Chase 17

229 2 0
                                    

Kanina pa ako aligaga habang naghihintay na makumpleto ang lahat bago kami tumulak papuntang kabilang bayan. Binabagabag ako ng mga posibilidad patungkol sa anak ni Tita Rely.

Kahit ilang beses kong iwaglit sa isipan ko ay kusa itong bumabalik na parang may sariling pag-iisip.

Naupo ako sa likurang bahagi ng van na pag-aari nina Tito. Sa gilid ako pumwesto upang makita ko ang mga madadaanan mamaya. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana tsaka pumikit.

Kung tama ang hinala ko ay isa iyon sa mga kaibigan ni Aidan na kasama niya noon sa locker room kung saan ko siya huling nakita. Nakakainis naman kung dito pa kami magkikita. Nagpunta ako dito para umiwas pero mukhang tadhana na ang naglalapit saakin sa katotohanan.

Ilang sandali pang ingay ang narinig ko mula sa labas bago sumara ang pintuan ng van. Nagmulat ako ng mata ng tapikin ako ni nanay.

“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi, anak?”

It was almost a whisper ngunit sapat na para marinig ko.

Tamad akong umiling kay nanay bago muling pumikit.

Umalingawngaw ang sasakyan ng biglang may kumatok sa bintana. Dahilan para mapamulat akong mulit. Dahan-dahang bumukas ang pinto at mabilis na pumasok ang isang lalaki. Natatawa pa ito.

“Dios miyo, Reyton! Saan ka ba kasing nagsusuot na bata ka?” Bulyaw ni Tita Rely sa kadarating na lalaki.

“May naiwan lang, Ma.” Aniya.

Halos kilabutan ako sa pamilyar na boses na iyon. That voice. . .hindi ako pwedeng magkamali.

Tinignan ko ang kabuuan ng likuran niya dahilan para mapansin iyon ni nanay.

“Siya iyong sinasabi kong anak ng Tita Rely mo.” Bumaling si nanay saakin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tinawag na niya si Reyton.

“Reyton, anak!”

Halos lumubog na ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa labis-labis na kaba at tensyon. Hindi ito ang inaasahan kong pagkikita namin ng kaibigan ni Aidan at wala rin akong balak na magpakita sa kanya pero wala akong magawa sa mga oras na ito. I guess this is my price for running away from the pain he caused me. Hanggang dito ba naman ay patuloy parin ang hirap?

Bumaling si Reyton sa gawi namin dahilan upang agad na magtama ang mga mata naming dalawa.

I saw how shocked he was at hindi maikakaila iyon dahil sa panlalaki ng mata niya at ang awtomatikong pagturo ng daliri niya saakin.

“Ta. . .Tahani?”

Naagaw ang atensyon ng lahat sa van ng tawagin ako sa pangalan ni Reyton. Tila hindi makapaniwala ang lahat kung papaano kaming nagkakilala.

“Uh, hi?” Bakas ang pagkailang sa boses ko.

This is awkward...

“What are you doing here? I mean, how did you get here–”

“Magkakilala kayo?” Putol ni Tita Rely na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa anak.

Hindi kaagad nakapagsalita si Reyton, tila kinakalma pa ang sarili sa bilis ng mga pangyayari. Maski ako ay hindi makapaniwala. Kahit may hinala na ako ay isinantabi ko iyon dahil ayokong isipin ang mga bagay na patungkol sa gagong iyon.

“Mmm. Schoolmates kami, Ma.” Diretsong sagot niya.

“Sa Heralds ka rin nag-aaral, Tahani?” Tanong ni Tita Rodora.

CHASEWhere stories live. Discover now