LISTEN CLOSELY

By freespiritdamsel

259K 7.4K 1.3K

Is it worth the fall? More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
Epilogue
NOTE

12

4.5K 127 28
By freespiritdamsel


**

NAGING mahaba ang biyahe. Ang traffic kasi. Ewan ko ba. Inabot pa kami ng dalawang oras pero kung tutuusin 20min lang naman 'yong byahe. Katabi ko si Paul, he's on my left, pero hindi naman kami nag-uusap. Kinuha ko ang phone ko't tinignan kung may text galing sakanya, galing kay Ramces. Meron nga. Sinabi niyang di raw niya 'ko masusundo kasi sobrang traffic din sakanila. So ayos lang pala talagang nauna na 'ko.

Nang makita ko ang establishment na nagpapa-alala saking malapit na 'ko sa subdivision namin, hinila ko na ang lubid. Tumingin ako kay Paul at ngumiti siya, I smiled back. As if saying "Una na 'ko."

Pagkababa ko, malakas pa rin ang ulan kaya naman agad muna akong sumilong.

"Hija?" Napatingin ako sa tinderang araw-araw ko'ng nakikita. Nasa labas siya ng subdivision, nagtitinda. May silong kasi kaya dito na rin sila natutulog. "Po?" Nakangiti ko'ng tanong sakanya.

"May payong kami rito, ikaw nalang muna gumamit." Tsaka niya inabot sakin ang payong na kulay dilaw. "Sigurado ho kayo? Okay lang naman po. Baka po lumakas ang ulan, e. Kayo nalang po gumamit." Kasi diba, maliit kasi ang silong nila dito tapos ipapahiram pa niya. Kailangan ko pa kasing maglakad sandali para makapuntang guardhouse at makasakay ng tricycle.

"Sige na, ayos lang naman kami rito. Kunin mo na para makauwi ka."

"Naku, 'wag na po. Hintayin ko nalang na medyo tumila ang ulan."

"Hindi agad-agad na titila 'yan. May bagyo raw eh." Oh... kaya pala! Hay. Okay na rin 'yon. Para mag-suspend na. Hihi.

"Uhm, sige lang po. Kunin ko kapag 'di talaga." Magalang ko'ng sagot. Tumango naman siya at ngumiti sakin.

Hay. Wala pa akong dalang jacket man lang. Kinuha ko ang cellphone ko't tinext siya.

San ka pupunta? Nasa labas na ko ng subdiv, love. Hintayin pa ba kita?

Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko't niyakap ang sarili ko. Ang lamig huhu.

Maya-maya lang, tumawag na siya. "Hello?"

"Ram?"

"Naka-FX ako. Hintay ka nalang sa guardhouse. Diba't may hintayan naman dun?"

"Ah, oo, sige-sige."

"Sige. Siguro mga 20min. I love you."

"Love you more."

"May payong ka ba?" Napakagat ako ng labi ko. "Uhm... kanina wala. Pero pinahiram ako ng tindera dito sa labas, love."

"Paano kanina? Nabasa ka ba?"

"May nakasabay ako kanina, eh. Sige na, see you later, ba-byeee." Bago pa siya makasalita, na-off ko na ang tawag ko. Mamaya ko nalag ie-explain sakanya. Baka kasi kung ngayon, ma windang siya't lumipad yung jeep.

"Ah, ate, hiramin ko nalang po papunta sa guardhouse. Balik ko nalang pag dumating na si Ramces."

"Ahhhhh. Yung pogi mo'ng boyfriend. Sige lang, hija." Pogi raaaawww. Pogi naman talaga. Hihi. Nang makapunta ako sa guardhouse, binati ako ng isang guard. Tumango lang ako at ngumiti. Umupo ako sa waiting shed, nakapila naman na ang tricycles pero hihintayin ko si Ramces kaya 'di muna ako sasakay. Kinuha ko ang headphone atsaka nagpatugtog.

Pinatugtog ko ang mga kanta ni Ramces. Mostly naman kasi tungkol sakin, tungkol samin. Kaya sinong hindi kikiligin, 'di ba? Nakapag-guest na sila sa isang show sa ABS-CBN. Parang nabanggit nga sakin ni Kairo na may nakapag-sched na raw sakanila para sa isang guesting daw sa GGV. Nakakatuwa lang. Matatawa siguro ako sa mukha ni Ramces 'dun. Mahiyain kasi siya, e. Kaya ganun.

Napaigtad naman ako nang biglang may humalik sa pisngi ko. Nang tignan ko, si Ramces. Ginugulo pa lalo ang mahaba niyang buhok bago tumabi sakin. "Ba't mo ko pinatayan?"

"Kasi..."

"Kasi? Sino yung nakasabay mo?" Nagaalangan talaga akong sabihin sakanya kasi ngayon pa nga lang nakakunot na ang noo niya. Umusog ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. Parehong malamig ang kamay namin. Sumandal ako sakanya pero nakatingin pa rin. Hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya.

Ano? Sasabihin ko ba?

Hay. Bahala na nga.

"Uhm kasi... kasabay ko si Paul, love. Nag-offer kasi siya kasi may payong siya."

Nakita ko kung paano nagbago ang expression niya. Kung kanina naka-kunot ang noo. Ngayon naman, nawala na 'yon at nanibago ako kasi 'di siya nagalit.

"Ah ganun ba. Okay. Tara na?" Ngumiti pa siya sakin at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko na siya tinatanong na 'Hindi ka galit'? Kasi baka magalit pa, naku! Hindi na nga nagalit eh. Ngumiti ako at tumango-tango. "Tara na." Sinabi ko sakanyang ibalik muna namin ang payong sa labas pumayag siya't nagpasalamat kami sa babae.

Pagkabalik namin, may dumating naman agad na 3 tao. Dalawang babae at isang lalaki kaya napa-pila kami. Nasa likod ko siya at hawak-hawak niya ang dalawa ko'ng kamay habang nakayakap sakin. Nararamdaman ko namang hinahalik-halikan niya ang buhok ko kaya tingin ko namumula na ko. Hay. Kilig-kilig naman agad.

Habang naghihintay sa susunod na tricycle.... Tumunog ang cellphone ko.

"Sino 'yan?"

"Ah.." Dali-dali ko namang tinignan sino ang caller. "Si Dad."

"Hello? Akeisha?"

"Dad,"

"Asan ka na? Nakauwi ka na ba?"

"Nasa gate pa lang ho, e. Naghihintay ng tricycle."

"Oh, nasa Lesmire na ko. Hintayin mo nalang ako. I'm on my way."

"Okay, dad. Thank you." Ibinaba ko naman ang tawag at tumingin kay Ramces. "'Wag na tayong pumila. Papasok na si Daddy."

"Ah, sige." Tsaka kami bumalik sa kinauupoan namin kanina. Nang makaupo naman kami, sumandal lang ako sakanya. "Teka nga..."

"Bakit?"

"Bakit basa ka?!" Tinignan ko ang katawan ko kung saan ako basa pero narealize kong basa na pala ang likod ko. "Ah, siguro kanina sa jeep."

"Tsk," Agad naman niyang kinuha ang jacket sa bag niya at ipinasuot sakin 'yon. "Thank you."

"Sa susunod lagi ka na magdadala ng payong ah. AT, lagi na talaga kitang susundoin."

"Hmm okay lang—"

"Anong okay lang? Paano kung magkasakit ka niyan." Kinuha niya ang kamay ko't hinalikan 'yon. "Ayaw na ayaw ko'ng nagkakasakit ka." Napahinto nalang ako sa paghinga kasi parang matutunaw ako sa mga titig niya.

Napalingon kami sa bumusina. Kotse na pala 'to ni Daddy. "Tara na."

Magkahawak kamay kaming pumasok sa kotse.

" Hi Dad." Sabi ko't hinalikan siya sa pisngi. "Hello, darling. Kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman masyado, Dad."

"Magandang hapon po tito."

"Oh Hijo, sinundo mo ba si Akeisha?"

Kita ko namang napahinto saglit si Ramces. Kaya ako nalang sumagot. "Yeah, of course."

"I see. Nagjeep ka na naman ba, Keish? I told you I don't like you riding jeep eh. Bakit kasi 'di ka pumapayag na bumili kami ng car for you."

"Eh, okay naman na eh. Tsaka nagtataxi naman kami lagi ni Ramces."

"Hindi rin safe ron. Mas okay pa grabcar."

Hindi nalang ako sumagot. Sumandal ako kay Ramces na ang tahimik.

Nang makarating kami sa bahay, halos sabay kaming lumabas. Dumiretso si Dad sa libraby namin dito sa bahay habang ako at si Ramces, dumiretso sa kwarto.

Pagkasara na pagkasara ng pinto. "Palit ka kaagad."

"Okay po." Bibitaw na sana ako sakanya pero niyakap ko pa muna siya nang sobrang higpit. Mukha naman siyang nagulat kaya napatawa sya ng marahan. "Bakit?"

"Wala, ang lamig kasi. Hihi." Para akong adik nung tumawa ako kaya pati siya napatawa nalang ulit. Nilock niya ang pinto at pumunta naman ako sa closet ko. Kumuha ako ng pantulog. "Di nalang ako magha-halfbath. Ang lamig, e."

"Hmm. Wala ka bang gagawin ngayon?"

"Wala naman. Ikaw?"

"Wala rin naman." Normal niyang sagot. After ko'ng magbihis, siya naman. May shorts kasi siya rito at iba pang damit.

"Ba't ka nakashorts?" I asked him.

"Ba't gusto mo magbrief lang ako?" Natatawa niyang tanong sakin habang nakayakap.

"Magboxers ka nalang."

"Tsk, baka makita tayo ni Daddy." Pabiro niyang sabi.

"Eh, magboxers ka nalang. Nakalock naman eh."

Binigyan niya kami ng distansya at tinitigan ako. "Ikaw ah.. cha-chansingan mo pa 'ko."

"Huh? Hindi ah!" Tinulak ko siya at mukhang napalakas pa. Tsk! Ba't ko pa kasi pinipilit 'yon. Kahiya.

Bumungisngis lang naman siya't tumayo. Nakaharap pa sakin.

"Pero siyempre ibibigay ko naman sa'yo." Tapos ay tinanggal niya ang shorts niya't nakaboxers nalang siya ngayon.

Feeling ko naman ay namumula na ko. Feeling ko pwede na akong pagkamalang kamatis at the moment.

Nakangiti siya ughh! Nakakaasar! Hindi ko pa napigilang hindi tumingin dun sa part na 'yon. Oh my gosh. Napatakip ako ng mukha at narinig ko naman ang tawa niya. Tumabi siya sakin at hinawakan ang dalawa ko'ng kamay. "Ba't ka ba nahihiya, ha?"

"Ehhhh" Pilit niyang tinatanggal ang kamay na nakatakip sa mukha ko.

"Okay lang naman, love. For your eyes only lang naman 'to." Tapos tumawa-tawa na naman siya.

Hanggang sa natanggal niya ang dalawa ko'ng kamay. Niyakap ko siya agad at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Nakakahiya talaga. Pero lalo lang siyang tumawa.

"Para kang adik, mahal. Lagi mo naman akong nakikitang ganito."

"Baliw,"

"Totoo kaya. Para kang Just Now." Tapos hinalikan niya 'ko sa noo. "Nakita mo na nga lahat-lahat sakin. HAHAHAHAHA!"

"Adik ka talaga!"

"Hahahaha. Bakit? Totoo naman, ah."

"Eh! Ano ba!"

"Pero siyempre yung next natin pag kinasal na tayo, 'di ba?"

"Oo,"

"Oh diba, inamin mo rin. Haha. I'll try."

"Anong I'll try ka diyan!"

"Hahaha, wala, wala." Tapos niyakap niya ko nang sobrang higpit.

"Hmmm, Ram?"

"Po?"

"Gusto ko talagang mag-aral sa ibang bansa."

"Hmm.."

"Dream ko talaga 'yon since bata pa ko. You know that naman, 'di ba?"

"Hmm."

"Tingin mo ba makakapasa ako?"

"........"

"Tingin mo?"

".........."

"Love,"

".........."

Tinignan ko siya. Tulog na pala.

**


GUYS, I know na may nalagay na akong 'same course silang magf-friends' kasi nag backread ako haha but hindi naaa. Magkakaiba sila so that's all. Thank youuu. 

Continue Reading

You'll Also Like

24.2K 1K 9
Captain James Esteban and Daniella Tayao, cleared for take-off. A James x Dani AU flashfic Standard disclaimer applies. Work of fiction. The characte...
244K 1.3K 200
BEST WATTPAD STORIES TO READ PART 1 Here are some English and Filipino stories that you'll surely like ☆Title ☆Author ☆Status ☆Description ❗PART 2 I...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...