Chase 7

147 1 0
                                    


“The bitch has arrived.”

Pagpasok ko palang sa classroom ay samo't saring bulungan na kaagad ang bumungad saakin pero hindi na ako nagtaka. Once you clung to a Quiñones, expect for the worst. Expect that you'll not be living a normal life anymore.

Tahimik nalang akong maglakad papunta sa upuan ko at pumirmi nalang hanggang sa wala pang dumadating na professor.


“I thought Aidan's hitting on her, where is he? And why is she alone?”

“I told you guys, he wasn't serious about that shit.”

“No fashion sense. Not even popular. Why waste time with just an ordinary, trash girl?”

Kumuyom ang kamao ko dahil sa mga maaanghang na salitang binabato saakin. Mga bruha! Ang sarap niyong sabunutan. Naku! Kailangan kong kumalma. Tama. Kalma lang, Tahani. Iyon kasi ang natutunan ko mula sa mga nakakasalamuha ko. To not show that I am affected. Para tumigil na sila. Para hindi na nila ako bulabugin pa.


Nagulat nalang ako ng bigla silang nambato ng crumpled papers sa gawi ko. Some are dry, some are wet. Binasa nila ito gamit ang tubig, soda, fruit juice at kung ano ano pang inumin.

“Serves you right, bitch! Masyado ka kasing feeling. Assumera ka!”

“Stop it. Tama na. Aray!”

“We won't stop until you wake up from your foolish dreams, bitch!”

Nang tagumpay na tumama ang isang basang papel sa mukha ko ay tsaka lang sila nakuntento. Ang dumi-dumi na ng damit ko dahil sa mantsa at basang basa na rin pati ang buhok ko. Pero hindi ako umiyak. Hindi ako iiyak. I won't cry for such a childish reason. I won't cry just because they don't like me for Aidan.

After all, it's just me and him that matters. I don't need other people's judgment. I am fine with what I believe. That would be enough reason for not shedding a single tear.

Naging busy nalang ako sa paggawa ng iilang projects, reports and assignments. Hindi na rin ako gaanong inaabuso ng mga kaklase ko. Nagsawa na rin siguro sila sa pambubully saakin. Hindi na rin kami madalas lumabas ni Aidan dahil umiiwas na ako sa mga maaaring makakita saamin.


Nalaman na rin niya ang mga dinanas ko sa kamay ng mga kaklase kong nagkakagusto rin sa kanya. He wanted to take revenge for me but I told him not to bother anymore. I'm fine now. Their attitude towards me was already bearable. Ayokong isipin pa nilang naghanap pa ako ng kakampi.


Hindi na rin kami madalas magkasama sa school ni Pransing kahit nasa iisang block kami. Simula kasi noong manligaw saakin si Aidan ay medyo lumayo na ang loob niya saakin. Hindi parin siya kumbinsido sa ipinapakita ni Aidan para saakin. Pinagsususpetyahan niya parin ang bebe ko.

It's been three weeks since Aidan started to court me. At ngayong araw ay balak ko na siyang sagutin. Three weeks is enough for him to prove everything. Araw-araw pinaparamdam niya saakin na hindi ako iba. Pinaramdam niya saakin na belong ako sa mundo niya.

Ramdan ko na rin naman na naka get over na siya kay Sney. Kita ko 'yun. Dahil tuwing magkasama kami at makakasalubong namin ang grupo nila ay parang wala na lang iyon kay Aidan. Finally! Narealize din niya na wala silang future ni Sney.

Kaya oras na rin siguro para saamin. Three weeks is enough. Ayoko ng patagalin pa ito. There is no doubt na gustong-gusto ko siya and I'm liking him more every single day. And I can see that he is starting to like me even more, too.

'I'll pick you up after your class. Tara sa favorite mong ice cream house. My treat!'


Nangiti ako ng mabasa ko ang text ni Aidan. Napaka sweet niya talaga saakin. Palagi niya akong ipinapasyal at binubusog. He never fails to amuse me every single day.


CHASEWhere stories live. Discover now