Chase 19

245 3 0
                                    

“Ay shit ka talagang tunay, Tahani! Kahit kailan ka nga namang talaga, oo!”

Umagang-umaga ay iyan na ang pambungad saakin ni Pransing matapos niyang hawiin ang kurtina saaming kwarto. Tumama ang sikat ng araw direkta sa mga mata ko kaya muli akong nagtalukbong ng kumot.

Kanina pa actually ako nagising pero hindi muna ako bumangon kahit sinabi niya ng bumangon na ako para makakain. Pakiramdam ko kasi ay ang bigat-bigat ng katawan ko at parang gusto ko nalang matulog magdamag.

“Baka gusto mo ng bumangon at mag ayos-ayos na kasi baka graduation natin ngayon at baka kasi ma-late tayo, 'diba? Nakakahiya naman sa mga dadalo.”

Hindi nakatakas ang sarkastikong tono ni Pransing sa mga mapanuring tainga ko. Natawa nalang ako at dahan-dahang bumaba sa kama at walang ano-ano'y niyakap ko siya mula sa likuran.

“Ay, letse. Mamaya ka na mag moment, pwede? Maligo ka na at dadaanan pa natin 'yung toga sa laundry shop!”

“Sa wakas, no? Bilib na talaga ako saatin!” Sabi ko. “Gagraduate na tayo, Pransing. Hindi ako makapaniwala...”

“Potarantadang 'to! Papaiyakin mo pa ako, e! Maligo ka na nga kasi. Tsupe!”

Hindi ko masabi ang buong nangyari saakin simula ng matapos ang lahat saamin ni Aidan. Pero, aaminin kong natagalan pa bago naging magandang ulit ang takbo ng buhay ko.

Ngayon, mas naging kontrolado ko ang lahat ng bagay at nabawasan ang bigat na pinapasan ko araw-araw.

Mahigit isang taon na rin ang nakalipas at alam kong hindi man ako lubusang nakalimot ay paunti-unti ko ng natatanggap ang mga masasakit na pangyayaring siya ang dahilan.

Kung mayroon man akong natutunan sa karanasang 'yun, iyon ay isipin ang sarili ko bago ang ibang tao.

Mabilis na natapos ang graduation ceremony at nagtipon-tipon ang mga kaklase namin sa open field ng university para sa kanilang picture taking.

Kami naman ni Pransing ay nagdesisyon ng umuwi dahil may simpleng salo-salo kaming dalawa sa bahay bilang celebration sa aming pagtatapos. Kasama naman namin ang boyfriend niya na nagsilbing service namin papuntang school kanina.

Wala man dito ang mga magulang namin ay masaya parin kami dahil kahit papaano ay alam naming may napatunayan kaming dalawa sa aming mga sarili ngayon. Na kaya naming tumayo at magpatuloy sa laban ng buhay. Ang harapin ang bawat pasakit at mas maging malakas.

“Ha! Anong panama ngayon ng mga tsismosa saamin.”

Bakas ang pagyayabang sa boses ni Pransing habang inaayos ang mga certificates na natanggap niya.

Nakaupo naman ang boyfriend niya sa sofa at tahimik na pinagmamasdan ang kaibigan ko.

“Tss. Paniguradong hindi magkamayaw ang mga maiinggit dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Ang dating sinasabihan nilang pokpok, walang-kwenta at salot ay ito ngayon at katatanggap lang ng diploma.”

Itinali pa niya ang kanyang buhok bago naupo sa tabi ng boyfriend niya bago niyakap.

Ngumisi na lamang ako bago pumihit papuntang kwarto upang makapagbihis.

Ilalagay ko sa bookshelf ang mga certificates na natanggap ko. Isinilid ko iyon sa isang brown envelope at isiningit sa mga libro. Pagkausog ko ng isang dictionary ay may nalaglag na maliit na kulay puting box. Kumalansing ang nalaglag na laman nito dahilan para mapatingin ako sa sahig.

Muling nanikip ang dibdib ko ng makita kong kuminang ang anklet na iniregalo saakin ni Aidan.

Dahan-dahan kong pinulot iyon at matamang pinagmasdan. Mukhang bago parin ito at hindi mo man lang mahahalatang nagamit. Kahit may isang taon mahigit na itong nakasilid lang sa maliit na kahon ay hindi parin kumupas ang ganda at tingkad ng kulay nito.

CHASEWhere stories live. Discover now