Gotta Be You // KathQuen

By SeventeenthGirl

11.8K 242 63

TMD series, #1 SeventeenthGirl © November 2013 More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Author's Note
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
The Finale
Information for the Book Two

Chapter 4

327 8 3
By SeventeenthGirl

   Naglalakad papunta sa parking lot sina Lauren at Melanie nang makasalubong nila si Margaret. Naglalakad ito papunta sa may direksyon kung saan sila nakatayo. Hindi na ito umiiyak subalit mugto naman ang kanyang mga mata. Nung makalapit na si Margaret sa kanilang pwesto, kinamusta kaagad nila ito.

    "Oh, Margaret, bakit ka naandito?" tanong ni Melanie kay Margaret.

   "Anong nangyari doon sa loob ng gym?" tanong pa ni Lauren. Sumagot naman kaagad si Margaret. Pero hindi nila inaasahan ang kanyang isinagot.

   "Wag nalang natin ituloy yung singing production sa Linggo." malungkot na sabi ni Margaret sakanila. Ni hindi man lang nito isinagot ang kanilang mga tanong, ni isa wala.

  "B-bakit?" nauutal-utal na tanong ni Lauren sakanya. Naiisip nyang sayang naman ang pinaghirapan nilang makapag-practice ng maayos ng hindi sila nag-aaway-away na anim.

   "Ah, basta! Ayoko ko na. Ayoko na silang makasama!" sigaw pa ni Margaret. Clueless naman ang dalawa sa kanyang sinabi. Kahit sila ay hindi gustong makasama ang RB.

   Nag-walk out nalang bigla si Margaret. Papunta ito sa direksyon kung saan matatagpuan ang opisina ng kanilang eskwelahan. Naiwan namang nakatayo lang sina Melanie at Lauren. Maya-maya pa ay sumakay na sila sa kanya-kanya nilang sasakyan at nag-drive pauwi. Dismissal narin kasi nila kanina pa. Hindi lang pinatunog ang kanilang dismissal bell ng kanilang principal.

   Nang nakatayo na si Margaret sa harap ng pinto, kumatok kaagad siya. Binuksan naman kaagad ng isang staff ng kanilang paaralan ang pinto. Pagkakita sakanya ng staff, binati siya kaagad nito at pinapasok. Tinanong pa siya kung ano ang kanyang kailangan. 

   "Ahhm, gusto ko lang pong makausap si Mrs. Keith." sabi nya nalang rito. Sinamahan sya nito hanggang sa isang kwarto na kung nasaan nandoon ang kanilang principal. Nagpasalamat muna siya bago ito umalis.

   Kumatok muna siya bago siya pinapasok ni Mrs. Keith, ang principal ng kanilang paaralan. 

   "Oh, Ms. Durr, kamusta? Nakapag-handa na ba kayo para sa Linggo?" bati nito kay Margaret habang naka-ngiti. Wala syang kaalam-alam kung ano ang gustong sabihin sakanya ni Margaret.

   "Ahhm, yun nga po ang problema. Ayaw ko na pong mag-perform kasama ang Rising Boys," nagulat naman ang kanilang principal at unti-unti nang nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "hindi naman po sa ayaw, pero hindi po talaga kami magkasundo-sundo. Pinaglaban nyo nga po kami noon, pero wala din naman po kayong napala. Kaya naisip ko lang po, na kung pwede lang po sana.." huminga ng malalim si Margaret at tsaka nya ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita. "wag nyo nalang po kaming pagsamahin. At andito nga rin po ako ngayon para po sana magpaalam ng one week or even two weeks of absence simula po bukas. 'Yun lang po at maraming salamat." ngumiti ito ng mapait at umalis na din ito.

   Dismayadong-dismayado ang kanilang principal. Hindi nya basta-basta maiaalis sa schedule ng kanilang pagtitipon sa Linggo ang kanilang singing production, lalo na at ito ang inaabangan ng lahat ng tao. Malungkot siya dahil sa desisyon ni Margaret.

~~

   Sumapit na ang Linggo. Masayang-masaya ang lahat dahil sa wakas mapapanood ulit nila mag-perform ng magkasama ang MPG at RB. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari. Naandito ngayon ang lahat ng mga artista na nag-aral sa TSU. Hindi na kasi nag-practice ulit sina Melanie, Lauren, Zander, Javier, at Xavier simula noong araw na 'yon. Wala din silang kaalam-alam na hindi pupunta si Margaret ngayon. Akala lang nila na ito ay nagkasakit simula nung Lunes, nung nangyari ang "insidente".

   Sa gitna ng kanilang pagtitipon na ginagawa nila tuwing Linggo, may ni-announce si Mrs. Keith sa lahat. Nagulat ang lahat dahil dito na may kasamang lungkot. Kabilang na doon ang lima.

   "Sa mga hindi po nakakaalam, hindi po natin makakasama ngayon at sa mga susunod na araw o linggo si Ms. Margaret Durr, isa sa mga miyembro ng Most Promising Girls. Nagpaalam po siya saakin na maga-absent siya ng one week or two weeks. Hindi ko alam kung bakit siya maga-absent o aalis ng ganoong katagal. Kasama ng kanyang absence, sinabi din niya saakin na.." abang na abang ang lahat ng tao sa kung ano pa ang sasabihin ni Mrs. Keith, pero hindi na ito nagsalita pa. Ibinigay na nito ang mikropono sa emcee. Umalis na din ito pagkatapos niya ibigay ang mic. May lakad pa kasi itong nakahanda at kailangan niya nang pumunta.

   "Ahhm, sabi po ni Mrs. Keith na cancel na po ang singing production ng MPG at RB mamaya. 'Yun lang po ang alam ko kaya, wag niyo na po akong kulitin," sabi ng emcee na isa sa mga artista na pumunta ngayon. Kinukulit kasi siya ng mga nanonood. "pero sabi nya na nasa dalawang grupo na ang desisyon kung magpe-perform sila kahit wala ang ating beloved na si Margaret o di kaya ay magpe-perform sila ng magkahiwalay ngayon." dugtong pa nito.

   "Melanie, ano? Magpe-perform ba tayo kahit wala si Margaret?" lumapit naman ang RB sa kanila Melanie at Lauren. Inirapan lang ni Melanie si Javier kasama na ang dalawa pang iba. "ano ba kasi nangyari? Bakit parang ang layo-layo ng loob nyo saamin? Hindi na nga tayo nag-uusap--" bigla naman siyang pinutol ni Melanie.

   "Magperform kayo mag-isa nyo!" 'yon lang ang sinabi ni Melanie sakanila at tsaka siya nag-walk out. Tinignan lang sila ni Lauren at umalis na ito. Takang-taka naman ang tatlo. Wala talaga silang kaalam-alam sa mga nangyayari.

   "Ano, tutuloy pa ba natin?" tanong ni Zander sa dalawa.

   "Ang ano? Ang pag-amin natin sakanila na mahal na natin sila o ang singing production na dapat kasama ang MPG na naging tayo nalang tatlo?" tanong naman pabalik ni Javier.

   "Ang ingay mo Javier! Baka may makarinig sayo, mahirap na baka headline o di kaya ay breaking news na tayo bukas," paalala naman ni Xavier sakanya. "tutuloy natin yung singing production.."

   "Nang tayong tatlo nalang? Diba mahirap ata 'yon!" di makapaniwala sina Zander at Javier sa desisyon ni Xavier. Tango nalang ang isinagot ni Xavier sakanilang dalawa.

   "Good luck nalang saatin." sabi pa ni Javier.

   Dumating na nga ang oras. Ang pinaka-hihintay ng lahat. Ang singing production sana ng MPG at RB. Walang kaalam-alam ang lahat ng mga tao na nanonoood ngayon na ang RB nalang ang kakanta. Wala ang MPG.

   Lumabas na ang tatlo mula sa backstage. Hiyawan naman ang lahat ng mga babae. Sanay na ang tatlo sa ganoong reaction ng mga tao tuwing sila ay magpe-perform. Pero mas malakas parin ang hiyawan kapag ang RB at MPG ang nagpe-perform sa harap.

   Nagsimula na silang kumanta. Takang-taka naman ang mga tao dahil ang akala parin nila ay kasama ang MPG kahit wala si Margaret.

♫"Pag-ibig ko sa’yo’y totoo
Ni walang halong biro

Kaya’t sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito.."♫

   Pagsisimula ng kanta ni Javier. Siya lang mag-isa kakanta ng part sana nila ni Melanie.

♫"Walang ibang mamahalin
Kundi ikaw lamang, giliw
Kaya’t sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito"♫

   Pagpapatuloy ni Javier sa kanta. Pinapakita naman sa kanyang likod, sa malaking screen ng kanilang stage, na stage ng ASAP na ipinapalabas sa telebisyon tuwing Linggo, ang mga picture ni Melanie. Inayos na rin kasi nila bago pa magsimula ang singing production nila ngayon ang mga ipapakitang mga litrato sa screen. Gulat na gulat naman si Melanie na makita ang mga stolen pictures nya. Hindi nya alam na kuha ito ni Javier sakanyang cell phone. Bigla namang naputol ang kanta ni Javier at sinunod naman ang kantang kakantahin ni Zander.

♫"Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan.."♫

   Ipinapakita naman sa screen ang mga litrato ni Lauren. May litrato pa nga itong kasama si Zander. Iniwagay-way pa ni Zander ang kanyang isang braso para sabayan ang himig ng kanta. Naki-sabay nadin ang mga nanonood sa kanyang pagkanta. Pinilit paring ngumiti ni Zander kahit hindi nila kasabay mag-perform ang MPG, ganoon din naman si Javier nung nagperform siya mag-isa. Sumunod naman ang kanta na kakantahin ni Xavier, na mag-isa.

♫"Napapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa’yo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Balang araw ay, malalaman mo rin.."♫

   Hindi maka-ngiti si Xavier, hindi gaya nila Javier at Zander na kahit papaano ay pinilit nila ang kanilang mga sarili na ngumiti. Pakiramdam kasi niya ay may kulang sakanya. Ganoon din naman ang dalawa. Hindi nya makikita si Margaret, ang kanyang inspirasyon, ng mga ilang araw o di kaya ay ilang linggo. 

   Pinapakita naman sa screen ang mga picture ni Margaret na nagmula sa kanyang cell phone. May higit sa sampung litrato na silang dalawa ang magkasama. Kilig na kilig naman ang mga nanonood. Kahit tatlong litrato lang ang sinabi nya sa nagco-control ng stage ay ipinakita narin halos lahat ng mga litrato na magkasama silang dalawa.

   Nung binulungan siya ni Zander na mahigit sa sampung litrato ang ipinapakita sa screen na silang dalawa ang magkasama, lumingon kaagad siya sa likod. At nakita niya nga ang mga litrato na silang dalawa. Nagulat siya pero umalis din kaagad ang kanyang pagkagulat dahil tapos na ang kanyang kinakanta.

   Natapos na nga ang singing production ng RB. Nagsipalakpakan naman ang mga tao. Kahit sina Melanie at Lauren din ay pumalakpak kahit mahina lang.

Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
5.9K 267 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...