The Game Called Love ✔️

By immorthelle

27.5K 585 119

I thought I was the king, but turns out to be that I am just a pawn. More

The Game Called Love
#1: ღ Intro ღ
#2: ღ Like to Hate ღ
#3: ღ Love Triangle Daw? ღ
#4: ღ The Game Starts Now ღ
#5: ღ You're not sorry ღ
#6: ღ Kalokohan ღ
#7: ღ Kalokohan Part Two ღ
#8: ღ Stalker ღ
#9: ღ First Day part I ღ
#10: ღ First Day part Two ღ
#11: ღ The Nomination ღ
#12: ღ Butterflies in my stomach ღ
#13: ღ Sunset <3 ღ
THIS IS NOT AN UPDATE XD
#14: ღ I promise ღ
#15: ღ Angel of Mondays ღ
#16: ღ Date ღ
#17: ღ Confused ღ
#18: ღ Yats ღ
#19: ღ Bahala na ღ
#20: ღ Fourth ღ
#21: ღ He is real ღ
#22: ღ Weird ღ
#23: ღ Shit ღ
#24: ღ Waiting For Superman ღ
#25: ღ Badtrip ღ
#26: ღ First Heartbreak ღ
#27: ღ Second Heartbreak ღ
#28: ღ Baste ღ
#29 ღ Where It Hurts ღ
A Must Watch Special Video of TGCL
#30: ღ Back Up ღ
#31: ღ Third Heartbreak ღ
#32: ღ Frustrated ღ
#33: ღ His Side ღ
#34: ღ Talk ღ
#36: ღ Stay Forever ღ
Author's Message :)
TGCL Playlist

#35: ღ Truth ღ

287 13 4
By immorthelle



ERHIA


"Balitaan mo ko couz ah"

Sabi ni ate Abby habang sila naman ay nagsi-alisan. Bibigyan daw nila ako ng privacy para basahin yung mga message ni Steve.

Nginitian ko si ate Abby at nag thumbs up sakanya.

Okay Erhia, kung ano man ang laman ng mga message na 'to, tatanggapin mo.


Pinindot ko na yung chat niya at nagsimula ng magbasa


Erhia panget

Isip bata ka alam mo ba yun?

Cute ka

Pero nakakainis ka


Anak ng!!!! Bakit ganito mga message ni Steve!? Para saan ba 'to? Para laitin ako? Well, except sa cute daw ako.


Oh teka wag ka sisimangot diyan, hula ko nakanguso ka na. Patapusin mo muna ko.

Una, gusto ko humingi ng tawad kasi palagi kita naaasar at nakukulit. Inis talo ka kasi e tapos patola pa haha. Pero cute ka kapag naiinis ka, naalala ko pa nga nung sa roller coaster, first time mo yun tawang tawa ako sayo eh, matapos nun niyakap mo ko. Ewan ko ba pero na-wirduhan ako sa naramdaman ko nun. Alam ko naman sa sarili ko na kakakilala pa lang natin nun kaya malabong inlove agad ako sayo nun. Siguro type kita, kakaiba ka rin kasi eh. Masaya ka kasama kahit na palagi tayo nagtatalo.

Alam mo pa ba yung umamin ako sayo na gusto kita, pero may karugtong na as a person. Naduwag lang talaga ako nun.

Tungkol pala kay Arisha, alam ko na nag usap kayo, nung tinawagan ko siya kanina lang sinabi niya na nag usap kayo, nagseselos ka daw? Ayieee deads na deads ka na pala sa akin ah. Pero gusto ko sanang sayo mismo manggaling yun, para kiligin ako. Oo inaamin ko, mali ako kasi umiwas ako sayo matapos nating mag date at matapos kong sabihin sayo na gusto kita. E kasi naman hindi ka nagparamdam na gusto mo ko, ayoko namang umasa. Naguluhan lang din ako sa nararamdaman ko nun. Sorry kasi nasaktan kita. 

Pag nakabalik ako babawi ako sayo kaya good girl ka lang ah. Hintayin mo kong makabalik. Hindi pa ko sigurado kung kailan ako babalik pero please Erhia, hintayin mo ko. Nasabi naman na ni Arisha yung reason ko kung bakit ako aalis. And Erhia, gusto kita..

Hindi, mahal na ata kita.

Mali.. Mahal na kita. Mahal na kita Erhia. Yung I love you too ko pagbalik ko ha wag mo kakalimutan :)


Matapos ko basahin yung message ni Steve, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kilig? Saya? Lungkot kasi wala siya ngayon?

Naiiyak ako kasi sa wakas nalaman ko na rin yung totoo.

Mahal rin kita Steve


Tinignan ko pa yung phone ko kung may message pa siya, hindi nga ko nagkamali may pahabol pa.


PS: Wag masyado close kay Samuel. Mas gwapo naman ako doon no! Basta wag masyado malapit ah.


Napangiti naman ako sa mga nabasa ko.

Nagseselos talaga siya kay Baste! Cute.

Teka..

Speaking of Baste.

Hala hindi ko pa siya nakakausap!

Hindi pa pala tapos yung problema ko, nandito ako kinikilig tapos hindi ko pa pala nakakausap si Baste tungkol sa rebound thing niya. Hay.

Kakausapin ko na siya ngayon! Itetext ko siya.


To: Basteee

Hi. Pwede ba tayong mag usap ngayon?

Send!


Huminga naman ako ng malalim.

Ano kaya magiging reaction niya?

Hindi ko rin naman alam kung gusto niya ko,  kasi sabi niya payag lang siya maging rebound ko pero hindi niya sinabi na gusto niya ko.

Bakit kasi ang labo ng mga lalake?

Nag vibrate naman yung phone ko at nakitang nag reply na siya.


From: Basteee

Sure. Where are you?


Ayos! Payag siya.

Nagtype naman ako para mag reply.


Nandito ako sa hospital kung saan nakaconfined si kuya Caleb


Matapos ang ilang Segundo e nagreply agad siya. Ang bilis naman! Type lord ba to?


Nandito ako ngayon. Lingon ka sa kaliwa mo.


Nang mabasa ko yun, nilingon ko yung kaliwa ko gaya ng sabi niya. At oo nga nandoon siya. Kanina pa ba siya doon? Aba pinag-t-tripan lang pala ako nito!

Lumapit siya sa akin at nginitian ako.

Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin. Okay ano na?

Paano ko to sisimulan?!

Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin.

Hinga malalim Erhia! Whoo!


"U-Uhm.. Ano kase, n-nag usap na kami ni Arisha"

Nagtaka naman siya sa sinabi ko, pero tinuloy ko lang yung sinasabi ko

"Wala daw namamagitan sakanila ni S-Steve"

Nakita ko naman na nagbago yung expression niya. Nawala yung ngiti niya at napalitan ng seryosong tingin.

"Ganun ba."

Ayan lang ang sinabi niya. Shet shet shet! Ano pa? Ano pa sasabihin ko?!

Sasabihin ko ba yung tungkol kay Steve? Err. Bahala na!


"T-tapos nakausap ko rin si Steve—I mean, nag message siya saakin. G-gusto daw niya ko at h-hintayin ko daw siya."

Nauutal ako bakiiit?! Lamunin mo na ko lupa!

Nakatingin lang sa akin si Baste pero nag iwas na ko ng tingin. Ang awkward kasi!

Sumandal naman siya sa pader at huminga ng malalim.

Tahimik lang kami ng ilang Segundo pero maya maya ay nagsalita na rin siya.


"I like you Erhia"

Sheeeet!!!! Ayan na nga ba! Gusto niya ko pero paano? Paano ko sasabihin? Sasabihin ko ban a si Steve gusto ko? Ugh this is stressing me out huhuhu.

Napansin naman niyang parang nagpapanic na ko kaya napatawa siya ng konti.

"Don't worry, I just said my feelings. But if that's what makes you happy then you should go for it."

Sabi niya kaya napangiti naman ako sakanya.

"Edi okay na rin tayo?"

Tumango naman siya. Yey!

"Friends pa rin tayo ah. Pero kasi, nagseselos si Steve sayo.." -sabi ko sakanya kaya naman napailing siya habang nakangiti

"Normal lang naman na magselos siya. Gwapo kasi ako" Biro niya, aba gwapo naman talaga tong si Baste! Pero, syempre si Steve ang mas gwapo para sa akin hihi.

Tumawa naman ako at sinuntok siya ng mahina sa braso niya.

Hay salamat naman solve na ang mga problema ko. Pabebe naman kasi ni Steve! Hmp.


***


AZALEA


"Sige hija maiwan muna kita dito ah uuwi lang ako saglit para maasikaso ko si Clarissa, ikaw muna ang bahala kay Caleb"

Sabi ni tita Lane sa akin habang hawak hawak yung braso ko.

"Sige po tita, magpahinga na rin po kayo mukhang pagod na po kasi kayo"

Nginitian ako ni tita pero napawi rin yun nang tignan niya ulit si Calvin.

Pinagmasdan niya lang ito at hinawakan yung mga kamay ng kanyang anak.

"Anak, uuwi muna ako ha. Pagaling ka d'yan. I love you."

Halata ang lungkot sa boses ni tita Lane kaya naman hindi ko mapigilan na kumirot yung dibdib ko sa mga salitang binitawan niya.

Ilang sandali pa ay umalis na rin si tita Lane.


Pinagmasdan ko lang si Calvin habang natutulog, oo tulog siya. Pero hindi ko alam kung kailan siya magigising. Sabi kasi ng doctor, masyado daw malakas yung impact ng truck kaya naman nauntog rin ng malakas si Calvin. Mukhang maliit na lang daw yung chance na magising pa siya.

Pero alam ko na gigising pa siya.

Kung sa 80% na chance ng hindi na niya paggising, alam ko sa natitirang 20% ay lalaban siya.

Hindi naman siya basta basta sumusuko e. Alam ko yun at may tiwala ako sakanya.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, biglang may pumatak na luha sa mga mata ko.


Hinawakan ko yung kamay ni Calvin at kinausap siya.

"Ewan ko kung naririnig mo ko pero sana naman lumaban ka. H'wag kang mang-iiwan ha. Nakakainis ka naman kasi, kung ako nga yung pupuntahan mo nung araw na yun, sorry—"

Tuluyan ng bumagsak yung mga luha ko.

"—Calvin sorry kasi kung hindi dahil sa akin wala ka sana dito, sana masaya ka, sana hindi to nangyari sayo. Please.. Please no matter what, gumising ka. Kahit na hindi ako ang piliin mo, ayos lang sa akin basta ba ipangako mo na makakausap pa kita."

Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Alam ko na gigising siya.

Calvin please


Don't leave me like this.


***


"Heto oh Abby"

Ini-abot ni Seiya yung coffee ko at umupo sa tapat ko.

Niyaya ako ni Sey na mag coffee samantalang sila Xander ang naiwan na nagbabantay kay Calvin.

"Abby, mukhang kailangan mo ng pahinga ah. Umuwi ka kaya muna, get some rest. Malapit na rin graduation natin." -Sabi ni Sey sa akin

Huminga ako ng malalim. Oo nga pala, in less than a week, g-graduate na kami.


"I heard nakakuha kayo ni Xander ng scholarship sa California"

"Oo nga eh, buti pinayagan na ko ni mommy at daddy"

"Congrats Sey, proud ako sayo. Mamimiss nga lang kita" sinimangutan ko naman siya

"Aww thank you! Ako din mamimiss kitang babae ka!"


Tumabi siya sa akin at niyakap yakap ako. Kung nasa mood ako, babarahin ko to eh.

"Nako ang drama natin." Tapos nagtawanan kaming dalawa

Maya maya lang bumalik na siya sa pwesto niya doon sa tapat ko.


Nagkuwentuhan lang kami tapos cinomfort pa rin niya ko tungkol kay Calvin, sabi niya naniniwala rin daw siya na hindi basta basta susuko si Calvin.

Napatingin naman siya sa may likuran ko at tinignan ako kaya nagtaka ako at tinignan yung likod ko.

Nakita ko si Zaniel na kasama si Clave. Lumapit sila sa direction namin ni Sey.


"Abby may sasabihin daw siya" -Turo ni Clave kay Zaniel

Tumingin naman sa akin si Zaniel

"A-Abby, pwede ba kitang makausap?"

Mukhang nag aalangan si Zaniel pero na gets naman ni Seiya yun kaya tumayo na siya.

"Sige Abby, mauna na ko ha." -hinila ni Seiya si Clave paalis at iniwan kaming dalawa ni Zaniel.


Ilang segundo kami tahimik, nagpapakiramdaman pero ako na bumasag sa katahimikan.

"So, gusto mong um-order? Heto oh pili ka—"

"Ah, h-hindi okay lang. Ikaw naman ang sadya ko dito"

Tumango ako bilang sagot at senyales na ituloy niya lang yung sasabihin niya. Aaminin ko medyo awkward, yung babaeng kinaiinisan ko nasa harapan ko at kinakausap ako.

"A-Ano kase—" huminga siya ng malalim at nagsalita ulit "Sasabihin ko sayo lahat lahat."

Napakunot naman yung noo ko.

Lahat lahat?

Ano pa ba kailangan kong malaman?

Na sila na? Na siya nag pinili ni Calvin?


"Ano yun?"

Nag abang lang ako ng sasabihin niya pero mukhang kinakabahan siya

"Gusto ko si Caleb, nung una ko pa lang siyang nakita nagustuhan ko na siya. Baka siya na yung magliligtas sa akin sa lahat, yung palaging nasa tabi kop ag malungkot ako, baka siya na yung makakasama ko hanggang huli."

Yumuko siya at para bang naiiyak, pero pinagpatuloy pa rin niya yung pagsasalita.

"Kaso ramdam ko naman na ikaw ang gusto niya, sa bawat pagtingin niya sayo, iba eh. Abby mahal ka niya"

Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ko aakalain na sakanya mismo manggagaling yun.


"P-Pero ikaw ang pinili niya—"

"Namatay yung mommy ko nang ipanganak niya ko. Lumaki ako ng kasama ko ang daddy ko, hanggang sa isang araw may pinakilala siyang babae sa akin, yun daw ang bago kong mommy. Nung una mabait siya sa akin, may anak rin siyang babae. Pero two years later, na-diagnose si daddy na mayroon daw siyang leukemia. Hindi rin nagtagal namatay siya, eight years old ako nun—" She cut her sentence and wipe her tears, samantalang ako ay hindi pa rin nagsisink in sa utak ko kung bakit sinasabi niya sa akin yung mga yun. Pero nakinig pa rin ako.

"—naiwan ako sa step-mom at step-sister ko. Habang tumatagal, hindi ko na naramdaman na parte pa ko ng pamilya. Feeling ko invisible na lang ako. Kung kakausapin man ako, puro sermon ang inaabot ko. Wala silang pake sa akin, pero dahil sa akin nakapangalan yung mga ari arian ni daddy, nakakapag aral pa rin ako at wala silang magawa sa akin. Siguro nga kung hindi sa akin nakapangalan yun baka nagmala Cinderella na buhay ko" Napatawa naman siya ng konti doon at tumingin sa labas kung saan may mga bata na naglalaro


"Z-Zaniel, bakit mo to kinukwento?"

Nang tanungin ko siya, tumingin siya sa akin.

Napahinga naman siya ng malalim

"Nung nakita ko si Vince, umasa ako na baka siya na nga yung superman ko. Pero hindi pala."

"Zaniel—"

"Abby nagsinungaling ako sakanya— umamin ako na mahal ko siya, pero ni-reject niya ko dahil ikaw daw ang mahal niya. Kaya nag s-sinungaling ako na may malubha akong sakit sa puso at kailangan ko siya. Sinabi ko yun para mag stay siya sa akin."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya, habang siya naman ay iyak lang ng iyak.

Naiinis ako

Gusto kong magalit

Pero ang tanging nagawa ko lang ay maiyak


Sobrang bigat na sa pakiramdam. Hindi ko aakalain na mahal talaga niya ko, he tried to explain pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko siya binigyan ng chance na mag explain.

Ang tanga tanga ko


"I'm sorry Abby, I'm so sorry. Nung araw na yun sabi niya pupuntahan ka daw niya, p-pero tinext ko siya na hindi ako makahinga. Dahil sakin Abby, dahil sa akin kaya siya naaksidente. I'm so sorry"

Iyak lang siya ng iyak kaya naman lumapit ako sakanya at niyakap siya. Ayoko ng pangunahan ng galit to, wala rin namang mangyayari kung aawayin ko siya. Gusto ko lang maging maayos ang lahat.

Sa ginawa ko na yun mas lalo siyang naiyak,

Kumalas ako sa yakap at hinarap siya

"Alam mo, nakakainis ka eh! P-Pero, alam ko na gigising pa si Calvin, hindi naman siya agad susuko eh. Magtiwala lang tayo sakanya"

Tumango naman siya sa akin

"Pero mangako ka sa akin na pag nagising na siya, hayaan mong saakin na siya."

Naiyak ako sa mga pangyayare at sa mga nalaman ko, ganun rin siya.

"P-Pangako Abby"

Nginitian ko siya at tumayo na, nagpaalam ako sakanya na mauuna na ko. Sinabihan ko rin siya na mag ingat.


Pumasok ulit ako sa hospital at sumakay ng elevator para puntahan si Calvin.

Paglabas ko ay nagdiretso ako sa mismong kwarto niya.


Lahat naman sila nabigla sa pagpasok ko, even mommy and tita Lane.

Alam ko na mugto yung mga mata ko pero hindi ko na pinansin yun.

"A-Abby—"

Hindi ko pinansin si Tania at nagdire diretso kung saan nakahiga si Calvin.

Umupo ako sa tabi ng kama niya at lumapit sakanya


"Hoy Calvin! Naniniwala na ko sayo, nakapag usap na kami ni Zaniel at sinabi niya sa akin lahat. Hindi daw totoo na may sakit siya, kaya please, gumising ka na—"

My voice broke when I said the last words.

Narinig ko rin na naiyak si tita Lane

"—maghihintay ako sayo kahit gaano pa katagal, basta bumalik ka lang. Calvin marami kaming naghihintay sayo, kaya wag kang susuko ha. Alam ko na magigising ka rin, kung hindi man ngayon, o bukas o sa susunod na linggo, basta alam ko at naniniwala ako na babalik ka"


Hinawakan ko yung kamay niya at niyakap siya

"Calvin mahal kita.. Narinig mo ba yun? Mahal na mahal na mahal kita"

Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sakanya

Hinalikan ko naman siya sa pisnge at niyakap ulit.


Naramdaman ko naman yung kamay ni mommy sa likod ko kaya napaangat ako at napayakap sakanya, umiiyak din si mommy.

Lahat ng tao sa kwarto ay umiiyak, sila Erhia, even Xander naluluha rin.

Mismong si Samuel at Clave nga ay namumula rin yung mata.


Maya maya lang ay lumapit si tita Lane at niyakap rin ako habang umiiyak.

"Oh Abby, thank you for loving my son, simula pa lang noon alam ko na gusto ka na niya. May litrato ka sa wallet niya nung mga bata pa kayo." Sabi saakin ni tita Lane habang nakayakap siya

Napapikit naman ako sa mga narinig ko.


You really love me huh.


So many years passed bago tayo nagkita muli, ngayong pareho na ang nararamdaman natin, napaglaruan naman tayo ng tadhana.

Pero Calvin

Hindi kita susukuan.

Maghihintay ako sayo.


Please, come back to me.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
364K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
24.2K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!