Chase 3

214 3 1
                                    

“Sigurado ka ba talaga? Baka naman nakaw mo 'yan, ha. Naku, Tahani, mahirap lang tayo pero hindi tayo magnanakaw.”

Rinding-rindi na ako dahil sa paulit-ulit na paratang saakin ni Pransing tungkol sa bag na iniwan saakin ni Aidan kahapon sa canteen. Inuwi ko nalang kasi sayang naman kung itatapon o susunugin ko. Mukhang mamahalin talaga, e. Baka mapagkakitaan ko pa.

“Gaga! Maganda lang ako pero hindi ako magnanakaw.” Irap ko sa kanya.

“Kailangan na yata kitang ipatingin sa albularyo. Sabihin mo lang, may kilala ako.” Aniya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

“Bungol!” Bulyaw ko sa kanya bago isinilid sa luma kong cabinet ang bag.

Sabado ngayon at pinag-iisipan ko kung ano ang magandang gawin gayong tapos ko na ang mga labahin ko. Nakapaglinis na rin kami ni Pransing ng buong bahay kaya ito at inaasar na niya ako tungkol dito sa bag na nakita niya sa damitan ko.

Napatingin ako sa lokong aligaga sa pagbibihis dahil may date na naman sila ng mabantot niyang boyfriend.

Mabuti pa ang isang ito, kahit baliw, may lovelife. Kumusta naman ako, diba?

Kaya sa huli ay napagdesisyunan kong mag window shopping nalang sa malapit na mall dito. Wala rin naman kasi akong madaming pera para ipambili. Ibibenta ko sana yung bag pero naisip kong baka bawiin din saakin ni Aidan, di ako naman ang agrabyado. Isa pa, malay ko ba kung magbago ang takbo ng utak ng kurimaw na Sney na yun at hinging muli iyong bag sa kanya, anong sasabihin ko? Na binenta ko dahil kapos ako? No! Hindi pwede.

Habang naglalakad-lakad ay napukol ang tingin ko sa isang alahas na hula ko ay isang anklet na nagpaningning ng mga mata ko.

Wala sa huwisyo akong lumapit doon at halos idikit ko ang aking mukha sa salaming nagbabahagi saamin ng anklet.

Simple lang at walang gaanong arte ang disenyo ng anklet ngunit masyado akong nagagandahan sa pagkakagawa nito. May lumaylay na ilang geometric shapes dito kasama ang isang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na halagang hindi ko kailanman mahahawakan.

Nanlaki ang mata ko dahil sa presyo. Kahit yata ibenta ko ang kidney ko ay hindi ko mabibili ang isang ito. Ito ang katotohanan sa mga mahihirap na kagaya ko na hanggang tingin nalang sa mga bagay na ganyan. Kailangan pang magsumikap ng sobra bago makaranas ng ginhawa sa buhay. Kailangang kumayod para makabili ng medyo mamahaling mga bagay. I sighed by the thought.

“Ang ganda ng anklet Ma'am, no? Limited design lang po 'yan dito sa Pilipinas.” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng saleslady sa tabi ko.

“Talaga?” Na-amaze ako lalo sa sinabi niya. Kaya pala ganun nalang ang presyo. Jusko!

“Yes ma'am, kaya kung ako sa inyo, bilhin niyo na po.” Aniya habang ngiting-ngiti saakin.

Nailang naman ako bigla. Paano ko sasabihing wala naman akong pambili at napadaan lang ako? Limited edition pa pala itong nagustuhan ko. Napakamot nalang ako ng ulo at nahihiyang humingi ng paumanhin sa saleslady.

“Ang totoo kasi niyan, tinitignan ko lang. Ang ganda kasi.”

“Naku, sayang naman ma'am. . .kapag ako may perang ganyang kalaki, bibilhin ko talaga iyan!”

Kaya nga. Sayang talaga.

Kaya naman kahit nahihiya ay nagawa ko paring magpaalam sa kanya at aligagang naglakad palabas sa jewelry shop. Nagulat naman ako ng may mabundol akong matigas na bagay. May salamin pala.

CHASEWhere stories live. Discover now