Chase 5

186 3 1
                                    

SPG: L

Isang linggo ang lumipas bago lubusang naka move-on ang karamihan sa mga estudyante dito sa University tungkol saakin.

Jusko! Kung alam ko lang na dadami ang mga bashers ko dahil sa mga ganung ginagawa ko, matagal na sana akong famous. Nakakaloka! Masyado akong binibigyan ng atensyon de punyeta.

Isa pa itong si Pransing... Akala mo naman kung sinong linta kung dumikit sa mabantot niyang boyfriend. Hindi mapaghiwalay. Hindi na tuloy mapakinabangan sa mga oras na nag-iisa ako at nangangailangan ng makakausap. Pagak nalang akong tumawa sa naisip bago pinunas ang takas na luha. Mag-isa na naman ako.

Pikit ang mga mata ko ng makarinig ako ng kaluskos galing sa kung saan. Nandito kasi ako sa botanical garden ng school para makaiwas sa mga mapagmatang tao. Atleast dito napapalibutan ako ng tunay at natural. Walang plastik. Walang peke. Walang pota.

May maliit din itong parang nipa hutsa gitnang parte ng garden kung saan nakasabit ang mga hanging plants at kung ano ano pang mga pasong may halaman.

“Sino yan?”

Tumayo ako at luminga-linga sa paligid. Sa pagkakaalala ko, wala naman akong nadatnang tao dito kanina dahil una sa lahat, wala ni isa sa mga rich kids na yun ang gugustuhing itapak sa maputik na daan ang mamahalin nilang mga sapatos. Ni ayaw rin nilang madapuan ng lamok ang makikinis nilang balat dahil masisira daw ang mga kutis nila kapag nagkapeklat.

Napabuntong-hininga ako... Buhay mayaman... Malayong-malayo sa pamumuhay na meron ako ngayon.

Naglakad ako palibot ng garden para hanapin kung saan nanggaling ang kaluskos ng makarinig muli ako ng isa pa.

“May tao ba jan?” Tanong ko.

Hinawi ko ang iilang mga halaman na mas matayog kaysa saakin pero wala naman akong nakita. Baka pusa lang. Nagkibit-balikat nalang ako bago pumihit pabalik ng bench ng biglang may bumungad saaking  harapan.

“Waaahh! Shit ka! Punyemas ka! Aahhhh!”

Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na napigilan ang pagbulalas ng mga salita. Ni hindi ko na na-filter ang mga words of wisdom ko at nasabi ko nalang kung ano man ang gustong sabihin ng letsugas na bungangang ito.

“Ano ba! Kabute ka ba?! Ay! Punyeta!”

Yinugyog ko ang mga kamay at paa ko para mabawasan ang panginginig. Gulat na gulat talaga ako dahil sa bwesit— Wait, who is— dahan dahan akong nag-angat ng tingin para makita kung sino ang hayop para maturuan ng leksyon. Naglakbay ang mata ko mula sa kanyang paa hanggang sa kanyang tiyan at dibdib. Hirap akong lumunok ng mapagtanto ko kung sino siya...

Hindi ko na kailangan pang tignan ang mukha dahil katawan niya palang hanggang sa kung paano siya tumindig ay kilalang-kilala ko na kung sino ang taong nasa harapan ko.

I mentally prayed for myself habang dahan-dahan akong nag-aangat ng tingin. His adams apple moved up and down which I find very hot. His strong jaw clenched as he narrowed his eyes while he stares at me coldly.

“B-bebe?” Wait. What?

Natampal ko ang bunganga ko. Dahek?

Umiling ako. “I mean, A-Aidan?”

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...”

Every word sents me shiver. Every word is powerful. His word is music to my ears. How to be you po, koya?

CHASEWhere stories live. Discover now