CHASE

By cyruslyly

4.7K 54 6

Ginamit kita para mahalin niya ako, tanggapin niya ako. Kahit alam kong masasaktan kita, ginawa ko, dahil mah... More

CHASE: Teaser #Wattys2016
CHASE 1
Chase 2
Chase 3
Chase 4
Chase 5
Chase 6
Chase 7
Chase 8
Chase 10
Chase 11
Chase 12
Chase 13
Chase 14
Chase 15
Chase 16
Chase 17
Chase 18
Chase 19
End

Chase 9

141 1 0
By cyruslyly

Magmi-midterm na kaya parehas na kaming naging busy ni Aidan sa studies. Hindi na rin kami gaanong lumalabas dahil parehas naming kailangang magreview para sa exams.

Isabay pa ang projects and groupworks, this will be a load of bullcraps especially to him dahil graduating na siya this year. Palagi niyang idinadaing kung gaano kahirap ang thesis na ginagawa nila at kung paano siya naaabala nito sa halos araw-araw.

“Sabay na tayong pumasok, Pransing.” Pag-yaya ko sa kaibigan ko na ready na ring pumasok.

“Wala kang sundo ngayon?” She asked ng hindi ako tinitignan.

“Tulog pa, e. Puyat sa paggawa ng thesis nila.”

Naawa naman ako bigla kay Aidan. Baka pinapabayaan na niya yung sarili niya dahil sa thesis na yan. Balita ko kasi ay hindi gaanong tumutulong ang iba niyang kasama sa pagresearch at kung ano-ano pa. Palagi ko nga siyang pinapagalitan kapag nasa bahay nila silang lahat at siya lang ang kumikilos

Natapos ang buong araw na hindi ko nakikita ang boyfriend ko. Hindi na siya pumasok dahil wala naman daw iyong professor nila sa dadalawang subject na meron siya sa Monday classes niya. Dumiretso nalang ako sa bahay ng mag-dismiss ang professor namin. Ginugol ko ang nalalabing oras sa pagrereview.

Friday ng matapos ko lahat ng exams at hindi naman ako gaanong nahirapan. I reviewed a lot and it helped. Sisiw na sa major subjects dahil puro practical questions naman karamihan ang mga tanong.

Kumusta naman kaya yung kay Aidan? Nagtipa ako ng ilang mensahe sa kanya bago naupo sa sinabi kong lugar kung saan ko siya hihintayin.

Tahimik lang akong naupo bago nilabas ang isang libro na dalawang araw ko na ring binabasa. Natigil lang dahil kailangan kong magreview para sa exam. Naisipan kong tapusin na iyon dahil may sapat na oras na ako. Besides, kakaunting pahina nalang at matatapos na ako sa binabasa ko.

Habang nagbabasa ay hindi ko maiwasang maiyak. Lalo ng mamatay ang tatay ng bida habang tumutugtog ito ng piano para sa kanya. I really hate sad endings.

Pinahid ko ang luhang lumadas sa pisngi ko bago hirap na isinarado ang libro. How can life be so cruel? Hindi ba pwedeng wala nalang mamatay? Wala nalang mawala?

Bakit kailangang may maiwan? Why does someone needs to suffer from being left? Hindi ko lang maintindihan kung bakit. Kung sino pa ang mabubuti ay siya pang nauunang nawawala. Not that I want bad people to die first pero ang hirap tanggaping may mga tao talagang panandalian lang ang buhay.

I suddenly missed my parents. How can life be so cruel towards me? Hindi man lang nagtira ang tadhana ng isang makakatuwang ko sa buhay. Why does it need to get both of them? How selfish!

Mas lalo akong naiyak ng maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. By the warmth and scent of the person, I already knew it was him.

“Anong problema, by?”

Puno ng pag-aalala ang boses niya habang mahigpit akong niyayakap.

“I just... I just miss my parents.”

“Do you want to visit them? I'll give you a ride.”

Kumalas siya sa yakap at naupo sa tabi ko. He held my hand and squeeze it gently. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na wala na ang mga parents ko. Ang alam niya lang ay hindi ko sila kasama dahil nag-aaral ako dito sa siyudad.

Do I need to tell him? Pero wala parin akong lakas ng loob. Its been years but for me it seems like yesterday. The pain is still fresh and unbearable. I still couldn't move on. I lost both of them that day. And losing them feels like losing my reason to live completely happy.

“I'm starting to worry now, by. What is bothering you?

I appreciate that I have him on my side in such situations like this. Oras na kailangang-kailangan ko talaga ng karamay. Oras na kailangang-kailangan ko ng sapat na pagmamahal para ipagpatuloy ang buhay na naumpisahan ko.

I hugged him tighter as if I'm afraid of losing him also.

“Did your classmates picked on you again?” Hinaplos niya ang buhok ko.

Umiling lang ako tsaka patuloy na umiyak. For now let me cry, baby. Just let me cry...

Kinagabihan ay hinatid ako ni Aidan sa bahay. We go out for a simple dinner dahil weeksary daw namin ngayon. Pinanindigan niya talaga ang pagce-celebrate ng weeksary kung tawagin niya. He never miss a single Friday na hindi kami magkasama o lumalabas. He stays to be the sweetest and I'm loving it.

Pagpasok ko sa bahay ay mabilis akong nagbihis pantulog bago sumalampak sa aking higaan. Napabuntong-hininga nalang ako habang iniisip ang pagiging emosyonal ko kanina. 

Paano ko sasabihin sa kanya na wala na akong mga magulang kung ako mismo hindi matanggap na nag-iisa nalang ako? Ang hirap hirap mag-open ng isang bagay sa kanya na ako mismo hirap na i-sink in sa sarili ko.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko. It was Aidan who's calling.

“I'm home, by.”

Dinig kong nakahiga na rin siya sa kama niya katulad ko dahil medyo inaantok na rin ang boses niya.

“Mabuti naman.” I smiled feeling relieved that he reached home safe.

“Are you okay now?” Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay bumuntong-hininga lang ako. “You should stop thinking about the things that will stress you. Loosen up, baby.” Dagdag pa niya.

“I'll be fine, by. Don't worry.” I assured him.

“How about spending the weekend with me? Let's go for some adventure! Are you in?”

Lumiwanag ang mukha ko sa suhestiyon niya. Adventure? I love adventure! Siguro kailangan ko nga ito. To lossen up a bit. To forget about the things that makes me sad.

And maybe, I need this to get to know him more. This will be a great bonding for us couples. Kaya walang ano-ano akong sumang-ayon sa alok niya.

“You hungry?”

Tumigil lang ako sa panunuod sa iPad ni Aidan ng magtanong siya. Nasa biyahe kasi kami papunta private resort nila. Aniya'y mag-eenjoy daw ako dahil madaming magagandang adventures na siguradong makakapag tanggal ng stress ko.

Nanulis lang ang labi ko. “Kakakain lang natin, by!”

I heard him giggled which I find very hot. Lahat na lang ba ng ginagawa niya puno ng hotness?

“Kilala mo naman ako. Ayaw kitang ginugutom. Masama ka pa man ding, aw! Easy there, baby. I'm driving.” Daing niya ng suntukin ko siya dahil sa pang-aasar niya.

“Sige. Ituloy mo! Ituloy mo!” Pagbabanta ko. Pero deep inside, natatawa ako sa simpleng pang-aasar niya.

Tatlong oras din ang nagugol namin sa biyahe. Para akong nakahinga ng maayos ng makababa kami sa sasakyan niya.

Nasa private resort na nila kami at kaagad akong nagsisi sa pagpunta namin dito. Masyadong magarbo ang resort nila at halos hindi nababagay pa sa isang ordinaryong taong katulad ko. Everything shouts for luxury and elegance. Parang nakakatakot humawak ng kahit na isang bagay dito.

Bahay is an understatement kung sasabihin kong nasa harapan kami ngayon ng bahay nila. This is not just a house. This is a mansion. An old, classic, but elegant mansion. Bago ka makapasok ay dadaan ka muna sa isang grandyosong stairs na may mga estatwa ng anghel sa bawat baitang. Kahit mukhang luma na ay maayos at buo parin ang bawat imahe ng mga anghel.

Napapalibutan ang kanilang mansyon ng mga puno ng buko na hula ko ay sadyang itinanim doon para magsilbing silong. Sa hindi kalayuan ay tanaw na tanaw ang malawak at asul na karagatan. The place is so serene and peaceful. I can live here for the rest of my life.

Awtimatikong pumikit ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin. This place is so relaxing. I heaved a deep sigh.

“Let's go inside?” Pagyayaya ni Aidan. He extended his hand infront of me.

Nag-alangan ako. I suddenly felt uneasy. Pakiramdam ko'y hindi ako nararapat dito. Nanginig ang kamay ko kaya itinago ko ito sa aking likuran.

“'by?” He stepped closer to me. “Tara?”

Nakailang lunok muna ang ginawa ko bago ko sinubukang ilahas sa kanya ang kamay kong walang tigil parin sa panginginig.

Paano kung nandiyan ang parents niya? Relatives? Hindi yata ako ready para sa meet and greet moments.

Imbes na ilahad ko ang kamay ko sa naghihintay niyang palad ay ako na misko ang pumulupot sa kanyang braso. Halos yakapin ko na yun sa sobrang kaba dahil sa posibilidad na makilala ko ngayon ang parents niya.

“Woah! I never thought you like it that way, by.” Tumawa siya ng nakakaloko dahilan para tumaas-baba ang kanyang balikat.

Tinampal ko ang braso niya. “Sira! I was just worried. Nandiyan ba ang parents mo?”

Umapak na kami sa unang baitang ng stairs kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.  Pakiramdam ko ay masisira ko ang bawat aapakan ko.

Umiling siya. “Si Uncle Roseller, kapatid ni Dad at ang asawa niyang si Aunt Encarnacion lang ang nandito ngayon. Like us, they're here to unwind.”

Ang katiting na pag-asa kong wala kaming ibang makakasamang kapamilya niya dito ay biglang naglaho. Humataw kaagad ang puso ko pagkarinig ko ng anunsyo niya. Someone's here? Oh, crap! Great. Just, great!

“You look tensed. You're hands are sweating.” He teased.

“Is it obvious?” I frowned.

“Calm down, baby. They are not gonna eat you. Mababait sila.”

I hope so, Aidan. I really do hope so...

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.6M 101K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
403K 21.2K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
184K 6K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...