Guns and Roses (COMPLETED)

By GiveMeSomeLoveDust

23.3K 707 3

"Humanda na ang may mga atraso sa akin. Panahon na para maningil. At wala akong sasantuhin ni isa sa inyo. Si... More

Guns and Roses
Prologo
ISA
DALAWA
TATLO
APAT
LIMA
ANIM
PITO
WALO
SIYAM
SAMPU
LABING ISA
LABING DALAWA
LABING TATLO
LABING APAT
LABING LIMA
LABING ANIM
LABING PITO
LABING WALO
DALAWAMPU
EPILOGO
MENSAHE MULA KAY LOVEDUST

LABING SIYAM

702 25 0
By GiveMeSomeLoveDust

Labing siyam

Hanggang ngayon ay di ako makapaniwaka sa mga nalaman ko. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. Tatlong araw na ang nakalipas nang makidnap ako ng mga di ko kilalang tao.

Ang dati kong nobyo na si Daniel ay pinatay ng isang lalaki sa isang restaurant habang may kameeting na kasosyo sa negosyo. Binaril siya at sinunog ang buong buong lugar. Siniguradong di na siya makakahinga pa.

At ang lalaking pumatay kay Daniel ay walang iba kung di si Gab- ang walang hanggan ko.

"K-kamusta kayo?" Napatingin ako sa pinto, doon ay may pumasok na isang babae.

"Nori! Bakit ngayon ka lang? Nasaan si Sendo?"

"May binili lang. Nasaan si Kuya?"

"Naliligo."

Napadako ang tingin niya sa akin pero agad siyang nag-iwas ng tingin.

Bumukas ang pinto sa bandang kaliwa ko at lumabas ang pinuno nila.

"Kuya."

"Si Sendo?" Tanong nito.

"May binili lang. Kumain ba ba kayo?"

"Hindi pa."

"Ito para sa inyo." Sabay abot ng plastik na may lamang pagkain.

Naupo ang dalawang lalaki at nagsimula na silang kumain samantalang ang babae ay naupo lang sa isang tabi.

Ilang minuto ang lumipas at nagulat ako ng biglang bumagsak ang dalawang lalaki.

"Kailangan mong makatakas!" Bulong niya sa akin habang kinakalagan ang pagkakagapos ko.

"Sino ka ba?" Tanong ko.

"Mamaya na ko magpapakilala. Kailangan mong makaalis ngayon."

Hinila na niya ako at patakbong lumabas ng gusaling iyon. Sumakay kami sa isang itim na SUV at hindi ko alam kung saan ako dadalhin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Kay Gab." Sagot niya.

Napatahimik ako.

"Totoo ba? Totoo bang si Gab ang pumatay kay Daniel?"

"Oo."

"Tang ina!" Mura ko. Totoo nga ang sinabi ng dalawang lalaki.

"Panoorin mo." May binigay siyang cellphone sa akin at pinaplay ang isang video.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Daniel, may katalik na ibang babae.

"Tarantado 'no? Akala mo nuknukan ng bait gago pala. May ginagawang milagro pagnakatalikod ka.", sabi niya habang nagmamaneho.

"Pa-pa-papaano niya nagawa ito sa akin? Akala ko iba siya sa mga lalaki?"

"Iyon ang akala mo. Ang sabi niya sa amin noon, palipas oras ka lang daw niya. May gusto lang daw siyang kunin sayo at alam mo ba kung ano? Yung pagkabirhen mo. Buti nalang talaga at dumating si Gab at pinatay ang hayop na iyon. Mabuti nalang at di ka napunta sa maling kamay. Awang awa pa naman ako sa gagong yun kaso naisip ko bagay lang sa kanya iyon."

"Bakit siya pinatay ni Gab?"

"Alam mo kasi, ako at ang buong grupo ay may kasalanan sa kanya. Masahol pa kami sa demonyo. Walang alinlangan kung kumitil ng buhay. Alam mo, kami ang dahilan kung bakit mag-isa ngayon si Gabriel, kami kasi ang pumatay sa buong pamilya niya."

Continue Reading

You'll Also Like

488K 12.6K 36
"Don't what what me. Alalay mo lang ako. Hindi asawa!" Ani ni Panyang. 'Sana nga asawa na lang,' bawi sa kaniyang isipan.
239K 4.7K 26
She made a mistake and that was to let her self free for the mean time. The Giving Up My Virginity series number 3 is now finally COMPLETED! ----- ...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
328K 6.9K 38
Formerly Dealing with Axel Jax Monterde :) She's funny and He's the serious type of person. What will happen if their wold collide? He's the Boss a...