Chase 12

158 1 0
                                    

Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para hanapin si Aidan. Mamaya kasi ay pupunta kaming muli sa dagat upang maligo.

Habang nasa grand staircase ay inatake ng masarap na amoy ang aking ilong. Magtatanghalian na kaya medyo gutom na ako.

Dali-dali akong bumaba para pumunta ng kusina. And there I saw Koring and Aling Eva cooking. Ilang sandali lang ay nahagip na ako ng tingin ni Aling Eva.

“Ma'am! Nandiyan ka po pala. Gutom kana ba? Sandali lang po at maghahain na ako.” Aniya habang nagpupunas ng kamay sa kanyang apron.

Maging si Koring ay hindi na rin mapakali dahil minamadali na ang pagluluto. Mas lalo siyang nataranta ng lumapit ako sa kanya.

“Ano pong niluluto niyo?” Tanong ko.

“Ma'am. Huwag po kayong gaanong lumapit at baka matalsikan kayo ng mantika.” May pag-aalala ang boses niya.

Nakita ko ang chicken cordon na kasalukuyang naka deep-fry sa malaking kawa. Tinanaw ko rin ang laman ng isang kaserola pero hindi ko alam kung ano iyon.

“Ano ka ba, Koring. Sanay akong magluto kaya huwag kang mag-alala.” Ngumiti ako.

Kahit totoo ang sinabi ko ay nag-aalangan parin siya ng lumapit ako sa kanya. Para bang natatakot sila na matalsikan ako ng mantika dahil baka sibakin ko sila sa trabaho.

“Ang mabuti pa ay maghanda ka nalang ng mga pinggan at mga kubyertos. Ako na ang tatapos nito.”

“Pero–”

“I'll be fine, Koring. Ang sabi ko naman sayo, sanay ako dito.” Sumulyap din ako kay Manang Eva at ngumiti. “Sige na.”

Ilang minuto lang ay handa na ang lahat. Ilalapag ko na sana ang kanin ng may marinig akong mga yapak galing sa grand staircase. Naunang bumaba si Uncle Roseller at sumunod si Aunt Encarnacion.

Her high cheek bones, deep expressive eyes, curly lashes, pouty lips and her wavy hair that moves everytime she walks, was all perfect.

Bumeso lang ako sa kanilang dalawa bago ibinaba ang bowl na hawak ko kanina pa.

“Bakit ikaw ang naghahain, hija?” Aniya sabay turo sa bowl. 

“Ay Ma'am! Siya po halos ang nagluto ng lahat ng ito. Sinabihan po namin siyang huwag ng tumulong pero mapilit po talaga siya.” Pagsusumbong ni Manang Eva.

Seryosong tumingin saakin si Aunt habang nangiti lang si Uncle Ros na nasa likod niya. Bigla akong kinabahan. Mali bang nakialam ako sa kusina nila?

Ilang sandali pa ay nagliwanag ang mukha ng Tiyahin. “Nagluluto ka, Tahani?”

Agaran akong tumango pero kinakabahan parin ako.

“That's great!” Nagulat ako dahil halos isigaw niya iyon.

“I'm happy that Dan-dan found someone who can do the chores, not just her make-up. Someone who can take care of him, not just him taking care of her. I am very happy, Tahani. Very much happy.” Pinagsiklop niya ang kanyang mga daliri at masiglang ngumiti saakin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko matapos ang mahabang lintaya ng kanyang Tiyahin. Masyado niya akong pinaulanan ng fluttery words. Mamaya ay mag-expect na ito ng sobra saakin.

Imbes na pumalag ay pinili ko nalang manahimik. Dumungaw ako sa malaking orasan na nasa sala at nakitang mag-a-alas dose na ng tanghali. Nasaan kaya si Aidan?

Tila nabasa naman ni Koring ang iniisip ko ng...

“Tatawagin ko na po ba si Sir Sylvestre upang makapag-tanghalian na kayo, Madame?”

CHASEWhere stories live. Discover now