Chase 11

150 1 0
                                    

Alas singko ng magising ako dahil sa isang katok at pagbukas ng pintuan.

Balot na balot ako ng makapal na comforter dahil may kalamigan sa loob ng kwarto. Kinusot ko ang mga mata ko at bumaling sa taong pumasok sa kwarto. Sinubukan kong aninagin siya gamit ang isang mata ko ng mapagtantong si Aidan iyon.

He was just wearing his usual plain white shirt and a gray boxers. His disheveled hair added life to his hot and very manly features. Hindi nakatakas ang kanyang matangos na ilong at mapupulang labi sa mga mata ko. He bit his lower lip as he walks near me.

“Goodmorning, 'by!” Bati niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nanlaki ang mata ko at walang ano-anong tinakpan ang mukha ko ng comforter. Mamaya ay may hindi kaaya-aya sa mukha ko, nakakahiya!

I heard him giggle.

Hiningahan ko pa ang kamay ko dahil baka badbreath pa ako dahil sa pagtulog. Sa sobrang conscious ko ay halos ayoko ng tanggalin ang pinambalot ko sa buong katawan. Kung hindi ko lang naramdaman ang pag-alog ng kama ay hindi pa ako natauhan.

“Natutulog ka ba ulit? Naistorbo ba kita?” May paglalambing sa boses niya tsaka marahang tinapik ang balikat ko.

Umiling lang ako.

“Then why are you still covered? I think you should get up now.” Kahit hindi ko nakikita ay alam kong may halong panunuya ang mga sinasabi niya.

Dahan-dahan kong ibinaba ang comforter and I revealed my eyes. Just my eyes.

“But it's only 5am. Bakit nga pala ang aga mong nagising? Hindi ka ba napagod kahapon?”

Ako nga ay napagod sa biyahe maging sa pagpasyal sa dagat, how much more sa kanya?

“There is something that I want to show you so get up now or forever regret.”

Tila gatilyo ang kanyang mga sinabi dahilan para bumangon ako kaagad at mabilis na tumakbo papuntang bathroom. I checked for possible dirts and stuffs on my face.

This was the first time he saw me like this. Wearing this just woke up face. And I don't even know if I look good or not.

Sabay kaming bumaba sa pag-aakalang maaga lang talaga kaming mamamasyal kaya lumiko ako papuntang kusina para kumain. Gulat ko naman ng sa pintuan palabas ang tinahak ni Aidan. Natigil lamang siya ng makitang wala na ako sa tabi niya.

“Aren't we suppose to eat first?”

Nakita kong naglakad siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko ngunit agad din siyang bumalik dala-dala ang isang picnic basket. Iniangat niya iyon para makita ko.

“Let's go and eat near the beach. I want  to show you something.” Inilahad niya ang kamay niya.

Habang naglalakad kami sa buhangin ay nag-umpisang lumipad ang buhok ko. Sinikop ko iyon gamit ang isang kamay habang ang isa ay nakaangkla sa braso ni Aidan.

Unti-unti nang lumuliwanag ngunit wala pa ang haring araw upang magbigay ng pangkalahatang ilaw sa buong lugar.

Naglatag si Aidan ng isang picnic mat at hinayaan akong maupo doon. Inayos niya ang laman ng basket na dala-dala niya kanina at nakita ang lutong pagkain doon.

“Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng iyan?” Tanong ko.

“Yes.” Ngumiti siya.

Hindi nakatakas ang pisngi ko sa pamumula dahil sa sinabi niya. He woke me up at exactly 5am and everything that we bring  was ready? Anong oras siya nagising kung ganoon nga? Natulog pa ba siya? Did he still manage to sleep tight? I suddenly felt guilty.

CHASEWhere stories live. Discover now