Chase 15

221 4 0
                                    

Wala akong kaide-ideya kung paano ba ang pakiramdam ng masaktan sa unang pag-ibig. Ni hindi ko alam kung paano lampasan iyon. Wala akong alam sa kung paano tanggapin na minsan sa pag-ibig, hindi maiiwasang masaktan. Hindi maiiwasang maluha. Hindi maiiwasang mawasak ng husto ang puso.

Ganon na nga siguro iyon. Dahil ang bobong katulad ko ay walang kaalam-alam kung papaano lalampasan ang dagok na ito sa buhay ko. Wala akong ibang malapitan kundi ang sarili ko.

Sana pala ay noon ko pa nalaman na ganun lang pala ang pakay saakin ni Aidan. Sana ay sinabi nalang niya saakin na mag-gaguhan nalang kaming dalawa dahil hindi naman siya seryoso saakin.

Sinira niya ng buong-buo ang tiwala ko sa kanya, maging sa lahat ng lalaki. Sinira niya ang paniniwala ko na magkakaroon kami ng magandang kinabukasan pagdating ng araw. Sinayang niyang lahat ang mga nilaan kong oras at pagmamahal.

Pinalis ko ang luha ko habang isinasara ang back pack na dadalhin ko ngayon. Uuwi akong muli saamin dahil hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman ko. Mabuti nalang at wala na si Pransing kaya walang pipigil saakin sa pag-alis.

Nag-iwan lamang ako ng munting sulat sa kanyang cabinet bago tumulak sa terminal ng bus.

Alas nwebe ang alis ng unang bus kaya kailangan ko pang maghintay ng labing limang minuto. Hindi na masama. Kaunting oras nalang ay lilisanin ko panandalian ang lugar na ito. Para panandaliang makapag-isip. Para panandaliang mag-muni ng mga bagay-bagay.

Niyakap ko ang bag ko ng maramdamang umuusad na ang sinakyan kong bus. Itinakip ko sa bintana ang kurtina upang hindi ko makita ang daanan. Ayokong makita ang lugar kung saan ako ginago ng taong pinakamamahal ko.

Kanina pa tumutunog ang cellphone ko dahil sa mga texts at tawag galing kay Pransing at Aidan. Marahil ay hinahanap na ako dahil mag-uumpisa na iyong game kanina. Pinatay ko nalang iyon dahil ayoko muna ng istorbo. Sapat na muna iyong sakit na nararamdaman ko bilang bagay na pagtutuonan ko muna ng pansin sa ngayon.

Halos walong oras din ang naging biyahe ko. Ni hindi ako bumaba sa mga bus stop para kumain dahil wala akong gana. Wala akong lakas para tumayo. Inubos na lahat ng lungkot na nararamdaman ko.

“Miss, ayos ka lang?” May pag-aalala ang boses ng babaeng katabi ko sa bus.

Tumango lang ako ngunit kasabay nun ang muling paglakbay ng luha sa aking pisngi. I am not okay. Hindi ko kayang magsinungaling na maayos ako dahil sobrang sakit talaga.

Inabutan niya ako ng tissue pero hindi ko iyon tinanggap. Hindi pa ako tapos umiyak kaya ayoko munang punasan. Hindi ko pa matanggap kaya hindi na muna ako titigil.

Tsaka na siguro kung katawan ko na mismo ang napagod masaktan. Siguro ay okay na 'yun para punasan ko na ng tuluyan ang mga luha ko. Luha ng sinayang na pagmamahal.

Nag-aagaw na ang liwanag sa dilim ng makababa ako sa terminal. May mga tricycle doong nakaparada kaya sumakay ako at nagtungo sa memorial.

Habang nasa daan ay patuloy na naman sa pagbagsak ng mga luha ko. Ilang beses ko iyong pinalis ngunit ilang beses din itong napalitan ng panibago.

Nagbayad ako kay manong bago bumaba. Maging ang memorial ay nabahiran na rin ng masamang ala-ala ng gagong 'yun.

Sana pala ay hindi ko na siya dinala dito para hindi ko siya naaalala. Sana pala ay nag-iwan ako ng isang lugar na hindi kailangang magpa-alala saakin kung gaano ko siya minahal.

“Dumito ka muna habang hindi ka pa uuwi sa Maynila, anak. Para na rin may kasama ang Nanay Lisa mo habang nasa trabaho ako.”

Iginaya ako ni Tatay Rodolfo sa magiging silid ko sa bahay nila. Isinabay na kasi ako dito ni tatay noong pauwi siya. Mabuti nalang at nandiyan siya para saakin. Palagi ko talaga siyang maaasahan.

CHASEWhere stories live. Discover now