang may sariling pag-iisip.

Naupo ako sa likurang bahagi ng van na pag-aari nina Tito. Sa gilid ako pumwesto upang makita ko ang mga madadaanan mamaya. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana tsaka pumikit.

Kung tama ang hinala ko ay isa iyon sa mga kaibigan ni Aidan na kasama niya noon sa locker room kung saan ko siya huling nakita. Nakakainis naman kung dito pa kami magkikita. Nagpunta ako dito para umiwas pero mukhang tadhana na ang naglalapit saakin sa katotohanan.

Ilang sandali pang ingay ang narinig ko mula sa labas bago sumara ang pintuan ng van. Nagmulat ako ng mata ng tapikin ako ni nanay.

“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi, anak?”

It was almost a whisper ngunit sapat na para marinig ko.

Tamad akong umiling kay nanay bago muling pumikit.

Umalingawngaw ang sasakyan ng biglang may kumatok sa bintana. Dahilan para mapamulat akong mulit. Dahan-dahang bumukas ang pinto at mabilis na pumasok ang isang lalaki. Natatawa pa ito.

“Dios miyo, Reyton! Saan ka ba kasing nagsusuot na bata ka?” Bulyaw ni Tita Rely sa kadarating na lalaki.

“May naiwan lang, Ma.” Aniya.

Halos kilabutan ako sa pamilyar na boses na iyon. That voice. . .hindi ako pwedeng magkamali.

Tinignan ko ang kabuuan ng likuran niya dahilan para mapansin iyon ni nanay.

“Siya iyong sinasabi kong anak ng Tita Rely mo.” Bumaling si nanay saakin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tinawag na niya si Reyton.

“Reyton, anak!”

Halos lumubog na ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa labis-labis na kaba at tensyon. Hindi ito ang inaasahan kong pagkikita namin ng kaibigan ni Aidan at wala rin akong balak na magpakita sa kanya pero wala akong magawa sa mga oras na ito. I guess this is my price for running away from the pain he caused me. Hanggang dito ba naman ay patuloy parin ang hirap?

Bumaling si Reyton sa gawi namin dahilan upang agad na magtama ang mga mata naming dalawa.

I saw how shocked he was at hindi maikakaila iyon dahil sa panlalaki ng mata niya at ang awtomatikong pagturo ng daliri niya saakin.

“Ta. . .Tahani?”

Naagaw ang atensyon ng lahat sa van ng tawagin ako sa pangalan ni Reyton. Tila hindi makapaniwala ang lahat kung papaano kaming nagkakilala.

“Uh, hi?” Bakas ang pagkailang sa boses ko.

This is awkward...

“What are you doing here? I mean, how did you get here–”

“Magkakilala kayo?” Putol ni Tita Rely na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa anak.

Hindi kaagad nakapagsalita si Reyton, tila kinakalma pa ang sarili sa bilis ng mga pangyayari. Maski ako ay hindi makapaniwala. Kahit may hinala na ako ay isinantabi ko iyon dahil ayokong isipin ang mga bagay na patungkol sa gagong iyon.

“Mmm. Schoolmates kami, Ma.” Diretsong sagot niya.

“Sa Heralds ka rin nag-aaral, Tahani?” Tanong ni Tita Rodora.

“O-opo.”

“Dios ko! Bakit hindi mo naman kasi kaagad sinabi, hija? Magkakilala pa pala kayo nitong binata ko.”

“H-hindi ko rin po kasi alam na siya po pala iyong tinutukoy niyo, Tita. I'm sorry.”

Hindi ko maiwasang mahiya sa sitwasyon.

“Nako'y kung ganon ay may makakausap ka na pala.” Nagliwanag ang mukha ni Tita Rely. “Hala sige Ton-ton. Lumipa't ka doon sa tabi ni Tahani para may makakwentuhan siya at mahaba-haba ang magiging biyahe.”

Upon hearing what Tita Rely said makes me wanna go out of the car at magpa-iwan nalang. Hindi ito pwede. No! Ayoko!

Pero kahit magmaktol ay hindi ko pwedeng gawin dahil hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko. Naiinis ako kasi kahit ayoko ay wala akong magawa. Kaya naman buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang sagutin ang paisa-isang tanong ni Reyton.

Ramdam ko din naman na maski siya ay naiilang. Kung may gusto man akong mangyari ngayon, iyon ay ang makarating na kami sa pupuntahan namin para makahinga na ako ng maluwag. Pakiramdam ko kasi ay masosofocate ako sa sobrang lapit niya saakin.

His presence reminds me of Aidan and I am hurting each time I remember how he fooled me. On how he used me. Nanggilid ang luha ko pero hindi ko hinayaang bumuhos. Kumikirot ang puso ko sa sobrang pagpipigil ng emosyon.

Muli kong ipinikit ang mata ko upang matakasan ang mga tanong at mapanuring mata ni Reyton.

“Maglalakad-lakad lang ako sa tabing dagat, tay.” Paalam ko ng matapos naming kumain sa lilim ng mga puno ng niyog.

“Sige, hija.” Tinapik niya ang balikat ko. “Pero huwag ka lang sanang masyadong lumayo, kung maaari rin ay magdala ka na ng kasama mo.”

Umiling naman ako. Ang gusto ko lang ay mapag-isa. Nagiging masikip ang paligid simula ng malaman kong nandito si Reyton.

“Ayos lang ako, tay. Hindi naman ako lalayo.” Sabi ko nalang bago tuluyang umalis sa bulwagan.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kalangitan. Tirik na tirik parin ang araw pero parang hindi ko maramdaman ang hatid nitong hapdi saaking balat.

Namanhid na nga talaga yata ako simula ng malaman ko ang mga panggagago saakin ng taong pinakamamahal ko.

Sumipol ang malakas na hampas ng hangin kaya malayang nililipad ang buhok ko. Sinikop ko iyon tsaka tinali bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Sinadya kong lumapit sa tubig upang mabasa ang aking talampakan. Gusto ko kasing maramdaman ang dagat. Gusto kong maramdaman ang payapa dito para kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

“Ang hirap naman ng ganito, Ma, Pa.”

Muling nanggilid ang luha ko habang sinusubukang kausapin sa hangin ang mga magulang ko.

“Nagmahal lang naman ako, kaso. . .kaso hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan–”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng mag-umpisang umagos ang mga luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko din ay nawalan ako ng lakas para tumayo kaya kusang napaupo nalang ako sa basang buhangin habang takip ng aking mga palad ang aking mukha.

Namimistula akong batang umiiyak dahil inagawan ng candy.

Dama ko ang bawat dampi ng tubig saaking balat. Unti-unti ko ring nararadaman ang pagkabasa ng aking suot. Pero wala na akong panahon para pakialaman pa iyon. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Muling nag flashback saakin ang mga sweet moments namin ni Aidan.

The times when he was nagging about my P.E uniform. Noong sinagot ko siya sa ice cream parlor. Iyong masasayang dates namin kada Linggo. At ang pagpaparamdam niya saakin na ako lang ang mahal na mahal niya at hindi na niya kayang mabuhay na wala ako.

Puro kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon. Puro pagpapaasa sa bobong katulad ko.

“Why do I have to feel this pain? Huh!?” Sigaw ko sa kawalan.

Tumayo ako kasabay ng pagkuyom ng aking mga palad.

“Minahal kita! Binigay ko ang lahat sayo! Isinantabi ko ang sarili ko! Naniwala ako sa mga sinabi mo! Pero ano?!”

Pinahid ko ang luha ko.

“Pero ano? Anong ginawa mo, Aidan! Bakit. . .bakit mo ako niloko ng ganito? Bakit! Ahhhhhhhhhhh!” Para akong baliw na sumisigaw sa kawalan pero wala na akong pakialam.

Kung ito lang ang dahilan para mailabas ko ang sobrang frustration at sakit ay gagawin ko. Tutal ay wala namang may pakialam kahit na anong gawin ko ngayon. Maski si Aidan ay wala ding pakialam maski katiting sa nararamdaman ako.

Sinipa ko ang buhangin tsaka napasabunot sa sarili.

“Alam mo? Fuck you ka! Fuck you ka hanggang next life mo! Fuck you ka Quiñones! Fuck. . .fuck you k-ka.” I sobbed at dahan dahan na namang napaluhod.

“Sana. . .sana nakinig ako kay Pransing! Sana nakinig ako. 'E di sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero tapos na, e. Wala na. W-wala na akong magawa kasi nasaktan na ako! Niloko m-mo na ako! Pinaasa mo na akong gago ka! Kahit pagbali-baliktarin ko pa ang mundo, wala na akong magagawa.  Shit! Nakakatawa lang talaga...” 

Pagak pa akong tumawa habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

“Kahit pala anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan at mapapalitan si Sney sa putanginang puso mo! Si Sney na maganda. Si Sney na sexy. Si Sney na mayaman. Si Sney na nag-iisang nakapagpapatibok ng puso mo. A-ano ba naman ang laban ko sa Sney mo? Wala 'diba? Walang-wala!”

Tumingala ako sa kalangitan. Hindi ko inalintana ang nakakasilaw na sinag ng araw. Hindi ko na rin alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon. Namanhid na ang buong pagkatao ko. Hindi na ako makaramdam ng kahit na ano pagkatapos kong sumigaw ng sumigaw. Pakiramdam ko ay isa nalang akong taong kawawa at walang kabuhay-buhay.

“Tatandaan mo ang araw na ito. . .dito ko ibabaon ang lahat-lahat ng kagaguhan mo. Dito ko kakalimutan ang lahat ng sakit. Dito ko iiwan ang lahat ng katarantaduhan mo! Tandaan mo, Aidan! Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo! Pero dahil sa ginawa mo, pinatunayan mo lang na wala kang pinagkaiba sa bulto ng mga gagong manloloko!”

Pinilit kong tumayo dahil lumalakas na ang hampas ng alon.

Kasabay ng pagtalikod ko sa karagatan ay ang paglimot at pagbaon ko sa lahat ng sakit. Nakita ko pa si Reyton na nakatayo malapit sa isang puno ng niyog at matamang nakatingin at mistulang nakikinig saakin mula pa kanina. Tumungo nalang ako.

“Paalam. . .paalam sa kasinungalingan. Paalam sa lahat ng pagkukunwari. Paalam sa lahat-lahat ng sakit. Gayunpaman, maraming salamat na rin sa lahat ng kasinungalingan mo, dahil kahit papaano ay naranasan kong tratuhin bilang tao. ”

Pagbalik ko sa Maynila ay hindi na ako iiyak. Tapos na ang sakit. Pakakawalan ko na ang lahat. Aayusin ko na ang sarili ko at pipilitin kong mamuhay ng normal.

“Ilang buwan nalang naman, Tahani. Ilang buwan nalang ang titiisin mo at ga-graduate din iyon.” Pag-aalo ko sa sarili habang inaayos ang mga damit na iuuwi ko bukas ng hapon.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Pransing.

Me:
Uuwi na ako bukas.

Wala pang isang minuto ay nagreply siya kaagad.

Pransing:
Really? Oh my God! Thank God you're coming home. I missed you so much, Tahani.

Nangiti nalang ako sa text ng kaibigan ko. At least, kahit papaano ay may nagmamahal parin saakin sa kabila ng lahat. Maraming salamat, Pransing. Maraming salamat.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.5M 34.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...