The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Best Guy

1.2K 121 132
By SheIsLexa

Dahil sa pagmamadaling saklolohan ang dalagang si Jennica ay nakalimutan ni Reymond na kunin ang sim card nang naibatong Iphone ng dalaga.

Mabuti na lang at naging maagap si Sir Mountus at siya na mismo ang kumuha sa sim card mula sa wasak na Iphone ng estudyante. Inabot niya agad ito kay Reymond at tumango, sinyales na naiintindihan niya ang sitwasyon.

Lumabas naman agad si Reymond habang binubuhat na parang prinsesa ang iyak ng iyak na si Jennica, Ano bang kainte-interes sa 'yo, Jennica? Bakit may gustong kumitil sa buhay mo?, hindi niya mapigilang isipin.

Habang ang dalaga naman ay halos wala ng pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Kusa kasing nag-rerewind sa kanyang utak ang nabasang nakakapangilabot na death threat. "M-mommy... D-daddy," she said in between her sobs.

Mabilis na tinungo ng binata ang parking lot ng Woodsen, napagpasyahan niyang iuwi ang dalaga sa bahay nito.

"Ang sweet ni Ideal Stone!"

"Anyare kay girl?"

"Dali! Picturan natin sila!"

"Aww... damsel in distress and knight in shining armor ang peg nila."

"Hoy! May assignment na kayo sa physi—oh my gosh! Ang hot ni Ideal Stone!" 

Hindi na lamang pinansin ng binata ang kanya-kanyang komentaryo ng mga kababaihan. Girls and their mouths., naiiling niyang sabi sa isipan. Sinakay na niya ang dalaga sa front seat ng kanyang baby Ferari. May student's license na naman siya kaya pwedeng-pwede na siyang mag-maneho. Dali-dali siyang nagmaneho nang makita ang mukha ng dalaga, nakatulala ito habang patuloy na umaagos ang luha. Alam niya ang address nito dahil nabasa na niya ang profile ng dalaga kagabi.

Habang nagmamaneho ay hindi maiwasang mapalingon si Reymond sa tulalang dalaga. Kahit umiiyak ito ay mukha pa rin itong anghel. Napa-'tsk' na lang siya sa naisip. Mukha ni Daisy ang nakikita mo Reymond kaya nagagandahan ka sa kanya., mariin niyang kumbinsi sa sarili.



***



"Iho, pasensya ka na sa abala, a? Napa-cut ka pa tuloy sa klase mo," pagpapaumanhing saad ng doktor sa binatang si Reymond. Pareho nilang tinitingnan ang mahimbing na natutulog na si Jennica. Sinedate niya kasi ito para makatulog.

"Ayos lang sir," sagot ng binata kay Dr. Rendell, ang foster father ng kanyang misyon na si Jennica.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang hinihingal na Lence. Agad-agad siyang lumapit sa kama ng dalaga, ni hindi niya napansin na may mga tao rin pala.

Agad din namang na-alarma si Reymond at hinarang ang lalaking palapit sa dalaga. "At sino ka?" Bilang agent, trabaho niyang malaman kung sinu-sino ang mga taong konektado sa buhay ng kaniyang kasalukuyang misyon. 

Nagulat man si Lence sa biglaang pagharang ng isang estranghero ay nagawa niya pa ring sumagot, "Ako dapat ang magtanong niyan. Sino ka?"

"Ako ang unang nagtanong."

"Pakialam ko kung ikaw ang unang nagtanong? Tabi nga. Haharang-harang."

"Aba't—"

"Hey, gentlemen. Kung gusto niyong mag-away, doon na lang kayo sa sparring area ko," nagkakamot ng batok na saad ng doktor sa dalawang nagbabangayang mga binata.

"Tss," sabay na saad naman ng dalawa.

"Okay, I have to go. Lence, 30 minutes from now dadating ang nanay mo rito para bantayan si Jennica. Habang wala pa siya, pakibantay na muna sa kanya. At iho, Reymond, right? Maraming salamat ulit. Sige, boys. Please do behave, okay?" At umalis na nga ang doktor dala-dala ang kanyang stethoscope at clipboard.

Grabe naman ang amang 'yon? Hindi man lang ba nag-alala na baka may gawin kaming masama s'Wa anak niya? Sabagay katiwa-tiwala naman ang mukha ko, hindi katulad ng lalaking ito. Lence daw? Pfftt—ang baduy ng pangalan., smug na saad ni Reymond sa sarili.

Mabuti na lang at nagmadali ako, kung hindi baka naiwan na ang Jennica ko sa Reymond na 'to., smug ring pahayag ni Lence sa sarili.

Hindi na sila nag-imikan at pareho rin nilang tinitingnan ang dalaga. Napansin nilang basa ang pisngi nito dahil sa luha and the result is... pareho at sabay rin nilang pinunasan ang pisngi ng dalaga.

"Epal," naiiritang saad ni Reymond.

"Ka," ganti naman ni Lence.

"Sino ka ba talaga?"

"Lence Velmonte. Kababata ni Jennica sa loob ng 9 na taon. At ikaw, sino ka naman?"

"Reymond Dela Fuerte. Kaklase ni Jennica for 2 hours."

Muntik nang malaglag ang panga ni Lence sa sinabi ng maangas na si Reymond, "'Yon naman pala, e. Kung maka-asta ka parang ang tagal niyo ng magkakilala. Tss. Tabi nga kasi! 'Wag haharang-harang!"

"E, ano ngayon kung mas matagal kayong magkakilala? Gusto ko siya kaya concern ako sa kanya."

Natigilan si Lence. "G-gusto mo siya?"

Napakunot-noo naman si Reymond sa tanong ni Lence, "Bingi ka ba? O sadyang bingi ka lang talaga?"

"Nang-aasar ka ba?"

"Bakit? Naasar ka na?" naka-smirk na saad ni Reymond.

"Tsk. Sagutin mo na lang kasi, gusto mo ba talaga siya?"

"Oo nga. Bingi nito." nakapoker-face na saad ni Reymond. Ano bang problema ng maangas na 'to? Malamang magugustuhan ko si Jennica dahil kambal siya ng babaeng mahal ko. That's quiet logical.

Kainis! May karibal na ako., nakaface-palm na saad naman ni Lence. Hindi kasi siya sanay na may ibang lalaki ang Jennica niya bukod sa kanya at sa daddy nito. Sa STOHS kasi noong bago pa lumipat ang dalaga ay bantay-sarado niya ito. Lahat nang nagpapakita ng motibo rito ay inuunahan na niya bago pa man makaporma.

Sa STOHS kasi ay siya ang biggest bully, wala ni sino man ang gustong bumangga sa kanya kundi malalagot talaga. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, hindi niya balwarte ang Woodsen kaya hindi niya alam kung mapo-protektahan pa niya si Jennica mula sa mga magtatangkang manligaw dito. Lalong-lalo na sa lalaking kaharap niya. Porke't nakasuot lang ng pangmayamang uniporme ng Woodsen akala mo kung sino na. Upakan ko ito, e., napabuntong-hininga nalang siya at sinabing, "Gusto mo lang siya, pero ako m-mahal ko siya."

Napangiti na lang si Reymond sa narinig, iniisip niya na maswerte ang dalaga kay Lence. Bilang lalaki kasi ay ramdam niya ang sinseridad nito. But I have a mission. Sorry, dude. Isasantabi ko muna 'yang love story niyo. Kailangan ko pa kasing iligtas ang babaeng ito., tiningnan niya sa mata si Lence at saka nagsalita, "Then may the best guy win." Sabay abot niya sa kanyang kanang kamay.

Nagulat ang binatang si Lence sa tinuran ng kausap. Tiningnan niya lang ang kamay nito pero hindi rin nagtagal ay tinanggap niya ito at sumagot, "Yes. May the best guy win."

Maya-maya ay dumating na nga ang nanay ni Lence na si manang Beth. Halatang nag-aalala sa sinapit ng kanyang alagang si Jennica. "Hesusmaryosep! Naunsa man intawn ning si Mam Jen. Ginoo tawn tabang!"

Wala mang gaanong naiintindihan si Reymond pero hindi niya mapigilang ngumiti. Naaalala niya kasi ang kanyang bisayang yaya noong bata pa siya na si ate Ana sa katauhan ni manang Beth. 

Nagpaalam na rin siya sa mag-ina at pansin niya pa rin ang iritasyon ni Lence sa kanya at para ngang tinataboy na siya paalis.

Saktong pagdating niya sa kanyang sasakyan ay kinuha niya agad ang sim card at may in-enter na code sa radyo ng kanyang sasakyan then viola! May LED tv na siyang kaharap. Itinapat niya ang sim sa laser na nasa lower left corner ng LED tv at inisa-isa na niyang binasa ang mga data na nasa sim.

Then there it goes, nalaman na niya kung bakit naitapon ni Jennica ang Iphone. 

'Death is merrily on your way, Jennica. So merrily...'

Tumunog ang kanyang earpiece which is inaasahan na niya, "Code Priestess connecting to Code Ideal, please respond. ASAP."

Napapikit na lamang si Reymond at napangiti, There goes the voice that makes my day complete., he thought happily and started to report everything.



***



Pagkagising na pagkagising ni Jennica ay si manang Beth at kuya Lence niya agad ang kanyang nakita. Niyakap siya ng dalawa na alalang-alala sa kanyang lagay.

Hanggang sa dumating ang kanyang mommy at daddy na ganoon din ang ginawa.

"Baby, ano ba kasing nangyari?" nag-aalalang tanong ni ginang Perez.

"A-ano kasi p-po." Nagdadalawang isip si Jennica kung sasabihin ba niya sa mga magulang niya. Nangyari na rin kasi ito noong 8 yrs. old siya. Ang resulta ay binigyan siya ng 15 PSGs. Hanggang sa napag-alamang prank lang pala 'yon. Iniisip niyang baka this time, prank na naman ito. Ayaw na niyang maabala at mag-alala pa ang kanyang mga magulang, " M-may naalala lang ako."

"Baby, you can't lie to us."

"Pero mom, 'yon lang talaga 'yon!" Hindi man niya masikmura ang pagsisinungaling pero wala na siyang ibang magagawa.

"Fine. Basta, baby, we're just here for you."

"Yes, mom. A, mom, dad, Manang Beth, maari niyo po ba kaming iwan ni kuya Lence?"

Nagtinginan ang tatlo at sabay-sabay na umalis.

"Kuya?"

Umupo si Lence sa kanang bahagi ng kama ng dalaga, "Bakit?"

"Totoo ba 'yong narinig ko kanina?"

Bumilis ang tibok ng puso ng binata, "A-anong narinig mo?"

Nag-iwas ng tingin ang dalaga at sinabing, "A-a, m-may narinig kasi ako kanina. P-parang nag-uusap yata kayo ni Reymond? A-a, w-wala pala. B-baka panaginip lang 'yon."

"Ano nga kasi 'yon?" sabi ni Lence at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"M-mahal mo ako?" lakas-loob niyang tanong.

"O—" hindi natapos ng binata ang kanyang sasabihin sapagkat tumunog ang teleponong nasa kwarto ng dalaga.

"T-teka lang kuya, a? May tumatawag." Bumitaw siya sa pagkakahawak ni Lence sa kanyang kamay at tinungo ang kanyang landline phone. Phew! Saved by PLDT! Maging siya rin kasi ay kinakabahan sa isasagot ng binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa excitement o takot kaya siya kinakabahan. Pinulot na niya ang telepono at nagsalita, "Hello?"

"Hoy babaeng nagsasayang ng Iphone. Kumusta na?"

Si Reymond., iritadong niyang pahayag sa isipan. "Ano bang pakay mo?"

"Hoy—"

"Hoy ka rin."

"Mas hoy ka."

"Ikaw ang pinaka-hoy sa lahat ng hoy."

"Hoy Jennica! Sinong kausap mo riyan?" tanong ng naguguluhang si Lence.

"Si kuya naman nakisali pa sa hoy, e," pabulong na saad ni Jennica. "Si taong hoy ang kausap ko."

"Sino naman iyang taong hoy na 'yan?"

"Si—"

"Hoy may kausap ka pa sa telepono baka nakakalimutan mo."

"Aish! Tumigil ka nga! May kausap din ako rito, no?"

Mukhang nasaktan naman si Lence sa sinabi ng dalaga. Akala niya kasi siya ang sinasabihan nito na tumigil na. "O-ok. Titigil na muna ako," malungkot na saad niya.

Napaface-palm na lamang si Jennica sa reaksyon ng kanyang kuya Lence. "Hoy, ikaw taong hoy! May kasalanan ka na naman sa akin!"

"Hoy may utang ka rin sa akin!"

"At kailan ako nagkautang sa 'yo?"

"Kanina lang hoy! Binuhat kaya kita hoy! Ang bigat mo nga hoy!"

"Kapal mo hoy! Sexy kaya ako hoy!"

"Sinong may sabi hoy?"

Sandaling nabalot ng katahimikan ang kanilang pag-uusap ngunit pagkaraa'y sabay pa silang natawang dalawa.

"Sira ulo ka, Reymond. Hoy ka nang hoy!"

"Ayos nga, e. Sinakyan mo lang ang trip ko!"

"Grabe ang babaw ng kaligayahan natin."

"Anong natin? Ikaw lang!"

"Tse!"

Napantig ang tenga ni Lence nang marinig ang pangalang Reymond. A, ganoon? Si maangas na 'yon lang pala ang taong hoy na 'yan? Nice. May tawagan na pala sila. Tsk. Makaalis na nga., dire-diretso siya sa pinto at pabalibag na binuksan at pabagsak na sinara ito.

Jennica winced nang marinig ang pagbagsak ng pinto. "Hala. Patay. Anong nagawa ko? R-reymond I'll just hang—"

"No."

"What?!"

"I'll let you choose. Ako o siya?"

"A-anong pinagsasabi mo?"

"You heard me."

"P-pero kasi—"

"Gusto kita."

"What?"

"I like you."

"A-ano?"

"Sus. Gusto mo lang ulit-ulitin ko, e," pang-aasar ng binata, "Now my lady, ako o siya?"

Damn this man, really, but damn myself more., sa isip ng dalaga habang nagpalipat-lipat ng tingin sa pintuan at telepono.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

Continue Reading

You'll Also Like

206K 3.9K 21
Dice and Madisson
801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
606K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
774K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...