Because Almost is Never Enough

Oleh CelineIsabellaPHR

364K 8.4K 1.5K

Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang n... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 11 - for real na
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (SPG)
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 17.3
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 18.3
Chapter 18.4
Chapter 18.5
Chapter 19.1
Chapter 19.3
Chapter 19.4
chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 20.3
announcement
xxx

Chapter 10

12.1K 304 70
Oleh CelineIsabellaPHR

"'ASAN sila, Manang?" agad na tanong ni Yael sa nagpapasok sa kanya na kawaksi nina Krissy. Ipinarada niya ang lumang dirt bike niya sa likod ng mga sasakyan ni Linus. Nandoon na rin ang sasakyan ni Gary.

"Nandoon sila sa may pool," pakli nito.

"Nand'yan na rin 'yong magandang ex ko?" biro niya.

Ngumisi ito. "Lahat naman ng ex mo, Yael, maganda. Pero pinakamaganda si doktora."

Ganoon na lang ang halakhak ni Yael. "Nand'yan na nga?"

"Oo, nand'yan na siya."

"Salamat," aniya. Hindi na napigilan ni Yael ang pagguhit ng ngiti niya. Habang magkasama sila ni Jac kagabi, masasabi niyang niyang normal naman ang naging kuwentuhan nila. Kung sabagay, hindi naman sila ang kauna-unahang mag-asawang naghiwalay na magiging malapit sa isa't-isa.

Inilabas ni Yael ang iPhone niya. Habang nasa daan siya kanina ay nagba-vibrate iyon sa bulsa niya.

Text message iyon galing kay Leslie. Itinatanong na naman nito kung nasaan siya. Pang-sampung pagtatanong na nito iyon sa buong maghapon. Sa pagkakaalam niya ay nakipag-meeting si Leslie sa may-ari ng resort na balak ding kumuha sa serbisyo nito. Sinabi niyang nasa bahay siya nina Linus.

Sa halip na pumasok sa loob ng bahay kung saan may pintuan din palabas sa mismong pool area ay tinalunton ni Yael ang pathway sa gilid.

Kakaliwa na sana siya sa dulo ng bahay nang marinig niyang may tumawa mula sa loob. Kahit hindi niya tingnan ay alam na niyang si Krissy iyon.

"Oo, nga," ani Krissy. "Six weeks."

"Ano'ng sabi ni Linus?"

Dahil narinig ni Yael ang boses ni Jac ay bumalik siya at sumilip sa may bintana. Sina Krissy at Jac nga ang nasa kusina. Naglalabas si Krissy ng mga plato. Si Jac naman ay nakasandal sa kitchen counter.

"Eh, ano naman ang sasabihin niya?" wika ni Krissy. "Siya naman itong may ayaw mag-condom."

Noon pa man ay ganoon na kung mag-usap ang dalawa. Wala ring pakialam ang mga ito noon kahit naririnig niya ang pinagtsi-tsimisan ng mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ng dinig, mukhang pagbubuntis ni Krissy ang pinag-usapan ng dalawa.

Napailing si Yael. Kung tama ang dinig niya, apat na ang magiging anak ni Krissy at ni Linus. At apat na buwan pa lang ang bunso.

Aalis na sana siya nang itukod ni Jac ang isang kamay nito sa kitchen counter at namaywang.

Napatingin tuloy siya sa balakang nito. Napalunok siya.

And suddenly, he no longer had the strength to get his eyes off her slim waist, shapely hips and long legs. At hindi nakakatulong na hanggang taas lang ng tuhod ni Jac ang bulaklaking light blue na bestida nitong may tila malambot na tela at may napakanipis na straps na nakatali lang sa may batok nito.

Sigurado si Yael, magiging mahaba ang gabi niya.

"HINDI man lang kayo naawa sa bata. Sinundan n'yo na agad?" wika ni Jackie habang pinapanood niya si Krissy na naglalabas ng mga plato. "Four months pa lang si Lancelot, ah,"

Pinandilatan siya ni Krissy. "Eh, malay ko ba. Akala ko talaga safe pa ako. Last time kasi one year bago ako nagka-period uli."

Nang dumating si Jackie kanina ay agad siyang inusisa ni Krissy tungkol sa naging kuwentuhan nila ni Yael. Pagkatapos niyang magkuwento ay agad na nitong sinabi sa kanya na buntis daw ito. Uli. Ang sarili daw nito ang unang kliyente nito sa lab nito. "Eh, bakit hindi n'yo man lang nahintay na magka-period ka bago kayo nag-go nang todo."

"Hello, Jackie, puwede ba namang pigilan 'yon," ani Krissy at binuntutan iyon ng hagikhik.

Pinaikot ni Jackie ang mga mata niya.

"Palibhasa kasi nakalimutan mo na kung gaano kasarap," dagdag ni Krissy.

Pinandilatan niya ito. "Ang bibig mo, Krissy!" Luminga-linga si Jackie. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ni isang tao sa paligid.

Ibinaba ni Krissy ang mga plato sa lamesa. "Seriously, Jackie. How long had it been since the last time you had sex? Ten years?"

Tiningnan niya ito nang masama. "Nine years and two months lang."

Humalaklak si Krissy. "Sige ka, baka magsara 'yan."

Napailing na lang si Jackie. Sa halip na sumagot ay humila si Jackie ng isang upuan. Umupo siya.

Kumunot ang noo ni Krissy. "O, ba't bigla kang natahimik d'yan?"

"Wala."

Umupo rin si Krissy. "Ano'ng problema? Si Kenneth? Nagpaparamdam?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Umiling siya. Iyon ang isang bagay na hindi na gagawin ni Kenneth. He was a surgeon. Mataas ang tingin nito sa sarili nito. "He's got God-complex, Krissy. Nagpakumbaba na siya sa 'kin minsan. 'Di na 'yon uulit."

"O, eh, ano? Gusto mong makipagbalikan?"

Umiling si Jackie. "Naisip ko lang kasi na baka hindi ko talaga minahal si Kenneth. Kaya nang magkaproblema kami umayaw na ako agad."

"Paano mo naman nasasabing hindi mo mahal? Kilala kita. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari naging maingat ka na. Two boyfriends in nine years ka lang. At walang sex."

Umiling si Jackie. "Ewan ko. Hindi naman siguro niya ako sasabihang frigid kung naging mabuti akong girlfriend, 'di ba?"

"You know you're not. I mean, frigid."

"I know. Pero bakit ganoon? Bakit sabi niya hindi daw ako nagri-respond sa halik."

"Eh, baka hindi siya marunong humalik?"

"'Yan ang sinasabi ko sa sarili ko. Pero paano kung ako pala ang may problema? Paano kung good kisser pala siya pero ang hinahanap ko pala sa kanilang dalawa ni Lemuel, eh, hindi ko na talaga makikita kahit kailan?"

Sumimangot si Krissy. "Medyo magulo. Nahihirapan akong sundan ang sinabi mo."

Nagbuga si Jackie ng hangin. "Krissy, what if I'm looking for something that only comes with the magic of first love? Paano kung sa first love lang pala talaga 'yong nanginginig ang tuhod? 'Yong parang hindi ka nakukuntento sa isang kiss lang?"

Ipinilig ni Krissy ang ulo nito. "And the desire to take your clothes off?"

Tumango siya. "Too put it bluntly, yes."

Humugot ng malalim na hininga si Krissy. "Alam mong hindi si Linus ang first love ko, 'di ba? Pero tingnan mo naman kami. Eight years of marriage later, we still can't get our hands off each other." Hinawakan nito ang braso niya. "Kaya girl, hindi 'yan magic ng first love. Maybe you just haven't found the right man yet."

Napangiti si Jackie. "At makikita ko naman siguro siya 'no?"

"Oo, naman. Nand'yan lang 'yon sa tabi-tabi. At 'pag nakita mo siya, I'm sure gagawa ka ng kababalaghan kasama siya, may suot ka mang damit o wala."

Nanlaki ang mga mata ni Jackie. "Sasabihin ko pa naman sana na minsan matino-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya. Kunot ang noong napatingin siya sa pintuan ng kusina.

"Bakit?"

Hindi niya sinagot si Krissy. Lumapit siya sa pintuan. Sumilip siya pero wala siyang nakita.

"Bakit ba?" ulit ni Krissy.

"Para kasing may narinig akong kumaluskos. 'Tsaka tumayo ang balahibo ko sa batok."

"Baka pusa," anito. Binuhat nito mula sa lamesa ang mga plato. "Tara na. Baka mainip na 'yong mga 'yon."

Kinuha na rin ni Jackie ang tray kung saan nakapatong ang mga baso at mga kubyertos at sinundan na niya ito sa likod bahay.

"Ang tagal n'yo," wika ni Lira.

"Pinunasan pa ang mga plato, eh," ani Jackie. Nang maibaba niya ang mga dala niya ay umupo na rin siya.

"Kainan na?"

Hindi na napigilan ni Jackie ang pagguhit ng ngiti sa labi niya nang marinig ang boses ni Yael. Lumingon siya.

Naglalakad si Yael palapit sa kanila. Malapad ang ngiti. Obviously, sa loob ng bahay ito dumaan dahil sa direkyon ng pinto ito galing. Puting T-shirt at itim na board shorts lang ang suot nito. Mukhang nangangapitbahay lang pero halatang bagong paligo ito dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. At mukhang napakabango.

"Puwede na, bro," wika ni Linus. "Parating na rin daw sina Leklek.

Bumaling si Yael sa kanya. "Hello, Jac!"

"Hi," pakli niya.

"Wala man lang ba tayong videoke?" tanong ni Yael.

Lumabi si Krissy. "Para namang kumakanta ka!"

"In the mood nga akong kumanta ngayon."

"Ano naman ang kakantahin mo, Kuya?" sabad ni Lira. "Somewhere Down the Road?"

Muntik nang masamid si Jackie sa implikasyon ng sinabi ni Lira.

Tiningnan ni Yael ng masama si Lira. "Ano'ng akala n'yo sa 'kin, lumang kanta lang ang alam? You are underestimating me, people."

"Ano, John Legend?" sabad ni Krissy. "Ordinary People?"

Lumapit si Yael kay Krissy. Inipit nito ang leg ni Krissy sa kilikili nito bago pinisil ang ilong nito. "Ang cute mo..."

"Bitawan mo ako!" sigaw ni Krissy. "'Ambaho ng cologne mo."

Hindi na napigilan ni Jackie ang mapangiti sa hitsura ng dalawa. Noon pa man ay ganoon na rin ang mga ito kung mag-asaran.

"Mas mabango ako sa asawa mo," ani Yael. Binitawan nito si Krissy. "Asarin n'yo pa ako, hindi ko babayaran ang share ko sa lechon."

"Ang kapal mo," tili ni Krissy. "Akin na ang bayad!"

Kumuha si Yael ng isang bote ng beer. "Naiwan ko 'yong wallet ko."

Ibig sabihin pala ay nag-ambagan ang mga ito sa handa ngayong gabi. "Ako, magkano share ko?" tanong ni Jackie.

"Libre ka," wika ni Krissy.

"Thank you," aniya.

"At talagang hindi man lang nag-offer," wika uli ni Krissy.

Pinandilatan niya ito. "Ano ba talaga?"

"Huwag n'yo ngang niloloko 'yang panauhing pandangal," wika ni Yael. Umupo ito sa tabi niya.

"Bakit hindi mo isinama si Leslie?" tanong niya. "Busy?"

Lumapad ang ngiti ni Yael. "As a bee... Leslie is as busy as a bee."

Muntik nang umigkas ang kilay ni Jackie. May nararamdaman siyang kakaiba kay Yael. He looked really happy. Almost euphoric. Pero bago pa siya makapag-usisa ay dumating na si Leklek. Kasama nito ang asawa nitong si Charles at ang bayaw nito.

****

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

143K 2.7K 16
Surrender My Heart Sharmaine Light "Kapag nagka-girlfriend ako, ayoko ng katulad mo. Gusto ko... ikaw mismo." Mala-Cinderella ang drama ng buhay ni L...
147K 3.8K 20
Akala ko, mga babae lang ang may isipin na magkaroon na lamang ng anak-at hindi asawa. Until I met Artemis. He wasn't interested having a wife but ve...
175K 5K 28
Andrea ang pangalan ko, pero mas kilala sa pangalang Drew. Ang sabi ni Kuya Bernard, dapat daw sa edad ko ay nakikipag-date na ako. Iisang pangalan l...
313K 16.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.