Sir, You're Mine. FINISHED

By Lee__Miyaki

1M 13.5K 1.5K

PG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | N... More

Prologue
1: Conflict
2: Next Step
3: Flashbacks
4: New Chapter
5: Tuesdays With Chloe
6: Arrangement
7: Meet Rye
8: Milk Tea
9: The Battle
10: The Start
11: Contestant #6
12: Ehem.
13: Dare
14: Stay
15: Yes or No?
17: Jael
18: Revenge
19: This Damn Heart
20: Kiss
21: Her Other Side
22: Past
23: Two Sides of Story
24: Switch
25: Railey Medrana's Way
26: Rose
27: Level Up
28: Sweetness
29: Revenge?
30: Twist of Fate
Bonus Trivia
31: Hot Kiss
32: Love's Other Sides
33: What's Next?
34: Obsessed
35: Sort of...
36.1: Complicated?
36.2: From?
37.1: Attempt
37.2: Stay
38: That Question
39: Reconciliation
40: Talk Dirty
41: Good Bye
42: Guilty
43: That Girl
44: Tease Her Not
45: Rare Revelations
46: Four Ways
47: Cheat With Me
48: Almost and Really
49: Moving On
50: Nagbabalik-loob.
Part 2: Prologue
51: Naughty Railway
52: Si Railey?
53: Chase
54: Akin ka lang
54: Second Day
Sir, You're Mine 55: Isang Linggo

16: Challenge Accepted

18.3K 224 15
By Lee__Miyaki

Author’s Note: Hindi ko alam maglagay ng dedication para sa maraming tao. Gusto ko lang sabihing dinededicate ko ang chapter na ito kina: @akoaymatapang, @AlexandriaPostrana, @akirara, @GirlWithYellowRibbon, @jho_ikara, @YoureGuardianAlien, @littlexibi @OuiSel, @Chanyeal, @iamelaine11 at kay @tgwcbm. Ito ay para sa limited offer na ginawa kong status dito sa wattpad. Ngayon ko  na dinedicate, baka magkalimutan.

Last AN. Pafollow sa instagram! XD First time. theweirdapple username ko. Di ko na ieexplain. Labyu! Ang groups po natin sa facebook ay matatagpuan pa rin sa External Link. 

Rye’s POV

On my way to school, iniisip ko pa rin ang nangyari last Friday. I wonder why Chloe is really clingy. As a guy, ramdam naman naming kung may gusto ang isang babae sa amin eh. Their actions are already proof for that. It’s just that, medyo awkward lang dahil si Chloe ang involved.

Last week, nagulat rin kami sa pagkahimatay ni Chloe. Buti na lang merong nakaantabay na Medics Team sa labas ng St. Peter and Paul’s Hall. Wala na rin masyadong tao kaya madali naming siyang naitakbo sa maliit na space na kinalalagyan ng mga volunteer medical team para sa event na ‘yon. Inexpect siguro ng admin na maraming tao talaga ang pupunta kaya naging handa talaga sila.

Wala siyang malay. Ako rin ang nagbuhat sa kanya papalabas ng hall. Good thing is prepared talaga ang mga tao that day. Nabigyan agad si Chloe ng paunang lunas para sa nangyari sa kanya. Nagkaroon rin siya ng malay matapos ang insidente. Pero I insisted na umuwi na siya that night upang makapagpahinga. However, she insisted na ihatid ko raw siya. I did. Naawa naman ako sa kanya. Ang dami niya nang iniisip at ayokong magkaroon rin siya ng sakit sa mga ganitong panahon.

Naalala ko pa ‘yung itsura ni Rebecca nang ipaalam kong ihahatid ko siya. Hindi siya sumagot ng payag siya o hindi. I just told her na ngayon lang naman ‘to dahil baka kung anong mangyari kay Chloe. Umalis akong hindi inaantay ang sagot niya. I know, it sucks pero sa mga panahong ‘yon I really need to help Chloe. Ayokong maging dahilan ng pagkakasakit niya.

Sumakay kami sa taxi para mas mabilis. Mabuti na lang nakatawag agad sila ng taxi papalabas naming mismo ng hall. That night, maraming tao sa labas no’n. Maraming nakiusisa. Inaalalayan ko kasing maglakad si Chloe. Hindi iyon sobrang emergency pero parang gano’n na rin. Ang gulo. Siya kasi. Kahit nasa loob na kami ng taxi, isinasandal niya pa rin ang ulo niya sa akin. Inintindi ko na lang ‘yung tao.

“Ayos ka lang?” I asked her.

Nakapikit siya at patuloy sa pag-iyak. Sobrang sakit raw kasi ng ulo niya. Hindi pa pala siya nagtatanghalian. Pinagalitan ko siya at pinaalalahanan na ‘wag magpapalipas ng gutom. She just nodded without saying any word.

“Baka magselos si Rebecca,” she said.

“Magseselos talaga siya pero later ko na lang ipapaliwanag. Nakakapag-alala ka kasi. Ano bang nangyari sa’yo? Ni hindi ka man lang nagsasabi ng nararamdaman mo. Don’t—“

“Tumigil ka nga Rye. Para kang ‘yung ex ko. Lagi niya kong pinapagalitan. Konti na lang gagawin niya na kong robot niya at nasa kanya ang remote. Bakit ba ganyan kayong mga lalaki? Ang concern niyo.. Konting kibot, ganyan.” sinabi niya.

Being concerned is one way of showing care for someone,” I answered habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Ang ironic lang, alam kong minsan nagiging possessive or sobrang concern si Rebecca sa akin, pero there are times na hindi ko rin iyon naiintindihan.

“Do you care for me, Rye?” she asked. I felt awkward. Ayoko kasing bigyan niya ng kahulugan ang pagtulong ko sa kanya. Ang ginagawa ko ay pure concern lamang. Pagiging gentleman. Kahit sino namang himatayin sa harap ko, tutulungan ko eh.

“Care? Yes. That’s all. Wala ng iba.”

Hindi na siya sumagot pagkasabi ko no’n sa kanya. Hindi rin siya umimik. Nakarating kami sa bahay niya nang walang imikan. Miski nang binuksan ko ang pinto para sa kanya, ni hindi man lang siyang nagsabi ng goodbye or anything. Inintindi ko na lang siya dahil masama ang pakiramdam niya.

***

“So, pa’no ‘yan, absent pala si Ma’am Chloe?” sabi ni Kuya while he’s typing on his laptop. He’s wearing his eye glasses habang busy siya sa paggawa ng quiz niya para raw mamaya. Nga pala, nasa loob kami ng faculty room.

“Tinawagan niya ko kagabi, siguro isang linggo raw muna siyang mawawala,” I answered while reading the next short story that I will be discussing this afternoon.

“Kawawa naman si Ma’am. Pakiramdam ko, pagod ‘yon. O kaya, sobrang pagtayo ng matagal. Aba, mahirap nang mag-assist ng ganon katagal. Lalo pa si Rye ang handle niya,” said Anna. She’s having her breakfast.

“Handle talaga? Not really. Though I’m thankful pa rin dahil nga nagtyaga siya despite sa napakaraming babae who keeps on yelling at her everytime na magkasama kami. I don’t know, pero mabait naman siya. Ayoko lang talaga ng hinahawakan niya na ako sa leeg,” I said. Isinara ko muna ang librong binabasa ko. Puyat rin ako kagabi at hindi makatulog, kahit pa wala akong ginawa maghapon.

“Buti na lang tapos na ‘yung pag-aaksaya natin ng panahon sa pauso ni Ma’am Gomez. That was really corny. In fact, nakikisama lang talaga ko sa kanya, Rayling. Ayoko na next year,” –Rain

“Corny raw, pero bawat pag smile that night eh napakamakahulugan? Nag-enjoy ka kaya!” –Anna

“Nag-eenjoy lang naman ako kapag kasama kita,” at kinindatan pa ni Kuya si Anna.

“Enough Kuya. Mas corny ka ngayon. Pwede ba.” I said.

Monday nga pala ngayon. And I know, walang pasok si Rebecca. Definitely, I don’t have the best chance to talk to her. Hindi kakayanin ng schedule ko ang lumabas sa school. I just wish na sana andito siya sa school kahit pa every Tuesday lang ang pasok niya.

Inayos ko na ang mga gamit ko bago pumunta sa meeting ng English Club. Cellphone lang ang dinala ko in case na may magtetext sa akin. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa table sa loob ng faculty room then I went out.

Sa corridor, nasalubong ko si Ma’am Gomez habang kasunod ‘yung Student-Assistant, ang may pakana ng contest last Friday. Tinignan niya ako.

“Uhm, mukhang wala atang bulaklak sa table mo Sir? Mukhang naubusan na ng mga alaga,” she said.

I smiled. Hindi ako pumapatol sa pang-aasar niyang puno ng sarcasm.

Dumiretso na ako sa headquarters ng English Club. Nakita kong si Pam at Joe lang ang nasa loob. Akala ko naman may urgent meeting kami ngayon. Bakit dalawang officers lang ang nandito?

Umupo ako sa upuan at inilapag ang cellphone ko sa mesa. I looked at Pam, “Where are the others?” She wasn’t smiling. In fact, mukhang may problema ang babaeng ito base sa pagkabasa ko sa itsura niya.

“Hey, Joe. Where are the other officers?” sabi ko.

“Sir, nag-resign na po sila. Lumipat na po sila sa Glee Club,” he said.

“What the fvck is wrong with them?” at nang mapansin kong nabigla si Pam sa pagmumura ko, “Sorry,” ang dinugtong ko. “I was just shocked. We need to evaluate the event last Friday, right?”

“Sir, at the first place, wala talaga silang hilig sa club na ito. They just joined because kayo ang nabalitaan nilang magiging adviser. Ni hindi nga sila pumupunta ng meeting kapag wala kayo,” she answered. “Lumipat sila sa Glee Club para raw kay Sir Jael. Natatangahan ako sa rason nila Sir.”

‘Yan ang mahirap sa mga estudyante ngayon. Mukha na lang ang habol sa lalaki. Eh sana, pag-aaral ang unahin bago ang love. Dati, akala ko love life lang ang nagpapatakbo ng mundo, pero narealize kong parte lang ito. We don’t need to dwell on love that much. All we have to do is to share it as long as we can. Okay, I’m being dramatic.

“I don’t care kung wala sila. What we need to do is to do something. Officers lang naman ang nawala, hindi ang Club. By the way, Joe. Nasaan na nga pala ang evaluation sheets na pinamigay last Friday? Sorry, umalis ako agad kaya hindi ko na kayo natulungan. You know what happened to Ma’am Chloe, right. So, asan na?”

“Sir, wala po kasing nag-asikaso ng evaluation sheets after the event,” he said.

“Hindi ba may naka-assign na tao ron?”

“Iniwanan po nila Sir. Ang natatandaan ko lang po sumunod sila kay Sir Jael para magpa-picture at manghingi ng autograph. Hindi na rin po sila nakapagpaalam at umalis na ng tuluyan,” –Joe

“Kaya siguro sila umalis ay dahil hindi pa nila ako nakikitang nagagalit. Right Pam?” I looked at her at umiwas siya ng tingin.  “Kidding. Sa’n ba ang practice ng Glee Club ngayon? I think I have to talk to them. Give me their names. Their resignation is not yet formal if they won’t talk to me.”

Inabot ni Pam ang isang long bond paper. May tatlong columns roon. Isang column para sa names ng mga officers. The rest, para sa contact number at e-mail address nila. Kinuha ko iyon. Nagpaalam na rin naman ako sa kanila para puntahan ang Glee Club.

“Joe, come with me. I think I need your charm to attract them,” at pagkasabi ko nito, nasamhid si Pam ng walang dahilan. “Pag-sang-ayon ba ‘yang reaction mo Pam?”

“No, Sir.” Sagot niya.

Kasama ko si Joe. Pumunta kami sa Multimedia Room para puntahan ang officers na nakalimot ng tungkulin nila. The most important element of any organization is unity. Hence, I need to get them back to the org. No matter what it takes.

“Sir, nakakahiya naman pong istorbohin sila sa practice nila,” Joe said.

“There would be no problem if we’ll stay calm. We’re just going to ask, alright?”

“Okay po, Sir.” At nag-stay siya sa likod ko.

Hinawakan ko ang door knob. Hindi na ako kumatok dahil alam kong hindi rin naman niya ‘yon papansinin. As I entered the room, nakita ko sila sa loob. Si Sir Jael, ang five officers of the club, si Roxanne? At si Rebecca.

They were forming a half circle. Nasa gitna ang conductor nila. Nakaupo naman sa likod ng conductor si Sir Jael. Therefore, wala siyang ginagawa. Therefore, hindi rin siya busy at pwede ko siyang kausapin.

Lumapit ako sa kanya, “Excuse me.” Then, lumingon siya sa akin.

Tumayo siya at kinamayan niya ako. “Hi, Sir Rye, ano pong kailangan niyo?” and he smiled randomly. Fvck.

“I need to talk to the five girls, here are their names,” and I showed him my list.

“You need to talk to them pero hindi mo sila kilala?” he asked.

“Yes. We are still in the stage of knowing each other. I think, nothing’s wrong if I’ll just list their names,” I answered, sarcastically.

“I see. Pupuntahan mo ba sila dahil may kailangan ka?” teka, nang-aasar ba siya?

“No. I just need to confront something to them,” and as I say these things, the conductor stopped beating for the choir. Everyone’s now looking at us.

“Claudine, Rose Anne, Maria Lyn, Mary Jane, and Lhei. I think, your former org adviser wants to talk with you,” he told my students. Is he really annoying me? I’m pissed. Really. “See? Hindi naman mahirap tandaan ang pangalan nila. You just have to be hands on,” he said then tinalikuran niya na ako.

Hindi ko na siya sinagot. I talked to the girls about what they did last event. Hindi tama na bigla na lang silang umalis. If they don’t like something, they could have just told Pam, Joe, or even me. Hindi naman sila umimik. Nanghingi rin sila ng sorry.

Habang kinakausap ko sila, napansin kong tinawag niya si Rebecca. Nakita ko pang binulungan niya ito. What’s worst eh nagtawanan pa sila. What the hellest hell is going on with them?

Nananadya ba siya?

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
446K 974 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
3.6M 99.4K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...