The Game Called Love ✔️

By immorthelle

27.5K 585 119

I thought I was the king, but turns out to be that I am just a pawn. More

The Game Called Love
#1: ღ Intro ღ
#2: ღ Like to Hate ღ
#3: ღ Love Triangle Daw? ღ
#4: ღ The Game Starts Now ღ
#5: ღ You're not sorry ღ
#6: ღ Kalokohan ღ
#7: ღ Kalokohan Part Two ღ
#8: ღ Stalker ღ
#9: ღ First Day part I ღ
#10: ღ First Day part Two ღ
#11: ღ The Nomination ღ
#12: ღ Butterflies in my stomach ღ
#13: ღ Sunset <3 ღ
THIS IS NOT AN UPDATE XD
#14: ღ I promise ღ
#15: ღ Angel of Mondays ღ
#16: ღ Date ღ
#17: ღ Confused ღ
#18: ღ Yats ღ
#19: ღ Bahala na ღ
#20: ღ Fourth ღ
#21: ღ He is real ღ
#22: ღ Weird ღ
#23: ღ Shit ღ
#24: ღ Waiting For Superman ღ
#25: ღ Badtrip ღ
#26: ღ First Heartbreak ღ
#27: ღ Second Heartbreak ღ
#28: ღ Baste ღ
#29 ღ Where It Hurts ღ
A Must Watch Special Video of TGCL
#30: ღ Back Up ღ
#32: ღ Frustrated ღ
#33: ღ His Side ღ
#34: ღ Talk ღ
#35: ღ Truth ღ
#36: ღ Stay Forever ღ
Author's Message :)
TGCL Playlist

#31: ღ Third Heartbreak ღ

292 9 1
By immorthelle

ERHIA

To: Tita Lane

Hi tita! How's ate Abby? Later po dalaw ako dyan, kain na po kayo breakfast :)

Message sent!

After I send my message to tita Lane, I let out a deep sigh. Grabe nakaka frustrate na ang mga nangyayare. Sana naman gumaling na si ate Abby at makapasok na siya agad. Ramdam na ramdam ko ang lungkot ng aura dito sa school. Alam na kasi ng lahat ang nangyari, medyo nag light lang ang mood dahil sa pagkapanalo ni Seiya at Xander sa contest. Hay nakakamiss naman si ate Abby, walang maingay sa room. Absent rin si kuya Caleb at si Zaniel. Ano bang meron?

I lean on my desk and started doodling on the back of my notebook, at aba naman! Na doodle ko pa pangalan namin ni Steve! Jusme ano bang nangyayare sa buhay ko, may sapi na ba ko? Pero infairness ang cute ng combination ng pangalan namin ah, 'Erhiste' pronounce as Erist. SHET! Ano ba Erhia! Bago pa may makakita ng kagagahan ko ay sinara ko na yung notebook ko.

Napunta naman ang atensyon ko kay Baste na nasa gilid at sa may gawing unahan, nag hand gesture siya na kung okay lang ba ako, nag smile naman ako sakanya at nag thumbs up.

Pumasok naman si Steve at Arisha ng magkasama at nagtatawanan pa. Lahat kami napatingin sakanila dahil ang nagmistulang tahimik na room namin kanina ay napuno ng ingay nang dumating silang dalawa. Mukha namang napansin nilang dalawa ang pagpunta ng atensyon naming lahat kaya naman nagtinginan sila at ngumiti sa isa't isa. Naglakad sila papunta sa akin, ay mali pala, nilagpasan pala nila ako, nilagpasan niya ko. Sa pagkakaalam ko may sitting arrangement kami at siya ang katabi ko pero hindi siya tumabi sa akin, tumabi siya kay Arisha na nakaupo sa likuran ko. Edi wow!

"Ang galing mo mag ayos kay Seiya ah, yung maamo nating pres naging hot sa stage, thumbs up sayo Shasha." –Rinig kong sabi ni Steve kay Arisha, err 'Shasha?'

"Nambobola ka nanaman! Fierce naman talaga si Sey e. Grabe yun pag nagpapadetention haha." –Tugon naman ni Arisha. Yung tono pa ng boses e parang pabebe na kinikilig ay ewan ko

"Ikaw din naman fierce e, para ka ngang tigre pag napipikon ka sakin haha isa ngang sample, rawr ka." –Wth! Sige lang landian pa kayo sa likuran ko, iparinig niyo lang sa akin grr.

Bago pa ko mabwisit sa landian ng hinayupak na nasa likuran ko e dumating na yung teacher namin. Mabuti naman. Pinalabas niya yung notebook namin dahil magkakaron daw ng by pair ngayon para sa research paper. Ano ba yan, stress overload masyado.

"Choose your partner wisely, kayo na bahala pumili." –Sabi ni sir saamin.

"Partner na tayo Shasha." –Malanding sabi ng unggoy sa likuran ko. Grr! Beast mode na talaga ako edi sila na mag partner!

Kinalabit ko si Seiya pero sabi niya magkapartner na daw sila ni Xander, oo nga pala love birds na yung dalawang to, so what to expect pa? Teka si Tania na lang pala!

"Tania may ka-partner ka na ba?" –Kinalabit ko siya at humarap naman siya saakin ng nakanguso.

"Ayy Erhia, meron na e. Si Marco ang ka-partner ko. Wala ka pa bang partner?" –Tanong ni Tania sa akin.

"Wala pa e." –Napasimangot naman ako nang malaman kong may partner na si Tania.

"Hala! Hindi ko naman kasi alam. Akala ko meron ka ng partner, kung alam ko lang edi sana ikaw na lang yung partner ko." –Halata sa mukha ni Tania na nag aalala siya para sa akin, mukha pa siyang guilty kaya nginitian ko siya para hindi mabakas sa mukha ko na naiiyak na ko dahil wala akong ka-pair :(

"Ano ka ba okay lang yun, magsosolo na lang ako. Wag ka ng mag alala diyan." –Pinat nya yung ulo ko at nag sorry, nginitian ko lang siya at sinabing okay lang. Pero sa totoo lang gusto ko ng maiyak, ate Abby I need you here :(

Sa hindi ko namalayan ay umupo pala si Baste sa bakanteng upuan na tabi ko. "Hey chocolate, are you okay?" –Tanong niya saakin. Umiling ako bilang sagot, seryoso gusto ng pumatak ng mga luha ko. Dagdag pa yung unggoy na nasa likuran ko.

"Oh what's wrong? May masakit ba sayo?" Halata ang pag aalala sa boses ni Baste kaya naman tinignan ko siya kahit teary-eyed na ko.

"E kase Baste, wala akong partner sa research paper natin. Solo ko lang." –Tinakpan ko yung mukha ko dahil di ko na talaga mapigilan yung pagpatak ng mga luha ko, peste naman oh ang babaw talaga ng mga luha ko!

Hinawakan naman ni Baste yung kamay ko at pinunasan yung luha ko. "Sinong may sabi sayong magsosolo ka? Nandito ako, I'll be your partner." –He pats my head and smile at me. Nag light naman yung mood ko dahil sa mga narinig ko. Buti pa si Samuel lagi nandito sa tabi ko, kahit na kakakilala pa lang namin siya na palagi tumutulong sa akin. Niyakap ko siya sa sobrang saya na nararamdaman ko. Gulat naman ang reaction niya pagkakalas ko sa yakap ko. Aww ang cute naman ni Baste! Namumula pa siya haha parang kamatis *u*

Hindi ko namalayan na nasa loob pala kami ng classroom kaya naman inasar kami ng mga kaklase namin, pati na rin yung teacher namin. Hala!

"So next to Seiya and Xander, may isa pa pala tayong love birds." –Pang aasar ng teacher namin. Nag ayie pa lalo yung mga kaklase namin kaya namula ako lalo, hala naman! Tinignan ko yung expression ni Baste, at hala! Mas lalo siyang namula haha! Ang cute naman niya.

"Sir may pangtalo rin tayong love birds, kanina pa sa likod 'tong si Arisha at Steve e." –Sigaw ng isa naming kaklase. Napa woah naman silang lahat.

"I see, punong puno pala ng love birds ang section na to. Kaya pala iba ang aura pag pasok ko, umuulan ng puso." –Duh sir! Hindi ko ramdam na umuulan ng puso pwe! Ang bitter ko naman.

Nagbago nanaman ang mood ko, the whole subject hindi ako nakikinig. Hindi matanggal sa isip ko kung ano na talaga ang meron kay Arisha at Steve. Sila na ba? Kung sila na nga, walangyang unggoy yan bakit niyaya pa ko ng date tapos binilhan ako ng isang set ng 'The Selection.' Paasa naman, amp.

After ng class, dumiretso ako sa park. Na receive ko na yung reply ni tita Lane sa akin.

Tita Lane

Okay naman na siya, kaso hindi pa rin makausap ng maayos, nag aalala na talaga ako. Pero salamat hija.

Hay, ano ba naman yang si ate Abby. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyare pero sigurado ako na may kinalaman si kuya Caleb dito. Sobra sobra naman na ang naidulot ng dalawang magkaibigan na unggoy na yun sa amin ng ate ko. Hmp.

"Chocolate, ayos ka lang ba? Kanina ka pa malungkot. Dahil ba kay Azalea?" –Umupo si Samuel sa tabi ko.

Umiling ako, "Okay lang ako." –Yan lang ang nasabi ko, wala talaga ako sa mood. Naiinis na nalulungkot lang ako sa mga nangyayare. Hinipan ni Samuel yung mga buhok niya na nalalaglag sa mata niya, mannerism niya yan!

Nakaupo lang kami sa may bench sa park ng school namin, naalala ko nanaman si Steve. Ano ba! Wala na ba akong matinong maiisp kung hindi puro si Steve! Masyado na kong affected, manakaw nga yung linya sa kanta ni David Archuleta na Crush, Am I crazy or falling in love? Is it really just another crush? Ay pwe, corny ko. At tignan mo nga naman, nagmamala music video talaga ang peg ko ngayon. Dumaan ba naman sa harapan namin si Unggoy at Arisha, HHWW pa. Asdfghjkl. Napakunot noo na lang ako at tumingin sa ibaba. Tangina, oo tangina. Ngayon lang ako nag mura kahit sa isip ko lang. Pero sobra na. Bakit parang sobrang sakit na?

Ilang minutong katahimikan. Nakatingin lang ako sa mga paa ko, hanggang sa magsalita bigla si Samuel.

"You like him." –Ini-angat ko ang mukha ko at tinignan siya. Hindi ako sumagot dahil halata naman na ang sagot, kahit na sabihin kong hindi, halata pa rin sa akin na gusto ko talaga siya. Gusto ko si Steve, at ayoko ng i-deny 'tong feelings ko. Gustong gusto ko siya kaya ang sakit sakit.

Nagbuntong-hininga lang si Samuel at tumingin sa langit. Ano kaya ang iniisip niya? Naaawa ba siya sa akin? Na-turn off ba siya kasi mukha akong bata na nagmumukmok dito sa tabi dahil hindi ko nakuha ang gusto ko? Nahihiya na 'ko kay Baste. Hindi ko na alam kung ano na ang magiging lagay namin. Baka awkward na. Muli naman siyang nagsalita, pero this time, hindi ko aakalain ang mga salitang binitawan niya.

"I can be your rebound." –Nanlaki naman yung mga mata ko nang sabihin niya yun, rebound? Baliw na ba siya? Pero nginitian niya lang ako at pinitik ng mahina yung noo ko.

"H-Hindi mo kailangan—"

"I insist, Ms. Chocolate. Sa ayaw at sa gusto mo." –Hindi na ko nakapag-react pa dahil hinalikan niya ko sa noo. Shet na malagkit! Ano ang ibig sabihin nun? Magiging rebound ko siya? Diba ang rebound, yun yung gagamitin mo siya para makalimot. Teka, edi ibig sabihin gusto niya ko? Ay weh? Imposible naman ata. Gulong gulo ako, nakaka frustrate na talaga ang mga nangyayare. Shet talaga! Ate Abby, I really need you here.

--

AZALEA

Nakakainis naman kanina pa ko kinukulit ni mommy na mag kwento tungkol sa nangyayare sa akin. Ang daming tanong! Hindi ba niya naiintindihan na kailangan ko ng time sa sarili ko? Masyado na kong na-s-stress sa lahat.

"Abby, sweetie. You know that you can open up to me, anytime dear. Mommy will listen." –And for the 99th time.

"Mom, please. Not now please. Bakit ba ang kulit niyo?" –Napako ang expression ni mommy sa pagkakagulat dahil first time ko siyang nasagot at nasigawan ng ganun. Tumalikod siya at nakita kong nagpunas siya ng luha niya. Sht, what have you done Abby?

"Okay sweetie, magpahinga ka muna d'yan." –Lumabas si mommy sa hospital room ko at iniwan akong mag isa. I hate myself. Pati si mommy nadadamay sa kadramahan ko. I'm being selfish and stupid, and God, I am so hopeless. Nang dahil sakanya nagkakaganito ako? Am I dumb enough to be like this?

I grabbed my phone and dialed Erhia's number. I need her here. Pero hindi niya sinasagot yung tawag ko, akala ko ba pupunta siya dito? Ugh. Lahat sila paasa. And because of my frustrations, I threw my phone and screamed. Tarantang taranta pumasok si mommy kasama si Caleb.

"Oh my goodness, Abby what's wrong with you?" –Bakas sa mukha ni mom na nag aalala siya.

"Mom, there's nothing wrong with me." –Mariin na sabi ko at inilipat ang tingin kay Caleb, "What is he doing here? Mom we talked about this, ayokong nandito siya!" –I shouted and threw my pillow on the ground.

"Enough Abby! Hindi ko alam kung ano ang problema niyong dalawa, pero ayusin niyo kung ano yun. Please? Just fix everything." –Hinimas himas ni mommy yung noo niya at naiyak na lang bigla. And it pains me to see her like that, she is hurting because of me. Ganun rin si Caleb na nag aalalang inalalayan si mommy pero inilingan lang siya nito at lumabas na ng kwarto ko.

I am such a mess. I am so pathetic.

Lumapit si Caleb sa gilid ng kama ko at hinawakan yung kamay ko. "Don't touch me." –tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya at tinignan siya ng mariin. "Is this what you want? Ito ba ang gusto mong mangyare ha?" –Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko na napigilang umiyak. Sobra na kasi e, hindi ko na alam kung paano ako magiging maayos muli.

"Azalea, please. Nasasaktan ako na makita kang ganyan." –Kumunot ang noo niya na para bang nasasaktan talaga sa mga nangyayare at nasasaksihan niya. Liar, pretender.

"No, hindi totoo. Pwede ba Caleb wag mo na 'kong paikutin pa? Nasasaktan ka? Bullshit. Mas nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi umasa ako na may feelings ka rin sa akin, umasa ako na gusto mo rin ako. Nasasaktan ako sobra, kasi mahal kita. Alam mo ba yun?" –Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero nag confess lang naman ako ng nararamdaman ko sa taong pinakakinagagalitan ko at pinakamahal ko rin. "Mahal kita Caleb, pero umasa lang ako. Isang laro lang naman kasi ang lahat sayo diba?"

"Abby, you're wrong. I love you. Please, maniwala ka sa akin nagsasabi ako ng totoo. And God knows how sorry I am for letting you feel that way. Abby, mahal kita." –His voice is trembling, he's crying. And this is the first time I ever seen him cry. I was taken aback from all he'd said. Mahal niya rin ako?

"Hindi yan totoo. Nagsisinungaling ka." –Nakatingin lang ako sakanya at naghihintay ng kanyang sagot.

"Abby, totoo ang mga sinabi ko. Mahal kita." –He holds my hand, but this time, mas mahigpit na para hindi na ko makapalag pa. I cried so hard after hearing those words. Mahal niya 'ko.

"Pero bakit, paano? E si Zaniel?" –Pinunasan niya yung luha 'ko at tinignan ako ng diretso sa mata.

"We're... just friends."

"Pero lagi kayo magkasama. Akala 'ko, kayo na."

"It's a long story, Abby." –He intertwined his hands on mine, how I badly want this moment to last. So friends lang sila, kung ganun, ako dapat ang pipiliin niya over Zaniel, right?

"Caleb." –I called his name and he looked at me. "You love me, right? I want to be selfish, please stay away from Zaniel, for me." –Binigyan ko sya ng convincing look pero tinignan nya lang ako ng seryoso, bakit may feeling ako na hindi ko magugustuhan yung mga salitang bibitawan niya?

Slowly, he loosened the grip of how he was holding my hand.

"I can't." –Malungkot siya tumitig sa akin, kumunot naman yung noo ko.

"Bakit? Akala ko ba ako ang mahal mo, pero bakit hindi mo siya kayang iwasan? Caleb, ano ba? Naguguluhan ako." –But he just stared at me, blankly.

"Abby, she needs me. Please, just trust me." –He plead

I shook my head and look down, "How can I trust you if you couldn't prove to me that you really love me?"

"I really do love you, please Abby." –He held my hand again. I want to believe him, but I can't, I just can't.

"Mahal mo 'ko? Pero hindi mo siya kayang iwasan, ano 'to gaguhan? Iwasan mo muna siya, prove to me Caleb. Kung talagang mahal mo ko, patunayan mo." –I was just looking at him, yes, I am so selfish, I am so desperate.

"But not this way, Abby." –I look at him in disbelief, ang kapal ng mukha niyang sabihin na mahal niya ko pero simpleng pag iwas sa babaeng pinagseselosan ko hindi pa niya magawa? That's bullshit.

"Then leave." –Nakita ko ang expression ng mukha niya, nasasaktan siya, pero binitawan niya rin yung kamay ko at diretsong lumabas ng pinto. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, naiyak na lang ako. Ine-expect ko na hindi siya aalis, na sabihin niyang iiwasan na niya si Zaniel para sa akin, pero tangina lang. He chose Zaniel over me. Akala ko ba ako ang mahal niya? Sinungaling.

You treated me like a game, and now I'll show you how it's played.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...