Chase 9

141 1 0
                                    

Magmi-midterm na kaya parehas na kaming naging busy ni Aidan sa studies. Hindi na rin kami gaanong lumalabas dahil parehas naming kailangang magreview para sa exams.

Isabay pa ang projects and groupworks, this will be a load of bullcraps especially to him dahil graduating na siya this year. Palagi niyang idinadaing kung gaano kahirap ang thesis na ginagawa nila at kung paano siya naaabala nito sa halos araw-araw.

“Sabay na tayong pumasok, Pransing.” Pag-yaya ko sa kaibigan ko na ready na ring pumasok.

“Wala kang sundo ngayon?” She asked ng hindi ako tinitignan.

“Tulog pa, e. Puyat sa paggawa ng thesis nila.”

Naawa naman ako bigla kay Aidan. Baka pinapabayaan na niya yung sarili niya dahil sa thesis na yan. Balita ko kasi ay hindi gaanong tumutulong ang iba niyang kasama sa pagresearch at kung ano-ano pa. Palagi ko nga siyang pinapagalitan kapag nasa bahay nila silang lahat at siya lang ang kumikilos

Natapos ang buong araw na hindi ko nakikita ang boyfriend ko. Hindi na siya pumasok dahil wala naman daw iyong professor nila sa dadalawang subject na meron siya sa Monday classes niya. Dumiretso nalang ako sa bahay ng mag-dismiss ang professor namin. Ginugol ko ang nalalabing oras sa pagrereview.

Friday ng matapos ko lahat ng exams at hindi naman ako gaanong nahirapan. I reviewed a lot and it helped. Sisiw na sa major subjects dahil puro practical questions naman karamihan ang mga tanong.

Kumusta naman kaya yung kay Aidan? Nagtipa ako ng ilang mensahe sa kanya bago naupo sa sinabi kong lugar kung saan ko siya hihintayin.

Tahimik lang akong naupo bago nilabas ang isang libro na dalawang araw ko na ring binabasa. Natigil lang dahil kailangan kong magreview para sa exam. Naisipan kong tapusin na iyon dahil may sapat na oras na ako. Besides, kakaunting pahina nalang at matatapos na ako sa binabasa ko.

Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasang maiyak. Lalo ng mamatay ang tatay ng bida habang tumutugtog ito ng piano para sa kanya. I really hate sad endings.

Pinahid ko ang luhang lumadas sa pisngi ko bago hirap na isinarado ang libro. How can life be so cruel? Hindi ba pwedeng wala nalang mamatay? Wala nalang mawala?

Bakit kailangang may maiwan? Why does someone needs to suffer from being left? Hindi ko lang maintindihan kung bakit. Kung sino pa ang mabubuti ay siya pang nauunang nawawala. Not that I want bad people to die first pero ang hirap tanggaping may mga tao talagang panandalian lang ang buhay.

I suddenly missed my parents. How can life be so cruel towards me? Hindi man lang nagtira ang tadhana ng isang makakatuwang ko sa buhay. Why does it need to get both of them? How selfish!

Mas lalo akong naiyak ng maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. By the warmth and scent of the person, I already knew it was him.

“Anong problema, by?”

Puno ng pag-aalala ang boses niya habang mahigpit akong niyayakap.

“I just... I just miss my parents.”

“Do you want to visit them? I'll give you a ride.”

Kumalas siya sa yakap at naupo sa tabi ko. He held my hand and squeeze it gently. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na wala na ang mga parents ko. Ang alam niya lang ay hindi ko sila kasama dahil nag-aaral ako dito sa siyudad.

Do I need to tell him? Pero wala parin akong lakas ng loob. Its been years but for me it seems like yesterday. The pain is still fresh and unbearable. I still couldn't move on. I lost both of them that day. And losing them feels like losing my reason to live completely happy.

CHASEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum