CHASE

By cyruslyly

4.7K 54 6

Ginamit kita para mahalin niya ako, tanggapin niya ako. Kahit alam kong masasaktan kita, ginawa ko, dahil mah... More

CHASE: Teaser #Wattys2016
CHASE 1
Chase 2
Chase 4
Chase 5
Chase 6
Chase 7
Chase 8
Chase 9
Chase 10
Chase 11
Chase 12
Chase 13
Chase 14
Chase 15
Chase 16
Chase 17
Chase 18
Chase 19
End

Chase 3

214 3 1
By cyruslyly

“Sigurado ka ba talaga? Baka naman nakaw mo 'yan, ha. Naku, Tahani, mahirap lang tayo pero hindi tayo magnanakaw.”

Rinding-rindi na ako dahil sa paulit-ulit na paratang saakin ni Pransing tungkol sa bag na iniwan saakin ni Aidan kahapon sa canteen. Inuwi ko nalang kasi sayang naman kung itatapon o susunugin ko. Mukhang mamahalin talaga, e. Baka mapagkakitaan ko pa.

“Gaga! Maganda lang ako pero hindi ako magnanakaw.” Irap ko sa kanya.

“Kailangan na yata kitang ipatingin sa albularyo. Sabihin mo lang, may kilala ako.” Aniya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

“Bungol!” Bulyaw ko sa kanya bago isinilid sa luma kong cabinet ang bag.

Sabado ngayon at pinag-iisipan ko kung ano ang magandang gawin gayong tapos ko na ang mga labahin ko. Nakapaglinis na rin kami ni Pransing ng buong bahay kaya ito at inaasar na niya ako tungkol dito sa bag na nakita niya sa damitan ko.

Napatingin ako sa lokong aligaga sa pagbibihis dahil may date na naman sila ng mabantot niyang boyfriend.

Mabuti pa ang isang ito, kahit baliw, may lovelife. Kumusta naman ako, diba?

Kaya sa huli ay napagdesisyunan kong mag window shopping nalang sa malapit na mall dito. Wala rin naman kasi akong madaming pera para ipambili. Ibibenta ko sana yung bag pero naisip kong baka bawiin din saakin ni Aidan, di ako naman ang agrabyado. Isa pa, malay ko ba kung magbago ang takbo ng utak ng kurimaw na Sney na yun at hinging muli iyong bag sa kanya, anong sasabihin ko? Na binenta ko dahil kapos ako? No! Hindi pwede.

Habang naglalakad-lakad ay napukol ang tingin ko sa isang alahas na hula ko ay isang anklet na nagpaningning ng mga mata ko.

Wala sa huwisyo akong lumapit doon at halos idikit ko ang aking mukha sa salaming nagbabahagi saamin ng anklet.

Simple lang at walang gaanong arte ang disenyo ng anklet ngunit masyado akong nagagandahan sa pagkakagawa nito. May lumaylay na ilang geometric shapes dito kasama ang isang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na halagang hindi ko kailanman mahahawakan.

Nanlaki ang mata ko dahil sa presyo. Kahit yata ibenta ko ang kidney ko ay hindi ko mabibili ang isang ito. Ito ang katotohanan sa mga mahihirap na kagaya ko na hanggang tingin nalang sa mga bagay na ganyan. Kailangan pang magsumikap ng sobra bago makaranas ng ginhawa sa buhay. Kailangang kumayod para makabili ng medyo mamahaling mga bagay. I sighed by the thought.

“Ang ganda ng anklet Ma'am, no? Limited design lang po 'yan dito sa Pilipinas.” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng saleslady sa tabi ko.

“Talaga?” Na-amaze ako lalo sa sinabi niya. Kaya pala ganun nalang ang presyo. Jusko!

“Yes ma'am, kaya kung ako sa inyo, bilhin niyo na po.” Aniya habang ngiting-ngiti saakin.

Nailang naman ako bigla. Paano ko sasabihing wala naman akong pambili at napadaan lang ako? Limited edition pa pala itong nagustuhan ko. Napakamot nalang ako ng ulo at nahihiyang humingi ng paumanhin sa saleslady.

“Ang totoo kasi niyan, tinitignan ko lang. Ang ganda kasi.”

“Naku, sayang naman ma'am. . .kapag ako may perang ganyang kalaki, bibilhin ko talaga iyan!”

Kaya nga. Sayang talaga.

Kaya naman kahit nahihiya ay nagawa ko paring magpaalam sa kanya at aligagang naglakad palabas sa jewelry shop. Nagulat naman ako ng may mabundol akong matigas na bagay. May salamin pala.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa lakas ng impact. Mabuti nalang at wala pang gaanong taong dumadaan kaya walang nakapansin sa pagka-untog ko maliban kay Aidan na prenteng nakangisi habang nakapamulsa sa labas ng shop na pinanggalingan ko.

Bigla akong pinamulaan ng mukha. Naks naman, Tahani! Ang kagagahan kasi iniiwan sa bahay, e.

Labis labis ang kahihiyang bumalot saakin sa mga oras na ito. Hindi ko na nga matignan ng diresto si bebe, e. Isa pa, pakiramdam ko may bukol na rin ako sa gitna ng noo. Eh, di lumabas ang ebidensya ng kashungahan ko, 'diba?

Kung bakit ba naman kasi wala man lang perfect timing para saamin ni Aidan, e. Nakakagago din talaga minsan si destiny.

“Mahirap na nga, tatanga-tanga pa.”

“Aba, easyhan mo naman. Sakit 'nun, ha.” Sabi ko.

Hindi naman porke't crush ko siya ay hindi na ako maaaring makapagsabi ng mga ganun sa kanya. Aba! Tao parin naman ako. Marupok, madaling masaktan. Char lang!

“And in the first place, what are you doing here?” Puno ng pang-iimbestiga ang kanyang tanong.

“Bakit? Porke't mahirap ba ako, hindi na ako pwedeng pumunta sa lugar kagaya neto?”

“Stupid. It's not what I meant.” He hissed and turned his back on me.

“Wala akong paki. Wag mo kong ma-english english, Aidan Sylvestre!” I shouted at the top of my lungs.

Imbyerna kasi, e. Sa araw-araw ba naman na panrereject niya saakin, bawas na ang pagkahumaling ko sa kanya. Hindi naman ako araw-araw inlove na inlove. Ano ako? Tanga? Madami ng ganun, ayoko ng dumagdag.

Minsan kasi, sa mga kagaya nilang may sinabi sa buhay at sa pagmumukha, kailangang tinuturuan na hindi habang buhay may magkakagusto sa kanila. Hindi habang buhay may kayang magtiis sa ugali nilang ganun. Dapat matuto din silang mag-adjust. Hindi yung iba pa ang mag-aadjust para sa kanila.

“Thought your stalking me, though.” Aniya bago maglakad palayo saakin ng nakangisi.

That's what you are good at. Leaving.

“Huy kilabutan ka nga! Crush lang kita pero di mo ako stalker!” Sabi ko nalang ng halos mawala na siya sa paningin ko. “Slight lang...” It was almost a whisper.

I sighed by the thought of it.

Kung bakit ba naman kasi ang hirap magkagusto sa taong mas mataas kaysa sayo. Sa mas may sinabi. Sa mas may sa lahat.

Kaya sa halip na mamasyal pa ako sa mall ay naisipan ko nalang umuwi at doon palipasin ang oras sa bahay.

At least, doon, walang nanlalait saakin. Walang nagpapamukha na mahirap lang ako. Hindi ko kailangang mamalimos ng pagmamahal doon. Doon, nahahanap ko ang totoong pamilya. Yung mamahalin ako kahit ano pa ako. Yung hindi ko kailangang maging kahit na sino para matanggap ako.

Pero leche! Siya parin ang sumasagi sa isip ko. Crush na crush ko talaga si Aidan.

“Pransing! Pahiram ng lipstick.” Sigaw ko habang nag-aayos sa harapan nanghihingalo naming full size mirror.

Hindi naman talaga ako sanay sa mga ganito. Pero ngayong mga nakaraang araw ay nawili na rin ako sa paglalagay ng lipstick sa manipis at natural na mapupulang labi ko.

Kahit naman natural na mapupula ang mga ito ay gusto ko ding subukan ang lipstick kaya nanghihiram ako kay Pransing.

“Ano?” Sigaw niya mula sa banyo.

“Lipstick kako, pahiram.” Sabi ko habang nilalagayan ng nude lipstick ang labi ko.

Wala pang dalawang minuto ay lumabas na siya sa banyo na tuwalya lang ang saplot.

“Hoy! Hoy! Teka nga Tahani... Anong sabi mo?”

Minsan hindi ko rin talaga maintindihan itong si Pransing, e. Minsan shunga. Madalas bingi.

“Bungol! Nalagay ko na. Ano pang ipapaalam ko?” Pinahid ko ang lumampas na lipstick gamit ang index finger ko bago humarap sa kaibigan ko. “Maganda ba?”

“Syempre. Lipstick ko yan, no!” Irap niya saakin. “Teka nga Tahani, nakakahalata na ako sayo, ha.”

“O, bakit?” Ngumisi lang ako habang sinusuklay ang buhok ko. Naglakad ako palapit sa kanya bago pinitik ang pangit niyang ilong. Tumawa lang ako ng malakas bago siya iniwan. Papasok na ako.

Nakangiti ako habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Feel na feel ko ngayon excitement dahil makikita ko na namang maglaro si Aidan.

Intramurals ngayon sa school at may mga inimbitahang soccer team galing sa ibang school para makipaglaro sa soccer team ng school. Excited na excited na ako mula pa kahapon, napagawa pa ako ng cute na banner na may nakalagay na...

GO BEBE AIDAN! Pag nanalo kayo, sasagutin na kita.” with matching hearts and kisses pa.

Yes, I know. Lakas makapagfeeling nga
banner ko pero bakit ba? Wala naman silang pakialam. Business is business. And Aidan is my business.

Kahit naman isang buwan na simula nung huling mag-usap kami ni Aidab at halos madurog ang puso ko ay forever parin akong magiging tagapagmahal niya.

Pagkarating ko sa school ay pinuntahan ko kaagad ang soccer field kung saan kaunti palang ang tao. Sinadya ko talagang pumunta ng maaga para makapwesto sa may pinakamagandang spot.

Habang tumatagal ay parami ng parami ang mga tao. Habang tumatagal din ay umiingay na sa field. May mga bagong mukha akong nakikita na hula ko ay galing sa kabilang school para suportahan ang team nila.

Halos mapa-aray ako ng may nakaapak sa paa ko. Punyatera! Feeling ko natamaan yung ingrown sa kuko ko. Sa sobrang bilis ng pagdami ng tao ay hindi na nila madifferentiate ang daanan sa paa. Sa sobrang dami ng may gusto dito sa spot ko ay halos magkatulakan na ang ilan.

“Oops! Sorry paa pala yun?” Nag-init ang mukha ko ng makarinig ako ng putak ng isang maarteng manok.

Walang ano-ano'y pinatid ko naman siya habang tatawa-tawa siyang naglakad sa harapan ko.

Face first ang pota! Ang galing ko parin talaga kaya napapalakpak ako para sa sarili ko. Walang kupas sa kabulastugan, Tahani! Mahusay!

Nang bumaling siya saakin ay pasimple akong sumipol para hindi mahalatang may ginawa akong karumal-dumal.

“How dare you!?” Sigaw niya. Halos mapatingin ang lahat sa gawi namin.

Luminga naman ako sa paligid na parang nagtataka.

“Ha? Ako ba?” Pag-arte ko.

“Sino pa ba, you butt face! Ikaw ang pumatid saakin!”

Natawa lang ako.

“Nakita mo ba? Ikaw ha! Wag mo akong sinisisi sa karma mo. Bad yun!”

Bakit ako matatakot? As far as I know, ako ang taga dito at bisita lang naman sila. I can kick them out of this school in an instant. Wala silang karapatang mag-magaling dito.

“GO AIDAN! I LOVE YOU NA TALAGA. Shit!”

Kahit para na akong timang dito kaka-cheer sa team namin ay consistent parin talaga ako. Hindi bale ng makahakot ako ng madaming haters basta masuportahan ko lang ang one and only bebe ko.

2-2 na ang score at kaunting oras na lang ang natitira. Of course kahit masiglang masigla ako dito ay kinakabahan parin talaga ako. Hindi rin biro ang mga kalaban nila Aidan at alam kong isang maling depensa lang nila ay talo na kami sa laro.

“What a loud mouth she got.” Pumutak na naman yung malanding manok na kanina pa hindi makapangitlog sa kinauupuan niya.

“What a stinky mouth she got.” Sabi ko naman na mas lalong nagpausok sa ilong niyang pangit.

Sumigaw sigaw ako ng makitang isang minuto nalang ang natitira at na kay bebe ang bola. Napakabilis niya talagang tumakbo, he got the skills and I can't help myself but to admire him even more.

Sampung segundo...

Limang segundo...

Tatlong segundo...

At sa huling segundong natitira sa orasan ay ginugol niya upang magbigay ng isang napakalakas na sipa na siyang nagpapanalo sa team nila.

“GOAL!”

Naghiyawan ang mga tao lalo na ako ng ideklarang panalo sina Aidan. Proud na proud talaga ako sa bebe ko. For me, he's always the best.

Sa sobrang tuwa ay napatalon talon akong lalo sa kinauupuan ko habang iwinawagayway ang banner nila Aidan. Sinamahan ko pa ng malakas na sigaw na siyang nakakatawag sa atensyon ng karamihan, isa na doon ang pinakamamahal ko.

A devilish grin form from his lips when our gaze met which made my world stop for a second. I felt like blushing and I can't help it. Damn! How I really like this guy. But, just like the old times, as expected, he raised his middle finger again but that doesn't make any sense now.

For once, I learned how to shut my mouth and just stare at him like there's no tomorrow. I will never get tired of him. I will never be. Kahit ilang beses pa niya akong i-pakyu.

I smiled sweetly as I waved the banner for the last time. But for some reason, my heart sank when I saw Aidan make his way to Sney. Nakita ko kung paano siya suportahan ng mga ka-grupo niya habang nahihiyang nakikipag-usap sa reyna ng eskwelahang ito.

Panandaliang saya lang talaga ang kaya mong ibigay saakin, Aidan. Panandaliang saya kapag wala si Sney sa paligid.

May takas na luhang lumadas sa aking pisngi habang naglalakad ako paalis ng field. How many times do you have to do this to me, Aidan? Ang sakit sakit na kasi.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.5M 33.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
172K 5.6K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...