Melting Ice Princess 2

By jaysanj

1.4M 44.6K 18.7K

Hinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Astra's Special Chapter
Japan's Special Chapter

Chapter 10

20.1K 601 153
By jaysanj




Gumising ako ng maaga para makapag-jogging. Rest day namin ngayon pero feel kong mag-jogging kahit medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa training. Naghanda na ako ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng sport bra at cycling shorts with Nike shoes. Kinuha ko ang earphone ko at isinuot sa magkabilang tainga ko tsaka ako lumabas ng kwarto. Tahimik ang dorm dahil mga tulog pa ang mga tao rito pero yung kwarto nila Ate Ella at Ate Joey ay medyo may sound lang. Alam ninyo na, yung umagang almusal nila sa isa't isa.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at tumuloy na palabas ng dorm. Nag-warm up ako saglit tsaka ako nagsimulang mag-jogging habang nakikinig ng kanta sa earphone ko.

Mga ilang minuto palang ako nagjo-jog ay nakita ko ang lahat ng blue team na nagjo-jogging din katulad ko. Tinanggal ko ang earphone ko at binilisan ko ang pagtakbo ko para mahabol sila.

"Good morning blue team!" masayang bati ko sa kanila. Lahat sila napatingin sakin.

"Oh ang aga natin ah?" sabi ni Russel.

"Naisipan kong mag-jogging ngayon eh. Kayo? sama-sama pa kayong lahat ah walang absent." sagot ko sa kanya.

"Every morning sabay-sabay kaming nagjo-jogging." sagot ni Xenon.

"Training ba rin ba 'yan sa inyo ng mga seniors?" umiling silang lahat. Sabay-sabay talaga?

"Trip lang namin." nakangiting sagot ni Aj. Napatango-tango ako.

"Mabuti pa kayo sama-sama mag-jogging lamang yung mga ka-teammates ko mas gustong matulog." sabi ko at nagpout.

"Baka pagod lang sila." sabi ni Yuri.

"KJ kamo. Kayo ba hindi na pagod sa training?" tanong ko sa kanila.

"Syempre pagod din pero nakasanayan ng gawin kaya nasa routine na namin ang mag-jogging." sabi ni Jhianne.

"Tsaka walang madali sa training 'no. Jusko, ganito pala talaga kahirap mag-training dito. Buong araw nagtra-training." sabi ni Aj.

Kaya magagaling ang mga seniors dahil grabe yung pinagdaanan nila nung mga trainees palang sila rito. Tulog na lang talaga yung totoong pahinga. Yung two hours break para lang 'yon magkalaman ang tyan namin at kaonting pahinga. Buong araw talaga walang ibang gagawin kundi mag-training kaya sa gabi ay tulog agad kami pagkatapos kumain. Ano pang gagawin kung pagod na pagod na kami?

Yung ilan nga samin ay hindi kinakaya minsan at nahihimatay na lang bigla, katulad nung nangyari sakin nung nakaraang araw. Sobrang nakakapagod ang pinaggagawa namin. Hindi na ako nagtataka na hindi pa natatalo ang Dragon Empire sa mga Cup dahil sa galing nila. Masaklap lang dahil natalo sila ng Miracle last Cup.

"Kamusta naman ang training ninyo kanila Ate Ella?" tanong ko sa kanila. Naglakad-lakad na kami dahil medyo napagod na kami.

"Okay naman, nakakapagod lang." sagot ni Nikki. "Kayo?" dagdag nya.

"Same lang din pero medyo humirap pa lalo nung dumating sila Ate Scarlette. Kita ninyo naman yung pinagawa non samin 'di ba? daya nga dahil hindi pa pinapagawa sa inyo 'yon." sabi ko. Tinawanan lang ako ng mga 'to. Daya talaga, sabi nung nakaraan sila na kinabukasan pero bandang huli kami pa rin yung trinitrain nila Ate Lexie. Ang daya 'di ba?

"Wag kang mag-alala kami na raw bukas kaya nga pinaghahandaan na namin 'yon eh." sagot ni Gia.

"Kahit rest day nagtra-train pa rin kayo? grabe kayo ah." kung ako nga natutulog lang ako magdamag sa rest day, sila nagtra-training pa rin.

"Hindi 'no, nasa dorm lang din kami kapag rest day." tumango-tango ako. 

"Uy si Japan 'yon 'di ba?" sabi ni Russel. Tinignan ko naman ang tinuturo nya.

Kumunot ang noo ko nung makita si Japan. Kanina lang nasa kwarto sya ah?

"Nagjo-jogging din naman pala si Japan, bakit hindi kayo magkasabay?" tanong ni Aj. Sumimangot ako.

"Hindi kami nyan close." kahit naman yayain ko sya ay hindi nya ako papansinin. Snobber eh.

Kaya rin pala ako nag-jogging ngayon dahil gusto kong matalo si Japan. Alam kong wala pa ako sa level para talunin sya kaya nagsisikap akong makarating doon para matalo ko na sya. Makikita nya, sya ang tutumba saming dalawa.

"Sige girls sa kanya na ako sasabay." sabi ko sa kanilang lahat.

"Akala ko ba hindi mo sya close?" sabi ni Nikki. Kinindatan ko sya. Namula ang mukha nya at umiwas ng tingin. Natawa ako ng mahina bago sya sagutin.

"Makikipag-close ako. Teammates ko sya, dapat close ko sya 'di ba?"

"Sabagay." sabi nilang lahat. Nginitian ko sila at tumakbo papunta kay Japan.

Nakahinto sya ngayon at umiinom ng tubig. Nakangiting nilapitan ko sya.

"Good morning Japan." bati ko sa kanya pero hindi man lang nya ako nilingon o pinansin man lang. Hindi naman sya nakasuot ng earphone kaya paniguradong narinig nya ako.

Napa-pout ako. Snobber talaga nito. Mabuti pa yung isa, kahit pikon namamansin eh. Tinignan ko sya habang nagpupunas sya ng pawis nya. Napa-smirk ako nung napansin kong napatingin sya sakin kahit saglit lang. At least, alam nyang nandito ako.

Kinuha ko ang mineral water nya at uminom. Napa-poker face naman sya pero nginitian ko lang sya.

"Salamat." sabi ko at binalik sa kanya ang mineral water. Pero hindi nya kinuha at tinalikuran lang ko tsaka nag-jogging ulit.

Napakamot ako ng ulo. Snobber talaga, mukhang mahihirapan ako rito ah. Pero hindi ako magpapatalo. Matutunaw at matutunaw ko rin ang yelo nyang pagkatao.

"Anong meron?" tanong ko sa mga seniors dahil pinapunta kaming lahat na mga rookies sa gym.

Please lang wag nilang sabihin na maglalaro kami. Rest day namin tapos paglalaruin nila kami. Hustisya sa pagod.

"Sasabi ko once na dumating na sila Ella at Abby." sabi ni Ate Juls. Tumango na lang kaming lahat.

"Louise, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko sa kanya dahil nakabasungot sya.

"Paano, may manyak na naninilip." sabi nya sabay tingin kay Jayden na nakikipagtawanan kay Ivy at Kiara. Natawa ako.

"Bakit may matino bang maninilip?" bigla nya ako hinampas sa braso. "Putek ang sakit ah!" sabi ko. Hindi talaga to basketball player, volleyball player, ang sakit makahampas eh.

"Ha ha tsk!" natawa ako. Ang pikon talaga.

Napatingin ako sa gawi ni Japan. Pinapaikot nya ang bola sa daliri nya. Naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya kaya nagawi ang tingin nya sakin. Nginitian ko sya at kinindatan. Inirapan nya ako. Sungit talaga.

"Anong mukha 'yan Hon?" napatingin ako sa harapan. Dumating na pala sila Ate Ella at Ate Abby pero bakit ang lungkot ng mukha nila?

"Baka may bad news ah. Hindi na ba matutuloy?" tanong ni Ate Anya. Nagtaka ako kung ano ang hindi matutuloy.

"May bad news pero matutuloy." sabi ni Ate Ella.

"Ano po ba 'yon?" pasingit ko kasi sila-sila na yung nag-uusap eh.

"May good news at bad news. Ano ang gusto nyong unang malaman?" tanong ni Ate Abby.

"Bad news para sa huli good news pa rin." sabi ni Alexa at sinang-ayunan ng lahat ng rookies miski ang seniors.

"Mas maganda ata kung good news. Masyado atang seryoso ang bad news." sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Alexa kaya umiwas ako ng tingin. Hays iisipin na naman nitong kinokontra ko sya.

"Sa tingin ko good news muna. Hindi pa rin naman namin kayang sabihin ang bad news." sabi ni Ate Ella na pinagtaka naming lahat. Anong klaseng bad news kaya 'yon?

"Sabihin mo na Juls kung ano 'yon." sabi ni Ate Abby. Tumango si Ate Juls.

"Five days from now pupunta tayo sa Boracay." sabi ni Ate Juls.

"Boracay?!" natawa ako nung sabay-sabay ang ibang rookies. Hindi sila excited 'no?

"Yes, Boracay. Exciting right?" natatawang sabi ni Ate Sharm.

"Sobra!" sabay-sabay ulit sila.

"Oh my gosh may bakasyon din sa wakas!" sabi ni Ivy.

"Kaya nga! Yiee! Excited na akong mag-swimming. Shet wala akong dalang two piece bikini." sabi ni Nikki.

"Hala oo nga pala!" sabi ng iba.

Natawa na lang ako dahil sobrang excited sila sa Boracay.

"Hep hep!" papigil ni Ate Shiela.

"Hooray!" sabi nila at natawa. Napailing ako sa kalokohan nila. Masyado silang excited.

"Sige lang magloko kayo, akala ninyo naman bakasyon ang pupuntahan natin doon." natatawang sabi ni Ate Maybelle.

"Bakit hindi po ba?" tanong ni Louise.

"Hindi, syempre. Training ang pinuntahan natin doon." sabi ni Ate Scarlette.

"What?!/Ano?!" mas lalo akong natawa sa reaction nila. Parang silang nalugi sa itsura nila.

"Akala ninyo ah." ngising sabi ni Ate Lexie. Lumungkot naman ang mga mukha nilang lahat.

"Paasa kayo." himutok nila. Natatawa ako sa kanila putek.

"Saan hindi na lang sa Boracay kung magtra-training din pala." sabi ni Jayden.

"Letche minsan na nga lang magpahinga, hindi pa pinagbigyan." sabi ni Aj.

"Unfair!" sabay-sabay nilang sabi.

Natawa ang nga seniors kasama na ako sa pinagsasabi nila. Mga nalugi talaga.

"Ano ba kayo. Magswi-swimming din naman kayo tsaka two days rest day doon at one day ang training. Para mas ma-enjoy ninyo ang boracay. Isang buwan naman tayo roon eh." sabi ni Ate Gail.

"Talaga?! Ayos!" sabi nila agad. Natawa ako. Mga abnormal talaga.

"Two days before umalis, hahayaan namin kayong umuwi sa inyo at mamili ng mga gagamitin ninyo sa pagswimming." sabi ni Ate Juls.

"Ayos! Thank you seniors!" sabi nila. Ngumiti lang ang mga seniors.

"Now for bad news." biglang nagseryoso silang lahat sa sinabi ni Ate Ella.

"Ano po ba ang bad news?" tanong ni Jayden.

"Actually dapat hindi kayo damay dito pero dahil napalapit kayo sa dalawa. Siguro dapat ninyo rin malaman." sabi ni Ate Abby.

"Sinong dalawa?" takang tanong ni Ate Noimi.

"Sila Kill at Avey. Nagbreak sila." pagkasabi ni Ate Abby lahat kami nagulat.

Seryoso? Bakit sila nag-break? Perfect couple na sila eh.

"Yung dalawang 'yon naghiwalay? Seryoso ka ba?" tanong ni Ate Rachel.

"Bakit naman biglang ganon? Engaged na sila ah." sabi ni Ate Scarlette.

"Something came up." malungkot na sabi ni Ate Abby.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Ate Joey.

"Na-bankrupt ang kompanya namin kaya para masagip 'yon kailangan magpakasal ni Avey sa anak ng kasyoso nila."

"Kaya naman mag-invest nila Tito Kean sa kompanya ninyo bakit hindi sila humingi ng tulong sa kanila?" sabi ni Ate Shiela.

"Binantaan din kami na sa oras na hindi kami pumayag na ipakasal si Avey sa anak nila. Papatayin nila kami." sabi ni Ate Abby. Kumunot ang noo ko. Anong klaseng tao sila para gawin 'yon sa oras na hindi sila sumunod?

"Takte 'yan, ayan na naman tayo sa banta eh. Nasabi ninyo ba kay Kill 'yan?" sabi ni Ate Scarlette. Tumango si Ate Abby.

"Kaya nga nandito si Kill at pinapagod nya ang sarili nya." sagot ni Ate Abby.

"Nandito sya? Kailangan ko syang puntahan." sabi ni Ate Shiela.

"Sasama ako." sabi nila Ate Noimi at Ate Rachel tsaka sila nagmadaling umalis. Natahimik naman kaming lahat.

"Masaya na ang lahat eh bigla naman naging ganon." sabi ni Ate Scarlette at napaupo sa sahig.

"Wala tayong magagawa kundi magdasal na wag matuloy ang kasal nila ni Avey at anak ng kasyoso nila." sabi ni Ate Juls.

Tahimik lang kaming mga rookies. Naghihinayang kami sa nangyari kanila Ate Kill at Ate Avey. Bakit kaya kapag masaya na ang isang bagay bigla naman susulpot ang problema. Hays sana maayos 'to, mas gusto ko na sila magkatuluyan eh.




-----------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

910K 33.7K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
7.5K 598 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...