Chase 13

157 1 0
                                    

Hindi ko alam kung anong uunahin kong pagtuunan ng pansin habang nasa daan kami pauwi ng probinsya.

Kung iyong mga naglalakihang puno ba noon na halos paubos na ngayon, o ang mga bagong gusali bang itinayo sa mga bakanteng lote noon na pinagtataniman lang dati ng mga palay at mais ng mga mamamayan dito.

Ang laki na ng pinagbago ng buong lugar mula nung huli akong umuwi dito. Actually, para ngang umutot lang ako dito noon at bumalik din agad dahil hindi man lang ako nagpalipas ng gabi sa bahay.

Naaalala ko pa noong dinadaanan lang namin ang street na ito kapag may pinupuntahan kami ng mga magulang ko. Kapag namamasyal kami ni Papa gamit ang mga bike namin. Naalala ko iyong simpleng pamumuhay namin dito noong kompleto pa kami at masaya. Noong hindi pa nila ako iniwan. Noong nahahawakan ko pa silang pareho.

“Ituro mo nalang saakin ang daan papunta sa inyo, 'by. Hindi ko na kabisado dito.”

Tumingin ako kay Aidan at nakitang  palinga-linga siya sa paligid na tila kinakabisa ang bawat dinadaanan namin.

Totoong pupunta kami sa bahay pero hindi rin kami magtatagal doon dahil hindi iyon ang sadya namin. Alam kong iba na ang nakatira doon at alam ko ring binenta na iyon ng Lola ko upang may ipambayad siya sa mga naging utang niya dahil sa pagsusugal.

She made use of that money to pay for her debts. She made use of my supposed to be house para maging kabayaran sa mga naging kapritso niya.

Hindi na siya naawa sa Papa na walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho para makapundar kami ng sarili naming bahay. Nabalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo niya ng dahil lang sa utang na hindi naman kanya.

“Lumiko ka sa susunod na kanto. Iyong ikalawang gate sa kanan ang bahay namin.”

Habang palapit kami ng palapit sa bahay ay mas lalong kinukurot ang puso ko. Ito ang bahay na naging saksi sa pagmamahalan ng mga magulang ko. Ang naging saksi sa pagpapalaki nila saakin at ang naging saksi sa pagkamatay nilang dalawa. Ito ang lugar na gustong-gusto kong uwian pero labis ko ring kinasusuklaman.

Inihinto ni Aidan ang sasakyan sa harapan ng bahay. Ang pamilyar na gate at ang bakod na gawa lamang sa cyclone wire ay napaka-pamilyar parin saakin. Kahit nag-iba na ang pintura ng bahay ay hindi parin ito nagbago at nanatili sa dati nitong disensyo. Maging sa loob kaya ay ganoon din?

Sa sobrang paninitig ko sa bahay ay hindi ko na namalayang pinagbuksan na pala ako ni Aidan ng pinto. Nagpasalamat lang ako sa kanya bago lumabas ng sasakyan.

“Ito na ba ang bahay niyo?” Turo niya sa simpleng up and down naming bahay.

“Yes. . .before.”

Noong hindi pa binibenta ng magaling kong Lola upang ipambayad ng utang. Bahay namin iyan, dati.

“What do you mean?” Takang tanong niya.

“Mahabang istorya. Alis na tayo?” Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya pero hindi parin siya gumalaw.

“Akala ko ba pupuntahan natin ang parents mo?”

Imbes na pumasok ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Yes, Aidan. Pupuntahan natin sila. Kaya tara na.

“Oo nga. Wala na sila dito. Puntahan na natin sila.”

Hindi ko siya matignan sa mata. Hindi ko rin siya nilingon dahil ayokong makita niyang nasasaktan ako sa pagpunta namin dito.

Alam kong hindi dapat dahil ako naman ang nagkusang magyaya, pero labis-labis parin talaga ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko parin pala kayang bumalik balik dito.

CHASEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz